Muslim99Muslim99
← Tafsir library

7. Al-A'raaf

The Heights · Meccan · 206 ayahs

سُورَةُ الأَعۡرَافِ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 191–200 of 206

191

أَيُشْرِكُونَ مَا لَا يَخْلُقُ شَيْـًۭٔا وَهُمْ يُخْلَقُونَ

Do they associate with Him those who create nothing and they are [themselves] created?

Gumagawa ba sila sa mga anitong ito at iba pa sa mga ito bilang mga katambal para kay Allāh sa pagsamba samantalang sila ay nakaaalam na ang mga ito ay hindi lumilikha ng anuman para maging karapat-dapat sa pagsamba? Bagkus ang mga ito ay mga nilikha, kaya papaano silang gumagawa sa mga ito bilang mga katambal para kay Allāh?

Al-A'raaf 7:191Listen in Qur'an →
192

وَلَا يَسْتَطِيعُونَ لَهُمْ نَصْرًۭا وَلَآ أَنفُسَهُمْ يَنصُرُونَ

And the false deities are unable to [give] them help, nor can they help themselves.

Hindi nakakakaya ang mga sinasambang ito ng pag-aadya sa mga tagasamba sa mga ito, at hindi nakakakaya sa pag-aadya sa mga sarili ng mga ito, kaya papaanong sumasamba sila sa mga ito?

Al-A'raaf 7:192Listen in Qur'an →
193

وَإِن تَدْعُوهُمْ إِلَى ٱلْهُدَىٰ لَا يَتَّبِعُوكُمْ ۚ سَوَآءٌ عَلَيْكُمْ أَدَعَوْتُمُوهُمْ أَمْ أَنتُمْ صَٰمِتُونَ

And if you [believers] invite them to guidance, they will not follow you. It is all the same for you whether you invite them or you are silent.

Kung mag-aanyaya kayo, O mga tagapagtambal, sa mga anitong ito na ginagawa ninyo bilang mga diyos bukod pa kay Allāh tungo sa patnubay ay hindi tutugon ang mga ito sa pag-anyaya ninyo at hindi susunod sa inyo sapagkat magkatulad sa ganang mga ito ang pag-anyaya ninyo sa mga ito at ang pananahimik ninyo sa mga ito dahil ang mga ito ay payak na mga walang-buhay: hindi nag-iisip ang mga ito, hindi nakaririnig ang mga ito, at hindi nagsasalita ang mga ito.

Al-A'raaf 7:193Listen in Qur'an →
194

إِنَّ ٱلَّذِينَ تَدْعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ عِبَادٌ أَمْثَالُكُمْ ۖ فَٱدْعُوهُمْ فَلْيَسْتَجِيبُوا۟ لَكُمْ إِن كُنتُمْ صَٰدِقِينَ

Indeed, those you [polytheists] call upon besides Allah are servants like you. So call upon them and let them respond to you, if you should be truthful.

Tunay na ang mga sinasamba ninyo, O mga tagapagtambal, bukod pa kay Allāh ay mga nilikha para kay Allāh, na mga minamay-ari para sa Kaya sapagkat sila ay mga tulad ninyo roon bagamat kayo ay higit na mainam sa kalagayan dahil kayo ay mga buhay na nagsasalita, naglalakad, nakaririnig, at nakakikita samantalang ang mga anito ninyo ay hindi gayon. Kaya dumalangin kayo sa kanila at gumanti sila sa inyo ng sagot kung kayo ay mga tapat sa inaangkin ninyo para sa kanila.

Al-A'raaf 7:194Listen in Qur'an →
195

أَلَهُمْ أَرْجُلٌۭ يَمْشُونَ بِهَآ ۖ أَمْ لَهُمْ أَيْدٍۢ يَبْطِشُونَ بِهَآ ۖ أَمْ لَهُمْ أَعْيُنٌۭ يُبْصِرُونَ بِهَآ ۖ أَمْ لَهُمْ ءَاذَانٌۭ يَسْمَعُونَ بِهَا ۗ قُلِ ٱدْعُوا۟ شُرَكَآءَكُمْ ثُمَّ كِيدُونِ فَلَا تُنظِرُونِ

Do they have feet by which they walk? Or do they have hands by which they strike? Or do they have eyes by which they see? Or do they have ears by which they hear? Say, [O Muhammad], "Call your 'partners' and then conspire against me and give me no respite.

Ang mga anitong ito na ginawa ninyong mga diyos ay mayroon bang mga paang naglalakad sila sa pamamagitan ng mga ito saka nagtatrabaho sila para sa mga pangangailangan ninyo? O mayroon silang mga kamay na tumutulak sila sa inyo sa pamamagitan ng mga ito nang may lakas? O mayroon silang mga matang nakakikita sila sa pamamagitan ng mga ito ng nakalingid sa inyo kaya nagpapabatid sila sa inyo? O mayroon silang mga taingang nakaririnig sila sa pamamagitan ng mga ito ng nakakubli sa inyo kaya nagpaparating sila ng kaalaman dito para sa inyo? Kaya kung ang mga ito ay mga inutil doon sa kabuuan niyon, papaanong sumasamba kayo sa mga ito sa pag-asang magtamo ng pakinabang at magtulak ng pinsala? Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Dumalangin kayo sa mga ipinantay ninyo kay Allāh. Pagkatapos manggulang kayo para makapinsala sa akin at huwag kayong magpalugit sa akin."

