Muslim99Muslim99
← Tafsir library

7. Al-A'raaf

The Heights · Meccan · 206 ayahs

سُورَةُ الأَعۡرَافِ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 21–30 of 206

21

وَقَاسَمَهُمَآ إِنِّى لَكُمَا لَمِنَ ٱلنَّٰصِحِينَ

And he swore [by Allah] to them, "Indeed, I am to you from among the sincere advisors."

Sumumpa siya sa kanilang dalawa kay Allāh: "Tunay na ako para sa inyong dalawa, O Adan at Eva, ay kabilang sa mga tagapayo kaugnay sa tinukoy ko sa inyong dalawa."

Al-A'raaf 7:21Listen in Qur'an →
22

فَدَلَّىٰهُمَا بِغُرُورٍۢ ۚ فَلَمَّا ذَاقَا ٱلشَّجَرَةَ بَدَتْ لَهُمَا سَوْءَٰتُهُمَا وَطَفِقَا يَخْصِفَانِ عَلَيْهِمَا مِن وَرَقِ ٱلْجَنَّةِ ۖ وَنَادَىٰهُمَا رَبُّهُمَآ أَلَمْ أَنْهَكُمَا عَن تِلْكُمَا ٱلشَّجَرَةِ وَأَقُل لَّكُمَآ إِنَّ ٱلشَّيْطَٰنَ لَكُمَا عَدُوٌّۭ مُّبِينٌۭ

So he made them fall, through deception. And when they tasted of the tree, their private parts became apparent to them, and they began to fasten together over themselves from the leaves of Paradise. And their Lord called to them, "Did I not forbid you from that tree and tell you that Satan is to you a clear enemy?"

Kaya nagpabagsak Siya sa kanilang dalawa mula sa kalagayang dati silang dalawa naroon dahil sa panlilinlang mula sa kanya at kahibangan. Kaya noong nakakain silang dalawa mula sa punong-kahoy na sinaway silang dalawa laban sa pagkain mula roon, lumitaw sa kanilang dalawa ang kahubaran nilang dalawa na nakalantad kaya nagsimula silang dalawa na magdikit sa kanilang dalawa ng mga dahon ng Paraiso upang tumakip sa kahubaran nilang dalawa. Nanawagan sa kanilang dalawa ang Panginoon nilang dalawa: "Hindi ba Ako sumaway sa inyong dalawa laban sa pagkain mula sa punong-kahoy na ito at nagsabi sa inyong dalawa habang nagbibigay-babala sa inyong dalawa: Tunay na ang demonyo ay isang kaaway para sa inyong dalawa, na malinaw ang pangangaway?"

Al-A'raaf 7:22Listen in Qur'an →
23

قَالَا رَبَّنَا ظَلَمْنَآ أَنفُسَنَا وَإِن لَّمْ تَغْفِرْ لَنَا وَتَرْحَمْنَا لَنَكُونَنَّ مِنَ ٱلْخَٰسِرِينَ

They said, "Our Lord, we have wronged ourselves, and if You do not forgive us and have mercy upon us, we will surely be among the losers."

Nagsabi sina Adan at Eva: "O Panginoon namin, lumabag kami sa katarungan sa mga sarili namin dahil sa paggawa ng sinaway mo sa amin laban sa pagkain mula sa punong-kahoy. Kung hindi Ka magpapatawad sa amin sa mga pagkakasala namin at maaawa sa amin, talagang kami nga ay magiging kabilang sa mga lugi dahil sa pagsasayang namin sa bahagi namin sa Mundo at Kabilang-buhay."

Al-A'raaf 7:23Listen in Qur'an →
24

قَالَ ٱهْبِطُوا۟ بَعْضُكُمْ لِبَعْضٍ عَدُوٌّۭ ۖ وَلَكُمْ فِى ٱلْأَرْضِ مُسْتَقَرٌّۭ وَمَتَٰعٌ إِلَىٰ حِينٍۢ

[Allah] said, "Descend, being to one another enemies. And for you on the earth is a place of settlement and enjoyment for a time."

Nagsabi si Allāh kina Adan, Eva, at Satanas: "Lumapag kayo mula sa Paraiso patungo sa lupa. Ang iba sa inyo ay magiging kaaway para sa iba. Ukol sa inyo sa lupa ay isang lugar ng pagtigil hanggang sa isang panahong nalalaman at isang pagtatamasa sa nariyan hanggang sa isang takdang taning."

