Muslim99Muslim99
← Tafsir library

7. Al-A'raaf

The Heights · Meccan · 206 ayahs

سُورَةُ الأَعۡرَافِ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 201–206 of 206

201

إِنَّ ٱلَّذِينَ ٱتَّقَوْا۟ إِذَا مَسَّهُمْ طَٰٓئِفٌۭ مِّنَ ٱلشَّيْطَٰنِ تَذَكَّرُوا۟ فَإِذَا هُم مُّبْصِرُونَ

Indeed, those who fear Allah - when an impulse touches them from Satan, they remember [Him] and at once they have insight.

Tunay na ang mga nangilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, kapag may tumama sa kanila na isang panunulsol mula sa demonyo, kaya nagkasala sila, ay nagsasaalaala sila sa kadakilaan ni Allāh, parusa Niya para sa mga tagasuway, at gantimpala Niya para sa mga tagatalima, saka nagbabalik-loob sila mula sa mga pagkakasala nila at nagsisisi sila sa Panginoon nila, kaya biglang sila ay nagpakatatag na sa katotohanan, natauhan mula sa dati nilang lagay, at tumigil.

Al-A'raaf 7:201Listen in Qur'an →
202

وَإِخْوَٰنُهُمْ يَمُدُّونَهُمْ فِى ٱلْغَىِّ ثُمَّ لَا يُقْصِرُونَ

But their brothers - the devils increase them in error; then they do not stop short.

Ang mga kapatid ng mga demonyo kabilang sa mga masamang-loob at mga tagatangging sumampalataya ay hindi nagpapatigil sa mga demonyo sa pagdagdag sa kanila ng pagkaligaw dahil sa isang pagkakasala matapos ng isang pagkakasala. Hindi nagpipigil ang mga demonyo sa paglilisya at pagliligaw, ni ang mga masamang-loob kabilang sa tao sa pagpapaakay at paggawa ng kasamaan.

Al-A'raaf 7:202Listen in Qur'an →
203

وَإِذَا لَمْ تَأْتِهِم بِـَٔايَةٍۢ قَالُوا۟ لَوْلَا ٱجْتَبَيْتَهَا ۚ قُلْ إِنَّمَآ أَتَّبِعُ مَا يُوحَىٰٓ إِلَىَّ مِن رَّبِّى ۚ هَٰذَا بَصَآئِرُ مِن رَّبِّكُمْ وَهُدًۭى وَرَحْمَةٌۭ لِّقَوْمٍۢ يُؤْمِنُونَ

And when you, [O Muhammad], do not bring them a sign, they say, "Why have you not contrived it?" Say, "I only follow what is revealed to me from my Lord. This [Qur'an] is enlightenment from your Lord and guidance and mercy for a people who believe."

Kapag naghatid ka, O Sugo, ng isang tanda ay nagpapasinungaling sila sa iyo at umaayaw roon. Kung hindi ka naglahad sa kanila ng isang tanda ay magsasabi sila: "Bakit kasi hindi ka umimbento ng isang talata mula sa ganang iyo at lumikha-likha nito." Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Hindi ukol sa akin na maglahad ng isang talata mula sa pagkukusa ng sarili ko at wala akong sinusunod kundi ang ikinakasi ni Allāh sa akin, itong Qur'ān na binibigkas ko sa inyo bilang mga katwiran at mga patotoo mula kay Allāh, ang Tagalikha ninyo at ang Tagapangasiwa ng mga kapakanan ninyo, at bilang paggagabay at awa para sa mga mananampalataya kabilang sa mga lingkod Niya. Tungkol naman sa mga hindi mananampalataya naman, sila ay mga ligaw at mga miserable."

Al-A'raaf 7:203Listen in Qur'an →
204

وَإِذَا قُرِئَ ٱلْقُرْءَانُ فَٱسْتَمِعُوا۟ لَهُۥ وَأَنصِتُوا۟ لَعَلَّكُمْ تُرْحَمُونَ

So when the Qur'an is recited, then listen to it and pay attention that you may receive mercy.

Kapag binigkas ang Qur’ān ay makinig kayo sa pagbigkas dito, huwag kayong magsalita, at huwag kayong magpakaabala sa iba pa rito, sa pag-asang maawa sa inyo si Allāh.

Al-A'raaf 7:204Listen in Qur'an →
205

وَٱذْكُر رَّبَّكَ فِى نَفْسِكَ تَضَرُّعًۭا وَخِيفَةًۭ وَدُونَ ٱلْجَهْرِ مِنَ ٱلْقَوْلِ بِٱلْغُدُوِّ وَٱلْءَاصَالِ وَلَا تَكُن مِّنَ ٱلْغَٰفِلِينَ

And remember your Lord within yourself in humility and in fear without being apparent in speech - in the mornings and the evenings. And do not be among the heedless.

Alalahanin mo, O Sugo, si Allāh, ang Panginoon mo, habang nagpapakaaba na nagpapakumbaba na nangangamba. Gawin mo ang panalangin mo na katamtaman sa pagitan ng pagtataas ng tinig at pagbaba nito sa simula ng maghapon at katapusan nito dahil sa kainaman ng dalawang oras na ito. Huwag kang maging kabilang sa mga nalilingat sa pag-alaala kay Allāh – pagkataas-taas Siya.

Al-A'raaf 7:205Listen in Qur'an →
206

إِنَّ ٱلَّذِينَ عِندَ رَبِّكَ لَا يَسْتَكْبِرُونَ عَنْ عِبَادَتِهِۦ وَيُسَبِّحُونَهُۥ وَلَهُۥ يَسْجُدُونَ ۩

Indeed, those who are near your Lord are not prevented by arrogance from His worship, and they exalt Him, and to Him they prostrate.

Tunay na ang mga nasa piling ng Panginoon mo, O Sugo, na mga anghel ay hindi nagmamataas [sa pagtanggi] sa pagsamba sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – bagkus nagpapaakay doon habang mga nagpapakumbaba nang hindi nananamlay habang sila ay nagpapawalang-kapintasan kay Allāh sa gabi at araw sa anumang hindi naaangkop sa Kanya, at sa Kanya lamang nagpapatirapa.

Al-A'raaf 7:206Listen in Qur'an →

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.