Muslim99Muslim99
← Tafsir library

7. Al-A'raaf

The Heights · Meccan · 206 ayahs

سُورَةُ الأَعۡرَافِ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 61–70 of 206

61

قَالَ يَٰقَوْمِ لَيْسَ بِى ضَلَٰلَةٌۭ وَلَٰكِنِّى رَسُولٌۭ مِّن رَّبِّ ٱلْعَٰلَمِينَ

[Noah] said, "O my people, there is not error in me, but I am a messenger from the Lord of the worlds."

Nagsabi si Noe sa mga malaking tao ng mga kalipi niya: "Ako ay hindi naliligaw gaya ng inakala ninyo. Ako lamang ay nasa isang patnubay mula sa Panginoon ko sapagkat ako ay isang sugo sa inyo mula kay Allāh, ang Panginoon ko, ang Panginoon ninyo, at ang Panginoon ng mga nilalang sa kabuuan nila.

Al-A'raaf 7:61Listen in Qur'an →
62

أُبَلِّغُكُمْ رِسَٰلَٰتِ رَبِّى وَأَنصَحُ لَكُمْ وَأَعْلَمُ مِنَ ٱللَّهِ مَا لَا تَعْلَمُونَ

I convey to you the messages of my Lord and advise you; and I know from Allah what you do not know.

Nagpapaabot ako sa inyo ng ipinasugo sa akin ni Allāh sa inyo mula sa ikinasi Niya sa akin. Nagnanais ako para sa inyo ng kabutihan sa pamamagitan ng pagpapaibig sa inyo sa pagsunod sa utos ni Allāh at anumang ibinubunga nito na gantimpala, at pagpapangilabot sa inyo laban sa paggawa ng mga sinasaway Niya at anumang ibinubunga nito na parusa. Nakaaalam ako mula kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ng hindi ninyo nalalaman mula sa itinuro Niya sa akin sa paraan ng pagkakasi.

Al-A'raaf 7:62Listen in Qur'an →
63

أَوَعَجِبْتُمْ أَن جَآءَكُمْ ذِكْرٌۭ مِّن رَّبِّكُمْ عَلَىٰ رَجُلٍۢ مِّنكُمْ لِيُنذِرَكُمْ وَلِتَتَّقُوا۟ وَلَعَلَّكُمْ تُرْحَمُونَ

Then do you wonder that there has come to you a reminder from your Lord through a man from among you, that he may warn you and that you may fear Allah so you might receive mercy."

Napukaw ba ang pagkamangha ninyo at ang pagtataka ninyo na may dumating sa inyo na isang kasi at isang pangaral mula sa Panginoon ninyo sa pamamagitan ng dila ng isang lalaking kabilang sa inyo na nakikilala ninyo sapagkat lumaki siya sa inyo at hindi siya naging isang palasinungaling ni ligaw ni kabilang sa ibang lahi? Dumating siya sa inyo upang magpangamba sa inyo sa parusa ni Allāh kung nagpasinungaling kayo at sumuway kayo, at upang mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, sa pag-asang kaawaan kayo kung sumampalataya kayo sa Kanya.

Al-A'raaf 7:63Listen in Qur'an →
64

فَكَذَّبُوهُ فَأَنجَيْنَٰهُ وَٱلَّذِينَ مَعَهُۥ فِى ٱلْفُلْكِ وَأَغْرَقْنَا ٱلَّذِينَ كَذَّبُوا۟ بِـَٔايَٰتِنَآ ۚ إِنَّهُمْ كَانُوا۟ قَوْمًا عَمِينَ

But they denied him, so We saved him and those who were with him in the ship. And We drowned those who denied Our signs. Indeed, they were a blind people.

Ngunit nagpasinungaling sila sa kanya at hindi sumampalataya sa kanya, bagkus nagpatuloy sila sa kawalang-pananampalataya nila, kaya dumalangin siya laban sa kanila na magpahamak sa kanila si Allāh. Pinaligtas siya ni Allāh at pinaligtas Niya sa pagkalunod ang mga kasama sa kanya sa daong kabilang sa mga mananampalataya. Nagpahamak naman si Allāh sa mga nagpasinungaling sa mga tanda Niya at nagpatuloy sa pagpapasinungaling nila sa pamamagitan ng pagkalunod at pagkagunaw na pinababa bilang parusa sa kanila. Tunay na ang mga puso nila noon ay mga bulag sa katotohanan.

Al-A'raaf 7:64Listen in Qur'an →
65

۞ وَإِلَىٰ عَادٍ أَخَاهُمْ هُودًۭا ۗ قَالَ يَٰقَوْمِ ٱعْبُدُوا۟ ٱللَّهَ مَا لَكُم مِّنْ إِلَٰهٍ غَيْرُهُۥٓ ۚ أَفَلَا تَتَّقُونَ

And to the 'Aad [We sent] their brother Hud. He said, "O my people, worship Allah; you have no deity other than Him. Then will you not fear Him?"

Nagsugo si Allāh sa liping `Ād ng isang sugong kabilang sa kanila. Siya ay si Hūd – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. Nagsabi ito: "O mga kalipi, sumamba kayo kay Allāh lamang sapagkat walang ukol sa inyo na isang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya. Kaya hindi ba kayo nangingilag magkasala sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya upang maligtas kayo sa parusa Niya?"

