Muslim99Muslim99
← Tafsir library

7. Al-A'raaf

The Heights · Meccan · 206 ayahs

سُورَةُ الأَعۡرَافِ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 81–90 of 206

81

إِنَّكُمْ لَتَأْتُونَ ٱلرِّجَالَ شَهْوَةًۭ مِّن دُونِ ٱلنِّسَآءِ ۚ بَلْ أَنتُمْ قَوْمٌۭ مُّسْرِفُونَ

Indeed, you approach men with desire, instead of women. Rather, you are a transgressing people."

Tunay na kayo ay talagang pumupunta sa mga lalaki para sa pagtugon sa pagnanasa, bukod pa sa mga babae na nilikha para sa pagtugon nito. Hindi kayo sumunod sa gawain ninyong ito sa isip ni sa ipinarating [na katuruan] ni sa kalikasan ng pagkalalang, bagkus kayo ay mga lumalampas sa mga hangganan ni Allāh dahil sa paglabas ninyo sa hangganan ng pagtitimping pantao at pagkalihis ninyo sa hinihiling ng mga matinong isip at marangal na kalikasan ng pagkalalang.

Al-A'raaf 7:81Listen in Qur'an →
82

وَمَا كَانَ جَوَابَ قَوْمِهِۦٓ إِلَّآ أَن قَالُوٓا۟ أَخْرِجُوهُم مِّن قَرْيَتِكُمْ ۖ إِنَّهُمْ أُنَاسٌۭ يَتَطَهَّرُونَ

But the answer of his people was only that they said, "Evict them from your city! Indeed, they are men who keep themselves pure."

Walang iba ang tugon ng mga kababayan niyang tagagawa ng malaswang gawaing ito tungkol sa minasama niya sa kanila kundi na nagsabi sila habang mga tumututol sa katotohanan: "Palabasin ninyo si Lot at ang mag-anak niya mula sa pamayanan ninyo; tunay na sila ay mga taong nagpapawalang-ugnayan sa gawain nating ito, kaya hindi naaangkop sa atin na manatili sila sa gitna natin."

Al-A'raaf 7:82Listen in Qur'an →
83

فَأَنجَيْنَٰهُ وَأَهْلَهُۥٓ إِلَّا ٱمْرَأَتَهُۥ كَانَتْ مِنَ ٱلْغَٰبِرِينَ

So We saved him and his family, except for his wife; she was of those who remained [with the evildoers].

Kaya nagbigay-kaligtasan Kami sa kanya at sa mag-anak niya yayamang nag-utos Kami sa kanila ng paglabas sa gabi mula sa pamayanang babagsakan ng parusa, maliban sa maybahay niya; ito ay naging kabilang sa mga nanatili kasama sa mga kalipi niya, kaya tumama sa kanya ang tumama sa kanila na pagdurusa.

Al-A'raaf 7:83Listen in Qur'an →
84

وَأَمْطَرْنَا عَلَيْهِم مَّطَرًۭا ۖ فَٱنظُرْ كَيْفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلْمُجْرِمِينَ

And We rained upon them a rain [of stones]. Then see how was the end of the criminals.

Nagpaulan Kami sa kanila ng isang mabigat na ulan yayamang pumukol Kami sa kanila ng mga batong yari sa putik. Binaliktad Namin ang pamayanan saka ginawa Namin ang mataas nito na mababa nito. Kaya magnilay-nilay ka, O Sugo, kung papaano ang naging kinahinatnan ng mga kababayan ni Lot na mga salarin. Ang kinahinatnan nila ay ang kapahamakan at ang kahihiyang namamalagi.

Al-A'raaf 7:84Listen in Qur'an →
85

وَإِلَىٰ مَدْيَنَ أَخَاهُمْ شُعَيْبًۭا ۗ قَالَ يَٰقَوْمِ ٱعْبُدُوا۟ ٱللَّهَ مَا لَكُم مِّنْ إِلَٰهٍ غَيْرُهُۥ ۖ قَدْ جَآءَتْكُم بَيِّنَةٌۭ مِّن رَّبِّكُمْ ۖ فَأَوْفُوا۟ ٱلْكَيْلَ وَٱلْمِيزَانَ وَلَا تَبْخَسُوا۟ ٱلنَّاسَ أَشْيَآءَهُمْ وَلَا تُفْسِدُوا۟ فِى ٱلْأَرْضِ بَعْدَ إِصْلَٰحِهَا ۚ ذَٰلِكُمْ خَيْرٌۭ لَّكُمْ إِن كُنتُم مُّؤْمِنِينَ

And to [the people of] Madyan [We sent] their brother Shu'ayb. He said, "O my people, worship Allah; you have no deity other than Him. There has come to you clear evidence from your Lord. So fulfill the measure and weight and do not deprive people of their due and cause not corruption upon the earth after its reformation. That is better for you, if you should be believers.

