Muslim99Muslim99
← Tafsir library

7. Al-A'raaf

The Heights · Meccan · 206 ayahs

سُورَةُ الأَعۡرَافِ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 1–10 of 206

بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

1

الٓمٓصٓ

Alif, Lam, Meem, Sad.

Alif. Lām. Mīm. Sād. Nauna na ang pagtatalakay sa mga kapareho ng mga ito sa simula ng Kabanatang Al-Baqarah.

2

كِتَٰبٌ أُنزِلَ إِلَيْكَ فَلَا يَكُن فِى صَدْرِكَ حَرَجٌۭ مِّنْهُ لِتُنذِرَ بِهِۦ وَذِكْرَىٰ لِلْمُؤْمِنِينَ

[This is] a Book revealed to you, [O Muhammad] - so let there not be in your breast distress therefrom - that you may warn thereby and as a reminder to the believers.

Ang Marangal na Qur'ān ay isang Aklat na pinababa ni Allāh sa iyo, O Sugo, kaya huwag magkaroon sa dibdib mo ng paninikip ni duda. Nagpababa Siya nito sa iyo upang magpangamba ka sa pamamagitan nito sa mga tao at maglahad ka sa pamamagitan nito ng katwiran, at upang magpaalaala ka sa pamamagitan nito sa mga mananampalataya sapagkat sila ay makikinabang sa paalaala.

3

ٱتَّبِعُوا۟ مَآ أُنزِلَ إِلَيْكُم مِّن رَّبِّكُمْ وَلَا تَتَّبِعُوا۟ مِن دُونِهِۦٓ أَوْلِيَآءَ ۗ قَلِيلًۭا مَّا تَذَكَّرُونَ

Follow, [O mankind], what has been revealed to you from your Lord and do not follow other than Him any allies. Little do you remember.

Sumunod kayo, O mga tao, sa Aklat na pinababa ng Panginoon ninyo sa inyo at sa Sunnah ng Propeta ninyo. Huwag kayong sumunod sa mga pithaya ng itinuturing ninyo na mga katangkilik kabilang sa mga demonyo o mga pantas ng kasagwaan. Tumatangkilik kayo sa kanila habang mga nag-iiwan ng pinababa sa inyo alang-alang sa idinidikta ng mga pithaya nila. Tunay na kayo ay kakaunti ang isinasaalaala, yayamang kung sakaling nagsaalaala kayo ay talaga sanang hindi ninyo itinanggi higit sa katotohanan ang iba pa rito, at talaga sanang sumunod kayo sa inihatid ng Sugo ninyo, nagsagawa kayo nito, at umiwan kayo ng anumang naiba rito.

4

وَكَم مِّن قَرْيَةٍ أَهْلَكْنَٰهَا فَجَآءَهَا بَأْسُنَا بَيَٰتًا أَوْ هُمْ قَآئِلُونَ

And how many cities have We destroyed, and Our punishment came to them at night or while they were sleeping at noon.

Anong dami ang mga pamayanang ipinahamak Namin sa pamamagitan ng parusa Namin noong nagpumilit ang mga iyon sa kawalang-pananampalataya ng mga iyon at pagkaligaw ng mga iyon. Bumaba sa mga iyon ang parusa Naming matindi sa sandali ng pagkalingat nila sa gabi o maghapon saka hindi nila nakayang itaboy ang pagdurusa palayo sa mga sarili nila at hindi ito naitaboy palayo sa kanila ng mga diyos nilang inaakala.

5

فَمَا كَانَ دَعْوَىٰهُمْ إِذْ جَآءَهُم بَأْسُنَآ إِلَّآ أَن قَالُوٓا۟ إِنَّا كُنَّا ظَٰلِمِينَ

And their declaration when Our punishment came to them was only that they said, "Indeed, we were wrongdoers!"