Al-A'raaf 7:24Listen in Qur'an →
25

قَالَ فِيهَا تَحْيَوْنَ وَفِيهَا تَمُوتُونَ وَمِنْهَا تُخْرَجُونَ

He said, "Therein you will live, and therein you will die, and from it you will be brought forth."

Nagsabi si Allāh habang kumakausap kina Adan, Eva, at sa mga supling nilang dalawa: "Sa lupang ito mabubuhay kayo sa yugtong itinakda ni Allāh para sa inyo mula sa mga taning, sa loob niyon mamamatay kayo at ililibing kayo, at mula sa mga puntod ninyo ilalabas kayo para sa muling pagbubuhay.

Al-A'raaf 7:25Listen in Qur'an →
26

يَٰبَنِىٓ ءَادَمَ قَدْ أَنزَلْنَا عَلَيْكُمْ لِبَاسًۭا يُوَٰرِى سَوْءَٰتِكُمْ وَرِيشًۭا ۖ وَلِبَاسُ ٱلتَّقْوَىٰ ذَٰلِكَ خَيْرٌۭ ۚ ذَٰلِكَ مِنْ ءَايَٰتِ ٱللَّهِ لَعَلَّهُمْ يَذَّكَّرُونَ

O children of Adam, We have bestowed upon you clothing to conceal your private parts and as adornment. But the clothing of righteousness - that is best. That is from the signs of Allah that perhaps they will remember.

O mga anak ni Adan, gumawa nga Kami para sa inyo ng kasuutang kinakailangan para sa pagtatakip sa mga kahubaran ninyo. Gumawa Kami para sa inyo ng kasuutang panggayak na ipinapampaganda ninyo sa mga tao, ngunit ang kasuutan ng pangingilag sa pagkakasala, na siyang pagsunod sa ipinag-utos ni Allāh at pag-iwas sa sinaway Niya, ay higit na mabuti kaysa sa kasuutang pisikal na ito. Ang nabanggit na iyon kabilang sa kasuutan ay kabilang sa mga tanda ni Allāh, na nagpapatunay sa kakayahan Niya, nang sa gayon kayo ay magsasaalaala sa mga biyaya Niya sa inyo saka magpapasalamat sa mga ito.

Al-A'raaf 7:26Listen in Qur'an →
27

يَٰبَنِىٓ ءَادَمَ لَا يَفْتِنَنَّكُمُ ٱلشَّيْطَٰنُ كَمَآ أَخْرَجَ أَبَوَيْكُم مِّنَ ٱلْجَنَّةِ يَنزِعُ عَنْهُمَا لِبَاسَهُمَا لِيُرِيَهُمَا سَوْءَٰتِهِمَآ ۗ إِنَّهُۥ يَرَىٰكُمْ هُوَ وَقَبِيلُهُۥ مِنْ حَيْثُ لَا تَرَوْنَهُمْ ۗ إِنَّا جَعَلْنَا ٱلشَّيَٰطِينَ أَوْلِيَآءَ لِلَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ

O children of Adam, let not Satan tempt you as he removed your parents from Paradise, stripping them of their clothing to show them their private parts. Indeed, he sees you, he and his tribe, from where you do not see them. Indeed, We have made the devils allies to those who do not believe.

O mga anak ni Adan, huwag ngang manlinlang sa inyo ang demonyo sa pamamagitan ng pang-aakit sa pagsuway sa pamamagitan ng pag-iwan sa kasuutang pisikal para sa pagtatakip sa kahubaran o pag-iwan sa kasuutan ng pangingilag sa pagkakasala, sapagkat nakadaya nga siya sa mga [unang] magulang ninyo sa pamamagitan ng pang-aakit sa pagkain mula sa [bawal na] punong-kahoy hanggang sa ang kinauwian niyon ay na nagpalabas siya sa kanilang dalawa mula sa Paraiso at tumambad sa kanilang dalawa ang kahubaran nilang dalawa. Tunay na ang demonyo at ang mga inapo niya ay nakakikita sa inyo at nakasasaksi sa inyo samantalang kayo ay hindi nakakikita sa kanila at hindi nakasasaksi sa kanila kaya kinakailangan sa inyo ang pag-iingat laban sa kanya at laban sa mga inapo niya. Tunay na Siya ay gumawa sa mga demonyo bilang mga katangkilik para sa mga hindi sumasampalataya kay Allāh. Tungkol naman sa mga mananampalataya na gumagawa ng mga gawang maayos, walang daan sa mga iyon laban sa mga ito."

