Muslim99Muslim99
← Tafsir library

7. Al-A'raaf

The Heights · Meccan · 206 ayahs

سُورَةُ الأَعۡرَافِ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 91–100 of 206

91

فَأَخَذَتْهُمُ ٱلرَّجْفَةُ فَأَصْبَحُوا۟ فِى دَارِهِمْ جَٰثِمِينَ

So the earthquake seized them, and they became within their home [corpses] fallen prone.

Kaya dumaklot sa kanila ang matinding lindol, saka sila ay naging mga napahamak sa mga tahanan nila habang mga nakasubsob sa mga tuhod nila at mga mukha nila, mga patay na nangalupaypay sa tahanan nila.

Al-A'raaf 7:91Listen in Qur'an →
92

ٱلَّذِينَ كَذَّبُوا۟ شُعَيْبًۭا كَأَن لَّمْ يَغْنَوْا۟ فِيهَا ۚ ٱلَّذِينَ كَذَّبُوا۟ شُعَيْبًۭا كَانُوا۟ هُمُ ٱلْخَٰسِرِينَ

Those who denied Shu'ayb - it was as though they had never resided there. Those who denied Shu'ayb - it was they who were the losers.

Ang mga nagpasinungaling kay Shu`ayb ay napahamak sa kalahatan. Naging para bang sila ay hindi nanirahan sa tahanan nila at hindi nagtamasa roon. Ang mga nagpasinungaling kay Shu`ayb ay naging ang mga lugi dahil sila ay nagpalugi sa mga sarili nila at sa minay-ari nila. Hindi nangyaring ang mga mananampalataya kabilang sa mga kalipi nila ay ang mga lugi, gaya ng inakala ng mga tagatangging sumampalataya na tagapasinungaling na ito.

Al-A'raaf 7:92Listen in Qur'an →
93

فَتَوَلَّىٰ عَنْهُمْ وَقَالَ يَٰقَوْمِ لَقَدْ أَبْلَغْتُكُمْ رِسَٰلَٰتِ رَبِّى وَنَصَحْتُ لَكُمْ ۖ فَكَيْفَ ءَاسَىٰ عَلَىٰ قَوْمٍۢ كَٰفِرِينَ

And he turned away from them and said, "O my people, I had certainly conveyed to you the messages of my Lord and advised you, so how could I grieve for a disbelieving people?"

Kaya umayaw sa kanila ang propeta nilang si Shu`ayb – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – noong napahamak sila at nagsabi habang nakikipag-usap sa kanila: "O mga kalipi, talaga ngang nagpaabot ako sa inyo ng ipinag-utos sa akin ng Panginoon ko na ipaabot sa inyo at nagpayo ako sa inyo ngunit hindi kayo tumanggap sa pagpapayo ko at hindi kayo nagpaakay sa paggagabay ko, kaya papaano akong malulungkot sa mga taong tagatangging sumampalataya kay Allāh habang mga nagpupumilit sa kawalang-pananampalataya nila?"

Al-A'raaf 7:93Listen in Qur'an →
94

وَمَآ أَرْسَلْنَا فِى قَرْيَةٍۢ مِّن نَّبِىٍّ إِلَّآ أَخَذْنَآ أَهْلَهَا بِٱلْبَأْسَآءِ وَٱلضَّرَّآءِ لَعَلَّهُمْ يَضَّرَّعُونَ

And We sent to no city a prophet [who was denied] except that We seized its people with poverty and hardship that they might humble themselves [to Allah].

Hindi nagsugo sa isa sa mga pamayanan ng isa sa mga propeta ni Allāh, saka nagpasinungaling ang mga mamayan nito at tumanggi silang sumampalataya, malibang nagpataw Siya sa kanila ng kahirapan, karalitaan, at karamdaman, sa pag-asang magpakaaba sila sa Kanya para umiwan sila sa taglay nilang kawalang-pananampalataya at pagmamalaki. Ito ay pagbibigay-babala sa Quraysh at sa bawat sinumang tumangging sumampalataya at nagpasinungaling, sa pamamagitan ng pagbanggit sa kalakaran ni Allāh sa mga kalipunang tagapasinungaling.

Al-A'raaf 7:94Listen in Qur'an →
95

ثُمَّ بَدَّلْنَا مَكَانَ ٱلسَّيِّئَةِ ٱلْحَسَنَةَ حَتَّىٰ عَفَوا۟ وَّقَالُوا۟ قَدْ مَسَّ ءَابَآءَنَا ٱلضَّرَّآءُ وَٱلسَّرَّآءُ فَأَخَذْنَٰهُم بَغْتَةًۭ وَهُمْ لَا يَشْعُرُونَ

Then We exchanged in place of the bad [condition], good, until they increased [and prospered] and said, "Our fathers [also] were touched with hardship and ease." So We seized them suddenly while they did not perceive.

Pagkatapos nagpalit Kami [sa lagay nila] matapos ng pagpataw ng karalitaan at karamdaman, ng kabutihan, kasaganaan, at katiwasayan hanggang sa dumami ang mga bilang nila at lumago ang mga yaman nila. Nagsabi sila: "Ang tumama sa amin na kasamaan at kabutihan ay pangkalahatang nakaugaliang tumama sa mga ninuno namin noon." Hindi sila nakatalos na ang tumama sa kanila na mga salot ay ninanais rito ang pagsasaalang-alang at ang tumama sa kanila na mga biyaya ay ninanais rito ang panghahalina. Kaya dumaklot Kami sa kanila sa pamamagitan ng pagdurusa nang bigla habang sila ay hindi nakararamdam ng parusa at hindi nag-aabang nito.