Talaga ngang nagsugo si Allāh sa lipi ng Madyan ng kapatid nilang si Shu`ayb – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – kaya nagsabi ito sa kanila: "O mga kalipi, sumamba kayo kay Allāh lamang walang ukol sa inyo na isang sinasamba, na nagiging karapat-dapat sa pagsamba, na iba pa sa Kanya. May dumating nga sa inyo na isang maliwanag na patotoo mula kay Allāh at isang hayag na patunay sa katapatan ng inihatid ko sa inyo mula sa Panginoon ko. Gampanan ninyo sa mga tao ang mga karapatan nila sa pamamagitan ng pagkumpleto sa pagtatakal at pagkumpleto sa pagtitimbang. Huwag kayong bumawas sa mga tao dahil sa kapintasan ng mga paninda sa kanila at pagpapakaunti sa mga ito, o pandaraya sa mga mamimili ng mga ito. Huwag kayong manggulo sa lupa sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya at paggawa ng mga pagsuway matapos ng pagsasaayos nito sa pamamagitan ng pagpapadala sa mga propeta noon. Ang nabanggit na iyon ay higit na mabuti para sa inyo at higit na kapaki-pakinabang, kung kayo ay mga mananampalataya, dahil sa nakasaad doon na pag-iwan sa mga pagsuway bilang pag-iwas sa sinasaway ni Allāh at dahil sa nakasaad doon na pagpapakalapit-loob kay Allāh sa pamamagitan ng paggawa sa anumang ipinag-utos Niya.

Al-A'raaf 7:85Listen in Qur'an →
86

وَلَا تَقْعُدُوا۟ بِكُلِّ صِرَٰطٍۢ تُوعِدُونَ وَتَصُدُّونَ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ مَنْ ءَامَنَ بِهِۦ وَتَبْغُونَهَا عِوَجًۭا ۚ وَٱذْكُرُوٓا۟ إِذْ كُنتُمْ قَلِيلًۭا فَكَثَّرَكُمْ ۖ وَٱنظُرُوا۟ كَيْفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلْمُفْسِدِينَ

And do not sit on every path, threatening and averting from the way of Allah those who believe in Him, seeking to make it [seem] deviant. And remember when you were few and He increased you. And see how was the end of the corrupters.

Huwag kayong umupo sa bawat daan, habang nagbabanta kayo sa mga taong tumatahak dito upang mandambong kayo ng mga ari-arian nila, at habang bumabalakid kayo sa Relihiyon ni Allāh sa sinumang nagnais ng pagkapatnubay, samantalang mga humihiling na ang landas ni Allāh ay maging baluktot upang hindi ito tahakin ng mga tao. Alalahanin ninyo ang biyaya ni Allāh sa inyo upang magpasalamat kayo sa kanya sapagkat noon ang bilang ninyo ay kakaunti ngunit pinarami Niya kayo. Magnilay-nilay kayo kung papaano ang naging kinahinatnan ng mga tagagulo sa lupa noong bago ninyo sapagkat tunay na ang kinahinatnan nila ay ang kapahamakan at ang pagkawasak.

Al-A'raaf 7:86Listen in Qur'an →
87

وَإِن كَانَ طَآئِفَةٌۭ مِّنكُمْ ءَامَنُوا۟ بِٱلَّذِىٓ أُرْسِلْتُ بِهِۦ وَطَآئِفَةٌۭ لَّمْ يُؤْمِنُوا۟ فَٱصْبِرُوا۟ حَتَّىٰ يَحْكُمَ ٱللَّهُ بَيْنَنَا ۚ وَهُوَ خَيْرُ ٱلْحَٰكِمِينَ

And if there should be a group among you who has believed in that with which I have been sent and a group that has not believed, then be patient until Allah judges between us. And He is the best of judges."

Kung may isang lipon kabilang sa inyo na sumampalataya sa inihatid ko mula sa Panginoon ko at may iba pang lipon na hindi sumampalataya roon, maghintay kayo, o mga tagapagpasinungaling, sa ipapasya ni Allāh sa pagitan ninyo. Siya ay pinakamainam na nagpapasya at pinakamakatarungan na humuhusga.

