Muslim99Muslim99
← Tafsir library

7. Al-A'raaf

The Heights · Meccan · 206 ayahs

سُورَةُ الأَعۡرَافِ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 171–180 of 206

171

۞ وَإِذْ نَتَقْنَا ٱلْجَبَلَ فَوْقَهُمْ كَأَنَّهُۥ ظُلَّةٌۭ وَظَنُّوٓا۟ أَنَّهُۥ وَاقِعٌۢ بِهِمْ خُذُوا۟ مَآ ءَاتَيْنَٰكُم بِقُوَّةٍۢ وَٱذْكُرُوا۟ مَا فِيهِ لَعَلَّكُمْ تَتَّقُونَ

And [mention] when We raised the mountain above them as if it was a dark cloud and they were certain that it would fall upon them, [and Allah said], "Take what We have given you with determination and remember what is in it that you might fear Allah."

Banggitin mo, O Muḥammad, noong binunot Namin ang bundok saka inangat Namin ito sa ibabaw ng mga anak ni Israel noong tumanggi sila sa pagtanggap ng nasa Torah, kaya ang bundok ay naging para bang isang ulap na lumilim sa mga ulo nila, at nakatiyak sila na ito ay babagsak sa kanila. Sinabi sa kanila: "Kunin ninyo ang ibinigay Namin sa inyo nang may kaseryosohan at determinasyon at isaalaala ninyo ang nariyan na mga patakarang isinabatas ni Allāh para sa inyo at huwag ninyong kalimutan, sa pag-asang mangilag kayong magkasala kay Allāh kapag nagsagawa kayo niyon."

Al-A'raaf 7:171Listen in Qur'an →
172

وَإِذْ أَخَذَ رَبُّكَ مِنۢ بَنِىٓ ءَادَمَ مِن ظُهُورِهِمْ ذُرِّيَّتَهُمْ وَأَشْهَدَهُمْ عَلَىٰٓ أَنفُسِهِمْ أَلَسْتُ بِرَبِّكُمْ ۖ قَالُوا۟ بَلَىٰ ۛ شَهِدْنَآ ۛ أَن تَقُولُوا۟ يَوْمَ ٱلْقِيَٰمَةِ إِنَّا كُنَّا عَنْ هَٰذَا غَٰفِلِينَ

And [mention] when your Lord took from the children of Adam - from their loins - their descendants and made them testify of themselves, [saying to them], "Am I not your Lord?" They said, "Yes, we have testified." [This] - lest you should say on the day of Resurrection, "Indeed, we were of this unaware."

Banggitin mo, O Muḥammad, noong pinalabas ng Panginoon mo mula sa mga gulugod ng mga anak ni Adan ang mga supling nila at pinaamin Niya sila sa pagkilala sa pagkapanginoon Niya sa pamamagitan ng inilagak Niya sa mga kalikasan ng pagkalalang sa kanila na pagkilala na Siya ay ang Tagalikha nila at ang Panginoon nila, na nagsasabi sa kanila: "Hindi ba Ako ay Panginoon ninyo?" Nagsabi naman silang lahat: "Opo; Ikaw ay Panginoon namin." Nagsabi Siya: "Sumubok lamang Kami sa inyo at gumawa Kami sa inyo ng isang kasunduan upang hindi kayo magkaila sa Araw ng Pagbangon sa katwiran Namin sa inyo at magsabi kayo na wala kayong kaalaman doon."

Al-A'raaf 7:172Listen in Qur'an →
173

أَوْ تَقُولُوٓا۟ إِنَّمَآ أَشْرَكَ ءَابَآؤُنَا مِن قَبْلُ وَكُنَّا ذُرِّيَّةًۭ مِّنۢ بَعْدِهِمْ ۖ أَفَتُهْلِكُنَا بِمَا فَعَلَ ٱلْمُبْطِلُونَ

Or [lest] you say, "It was only that our fathers associated [others in worship] with Allah before, and we were but descendants after them. Then would You destroy us for what the falsifiers have done?"

O [upang hindi] kayo mangatwiran na ang mga ninuno ninyo ay ang mga kumalas sa tipan sapagkat nagtambal sila kay Allāh at na kayo noon ay mga gumagaya sa mga ninuno ninyo sa natagpuan ninyo sa kanila na pagtatambal para magsabi kayo: "Kaya maninisi Ka ba sa amin, O Panginoon namin, dahil sa ginawa ng mga ninuno namin na nagpawalang-saysay sa mga gawa nila dahil sa pagtatambal sa Iyo saka magpaparusa Ka sa amin? Kaya walang pagkakasala sa amin dahil sa kamangmangan namin at paggaya namin sa mga ninuno namin."