Al-A'raaf 7:27Listen in Qur'an →
28

وَإِذَا فَعَلُوا۟ فَٰحِشَةًۭ قَالُوا۟ وَجَدْنَا عَلَيْهَآ ءَابَآءَنَا وَٱللَّهُ أَمَرَنَا بِهَا ۗ قُلْ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَأْمُرُ بِٱلْفَحْشَآءِ ۖ أَتَقُولُونَ عَلَى ٱللَّهِ مَا لَا تَعْلَمُونَ

And when they commit an immorality, they say, "We found our fathers doing it, and Allah has ordered us to do it." Say, "Indeed, Allah does not order immorality. Do you say about Allah that which you do not know?"

Kapag nakagawa ang mga tagapagtambal ng isang bagay na malubha ang kasamaan gaya ng shirk, pagsasagawa ng ṭawāf sa paligid ng Ka`bah habang mga nakahubad, at iba pa sa mga ito, nagdadahi-dahilan sila na sila ay nakatagpo sa mga magulang nila na gumagawa niyon at na si Allāh ay nag-utos sa kanila niyon." Sabihin mo, O Muḥammad, bilang tugon sa kanila: "Tunay na si Allāh ay hindi nag-uutos ng mga pagsuway, bagkus sumasaway Siya ng mga ito. Kaya papaano kayong nag-aangkin niyon laban sa Kanya? Nagsasabi ba kayo, O mga tagapagtambal, hinggil kay Allāh ng hindi ninyo nalalaman bilang kasinungalingan at paggawa-gawa?"

Al-A'raaf 7:28Listen in Qur'an →
29

قُلْ أَمَرَ رَبِّى بِٱلْقِسْطِ ۖ وَأَقِيمُوا۟ وُجُوهَكُمْ عِندَ كُلِّ مَسْجِدٍۢ وَٱدْعُوهُ مُخْلِصِينَ لَهُ ٱلدِّينَ ۚ كَمَا بَدَأَكُمْ تَعُودُونَ

Say, [O Muhammad], "My Lord has ordered justice and that you maintain yourselves [in worship of Him] at every place [or time] of prostration, and invoke Him, sincere to Him in religion." Just as He originated you, you will return [to life] -

Sabihin mo, O Muḥammad, sa mga tagapagtambal na ito: "Tunay na si Allāh ay nag-utos ng katarungan at hindi nag-utos ng kalaswaan at nakasasama, at nag-utos na magpakawagas kayo para sa Kanya sa pagsamba sa pangkalahatan, higit sa lahat sa mga masjid at na dumalangin kayo sa Kanya lamang habang mga nagpapakawagas para sa Kanya sa pagtalima. Kung paanong lumikha Siya sa inyo mula sa kawalan sa kauna-unahang pagkakataon, magpapanumbalik Siya sa inyo bilang mga buhay sa ikalawang pagkakataon sapagkat ang Nakakakaya sa pagpapasimula sa paglikha sa inyo ay nakakakaya sa pagpapanumbalik sa inyo at pagbuhay sa inyo."

Al-A'raaf 7:29Listen in Qur'an →
30

فَرِيقًا هَدَىٰ وَفَرِيقًا حَقَّ عَلَيْهِمُ ٱلضَّلَٰلَةُ ۗ إِنَّهُمُ ٱتَّخَذُوا۟ ٱلشَّيَٰطِينَ أَوْلِيَآءَ مِن دُونِ ٱللَّهِ وَيَحْسَبُونَ أَنَّهُم مُّهْتَدُونَ

A group [of you] He guided, and a group deserved [to be in] error. Indeed, they had taken the devils as allies instead of Allah while they thought that they were guided.

Gumawa nga si Allāh sa mga tao bilang dalawang pangkat: isang pangkat kabilang sa inyo na pinatnubayan Niya, na nagpadali Siya para rito ng mga kadahilanan ng kapatnubayan at nagbaling Siya palayo rito ng mga hadlang dito; at iba pang pangkat na kinailangan sa kanila ang pagkaligaw palayo sa daan ng katotohanan. Iyon ay dahil sila ay gumawa sa mga demonyo bilang mga katangkilik bukod pa kay Allāh, kaya naakay sila para sa mga ito sa kamangmangan habang sila ay nag-aakala na sila ay mga napapatnubayan tungo sa landasing tuwid.

Al-A'raaf 7:30Listen in Qur'an →

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.