Muslim99Muslim99
← Tafsir library

7. Al-A'raaf

The Heights · Meccan · 206 ayahs

سُورَةُ الأَعۡرَافِ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 101–110 of 206

101

تِلْكَ ٱلْقُرَىٰ نَقُصُّ عَلَيْكَ مِنْ أَنۢبَآئِهَا ۚ وَلَقَدْ جَآءَتْهُمْ رُسُلُهُم بِٱلْبَيِّنَٰتِ فَمَا كَانُوا۟ لِيُؤْمِنُوا۟ بِمَا كَذَّبُوا۟ مِن قَبْلُ ۚ كَذَٰلِكَ يَطْبَعُ ٱللَّهُ عَلَىٰ قُلُوبِ ٱلْكَٰفِرِينَ

Those cities - We relate to you, [O Muhammad], some of their news. And certainly did their messengers come to them with clear proofs, but they were not to believe in that which they had denied before. Thus does Allah seal over the hearts of the disbelievers.

Ang mga naunang pamayanang iyon – ang mga pamayanan ng mga lipi nina Noe, Hūd, Ṣāliḥ, Lot, at Shu`ayb – ay bumibigkas Kami sa iyo at nagpapabatid Kami sa iyo, O Sugo, ng ilan sa mga panuto ng mga iyon, ng taglay noon ng mga iyon na pagpapasinungaling at pagmamatigas, at ng dumapo sa mga iyon na kapahamakan, upang iyon ay maging isang pagsasaalang-alang para sa sinumang nagsasaalang-alang at isang pangaral para sa sinumang napangangaralan. Talaga ngang naghatid sa mga naninirahan sa mga pamayanang ito ang mga sugo nila ng mga maliwanag na patotoo sa katapatan nila, ngunit hindi sila naging ukol na sumampalataya sa sandali ng paghahatid ng mga sugo ng nauna sa kaalaman ni Allāh na sila ay magpapasinungaling. Tulad ng pagsasara ni Allāh sa mga puso ng mga naninirahan sa mga pamayanang ito, na mga tagapagpasinungaling sa mga sugo nila, magsasara si Allāh sa mga puso ng mga tagatangging sumampalataya kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – kaya naman hindi sila napapatnubayan sa pananampalataya.

Al-A'raaf 7:101Listen in Qur'an →
102

وَمَا وَجَدْنَا لِأَكْثَرِهِم مِّنْ عَهْدٍۢ ۖ وَإِن وَجَدْنَآ أَكْثَرَهُمْ لَفَٰسِقِينَ

And We did not find for most of them any covenant; but indeed, We found most of them defiantly disobedient.

Hindi nakatagpo si Allāh sa higit na marami sa mga kalipunan, na isinugo sa mga iyon ang mga sugo, ng anumang pagtupad at pananatili sa itinagubilin Niya. Hindi Siya nakatagpo sa kanila ng pagpapaakay sa mga ipinag-uutos Niya. Nakatagpo lamang Siya sa higit na marami sa kanila na mga lumalabas sa pagtalima sa Kanya.

Al-A'raaf 7:102Listen in Qur'an →
103

ثُمَّ بَعَثْنَا مِنۢ بَعْدِهِم مُّوسَىٰ بِـَٔايَٰتِنَآ إِلَىٰ فِرْعَوْنَ وَمَلَإِي۟هِۦ فَظَلَمُوا۟ بِهَا ۖ فَٱنظُرْ كَيْفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلْمُفْسِدِينَ

Then We sent after them Moses with Our signs to Pharaoh and his establishment, but they were unjust toward them. So see how was the end of the corrupters.

Pagkatapos nagsugo Kami, matapos ng mga sugong iyon, kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – kalakip ng mga katwiran Namin at mga patunay Naming malinaw sa katapatan niya patungo kay Paraon at sa mga tao nito. Ngunit walang nangyari sa kanila maliban na nagkaila sila sa mga tandang ito at tumangging sumampalataya sa mga ito. Kaya magnilay-nilay ka, O Sugo, kung papaano naging ang kinahinatnan ni Paraon at ng mga tao nito sapagkat ipinahamak nga sila ni Allāh sa pamamagitan ng paglunod at pinasundan Niya sila ng sumpa sa Mundo at Kabilang-buhay.

