Muslim99Muslim99
← Tafsir library

7. Al-A'raaf

The Heights · Meccan · 206 ayahs

سُورَةُ الأَعۡرَافِ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 141–150 of 206

141

وَإِذْ أَنجَيْنَٰكُم مِّنْ ءَالِ فِرْعَوْنَ يَسُومُونَكُمْ سُوٓءَ ٱلْعَذَابِ ۖ يُقَتِّلُونَ أَبْنَآءَكُمْ وَيَسْتَحْيُونَ نِسَآءَكُمْ ۚ وَفِى ذَٰلِكُم بَلَآءٌۭ مِّن رَّبِّكُمْ عَظِيمٌۭ

And [recall, O Children of Israel], when We saved you from the people of Pharaoh, [who were] afflicting you with the worst torment - killing your sons and keeping your women alive. And in that was a great trial from your Lord.

Banggitin, O mga anak ni Israel, nang pinaligtas Namin kayo sa pamamagitan ng pagsagip sa inyo mula sa pang-aaba ni Paraon at ng mga tao niya sa inyo yayamang sila noon ay nagpapalasap sa inyo ng mga uri ng kahamakan gaya ng pagpapatay sa mga lalaking anak ninyo at pagpapamuhay sa mga babae ninyo para maglingkod. Sa pagsagip sa inyo mula kay Paraon at sa mga tao niya ay may isang pagsusulit na sukdulan mula sa Panginoon ninyo, na humihiling mula sa inyo ng pagpapasalamat.

Al-A'raaf 7:141Listen in Qur'an →
142

۞ وَوَٰعَدْنَا مُوسَىٰ ثَلَٰثِينَ لَيْلَةًۭ وَأَتْمَمْنَٰهَا بِعَشْرٍۢ فَتَمَّ مِيقَٰتُ رَبِّهِۦٓ أَرْبَعِينَ لَيْلَةًۭ ۚ وَقَالَ مُوسَىٰ لِأَخِيهِ هَٰرُونَ ٱخْلُفْنِى فِى قَوْمِى وَأَصْلِحْ وَلَا تَتَّبِعْ سَبِيلَ ٱلْمُفْسِدِينَ

And We made an appointment with Moses for thirty nights and perfected them by [the addition of] ten; so the term of his Lord was completed as forty nights. And Moses said to his brother Aaron, "Take my place among my people, do right [by them], and do not follow the way of the corrupters."

Nakipagtipan si Allāh sa sugo Niyang si Moises para sa pakikipagniigan sa Kanya nang tatlumpong gabi. Pagkatapos binuo ito ni Allāh sa pamamagitan ng pagdaragdag ng sampu kaya ito ay naging apatnapung gabi. Nagsabi si Moises sa kapatid niyang si Aaron noong nagnais siyang umalis para sa pakikipagniigan sa Panginoon niya: "O Aaron, maging kahalili ka sa akin sa mga tao at magsaayos ka sa nauukol sa kanila sa pamamagitan ng kagandahan ng pamamahala at kalumayan sa kanila. Huwag kang tumahak sa daan ng mga tagatiwali sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagsuway at huwag kang maging tagatulong para sa mga tagasuway."

Al-A'raaf 7:142Listen in Qur'an →
143

وَلَمَّا جَآءَ مُوسَىٰ لِمِيقَٰتِنَا وَكَلَّمَهُۥ رَبُّهُۥ قَالَ رَبِّ أَرِنِىٓ أَنظُرْ إِلَيْكَ ۚ قَالَ لَن تَرَىٰنِى وَلَٰكِنِ ٱنظُرْ إِلَى ٱلْجَبَلِ فَإِنِ ٱسْتَقَرَّ مَكَانَهُۥ فَسَوْفَ تَرَىٰنِى ۚ فَلَمَّا تَجَلَّىٰ رَبُّهُۥ لِلْجَبَلِ جَعَلَهُۥ دَكًّۭا وَخَرَّ مُوسَىٰ صَعِقًۭا ۚ فَلَمَّآ أَفَاقَ قَالَ سُبْحَٰنَكَ تُبْتُ إِلَيْكَ وَأَنَا۠ أَوَّلُ ٱلْمُؤْمِنِينَ

And when Moses arrived at Our appointed time and his Lord spoke to him, he said, "My Lord, show me [Yourself] that I may look at You." [Allah] said, "You will not see Me, but look at the mountain; if it should remain in place, then you will see Me." But when his Lord appeared to the mountain, He rendered it level, and Moses fell unconscious. And when he awoke, he said, "Exalted are You! I have repented to You, and I am the first of the believers."

