Muslim99Muslim99
← Tafsir library

7. Al-A'raaf

The Heights · Meccan · 206 ayahs

سُورَةُ الأَعۡرَافِ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 11–20 of 206

11

وَلَقَدْ خَلَقْنَٰكُمْ ثُمَّ صَوَّرْنَٰكُمْ ثُمَّ قُلْنَا لِلْمَلَٰٓئِكَةِ ٱسْجُدُوا۟ لِءَادَمَ فَسَجَدُوٓا۟ إِلَّآ إِبْلِيسَ لَمْ يَكُن مِّنَ ٱلسَّٰجِدِينَ

And We have certainly created you, [O Mankind], and given you [human] form. Then We said to the angels, "Prostrate to Adam"; so they prostrated, except for Iblees. He was not of those who prostrated.

Talaga ngang nagpaluwal Kami, O mga tao, sa ama ninyong si Adan. Pagkatapos nag-anyo Kami sa kanya sa pinakamagandang anyo at pinakamagandang paghuhubog. Pagkatapos nag-utos Kami sa mga anghel ng pagpapatirapa kay Adan bilang pagpaparangal sa kanya. Kaya sumunod sila at nagpatirapa sila maliban si Satanas; tumanggi ito na magpatirapa dala ng pagkamapagmalaki at pagmamatigas.

Al-A'raaf 7:11Listen in Qur'an →
12

قَالَ مَا مَنَعَكَ أَلَّا تَسْجُدَ إِذْ أَمَرْتُكَ ۖ قَالَ أَنَا۠ خَيْرٌۭ مِّنْهُ خَلَقْتَنِى مِن نَّارٍۢ وَخَلَقْتَهُۥ مِن طِينٍۢ

[Allah] said, "What prevented you from prostrating when I commanded you?" [Satan] said, "I am better than him. You created me from fire and created him from clay."

Nagsabi si Allāh – pagkataas-taas Siya – bilang paninisi kay Satanas: "Alin ang nakapigil sa iyo sa pagsunod sa utos Ko sa iyo na magpatirapa kay Adan?" Nagsabi si Satanas habang sumasagot sa Panginoon niya: "Nakapigil sa akin na ako ay higit na mainam kaysa sa kanya sapagkat nilikha Mo ako mula sa apoy samantalang nilikha Mo siya mula sa putik. Ang apoy ay higit na marangal kaysa sa putik."

Al-A'raaf 7:12Listen in Qur'an →
13

قَالَ فَٱهْبِطْ مِنْهَا فَمَا يَكُونُ لَكَ أَن تَتَكَبَّرَ فِيهَا فَٱخْرُجْ إِنَّكَ مِنَ ٱلصَّٰغِرِينَ

[Allah] said, "Descend from Paradise, for it is not for you to be arrogant therein. So get out; indeed, you are of the debased.

Nagsabi si Allāh dito: "Lumapag ka mula sa Paraiso sapagkat hindi ukol sa iyo na magpakamalaki rito dahil ito ay tahanan ng mga kaaya-ayang dalisay kaya hindi ipinahihintulot sa iyo na ikaw ay maging nasa loob nito. Tunay na ikaw, O Satanas, ay kabilang sa mga kahamak-hamak na kaaba-aba, kahit pa ikaw ay nagtuturing sa sarili mo na ikaw ay higit na marangal kaysa kay Adan."

Al-A'raaf 7:13Listen in Qur'an →
14

قَالَ أَنظِرْنِىٓ إِلَىٰ يَوْمِ يُبْعَثُونَ

[Satan] said, "Reprieve me until the Day they are resurrected."

Nagsabi si Satanas: "O Panginoon, magpalugit Ka sa akin hanggang sa Araw ng Pagkabuhay upang magpalisya ako ng sinumang makakaya kong ipalisya sa mga tao."

Al-A'raaf 7:14Listen in Qur'an →
15

قَالَ إِنَّكَ مِنَ ٱلْمُنظَرِينَ

[Allah] said, "Indeed, you are of those reprieved."

Nagsabi rito si Allāh: "Tunay na ikaw, O Satanas, ay kabilang sa mga pinalulugitan na itatakda sa kanila ang kamatayan sa araw ng unang pag-ihip sa tambuli kapag mamamatay ang mga nilikha sa kabuuan nila at matitira ang Tagapaglikha nila lamang."

Al-A'raaf 7:15Listen in Qur'an →
16

قَالَ فَبِمَآ أَغْوَيْتَنِى لَأَقْعُدَنَّ لَهُمْ صِرَٰطَكَ ٱلْمُسْتَقِيمَ

[Satan] said, "Because You have put me in error, I will surely sit in wait for them on Your straight path.

