Muslim99Muslim99
← Tafsir library

7. Al-A'raaf

The Heights · Meccan · 206 ayahs

سُورَةُ الأَعۡرَافِ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 161–170 of 206

161

وَإِذْ قِيلَ لَهُمُ ٱسْكُنُوا۟ هَٰذِهِ ٱلْقَرْيَةَ وَكُلُوا۟ مِنْهَا حَيْثُ شِئْتُمْ وَقُولُوا۟ حِطَّةٌۭ وَٱدْخُلُوا۟ ٱلْبَابَ سُجَّدًۭا نَّغْفِرْ لَكُمْ خَطِيٓـَٰٔتِكُمْ ۚ سَنَزِيدُ ٱلْمُحْسِنِينَ

And [mention, O Muhammad], when it was said to them, "Dwell in this city and eat from it wherever you will and say, 'Relieve us of our burdens,' and enter the gate bowing humbly; We will [then] forgive you your sins. We will increase the doers of good [in goodness and reward]."

Banggitin mo, O Sugo, nang nagsabi si Allāh sa mga anak ni Israel: "Pumasok kayo sa Jerusalem. Kumain kayo mula sa mga bunga ng pamayanan nito mula sa alinmang pook mula rito at sa alinmang oras na niloob ninyo. Magsabi kayo: 'O Panginoon namin, mag-alis Ka sa amin ng mga kamalian namin.' Magsipasok kayo sa pinto na mga nakayukod, na mga nagpapasailalim sa Panginoon ninyo. Kaya kung gumawa kayo niyon, magpapalampas Kami ng mga pagkakasala ninyo. Magdaragdag Kami sa mga tagagawa ng maganda ng mga mabuti sa Mundo at Kabilang-buhay."

Al-A'raaf 7:161Listen in Qur'an →
162

فَبَدَّلَ ٱلَّذِينَ ظَلَمُوا۟ مِنْهُمْ قَوْلًا غَيْرَ ٱلَّذِى قِيلَ لَهُمْ فَأَرْسَلْنَا عَلَيْهِمْ رِجْزًۭا مِّنَ ٱلسَّمَآءِ بِمَا كَانُوا۟ يَظْلِمُونَ

But those who wronged among them changed [the words] to a statement other than that which had been said to them. So We sent upon them a punishment from the sky for the wrong that they were doing.

Ngunit nagpaiba ang mga tagalabag sa katarungan kabilang sa kanila ng sinabi na ipinag-utos sa kanila sapagkat nagsabi sila: "Isang butil sa sebada," bilang pamalit sa ipinag-utos sa kanila na paghingi ng kapatawaran; at nagpaiba sila ng gawain na ipinag-utos sa kanila sapagkat pumasok sila habang gumagapang nang nakahiga sa mga likod nila sa halip ng pagpasok bilang mga nagpapasailalim kay Allāh, habang mga nagtatalukbong ng mga ulo nila. Kaya naman nagsugo sa kanila ng isang pagdurusa mula sa langit dahilan sa kawalang-katarungan nila.

Al-A'raaf 7:162Listen in Qur'an →
163

وَسْـَٔلْهُمْ عَنِ ٱلْقَرْيَةِ ٱلَّتِى كَانَتْ حَاضِرَةَ ٱلْبَحْرِ إِذْ يَعْدُونَ فِى ٱلسَّبْتِ إِذْ تَأْتِيهِمْ حِيتَانُهُمْ يَوْمَ سَبْتِهِمْ شُرَّعًۭا وَيَوْمَ لَا يَسْبِتُونَ ۙ لَا تَأْتِيهِمْ ۚ كَذَٰلِكَ نَبْلُوهُم بِمَا كَانُوا۟ يَفْسُقُونَ

And ask them about the town that was by the sea - when they transgressed in [the matter of] the sabbath - when their fish came to them openly on their sabbath day, and the day they had no sabbath they did not come to them. Thus did We give them trial because they were defiantly disobedient.