Noong dumating si Moises para sa pakikipagniigan sa Panginoon nito sa tipanang pinagpasyahan, na ganap na apatnapung gabi, kinausap ito ng Panginoon nito hinggil sa mga pag-uutos, mga pagsaway, at iba pa. Nanabik ang sarili nito na makakita sa Panginoon nito kaya humiling ito sa Kanya na tumingin sa mukha Niya. Sumagot dito si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya at kapita-pitagan Siya: "Hindi ka makakikita sa Akin sa buhay na pangmundo dahil sa kawalan ng kakayahan mo roon, subalit tumingin ka sa bundok kapag lumantad Ako roon. Kung namalagi iyon sa lugar niyon nang hindi naaapektuhan, makakikita ka sa Akin. Kung iyon ay naging kapantay ng lupa, hindi ka makakikita sa Akin sa Mundo." Kaya noong lumantad si Allāh sa bundok, ginawa Niya iyon na kapantay ng lupa at bumagsak si Moises nang walang-malay. Noong nagkamalay ito mula sa kawalang-malay na tumama rito ay nagsabi ito: "Nagpapawalang-kapintasan ako sa Iyo, O Panginoon ko, sa isang pagpapawalang-kapintasan sa bawat anumang hindi naaangkop sa Iyo. Heto ako, nagbabalik-loob sa Iyo dahil sa paghiling ko sa Iyo na makita Ka sa Mundo. Ako ay una sa mga mananampalataya mula sa mga kalipi ko."

Al-A'raaf 7:143Listen in Qur'an →
144

قَالَ يَٰمُوسَىٰٓ إِنِّى ٱصْطَفَيْتُكَ عَلَى ٱلنَّاسِ بِرِسَٰلَٰتِى وَبِكَلَٰمِى فَخُذْ مَآ ءَاتَيْتُكَ وَكُن مِّنَ ٱلشَّٰكِرِينَ

[Allah] said, "O Moses, I have chosen you over the people with My messages and My words [to you]. So take what I have given you and be among the grateful."

Nagsabi si Allāh kay Moises: "O Moises, tunay na Ako ay pumili sa iyo at nagtangi sa iyo sa mga tao sa pamamagitan ng mga pasugo Ko nang nagsugo Ako sa iyo sa kanila. Nagtangi Ako sa iyo sa pamamagitan ng pananalita Ko sa iyo nang walang isang tagapagitna. Kaya kunin mo ang ibinigay Ko sa iyo mula sa marangal na karangalang ito at maging kabilang ka sa mga tagapagpasalamat sa Akin dahil sa dakilang bigay na ito."

Al-A'raaf 7:144Listen in Qur'an →
145

وَكَتَبْنَا لَهُۥ فِى ٱلْأَلْوَاحِ مِن كُلِّ شَىْءٍۢ مَّوْعِظَةًۭ وَتَفْصِيلًۭا لِّكُلِّ شَىْءٍۢ فَخُذْهَا بِقُوَّةٍۢ وَأْمُرْ قَوْمَكَ يَأْخُذُوا۟ بِأَحْسَنِهَا ۚ سَأُو۟رِيكُمْ دَارَ ٱلْفَٰسِقِينَ

And We wrote for him on the tablets [something] of all things - instruction and explanation for all things, [saying], "Take them with determination and order your people to take the best of it. I will show you the home of the defiantly disobedient."

