Muslim99Muslim99
← Tafsir library

7. Al-A'raaf

The Heights · Meccan · 206 ayahs

سُورَةُ الأَعۡرَافِ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 181–190 of 206

181

وَمِمَّنْ خَلَقْنَآ أُمَّةٌۭ يَهْدُونَ بِٱلْحَقِّ وَبِهِۦ يَعْدِلُونَ

And among those We created is a community which guides by truth and thereby establishes justice.

Kabilang sa nilikha Namin ay isang pangkat na napatnubayan sa mga sarili nila ayon sa katotohanan, nag-aanyaya tungo rito sa iba pa sa kanila kaya napapatnubayan naman ang mga ito at humahatol ang mga ito ayon dito ng katarungan kaya hindi sila nang-aapi.

Al-A'raaf 7:181Listen in Qur'an →
182

وَٱلَّذِينَ كَذَّبُوا۟ بِـَٔايَٰتِنَا سَنَسْتَدْرِجُهُم مِّنْ حَيْثُ لَا يَعْلَمُونَ

But those who deny Our signs - We will progressively lead them [to destruction] from where they do not know.

Ang mga nagpasinungaling sa mga tanda Namin at hindi sumampalataya sa mga ito, bagkus nagkaila sila sa mga ito, ay magbubukas Kami para sa kanila ng mga pinto ng panustos hindi bilang pagpaparangal sa kanila, bagkus para sa paghahalina sa kanila upang magpatuloy sila sa taglay nilang pagkaligaw. Pagkatapos tatama sa kanila ang parusa Namin sa sandali ng kawalang-bahala.

Al-A'raaf 7:182Listen in Qur'an →
183

وَأُمْلِى لَهُمْ ۚ إِنَّ كَيْدِى مَتِينٌ

And I will give them time. Indeed, my plan is firm.

Magpapaliban Ako sa kanila ng kaparusahan hanggang sa magpalagay sila na sila ay hindi mga parurusahan para magpatuloy sila sa pagpapasinungaling nila at kawalang-pananampalataya nila hanggang sa pag-ibayuhin sa kanila ang pagdurusa. Tunay na ang pakana Ko ay malakas sapagkat nagpapakita Ako sa kanila ng paggawa ng maganda samantalang nagnanais Ako sa kanila ng pagkakanulo.

Al-A'raaf 7:183Listen in Qur'an →
184

أَوَلَمْ يَتَفَكَّرُوا۟ ۗ مَا بِصَاحِبِهِم مِّن جِنَّةٍ ۚ إِنْ هُوَ إِلَّا نَذِيرٌۭ مُّبِينٌ

Then do they not give thought? There is in their companion [Muhammad] no madness. He is not but a clear warner.

Hindi ba nag-isip-isip ang mga tagapasinungaling na ito sa mga tanda ni Allāh at sa Sugo Niya para magpagana sila ng mga isip nila upang lumiwanag sa kanila na si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay hindi isang baliw? Siya lamang ay isang Sugo mula kay Allāh. Nagpadala sa kanya si Allāh bilang tagapagbigay-babala laban sa pagdurusang dulot ni Allāh ayon sa isang pagbibigay-babalang malinaw.

Al-A'raaf 7:184Listen in Qur'an →
185

أَوَلَمْ يَنظُرُوا۟ فِى مَلَكُوتِ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ وَمَا خَلَقَ ٱللَّهُ مِن شَىْءٍۢ وَأَنْ عَسَىٰٓ أَن يَكُونَ قَدِ ٱقْتَرَبَ أَجَلُهُمْ ۖ فَبِأَىِّ حَدِيثٍۭ بَعْدَهُۥ يُؤْمِنُونَ

Do they not look into the realm of the heavens and the earth and everything that Allah has created and [think] that perhaps their appointed time has come near? So in what statement hereafter will they believe?

Hindi ba tumingin ang mga ito nang pagtingin ng pagsasaalang-alang sa paghahari ni Allāh sa mga langit at lupa, tumingin sa nilikha ni Allāh sa mga ito na hayop, halaman, at iba pa sa mga ito, at tumingin sa mga taning nila na marahil ang wakas ng mga ito ay maging nalapit para magbalik-loob sila bago mahuli ang lahat? Kaya kapag hindi sila sumampalataya sa Qur'ān at anumang nilalaman nito na pangako at banta, sa aling aklat na iba pa rito sumasampalataya sila?