Al-A'raaf 7:173Listen in Qur'an →
174

وَكَذَٰلِكَ نُفَصِّلُ ٱلْءَايَٰتِ وَلَعَلَّهُمْ يَرْجِعُونَ

And thus do We [explain in] detail the verses, and perhaps they will return.

Gaya ng nilinaw sa mga talata sa kahahantungan ng mga kalipunang tagapasinungaling, gayon nililinaw iyon para sa mga ito sa pag-asang bumalik sila palayo sa taglay nila na shirk patungo sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at pagsamba sa Kanya lamang gaya ng nasaad sa tipan na nag-obliga sila para kay Allāh sa mga sarili nila.

Al-A'raaf 7:174Listen in Qur'an →
175

وَٱتْلُ عَلَيْهِمْ نَبَأَ ٱلَّذِىٓ ءَاتَيْنَٰهُ ءَايَٰتِنَا فَٱنسَلَخَ مِنْهَا فَأَتْبَعَهُ ٱلشَّيْطَٰنُ فَكَانَ مِنَ ٱلْغَاوِينَ

And recite to them, [O Muhammad], the news of him to whom we gave [knowledge of] Our signs, but he detached himself from them; so Satan pursued him, and he became of the deviators.

Bumigkas ka, O Sugo, sa mga anak ni Israel ng ulat ng isang lalaking kabilang sa kanila. Nagbigay Kami sa kanya ng mga tanda Namin kaya nalaman niya ang mga ito at naunawaan niya ang katotohanan na ipinahiwatig ng mga ito. Subalit siya ay hindi gumawa ayon sa mga ito, bagkus umiwan siya sa mga ito at kumalas siya sa mga ito. Kaya nakahabol sa kanya ang demonyo at siya ay naging kasamahan para roon. Kaya siya ay naging kabilang sa mga naliligaw na mapapahamak matapos na siya noon ay naging kabilang sa mga napatnubayan na maliligtas sana.

Al-A'raaf 7:175Listen in Qur'an →
176

وَلَوْ شِئْنَا لَرَفَعْنَٰهُ بِهَا وَلَٰكِنَّهُۥٓ أَخْلَدَ إِلَى ٱلْأَرْضِ وَٱتَّبَعَ هَوَىٰهُ ۚ فَمَثَلُهُۥ كَمَثَلِ ٱلْكَلْبِ إِن تَحْمِلْ عَلَيْهِ يَلْهَثْ أَوْ تَتْرُكْهُ يَلْهَث ۚ ذَّٰلِكَ مَثَلُ ٱلْقَوْمِ ٱلَّذِينَ كَذَّبُوا۟ بِـَٔايَٰتِنَا ۚ فَٱقْصُصِ ٱلْقَصَصَ لَعَلَّهُمْ يَتَفَكَّرُونَ

And if We had willed, we could have elevated him thereby, but he adhered [instead] to the earth and followed his own desire. So his example is like that of the dog: if you chase him, he pants, or if you leave him, he [still] pants. That is the example of the people who denied Our signs. So relate the stories that perhaps they will give thought.

Kung sakaling niloob Namin ang pagpapakinabang sa kanya sa pamamagitan mga tandang ito ay talaga sanang nag-angat Kami sa kanya dahil sa mga ito sa pamamagitan ng pagtutuon Namin sa kanya sa paggawa ayon sa mga ito, kaya aangat siya sa Mundo at Kabilang-buhay. Subalit siya ay pumili sa nagpapahantong sa pagtatatwa sa kanya nang nahilig siya sa mga ninanasa sa Mundo, habang nagtatangi sa Mundo niya higit sa Kabilang-buhay niya. Sumunod siya sa pinipithaya ng sarili niya na kawalang-kabuluhan. Kaya ang paghahalintulad sa kanya sa katindihan ng pagkasigasig sa kamunduhan ay kahalintulad ng aso. Hindi ito tumitigil sa paglawit-lawit ng dila sa bawat sandali. Kung ito ay nakadapa, naglalawit-lawit ng dila ito. Kung binugaw ito, naglalawit-lawit ng dila ito. Ang paghahalintulad na nabanggit na iyon ay ang paghahalintulad sa mga taong naliligaw dahil sa pagpapasinungaling nila sa mga tanda Namin. Kaya magsalaysay ka, O Sugo, ng mga kasaysayan sa kanila, sa pag-asang mag-isip-isip sila para mapigilan sila sa taglay nila na pagpapasinungaling at pagkaligaw.

Al-A'raaf 7:176Listen in Qur'an →
177

سَآءَ مَثَلًا ٱلْقَوْمُ ٱلَّذِينَ كَذَّبُوا۟ بِـَٔايَٰتِنَا وَأَنفُسَهُمْ كَانُوا۟ يَظْلِمُونَ

How evil an example [is that of] the people who denied Our signs and used to wrong themselves.