Al-A'raaf 7:87Listen in Qur'an →
88

۞ قَالَ ٱلْمَلَأُ ٱلَّذِينَ ٱسْتَكْبَرُوا۟ مِن قَوْمِهِۦ لَنُخْرِجَنَّكَ يَٰشُعَيْبُ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ مَعَكَ مِن قَرْيَتِنَآ أَوْ لَتَعُودُنَّ فِى مِلَّتِنَا ۚ قَالَ أَوَلَوْ كُنَّا كَٰرِهِينَ

Said the eminent ones who were arrogant among his people, "We will surely evict you, O Shu'ayb, and those who have believed with you from our city, or you must return to our religion." He said, "Even if we were unwilling?"

Nagsabi kay Shu`ayb – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ang mga malaking tao at ang mga pangulo na mga nagmalaki kabilang sa mga kalipi ni Shu`ayb: "Talagang magpapalabas nga Kami sa iyo, O Shu`ayb, mula sa pamayanan nating ito, sa iyo at sa sinumang kasama sa iyo kabilang sa mga naniwala sa iyo, o talagang babalik nga kayo sa relihiyon natin." Nagsabi sa kanila si Shu`ayb habang nagmamasama at namamangha: "Makikisunod ba kami sa relihiyon ninyo at kapaniwalaan ninyo kahit pa man kami ay naging mga nasusuklam doon dahil sa pagkakaalam namin sa kabulaanan ng nasa inyo?

Al-A'raaf 7:88Listen in Qur'an →
89

قَدِ ٱفْتَرَيْنَا عَلَى ٱللَّهِ كَذِبًا إِنْ عُدْنَا فِى مِلَّتِكُم بَعْدَ إِذْ نَجَّىٰنَا ٱللَّهُ مِنْهَا ۚ وَمَا يَكُونُ لَنَآ أَن نَّعُودَ فِيهَآ إِلَّآ أَن يَشَآءَ ٱللَّهُ رَبُّنَا ۚ وَسِعَ رَبُّنَا كُلَّ شَىْءٍ عِلْمًا ۚ عَلَى ٱللَّهِ تَوَكَّلْنَا ۚ رَبَّنَا ٱفْتَحْ بَيْنَنَا وَبَيْنَ قَوْمِنَا بِٱلْحَقِّ وَأَنتَ خَيْرُ ٱلْفَٰتِحِينَ

We would have invented against Allah a lie if we returned to your religion after Allah had saved us from it. And it is not for us to return to it except that Allah, our Lord, should will. Our Lord has encompassed all things in knowledge. Upon Allah we have relied. Our Lord, decide between us and our people in truth, and You are the best of those who give decision."

Lumikha-likha nga kami laban kay Allāh ng isang kasinungalingan kung kami ay naniwala sa taglay ninyong shirk at kawalang-pananampalataya matapos na nagpaligtas sa amin si Allāh mula roon dahil sa kabutihang-loob Niya. Hindi nagiging tumpak ni nagiging matuwid para sa amin na bumalik kami sa kapaniwalaan ninyong bulaan maliban na loobin ni Allāh, ang Panginoon namin, dahil sa pagpapasailalim ng lahat sa kalooban Niya – kaluwalhatian sa Kanya. Sumaklaw ang Panginoon namin sa kaalaman sa bawat bagay; walang naikukubli sa Kanya mula rito na anuman. Kay Allāh lamang kami sumasandal upang magpatatag Siya sa amin sa landasing tuwid at magsanggalang Siya sa amin laban sa mga daan ng Impiyerno. O Panginoon namin, humatol Ka sa pagitan namin at ng mga kalipi naming mga tagatangging sumampalataya ayon sa katotohanan. Mag-adya Ka sa naaping alagad ng katotohanan laban sa mang-aaping nakikipagmatigasan sapagkat Ikaw, O Panginoon namin, ay ang pinakamabuti sa mga tagahatol."

Al-A'raaf 7:89Listen in Qur'an →
90

وَقَالَ ٱلْمَلَأُ ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ مِن قَوْمِهِۦ لَئِنِ ٱتَّبَعْتُمْ شُعَيْبًا إِنَّكُمْ إِذًۭا لَّخَٰسِرُونَ

Said the eminent ones who disbelieved among his people, "If you should follow Shu'ayb, indeed, you would then be losers."

Nagsabi ang mga malaking tao at ang mga pangulo na mga tagatangging sumampalataya kabilang sa mga kalipi niyang tumatanggi sa paanyaya ng Tawḥīd habang mga nagbibigay-babala laban kay Shu`ayb at sa relihiyon niya: "Talagang kung pumasok kayo, O mga kalipi namin, sa relihiyon ni Shu`ayb at umiwan kayo sa relihiyon ninyo at relihiyon ng mga ninuno ninyo, tunay na kayo dahil doon ay talagang mga napapahamak."

Al-A'raaf 7:90Listen in Qur'an →

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.