Al-A'raaf 7:185Listen in Qur'an →
186

مَن يُضْلِلِ ٱللَّهُ فَلَا هَادِىَ لَهُۥ ۚ وَيَذَرُهُمْ فِى طُغْيَٰنِهِمْ يَعْمَهُونَ

Whoever Allah sends astray - there is no guide for him. And He leaves them in their transgression, wandering blindly.

Ang sinumang itinatwa ni Allāh palayo sa kapatnubayan sa katotohanan at pinaligaw Niya palayo sa landasing tuwid ay walang tagapagpatnubay para sa kanya na magpapatnubay sa kanya tungo roon. Nag-iiwan Siya sa kanila sa pagkaligaw nila at kawalang-pananampalataya nila habang nalilito nang hindi napapatnubayan tungo sa anuman.

Al-A'raaf 7:186Listen in Qur'an →
187

يَسْـَٔلُونَكَ عَنِ ٱلسَّاعَةِ أَيَّانَ مُرْسَىٰهَا ۖ قُلْ إِنَّمَا عِلْمُهَا عِندَ رَبِّى ۖ لَا يُجَلِّيهَا لِوَقْتِهَآ إِلَّا هُوَ ۚ ثَقُلَتْ فِى ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ ۚ لَا تَأْتِيكُمْ إِلَّا بَغْتَةًۭ ۗ يَسْـَٔلُونَكَ كَأَنَّكَ حَفِىٌّ عَنْهَا ۖ قُلْ إِنَّمَا عِلْمُهَا عِندَ ٱللَّهِ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَعْلَمُونَ

They ask you, [O Muhammad], about the Hour: when is its arrival? Say, "Its knowledge is only with my Lord. None will reveal its time except Him. It lays heavily upon the heavens and the earth. It will not come upon you except unexpectedly." They ask you as if you are familiar with it. Say, "Its knowledge is only with Allah, but most of the people do not know."

Nagtatanong sa iyo ang mga tagapasinungaling na nanlilitu-lito tungkol sa [Araw ng] Pagbangon: sa aling oras magaganap ito at mapagtitibay ang kaalaman hinggil dito? Sabihin mo, O Muḥammad: "Ang kaalaman dito ay hindi sa ganang akin ni sa ganang iba pa sa akin. Tanging ang kaalaman dito ay nasa ganang Panginoon ko lamang. Walang maglalantad dito sa oras nitong itinakda para rito kundi si Allāh. Naikubli ang nauukol sa paglantad nito sa mga naninirahan sa mga langit at mga naninirahan sa lupa. Hindi ito pupunta sa inyo malibang biglaan." Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa Huling Sandali na para bang ikaw ay masigasig sa pag-alam hinggil dito. Hindi nila nalaman na ikaw ay hindi tinatanong tungkol dito dahil sa kalubusan ng kaalaman mo sa Panginoon mo. Sabihin mo sa kanila, O Muḥammad: "Tanging ang kaalaman sa Huling Sandali ay nasa ganang Panginoon ko lamang, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam niyon."

Al-A'raaf 7:187Listen in Qur'an →
188

قُل لَّآ أَمْلِكُ لِنَفْسِى نَفْعًۭا وَلَا ضَرًّا إِلَّا مَا شَآءَ ٱللَّهُ ۚ وَلَوْ كُنتُ أَعْلَمُ ٱلْغَيْبَ لَٱسْتَكْثَرْتُ مِنَ ٱلْخَيْرِ وَمَا مَسَّنِىَ ٱلسُّوٓءُ ۚ إِنْ أَنَا۠ إِلَّا نَذِيرٌۭ وَبَشِيرٌۭ لِّقَوْمٍۢ يُؤْمِنُونَ

Say, "I hold not for myself [the power of] benefit or harm, except what Allah has willed. And if I knew the unseen, I could have acquired much wealth, and no harm would have touched me. I am not except a warner and a bringer of good tidings to a people who believe."