Nagsulat Kami para kay Moises sa mga tablerong yari sa kahoy o iba pa rito ng bawat kakailanganin ng mga anak ni Israel mula sa mga nauukol sa panrelihiyong buhay nila at pangmundong buhay nila bilang pangaral para sa sinumang napangangaralan kabilang sa kanila at bilang pagdedetalye sa mga patakarang nangangailangan ng pagdedetalye. Kaya kunin mo ang Torah na ito, O Moises, nang may pagkaseryoso at pagsisikhay. Ipag-utos mo sa mga kalipi mo, ang mga anak ni Israel, na kumuha sila ng pinakamaganda sa nasaad dito, na ang pabuya ay pinakadakila gaya ng paggawa sa ipinag-uutos sa pinakalubos na paraan gaya ng pagtitiis at pagpapaumanhin. Ipakikita Ko sa inyo ang kahihinatnan ng sinumang sumalungat sa utos Ko at lumabas sa pagtalima sa Akin, at ang hahantungan sa kanya na kapahamakan at pagkawasak.

Al-A'raaf 7:145Listen in Qur'an →
146

سَأَصْرِفُ عَنْ ءَايَٰتِىَ ٱلَّذِينَ يَتَكَبَّرُونَ فِى ٱلْأَرْضِ بِغَيْرِ ٱلْحَقِّ وَإِن يَرَوْا۟ كُلَّ ءَايَةٍۢ لَّا يُؤْمِنُوا۟ بِهَا وَإِن يَرَوْا۟ سَبِيلَ ٱلرُّشْدِ لَا يَتَّخِذُوهُ سَبِيلًۭا وَإِن يَرَوْا۟ سَبِيلَ ٱلْغَىِّ يَتَّخِذُوهُ سَبِيلًۭا ۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ كَذَّبُوا۟ بِـَٔايَٰتِنَا وَكَانُوا۟ عَنْهَا غَٰفِلِينَ

I will turn away from My signs those who are arrogant upon the earth without right; and if they should see every sign, they will not believe in it. And if they see the way of consciousness, they will not adopt it as a way; but if they see the way of error, they will adopt it as a way. That is because they have denied Our signs and they were heedless of them.

Ililihis Ko palayo sa pagsasaalang-alang sa mga tanda Ko sa mga abot-tanaw at mga sarili at palayo sa pagkaintindi sa mga talata ng Aklat Ko ang mga nagmamataas sa mga lingkod Ko at sa katotohanan nang walang karapatan. Kung makakikita sila ng bawat tanda ay hindi sila maniniwala rito dahil sa pagtutol nila rito at pag-ayaw nila rito at dahil sa pagsalangsang nila kay Allāh at sa Sugo Niya. Kung makakikita sila ng daan ng katotohanang nagpaparating sa kaluguran ni Allāh ay hindi sila tatahak nito at hindi sila nakaiibig nito. Kung makakikita sila ng daan ng kalisyaan at pagkaligaw na nagpaparating sa pagkainis ni Allāh ay tatahak sila nito. Ang dumapong iyon sa kanila ay dumapo lamang sa kanila dahil sa pagpapasinungaling nila sa mga dakilang tanda ni Allāh na nagpapatunay sa katapatan ng anumang inihatid ng mga sugo, at dahil sa pagkalingat nila sa pagtingin sa mga ito.

Al-A'raaf 7:146Listen in Qur'an →
147

وَٱلَّذِينَ كَذَّبُوا۟ بِـَٔايَٰتِنَا وَلِقَآءِ ٱلْءَاخِرَةِ حَبِطَتْ أَعْمَٰلُهُمْ ۚ هَلْ يُجْزَوْنَ إِلَّا مَا كَانُوا۟ يَعْمَلُونَ

Those who denied Our signs and the meeting of the Hereafter - their deeds have become worthless. Are they recompensed except for what they used to do?

Ang mga nagpasinungaling sa mga tanda ni Allāh, na nagpapatunay sa katapatan ng mga sugo Niya, at sa pakikipagkita sa Kanya sa Araw ng Pagbangon ay nawalang-saysay ang mga gawa nila na kabilang sa uri ng mga pagtalima. Kaya hindi sila gagantimpalaan sa mga iyon dahil sa pagkawala ng kundisyon ng mga iyon, ang pananampalataya, at hindi sila gagantihan sa Araw ng Pagkabuhay maliban sa dati nilang ginagawa na kawalang-pananampalataya kay Allāh at pagtatambal sa Kanya. Ang ganti roon ay ang pamamalagi sa Impiyerno.