Walang namutawi sa kanila matapos ng pagbaba ng parusa maliban na kumilala sila laban sa mga sarili nila ng kawalang-katarungan nila dahil sa kawalang-pananampalataya kay Allāh.

6

فَلَنَسْـَٔلَنَّ ٱلَّذِينَ أُرْسِلَ إِلَيْهِمْ وَلَنَسْـَٔلَنَّ ٱلْمُرْسَلِينَ

Then We will surely question those to whom [a message] was sent, and We will surely question the messengers.

Saka talagang magtatanong nga Kami sa Araw ng Pagbangon sa mga kalipunang pinagsuguan Namin ng mga sugo Namin tungkol sa isinagot ng mga ito sa mga sugo at talagang magtatanong nga Kami sa mga sugo tungkol sa pagpapaabot ng ipinag-utos sa kanila na ipaabot at tungkol sa isinagot sa kanila ng mga kalipunan nila.

7

فَلَنَقُصَّنَّ عَلَيْهِم بِعِلْمٍۢ ۖ وَمَا كُنَّا غَآئِبِينَ

Then We will surely relate [their deeds] to them with knowledge, and We were not [at all] absent.

Kaya talagang magsasalaysay nga Kami sa lahat ng mga nilikha ng mga gawa nila na ginawa nila sa Mundo nang may kaalamang mula sa Amin sapagkat Kami lagi ay nakaaalam sa mga gawa nila sa kalahatan ng mga ito; walang naililingid sa Amin mula sa mga ito na anuman. Kami lagi ay hindi nakaliban sa kanila sa alinmang oras sa mga oras.

8

وَٱلْوَزْنُ يَوْمَئِذٍ ٱلْحَقُّ ۚ فَمَن ثَقُلَتْ مَوَٰزِينُهُۥ فَأُو۟لَٰٓئِكَ هُمُ ٱلْمُفْلِحُونَ

And the weighing [of deeds] that Day will be the truth. So those whose scales are heavy - it is they who will be the successful.

Ang pagtitimbang ng mga gawa sa Araw ng Pagbangon ay magiging sa pamamagitan ng katarungang walang pang-aaping kasama rito ni paglabag. Kaya ang mga bumigat sa sandali ng pagtitimbang ang timbang ng mga magandang gawa nila kaysa sa timbang ng mga masagwang gawa nila, ang mga iyon ay ang mga nagtamo ng minimithi at naligtas sa kinasisindakan.

9

وَمَنْ خَفَّتْ مَوَٰزِينُهُۥ فَأُو۟لَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ خَسِرُوٓا۟ أَنفُسَهُم بِمَا كَانُوا۟ بِـَٔايَٰتِنَا يَظْلِمُونَ

And those whose scales are light - they are the ones who will lose themselves for what injustice they were doing toward Our verses.

Ang mga bumigat sa sandali ng pagtitimbang ang timbang ng mga masagwang gawa nila kaysa sa timbang ng mga magandang gawa nila, ang mga iyon ay ang mga nagpalugi sa mga sarili nila sa pamamagitan ng paghahatid sa mga ito sa mga hatiran ng kapahamakan sa Araw ng Pagbangon dahilan sa pagtanggi nila sa mga tanda ni Allāh.

10

وَلَقَدْ مَكَّنَّٰكُمْ فِى ٱلْأَرْضِ وَجَعَلْنَا لَكُمْ فِيهَا مَعَٰيِشَ ۗ قَلِيلًۭا مَّا تَشْكُرُونَ

And We have certainly established you upon the earth and made for you therein ways of livelihood. Little are you grateful.

Talaga ngang nagbigay-kapangyarihan Kami sa inyo, O mga anak ni Adan, sa lupa at gumawa Kami para sa inyo rito ng mga kadahilanan ng ikabubuhay kaya kailangan sa inyo na magpasalamat kayo kay Allāh dahil doon, subalit ang pasasalamat ninyo ay kaunti.

Al-A'raaf 7:10Listen in Qur'an →

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.