Tanungin mo, O Sugo, ang mga Hudyo bilang pagpapaalaala sa kanila hinggil sa pagparusa ni Allāh sa mga ninuno nila ayon sa kasaysayan ng pamayanan, na iyon noon ay nasa malapit sa dagat, nang sila noon ay lumampas sa mga hangganan ni Allāh dahil sa pangingisda sa araw ng Sabado, matapos ng pagsaway sa kanila, nang sumubok sa kanila si Allāh sa pamamagitan ng pagpapunta sa kanila ng mga isda nang hayagan sa ibabaw ng dagat sa araw ng Sabado, samantalang sa ibang mga araw ay hindi naman pumupunta ang mga ito sa kanila. Sumubok si Allāh sa kanila sa pamamagitan niyon dahilan sa paglabas nila sa pagtalima at paggawa nila ng mga pagsuway. Nanggulang sila para sa pangingisda sa pamamagitan ng pagtukod nila ng mga lambat nila at paghukay nila ng hukay nila kaya naman ang mga isda ay bumabagsak roon sa araw ng Sabado, saka kapag araw ng Linggo ay kinukuha nila ang mga iyon at kinakain ang mga iyon.

Al-A'raaf 7:163Listen in Qur'an →
164

وَإِذْ قَالَتْ أُمَّةٌۭ مِّنْهُمْ لِمَ تَعِظُونَ قَوْمًا ۙ ٱللَّهُ مُهْلِكُهُمْ أَوْ مُعَذِّبُهُمْ عَذَابًۭا شَدِيدًۭا ۖ قَالُوا۟ مَعْذِرَةً إِلَىٰ رَبِّكُمْ وَلَعَلَّهُمْ يَتَّقُونَ

And when a community among them said, "Why do you advise [or warn] a people whom Allah is [about] to destroy or to punish with a severe punishment?" they [the advisors] said, "To be absolved before your Lord and perhaps they may fear Him."

Banggitin mo, O Sugo, nang may isang pangkat kabilang sa kanila na sumasaway sa kanila laban sa nakasasamang ito at nagbibigay-babala sa kanila laban dito, may nagsabi naman dito na iba pang pangkat: "Bakit kayo nagpapayo sa isang pangkat na si Allāh ay magpapahamak rito sa Mundo dahil sa ginawa nito na mga pagsuway o magpaparusa rito sa Araw ng Pagbangon ng isang matinding pagdurusa?" Nagsabi ang mga tagapayo: "Ang payo namin sa kanila ay upang mapawalang-sala kay Allāh sa pamamagitan ng paggawa sa ipinag-utos Niya sa amin na pag-uutos sa nakabubuti at pagsaway sa nakasasama upang hindi Siya manisi sa amin sa pag-iwan niyon, at nang sa gayon sila ay makikinabang sa pangaral saka magtatanggal sa taglay nila na pagsuway."

Al-A'raaf 7:164Listen in Qur'an →
165

فَلَمَّا نَسُوا۟ مَا ذُكِّرُوا۟ بِهِۦٓ أَنجَيْنَا ٱلَّذِينَ يَنْهَوْنَ عَنِ ٱلسُّوٓءِ وَأَخَذْنَا ٱلَّذِينَ ظَلَمُوا۟ بِعَذَابٍۭ بَـِٔيسٍۭ بِمَا كَانُوا۟ يَفْسُقُونَ

And when they forgot that by which they had been reminded, We saved those who had forbidden evil and seized those who wronged, with a wretched punishment, because they were defiantly disobeying.

Kaya noong umayaw ang mga tagasuway sa ipinaalaala sa kanila ng mga tagapangaral at hindi sila tumigil, sinagip Namin ang mga sumaway sa nakasasama mula sa pagdurusa at dumaklot Kami sa mga lumabag sa katarungan dahil sa paglabag sa [pagbabawal sa] pangingisda sa araw ng Sabado ng isang matinding pagdurusa dahilan sa paglabas nila sa pagtalima sa Amin at pagpupumilit nila sa pagsuway.