Al-A'raaf 7:195Listen in Qur'an →
196

إِنَّ وَلِۦِّىَ ٱللَّهُ ٱلَّذِى نَزَّلَ ٱلْكِتَٰبَ ۖ وَهُوَ يَتَوَلَّى ٱلصَّٰلِحِينَ

Indeed, my protector is Allah, who has sent down the Book; and He is an ally to the righteous.

Tunay na ang Mapag-adya sa akin at ang Tagatulong sa akin ay si Allāh na nangangalaga sa akin kaya hindi ako umaasa sa iba pa sa Kanya at hindi ako nangangamba sa anuman sa mga anito ninyo sapagkat Siya ay ang nagbaba sa akin ng Qur'ān bilang patnubay para sa mga tao at Siya ay ang tumatangkilik sa mga maayos kabilang sa mga lingkod Niya saka nag-iingat sa kanila at nag-aadya sa kanila.

Al-A'raaf 7:196Listen in Qur'an →
197

وَٱلَّذِينَ تَدْعُونَ مِن دُونِهِۦ لَا يَسْتَطِيعُونَ نَصْرَكُمْ وَلَآ أَنفُسَهُمْ يَنصُرُونَ

And those you call upon besides Him are unable to help you, nor can they help themselves."

Ang mga dinadalanginan ninyo, O mga tagapagtambal, kabilang sa mga anitong ito ay hindi nakakakaya sa pag-adya sa inyo at hindi nakakakaya sa pag-adya sa mga sarili nila sapagkat sila ay mga walang-kakayahan. Kaya papaanong dumadalangin kayo sa kanila bukod pa kay Allāh?

Al-A'raaf 7:197Listen in Qur'an →
198

وَإِن تَدْعُوهُمْ إِلَى ٱلْهُدَىٰ لَا يَسْمَعُوا۟ ۖ وَتَرَىٰهُمْ يَنظُرُونَ إِلَيْكَ وَهُمْ لَا يُبْصِرُونَ

And if you invite them to guidance, they do not hear; and you see them looking at you while they do not see.

Kung mag-aanyaya kayo, O mga tagapagtambal, sa mga anito ninyo na sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh, tungo sa pagpapakatuwid ay hindi sila makaririnig sa paanyaya ninyo. Nakakikita ka sa kanila na humaharap sa iyo nang may mga matang iginuhit, na mga walang-buhay na hindi nakakikita, sapagkat sila nga noon ay niyayari bilang mga rebulto ayon sa anyo ng mga anak ni Adan o ng mga hayop. Ang mga ito ay may mga kamay, mga paa, at mga mata, subalit ang mga ito ay walang-kaluluwa, na walang buhay at walang pagkilos.

Al-A'raaf 7:198Listen in Qur'an →
199

خُذِ ٱلْعَفْوَ وَأْمُرْ بِٱلْعُرْفِ وَأَعْرِضْ عَنِ ٱلْجَٰهِلِينَ

Take what is given freely, enjoin what is good, and turn away from the ignorant.

Tumanggap ka, O Sugo, mula sa mga tao, ng ipinahintulot ng mga sarili nila at ng naging madali sa kanila na mga gawain at mga kaasalan. Huwag kang mag-atang sa kanila ng hindi ipinahihintulot ng mga kalikasan nila sapagkat tunay na iyon ay maglalayo ng loob nila. Mag-utos ka ng bawat pananalitang maganda at gawaing mahusay. Umayaw ka sa mga mangmang kaya huwag mong harapin sila sa kamangmangan nila. Ang sinumang nanakit sa iyo ay huwag mong saktan. Ang sinumang nagkait sa iyo ay huwag mong pagkaitan.

Al-A'raaf 7:199Listen in Qur'an →
200

وَإِمَّا يَنزَغَنَّكَ مِنَ ٱلشَّيْطَٰنِ نَزْغٌۭ فَٱسْتَعِذْ بِٱللَّهِ ۚ إِنَّهُۥ سَمِيعٌ عَلِيمٌ

And if an evil suggestion comes to you from Satan, then seek refuge in Allah. Indeed, He is Hearing and Knowing.

Kapag nakadama ka, O Sugo, na ang demonyo ay nagpatama sa iyo ng isang panunulsol o isang pagsagabal sa paggawa ng kabutihan, dumulog ka kay Allāh at mangunyapit ka sa Kanya sapagkat tunay na Siya ay Madinigin sa anumang sinasabi mo, Maalam sa pagdulog mo kaya magtatanggol Siya sa iyo laban sa demonyo.

Al-A'raaf 7:200Listen in Qur'an →

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.