Al-A'raaf 7:103Listen in Qur'an →
104

وَقَالَ مُوسَىٰ يَٰفِرْعَوْنُ إِنِّى رَسُولٌۭ مِّن رَّبِّ ٱلْعَٰلَمِينَ

And Moses said, "O Pharaoh, I am a messenger from the Lord of the worlds

Nagsabi si Moises noong ipinadala siya ni Allāh kay Paraon at dumating siya roon: "O Paraon, tunay na ako ay isang isinugo mula sa Tagalikha ng mga nilikha nang lahatan, Tagapagmay-ari nila, at Tagapangasiwa ng mga nauukol sa kanila."

Al-A'raaf 7:104Listen in Qur'an →
105

حَقِيقٌ عَلَىٰٓ أَن لَّآ أَقُولَ عَلَى ٱللَّهِ إِلَّا ٱلْحَقَّ ۚ قَدْ جِئْتُكُم بِبَيِّنَةٍۢ مِّن رَّبِّكُمْ فَأَرْسِلْ مَعِىَ بَنِىٓ إِسْرَٰٓءِيلَ

[Who is] obligated not to say about Allah except the truth. I have come to you with clear evidence from your Lord, so send with me the Children of Israel."

Nagsabi si Moises: "Yayamang ako ay naging isang isinugo mula sa Kanya, ako ay karapat-dapat na hindi magsabi tungkol sa Kanya maliban ng totoo. Naghatid nga ako sa inyo ng isang katwirang maliwanag na nagpapatunay sa katapatan ko at na ako ay isang isinugo sa inyo mula sa Panginoon ko, kaya palayain mo kasama ko ang mga anak ni Israel mula sa dati nilang lagay na pagkabihag at pagkasinisiil."

Al-A'raaf 7:105Listen in Qur'an →
106

قَالَ إِن كُنتَ جِئْتَ بِـَٔايَةٍۢ فَأْتِ بِهَآ إِن كُنتَ مِنَ ٱلصَّٰدِقِينَ

[Pharaoh] said, "If you have come with a sign, then bring it forth, if you should be of the truthful."

Nagsabi si Paraon kay Moises: "Kung ikaw ay dumating kalakip ng isang tanda gaya ng inaakala mo, maglahad ka nito kung ikaw ay naging tapat sa pag-aangkin mo."

Al-A'raaf 7:106Listen in Qur'an →
107

فَأَلْقَىٰ عَصَاهُ فَإِذَا هِىَ ثُعْبَانٌۭ مُّبِينٌۭ

So Moses threw his staff, and suddenly it was a serpent, manifest.

Kaya nagtapon si Moises ng tungkod niya saka nagbagong-anyo ito bilang ahas na malaki na nakalantad para sa sinumang nakasasaksi rito.

Al-A'raaf 7:107Listen in Qur'an →
108

وَنَزَعَ يَدَهُۥ فَإِذَا هِىَ بَيْضَآءُ لِلنَّٰظِرِينَ

And he drew out his hand; thereupon it was white [with radiance] for the observers.

Inilabas niya ang kamay niya at inilantad ito mula sa nakabukas sa kamisa niya mula sa tabi ng dibdib niya o mula sa ilalim ng kilikili niya at lumabas ito na maputi na walang ketong, na nagniningning para sa mga tagatingin dahil sa tindi ng kaputian nito.

Al-A'raaf 7:108Listen in Qur'an →
109

قَالَ ٱلْمَلَأُ مِن قَوْمِ فِرْعَوْنَ إِنَّ هَٰذَا لَسَٰحِرٌ عَلِيمٌۭ

Said the eminent among the people of Pharaoh, "Indeed, this is a learned magician

Nagsabi ang mga malaking tao at ang mga pangulo noong nakasaksi sila sa pagbabagong-anyo ng tungkod ni Moises na naging ahas at sa pagpapanibago ng kamay niya na naging maputing walang ketong: "Walang iba si Moises kundi isang manggagaway na malakas ang kaalaman sa panggagaway.

Al-A'raaf 7:109Listen in Qur'an →
110

يُرِيدُ أَن يُخْرِجَكُم مِّنْ أَرْضِكُمْ ۖ فَمَاذَا تَأْمُرُونَ

Who wants to expel you from your land [through magic], so what do you instruct?"

Naglalayon siya sa anumang isinasagawa niya na magpalabas sa inyo mula sa lupain ninyong ito, ang Ehipto. Pagkatapos sumangguni sa kanila si Paraon hinggil sa pumapatungkol kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – habang nagsasabi sa kanila: "Ano ang ipapayo ninyo sa akin na pananaw?"

Al-A'raaf 7:110Listen in Qur'an →

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.