Al-A'raaf 7:65Listen in Qur'an →
66

قَالَ ٱلْمَلَأُ ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ مِن قَوْمِهِۦٓ إِنَّا لَنَرَىٰكَ فِى سَفَاهَةٍۢ وَإِنَّا لَنَظُنُّكَ مِنَ ٱلْكَٰذِبِينَ

Said the eminent ones who disbelieved among his people, "Indeed, we see you in foolishness, and indeed, we think you are of the liars."

Nagsabi ang mga malaking tao at ang mga pinapanginoon kabilang sa mga kalipi niya na mga tumangging sumampalataya kay Allāh at nagpasinungaling sa Sugo Niya: "Tunay na kami ay talagang nakaaalam na ikaw, O Hūd, ay nasa isang kahinaan ng isip at isang katunggakan nang nag-aanyaya ka sa amin sa pagsamba kay Allāh lamang at sa pag-iwan sa pagsamba sa mga anito. Tunay na kami ay talagang naniniwala nang kumbinsido na ikaw ay kabilang sa mga sinungaling kaugnay sa inaangkin mo na ikaw ay isang isinugo."

Al-A'raaf 7:66Listen in Qur'an →
67

قَالَ يَٰقَوْمِ لَيْسَ بِى سَفَاهَةٌۭ وَلَٰكِنِّى رَسُولٌۭ مِّن رَّبِّ ٱلْعَٰلَمِينَ

[Hud] said, "O my people, there is not foolishness in me, but I am a messenger from the Lord of the worlds."

Nagsabi si Hūd bilang pagtugon sa mga kalipi niya: "O mga kalipi ko, walang isang kahinaan ng isip at isang katunggakan sa akin, bagkus ako ay isang sugo mula sa Panginoon ng mga nilalang."

Al-A'raaf 7:67Listen in Qur'an →
68

أُبَلِّغُكُمْ رِسَٰلَٰتِ رَبِّى وَأَنَا۠ لَكُمْ نَاصِحٌ أَمِينٌ

I convey to you the messages of my Lord, and I am to you a trustworthy adviser.

Nagpapaabot ako sa inyo ng ipinag-utos sa akin ni Allāh ang pagpapaabot niyon sa inyo gaya ng paniniwala sa kaisahan Niya at batas Niya, at ako para sa inyo ay isang tagapayong pinagkakatiwalaan hinggil sa anumang ipinag-utos sa akin ang pagpapaabot niyon: hindi ako nagdaragdag dito at hindi nagbabawas.

Al-A'raaf 7:68Listen in Qur'an →
69

أَوَعَجِبْتُمْ أَن جَآءَكُمْ ذِكْرٌۭ مِّن رَّبِّكُمْ عَلَىٰ رَجُلٍۢ مِّنكُمْ لِيُنذِرَكُمْ ۚ وَٱذْكُرُوٓا۟ إِذْ جَعَلَكُمْ خُلَفَآءَ مِنۢ بَعْدِ قَوْمِ نُوحٍۢ وَزَادَكُمْ فِى ٱلْخَلْقِ بَصْۜطَةًۭ ۖ فَٱذْكُرُوٓا۟ ءَالَآءَ ٱللَّهِ لَعَلَّكُمْ تُفْلِحُونَ

Then do you wonder that there has come to you a reminder from your Lord through a man from among you, that he may warn you? And remember when He made you successors after the people of Noah and increased you in stature extensively. So remember the favors of Allah that you might succeed.

Napukaw ba ang pagkamangha ninyo at ang pagtataka ninyo na may dumating sa inyo na isang pagpapaalaala mula sa Panginoon ninyo sa pamamagitan ng dila ng isang lalaking kabilang sa lahi ninyo, hindi kabilang sa lahi ng mga anghel o mga jinn, upang magbabala sa inyo? Purihin ninyo ang Panginoon ninyo at pasalamatan ninyo Siya dahil nagpatatag Siya sa inyo sa lupa at gumawa Siya sa inyo na humalili sa mga tao ni Noe, na ipinahamak Niya dahil sa kawalang-pananampalataya nila. Magpasalamat kayo kay Allāh na nagtangi sa inyo sa laki ng mga katawan, lakas, at tindi ng bagsik. Alalahanin ninyo ang mga malawak na biyaya ni Allāh sa inyo, sa pag-asang magtamo kayo ng hinihiling at maligtas kayo sa pinangingilabutan.

Al-A'raaf 7:69Listen in Qur'an →
70

قَالُوٓا۟ أَجِئْتَنَا لِنَعْبُدَ ٱللَّهَ وَحْدَهُۥ وَنَذَرَ مَا كَانَ يَعْبُدُ ءَابَآؤُنَا ۖ فَأْتِنَا بِمَا تَعِدُنَآ إِن كُنتَ مِنَ ٱلصَّٰدِقِينَ

They said, "Have you come to us that we should worship Allah alone and leave what our fathers have worshipped? Then bring us what you promise us, if you should be of the truthful."

Nagsabi ang mga kalipi niya sa kanya: "Dumating ka ba sa amin, O Hūd, upang mag-utos ka sa amin ng pagsamba kay Allāh lamang at upang mag-iwan kami ng anumang dating sinasamba ng mga ninuno namin? Kaya maglahad ka sa amin ng ipinangangako mo sa amin na pagdurusa kung ikaw ay tapat sa inaangkin mo."

Al-A'raaf 7:70Listen in Qur'an →

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.