Sabihin mo, O Muḥammad: "Hindi ko nakakaya ng pagdulot ng kabutihan para sa sarili ko ni pagpawi ng kasamaan dito maliban sa niloob ni Allāh. Iyon ay kay Allāh lamang. Wala akong nalalaman maliban sa itinuro sa akin ni Allāh kaya hindi ko nalalaman ang Lingid. Kung sakaling nangyaring nalalaman ko ang Lingid, talaga sanang gumawa ako ng mga kadahilanan na nalalaman ko na ang mga ito ay magdudulot para sa akin ng mga kapakanan at magtutulak palayo sa akin ng mga katiwalian dahil sa pagkakaalam ko sa mga bagay-bagay bago ng pangyayari ng mga ito at sa pagkakaalam ko sa anumang kauuwian ng mga ito. Walang iba ako kundi isang Sugo mula sa ganang kay Allāh. Nagpapangamba ako ng parusa Niyang masakit. Nagbabalita ako ng nakalulugod na gantimpala Niyang marangal sa mga taong sumasampalataya na ako ay isang Sugo mula sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – at naniniwala sa anumang inihatid ko."

Al-A'raaf 7:188Listen in Qur'an →
189

۞ هُوَ ٱلَّذِى خَلَقَكُم مِّن نَّفْسٍۢ وَٰحِدَةٍۢ وَجَعَلَ مِنْهَا زَوْجَهَا لِيَسْكُنَ إِلَيْهَا ۖ فَلَمَّا تَغَشَّىٰهَا حَمَلَتْ حَمْلًا خَفِيفًۭا فَمَرَّتْ بِهِۦ ۖ فَلَمَّآ أَثْقَلَت دَّعَوَا ٱللَّهَ رَبَّهُمَا لَئِنْ ءَاتَيْتَنَا صَٰلِحًۭا لَّنَكُونَنَّ مِنَ ٱلشَّٰكِرِينَ

It is He who created you from one soul and created from it its mate that he might dwell in security with her. And when he covers her, she carries a light burden and continues therein. And when it becomes heavy, they both invoke Allah, their Lord, "If You should give us a good [child], we will surely be among the grateful."

Siya ay ang nagpairal sa inyo, O mga lalaki at mga babae, mula sa nag-iisang kaluluwa, si Adan – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. Lumikha Siya mula kay Adan – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ng maybahay nitong si Eva. Lumikha Siya kay Eva mula sa tadyang ni Adan upang mapalagay at mapanatag si Adan kay Eva. Kaya noong nakipagtalik ang asawa sa maybahay nito ay nagbuntis iyon ng isang magaang pagbubuntis na hindi nararamdaman niyon dahil ito ay nasa pagsisimula nito. Nagpatuloy iyon sa pagbubuntis na ito habang nagtuluy-tuloy sa mga pangangailangan niyon nang hindi nakadarama ng kabigatan. Ngunit noong nabigatan iyon dito nang lumaki ito sa tiyan niyon, nanalangin ang mag-asawa sa Panginoon nilang dalawa habang mga nagsasabi: "Talagang kung magbibigay Ka sa amin, O Panginoon namin, ng isang anak na maayos ang pagkalikha, na lubos dito, talagang kami nga ay magiging kabilang sa mga tagapagpasalamat sa mga biyaya Mo."

Al-A'raaf 7:189Listen in Qur'an →
190

فَلَمَّآ ءَاتَىٰهُمَا صَٰلِحًۭا جَعَلَا لَهُۥ شُرَكَآءَ فِيمَآ ءَاتَىٰهُمَا ۚ فَتَعَٰلَى ٱللَّهُ عَمَّا يُشْرِكُونَ

But when He gives them a good [child], they ascribe partners to Him concerning that which He has given them. Exalted is Allah above what they associate with Him.

Ngunit noong tumugon si Allāh sa panalangin nilang dalawa at nagbigay Siya sa kanilang dalawa ng isang anak na maayos gaya ng ipinanalangin nilang dalawa kay Allāh, gumawa silang dalawa para kay Allāh ng mga katambal kaugnay sa ipinagkaloob Niya sa kanilang dalawa. Nagpangalan silang dalawa sa anak nilang dalawa ng pagkaalipin sa iba pa sa Kanya. Nagpangalan silang dalawa dito ng `Abdul-Ḥārith (Alipin ni Ḥārith), ngunit pagkataas-taas si Allāh at nagpawalang-kinalaman sa bawat katambal sapagkat Siya ay ang namumukod-tangi sa pagkapanginoon at pagkadiyos.

Al-A'raaf 7:190Listen in Qur'an →

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.