Walang higit na masagwa kaysa sa mga taong nagpasinungaling sa mga katwiran Namin at mga patotoo Namin at hindi naniwala sa mga ito. Sila dahil doon ay lumalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa paghahatid sa mga ito sa mga hatiran ng kapahamakan.

Al-A'raaf 7:177Listen in Qur'an →
178

مَن يَهْدِ ٱللَّهُ فَهُوَ ٱلْمُهْتَدِى ۖ وَمَن يُضْلِلْ فَأُو۟لَٰٓئِكَ هُمُ ٱلْخَٰسِرُونَ

Whoever Allah guides - he is the [rightly] guided; and whoever He sends astray - it is those who are the losers.

Ang sinumang itinuon ni Allāh sa kapatnubayan tungo sa landasin Niyang tuwid, siya ang napapatnubayan nang totohanan. Ang sinumang pinalayo Niya sa landasing tuwid, ang mga iyon ay ang mga nagbabawas sa mga sarili nila ng mga bahagi nila nang totohanan, na mga nagpalugi sa mga sarili nila at mga mag-anak nila sa Araw ng Pagbangon. Pansinin, iyon ay ang pagkaluging malinaw!

Al-A'raaf 7:178Listen in Qur'an →
179

وَلَقَدْ ذَرَأْنَا لِجَهَنَّمَ كَثِيرًۭا مِّنَ ٱلْجِنِّ وَٱلْإِنسِ ۖ لَهُمْ قُلُوبٌۭ لَّا يَفْقَهُونَ بِهَا وَلَهُمْ أَعْيُنٌۭ لَّا يُبْصِرُونَ بِهَا وَلَهُمْ ءَاذَانٌۭ لَّا يَسْمَعُونَ بِهَآ ۚ أُو۟لَٰٓئِكَ كَٱلْأَنْعَٰمِ بَلْ هُمْ أَضَلُّ ۚ أُو۟لَٰٓئِكَ هُمُ ٱلْغَٰفِلُونَ

And We have certainly created for Hell many of the jinn and mankind. They have hearts with which they do not understand, they have eyes with which they do not see, and they have ears with which they do not hear. Those are like livestock; rather, they are more astray. It is they who are the heedless.

Talaga ngang lumikha Kami para sa Impiyerno ng marami sa jinn at marami sa tao dahil sa pagkakaalam Namin na sila ay gagawa ng gawain ng mga maninirahan doon. Mayroon silang mga puso na hindi sila nakatatalos sa pamamagitan ng mga ito ng magpapakinabang sa kanila ni ng mamiminsala sa kanila. Mayroon silang mga mata na hindi sila nakakikita sa pamamagitan ng mga ito ng mga tanda ni Allāh sa mga sarili nila at mga abot tanaw para magsaalang-alang sila sa mga ito. Mayroon silang mga tainga na hindi sila nakaririnig sa pamamagitan ng mga ito ng mga tanda ni Allāh para magbulay-bulay sila sa mga ito. Ang mga nailalarawang iyon sa mga katangiang ito ay tulad ng mga hayupan sa pagkawala ng isip, bagkus sila ay higit na malayo sa pagkaligaw kaysa sa mga hayupan. Ang mga iyon ay ang mga nalilingat sa pananampalataya kay Allāh at sa Huling Araw.

Al-A'raaf 7:179Listen in Qur'an →
180

وَلِلَّهِ ٱلْأَسْمَآءُ ٱلْحُسْنَىٰ فَٱدْعُوهُ بِهَا ۖ وَذَرُوا۟ ٱلَّذِينَ يُلْحِدُونَ فِىٓ أَسْمَٰٓئِهِۦ ۚ سَيُجْزَوْنَ مَا كَانُوا۟ يَعْمَلُونَ

And to Allah belong the best names, so invoke Him by them. And leave [the company of] those who practice deviation concerning His names. They will be recompensed for what they have been doing.

Taglay ni Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ang mga pangalang napakagaganda na nagpapatunay sa pagkapinagpipitaganan Niya at kalubusan Niya. Kaya magsumamo kayo sa Kanya sa pamamagitan ng mga ito sa paghiling ng ninanais ninyo at magbunyi kayo sa Kanya sa pamamagitan ng mga ito. Hayaan ninyo ang mga kumikiling palayo sa katotohanan kaugnay sa mga pangalang ito sa pamamagitan ng pagtatalaga sa mga ito sa iba pa kay Allāh o pagkakaila sa mga ito sa Kanya o paglilihis sa kahulugan ng mga ito o pagwawangis ng iba pa sa Kanya sa mga ito. Gaganti si Allāh sa mga kumikiling sa mga ito palayo sa katotohanan: ang pagdurusang nakasasakit dahil sa dati nilang ginagawa.

Al-A'raaf 7:180Listen in Qur'an →

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.