Al-A'raaf 7:95Listen in Qur'an →
96

وَلَوْ أَنَّ أَهْلَ ٱلْقُرَىٰٓ ءَامَنُوا۟ وَٱتَّقَوْا۟ لَفَتَحْنَا عَلَيْهِم بَرَكَٰتٍۢ مِّنَ ٱلسَّمَآءِ وَٱلْأَرْضِ وَلَٰكِن كَذَّبُوا۟ فَأَخَذْنَٰهُم بِمَا كَانُوا۟ يَكْسِبُونَ

And if only the people of the cities had believed and feared Allah, We would have opened upon them blessings from the heaven and the earth; but they denied [the messengers], so We seized them for what they were earning."

Kung sakaling ang mga naninirahan sa mga pamayanang ito na nagsugo Kami sa mga ito ng mga sugo Namin ay naniwala sa inihatid sa kanila ng mga sugo nila at nangilag magkasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pag-iwan sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway at ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya, talaga sanang nagbukas Kami sa kanila ng mga pinto ng kabutihan mula sa bawat dako. Subalit sila ay hindi naniwala at hindi nangilag magkasala, bagkus nagpasinungaling sila sa inihatid ng mga sugo nila, kaya dumaklot Kami sa kanila sa pamamagitan ng pagdurusa nang bigla dahilan sa dati nilang kinakamit na mga kasalanan at mga pagkakasala.

Al-A'raaf 7:96Listen in Qur'an →
97

أَفَأَمِنَ أَهْلُ ٱلْقُرَىٰٓ أَن يَأْتِيَهُم بَأْسُنَا بَيَٰتًۭا وَهُمْ نَآئِمُونَ

Then, did the people of the cities feel secure from Our punishment coming to them at night while they were asleep?

Kaya natiwasay ba ang mga naninirahan sa mga pamayanang tagapasinungaling na ito na pumunta sa kanila ang parusa Namin sa gabi habang sila ay mga tulog, na mga nahihimbing sa pamamahinga nila at pananahimik nila?

Al-A'raaf 7:97Listen in Qur'an →
98

أَوَأَمِنَ أَهْلُ ٱلْقُرَىٰٓ أَن يَأْتِيَهُم بَأْسُنَا ضُحًۭى وَهُمْ يَلْعَبُونَ

Or did the people of the cities feel secure from Our punishment coming to them in the morning while they were at play?

Natiwasay ba sila na pumunta sa kanila ang parusa Namin sa simula ng maghapon habang sila ay mga nalilibang, na mga nalilingat dahil sa pagkaabala nila sa makamundong buhay nila?

Al-A'raaf 7:98Listen in Qur'an →
99

أَفَأَمِنُوا۟ مَكْرَ ٱللَّهِ ۚ فَلَا يَأْمَنُ مَكْرَ ٱللَّهِ إِلَّا ٱلْقَوْمُ ٱلْخَٰسِرُونَ

Then did they feel secure from the plan of Allah? But no one feels secure from the plan of Allah except the losing people.

Tumingin kayo sa ipinagkaloob ni Allāh sa kanila na pagpapalugit at sa ibiniyaya Niya sa kanila na lakas at kaluwagan sa panustos bilang panghahalina sa kanila. Kaya natiwasay ba ang mga tagapagpasinungaling na ito kabilang sa mga pamayanang iyon sa panlalansi ni Allāh at panlalalang Niyang nakakubli? Walang natitiwasay sa panlalansi ni Allāh kundi ang mga taong napahamak. Tungkol naman sa mga naituon, tunay na sila ay nangangamba sa panlalansi Niya kaya hindi sila nalilinlang dahil sa ibiniyaya ni Allāh sa kanila. Nakakikita lamang sila sa kagandahang-loob Niya sa kanila kaya nagpapasalamat sila sa Kanya.

Al-A'raaf 7:99Listen in Qur'an →
100

أَوَلَمْ يَهْدِ لِلَّذِينَ يَرِثُونَ ٱلْأَرْضَ مِنۢ بَعْدِ أَهْلِهَآ أَن لَّوْ نَشَآءُ أَصَبْنَٰهُم بِذُنُوبِهِمْ ۚ وَنَطْبَعُ عَلَىٰ قُلُوبِهِمْ فَهُمْ لَا يَسْمَعُونَ

Has it not become clear to those who inherited the earth after its [previous] people that if We willed, We could afflict them for their sins? But We seal over their hearts so they do not hear.

Hindi ba luminaw para sa mga itatalagang kahalili sa lupa matapos ng pagpapahamak sa mga ninuno nila kabilang sa mga kalipunan dahilan sa mga pagkakasala ng mga iyon, pagkatapos hindi sila nagsaalang-alang sa dumapo sa mga iyon, bagkus ginawa nila ang mga gawain ng mga iyon? Hindi luminaw sa mga ito na si Allāh, kung sakaling niloob Niya na magpasakit sa kanila dahil sa mga pagkakasala nila, ay talaga sanang nagpasakit Siya sa kanila dahil sa mga ito gaya ng kalakaran Niya. Nagsasara Siya sa mga puso nila kaya naman hindi napangangaralan ang mga ito ng isang pangangaral at hindi nagpapakinabang sa mga ito ang isang paalaala.

Al-A'raaf 7:100Listen in Qur'an →

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.