Nagsabi si Satanas: "Dahilan sa pagligaw Mo sa akin hanggang sa umiwan ako sa pagsunod sa utos Mo na magpatirapa kay Adan, talagang mag-aabang nga ako sa mga anak ni Adan sa landasin Mong tuwid upang maglihis sa kanila at magligaw sa kanila gaya ng pagkaligaw ko mismo dahil sa pagtanggi sa pagpapatirapa sa ama nilang si Adan."

Al-A'raaf 7:16Listen in Qur'an →
17

ثُمَّ لَءَاتِيَنَّهُم مِّنۢ بَيْنِ أَيْدِيهِمْ وَمِنْ خَلْفِهِمْ وَعَنْ أَيْمَٰنِهِمْ وَعَن شَمَآئِلِهِمْ ۖ وَلَا تَجِدُ أَكْثَرَهُمْ شَٰكِرِينَ

Then I will come to them from before them and from behind them and on their right and on their left, and You will not find most of them grateful [to You]."

Pagkatapos talagang pupunta nga ako sa kanila sa lahat ng mga dako na may dalang pagpapawalang-bahala sa Kabilang-buhay, pagpapaibig sa Mundo, pagpupukol ng mga maling-akala, at pagpapaganda ng mga masamang nasa. Hindi Ka makatatagpo, O Panginoon, sa higit na marami sa kanila bilang mga tagapagpasalamat sa Iyo dahil sa idinidikta ko sa kanila na kawalang-pananampalataya."

Al-A'raaf 7:17Listen in Qur'an →
18

قَالَ ٱخْرُجْ مِنْهَا مَذْءُومًۭا مَّدْحُورًۭا ۖ لَّمَن تَبِعَكَ مِنْهُمْ لَأَمْلَأَنَّ جَهَنَّمَ مِنكُمْ أَجْمَعِينَ

[Allah] said, "Get out of Paradise, reproached and expelled. Whoever follows you among them - I will surely fill Hell with you, all together."

Nagsabi si Allāh rito: "Lumabas ka, O Satanas, mula sa Paraiso nang pinupulaan na itinataboy mula sa awa Ko. Talagang magpupuno nga Ako ng Impiyerno sa Araw ng Pagbangon mula sa iyo at mula sa bawat sinumang sumunod sa iyo, tumalima sa Iyo, at sumuway sa utos ng Panginoon nito.

Al-A'raaf 7:18Listen in Qur'an →
19

وَيَٰٓـَٔادَمُ ٱسْكُنْ أَنتَ وَزَوْجُكَ ٱلْجَنَّةَ فَكُلَا مِنْ حَيْثُ شِئْتُمَا وَلَا تَقْرَبَا هَٰذِهِ ٱلشَّجَرَةَ فَتَكُونَا مِنَ ٱلظَّٰلِمِينَ

And "O Adam, dwell, you and your wife, in Paradise and eat from wherever you will but do not approach this tree, lest you be among the wrongdoers."

Nagsabi si Allāh kay Adan: "O Adan, manahan ka at ang maybahay mong si Eva sa Paraiso, saka kumain kayong dalawa mula rito ng mga kaaya-aya na ninais ninyong dalawa, ngunit huwag kayong kumain mula sa punong-kahoy na ito (isang punong-kahoy na itinakda ni Allāh sa kanilang dalawa) sapagkat tunay na kayong dalawa, kung kumain kayong dalawa mula roon matapos ng pagsaway Ko sa inyong dalawa, ay magiging kabilang sa mga lumalampas sa mga hangganan Ko."

Al-A'raaf 7:19Listen in Qur'an →
20

فَوَسْوَسَ لَهُمَا ٱلشَّيْطَٰنُ لِيُبْدِىَ لَهُمَا مَا وُۥرِىَ عَنْهُمَا مِن سَوْءَٰتِهِمَا وَقَالَ مَا نَهَىٰكُمَا رَبُّكُمَا عَنْ هَٰذِهِ ٱلشَّجَرَةِ إِلَّآ أَن تَكُونَا مَلَكَيْنِ أَوْ تَكُونَا مِنَ ٱلْخَٰلِدِينَ

But Satan whispered to them to make apparent to them that which was concealed from them of their private parts. He said, "Your Lord did not forbid you this tree except that you become angels or become of the immortal."

Ngunit nagparating si Satanas sa kanilang dalawa ng isang nakakubling pananalita upang maglantad para sa kanilang dalawa ng tinakpan sa kanilang dalawa mula sa kahubaran nilang dalawa. Nagsabi siya: "Sumaway lamang sa inyong dalawa ang Panginoon ninyong dalawa laban sa pagkain mula sa punong-kahoy na ito dala ng pagkasuklam na kayong dalawa ay maging mga anghel o kayong dalawa ay maging kabilang sa mga nananatiling-buhay sa Paraiso."

Al-A'raaf 7:20Listen in Qur'an →

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.