Al-A'raaf 7:165Listen in Qur'an →
166

فَلَمَّا عَتَوْا۟ عَن مَّا نُهُوا۟ عَنْهُ قُلْنَا لَهُمْ كُونُوا۟ قِرَدَةً خَٰسِـِٔينَ

So when they were insolent about that which they had been forbidden, We said to them, "Be apes, despised."

Kaya noong lumampas sila sa hangganan sa pagsuway kay Allāh dala ng pagkamapagmalaki at pagmamatigas at hindi sila napangaralan, nagsabi Kami sa kanila: "O mga tagasuway, kayo ay maging mga unggoy na kaaba-aba." Kaya sila ay naging gaya ng ninais Namin. Ang utos Namin lamang sa isang bagay kapag nagnais Kami ay na magsabi Kami rito ng mangyari kaya mangyayari ito.

Al-A'raaf 7:166Listen in Qur'an →
167

وَإِذْ تَأَذَّنَ رَبُّكَ لَيَبْعَثَنَّ عَلَيْهِمْ إِلَىٰ يَوْمِ ٱلْقِيَٰمَةِ مَن يَسُومُهُمْ سُوٓءَ ٱلْعَذَابِ ۗ إِنَّ رَبَّكَ لَسَرِيعُ ٱلْعِقَابِ ۖ وَإِنَّهُۥ لَغَفُورٌۭ رَّحِيمٌۭ

And [mention] when your Lord declared that He would surely [continue to] send upon them until the Day of Resurrection those who would afflict them with the worst torment. Indeed, your Lord is swift in penalty; but indeed, He is Forgiving and Merciful.

Banggitin mo, O Sugo, nang ipinaalam ni Allāh sa isang pagpapaalam na tahasan, na walang kalituhan doon, upang paghariin sa mga Hudyo ang aaba sa kanila at hahamak sa kanila sa buhay nila sa Mundo hanggang sa Araw ng Pagbangon. Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay talagang mabilis ang parusa sa sinumang sumuway sa Kanya, hanggang sa tunay na Siya ay maaaring magpaaga para rito ng kaparusahan sa Mundo. Tunay na Siya ay talagang Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob sa Kanya kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.

Al-A'raaf 7:167Listen in Qur'an →
168

وَقَطَّعْنَٰهُمْ فِى ٱلْأَرْضِ أُمَمًۭا ۖ مِّنْهُمُ ٱلصَّٰلِحُونَ وَمِنْهُمْ دُونَ ذَٰلِكَ ۖ وَبَلَوْنَٰهُم بِٱلْحَسَنَٰتِ وَٱلسَّيِّـَٔاتِ لَعَلَّهُمْ يَرْجِعُونَ

And We divided them throughout the earth into nations. Of them some were righteous, and of them some were otherwise. And We tested them with good [times] and bad that perhaps they would return [to obedience].

Nagbaha-bahagi Kami sa kanila sa lupa at naggutay-gutay Kami sa kanila rito para maging mga pangkatin matapos na sila dati ay mga nagkakasama-sama. Kabilang sa kanila ang mga maayos na nagsasagawa sa mga karapatan ni Allāh at mga karapatan ng mga lingkod Niya. Kabilang sa kanila ang mga nagpapakakatamtaman. Kabilang sa kanila ang mga nagmamalabis sa mga sarili nila sa pamamagitan ng mga pagsuway. Sinulit Namin sila sa pamamagitan ng kaginhawahan at kagipitan, sa pag-asang bumalik sila palayo sa dating lagay nila.

Al-A'raaf 7:168Listen in Qur'an →
169

فَخَلَفَ مِنۢ بَعْدِهِمْ خَلْفٌۭ وَرِثُوا۟ ٱلْكِتَٰبَ يَأْخُذُونَ عَرَضَ هَٰذَا ٱلْأَدْنَىٰ وَيَقُولُونَ سَيُغْفَرُ لَنَا وَإِن يَأْتِهِمْ عَرَضٌۭ مِّثْلُهُۥ يَأْخُذُوهُ ۚ أَلَمْ يُؤْخَذْ عَلَيْهِم مِّيثَٰقُ ٱلْكِتَٰبِ أَن لَّا يَقُولُوا۟ عَلَى ٱللَّهِ إِلَّا ٱلْحَقَّ وَدَرَسُوا۟ مَا فِيهِ ۗ وَٱلدَّارُ ٱلْءَاخِرَةُ خَيْرٌۭ لِّلَّذِينَ يَتَّقُونَ ۗ أَفَلَا تَعْقِلُونَ

And there followed them successors who inherited the Scripture [while] taking the commodities of this lower life and saying, "It will be forgiven for us." And if an offer like it comes to them, they will [again] take it. Was not the covenant of the Scripture taken from them that they would not say about Allah except the truth, and they studied what was in it? And the home of the Hereafter is better for those who fear Allah, so will you not use reason?

Saka may dumating, nang matapos ng mga ito, na mga alagad ng kasagwaan na humahalili sa mga ito. Kinuha nila ang Torah mula sa mga ninuno nila, na bumibigkas nito at hindi nagsasagawa sa nasaad dito. Kumukuha sila ng masamang tinatamasa sa Mundo bilang panunuhol sa paglilihis nila sa Kasulatan ni Allāh at paghatol ng hindi ayon sa pinababa Niya rito. Nagpapamithi sila sa mga sarili nila na si Allāh ay magpapatawad sa kanila sa mga pagkakasala nila. Kung may pumupunta sa kanila na isang katiting na makamundong tinatamasang ay kinukuha nila ito nang paulit-ulit. Hindi ba gumawa si Allāh ng mga tipan at mga kasunduan sa mga ito, na huwag silang magsabi tungkol kay Allāh maliban ng katotohanan nang walang paglilihis o pagpapalit? Hindi ba nangyaring ang pag-iwan nila sa paggawa ayon sa Kasulatan ay dala ng kamangmangan? Bagkus ito noon ay nasa kaalaman sapagkat nakabasa nga sila ng nasaad dito at nakaalam sila nito, kaya ang pagkakasala nila ay higit na matindi. Ang tahanan sa Kabilang-buhay at ang anumang nasa tahanan sa Kabilang-buhay na kaginhawahang mamalagi ay higit na mabuti kaysa sa naglalahong tinatamasang iyon para sa mga nangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Hindi ba nakauunawa itong mga kumukuha ng katiting na pakinabang na ito na ang inihanda ni Allāh sa Kabilang-buhay para sa mga nangingilag magkasala ay pinakamabuti at pinakamagtatagal?

Al-A'raaf 7:169Listen in Qur'an →
170

وَٱلَّذِينَ يُمَسِّكُونَ بِٱلْكِتَٰبِ وَأَقَامُوا۟ ٱلصَّلَوٰةَ إِنَّا لَا نُضِيعُ أَجْرَ ٱلْمُصْلِحِينَ

But those who hold fast to the Book and establish prayer - indeed, We will not allow to be lost the reward of the reformers.

Ang mga kumakapit sa Kasulatan, gumagawa ayon sa nasaad dito, at nagpapanatili ng pagdarasal sa pamamagitan ng pag-iingat sa mga oras nito, mga kundisyon nito, mga kinakailangan dito, at mga sunnah nito ay gaganti si Allāh sa kanila sa mga gawa nila sapagkat si Allāh ay hindi nagwawala ng pabuya ng sinumang ang gawa nito ay maayos.

Al-A'raaf 7:170Listen in Qur'an →

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.