Al-A'raaf 7:147Listen in Qur'an →
148

وَٱتَّخَذَ قَوْمُ مُوسَىٰ مِنۢ بَعْدِهِۦ مِنْ حُلِيِّهِمْ عِجْلًۭا جَسَدًۭا لَّهُۥ خُوَارٌ ۚ أَلَمْ يَرَوْا۟ أَنَّهُۥ لَا يُكَلِّمُهُمْ وَلَا يَهْدِيهِمْ سَبِيلًا ۘ ٱتَّخَذُوهُ وَكَانُوا۟ ظَٰلِمِينَ

And the people of Moses made, after [his departure], from their ornaments a calf - an image having a lowing sound. Did they not see that it could neither speak to them nor guide them to a way? They took it [for worship], and they were wrongdoers.

Yumari ang mga tao ni Moises, nang matapos ng pag-alis niya para sa pakikipagniig sa Panginoon niya, mula sa mga hiyas nila ng isang estatuwa ng guya na walang kaluluwa rito ngunit may tinig para rito. Hindi ba sila nakaalam na ang guyang ito ay hindi nagsasalita sa kanila, hindi gumagabay sa kanila sa isang landas ng kabutihang pisikal o espirituwal, at hindi nagdudulot para sa kanila ng pakinabang o nag-aalis sa kanila ng kapinsalaan? Gumawa sila rito bilang sinasamba habang sila noon ay mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil doon.

Al-A'raaf 7:148Listen in Qur'an →
149

وَلَمَّا سُقِطَ فِىٓ أَيْدِيهِمْ وَرَأَوْا۟ أَنَّهُمْ قَدْ ضَلُّوا۟ قَالُوا۟ لَئِن لَّمْ يَرْحَمْنَا رَبُّنَا وَيَغْفِرْ لَنَا لَنَكُونَنَّ مِنَ ٱلْخَٰسِرِينَ

And when regret overcame them and they saw that they had gone astray, they said, "If our Lord does not have mercy upon us and forgive us, we will surely be among the losers."

Noong nagsisi sila, nalito sila, at nalaman nila na sila ay naligaw nga palayo sa landasing tuwid dahil sa paggawa nila sa guya bilang sinasamba kasama kay Allāh, nagpakumbaba sila kay Allāh saka nagsabi: "Talagang kung hindi naawa sa atin ang Panginoon Natin sa pamamagitan ng pagtutuon sa pagtalima sa Kanya at hindi nagpatawad sa atin sa ipinangahas natin laban sa Kanya na pagsamba sa guya, talagang tayo nga ay magiging kabilang sa mga nagpalugi sa pangmundong buhay nila at pangkabilang-buhay nila."

Al-A'raaf 7:149Listen in Qur'an →
150

وَلَمَّا رَجَعَ مُوسَىٰٓ إِلَىٰ قَوْمِهِۦ غَضْبَٰنَ أَسِفًۭا قَالَ بِئْسَمَا خَلَفْتُمُونِى مِنۢ بَعْدِىٓ ۖ أَعَجِلْتُمْ أَمْرَ رَبِّكُمْ ۖ وَأَلْقَى ٱلْأَلْوَاحَ وَأَخَذَ بِرَأْسِ أَخِيهِ يَجُرُّهُۥٓ إِلَيْهِ ۚ قَالَ ٱبْنَ أُمَّ إِنَّ ٱلْقَوْمَ ٱسْتَضْعَفُونِى وَكَادُوا۟ يَقْتُلُونَنِى فَلَا تُشْمِتْ بِىَ ٱلْأَعْدَآءَ وَلَا تَجْعَلْنِى مَعَ ٱلْقَوْمِ ٱلظَّٰلِمِينَ

And when Moses returned to his people, angry and grieved, he said, "How wretched is that by which you have replaced me after [my departure]. Were you impatient over the matter of your Lord?" And he threw down the tablets and seized his brother by [the hair of] his head, pulling him toward him. [Aaron] said, "O son of my mother, indeed the people oppressed me and were about to kill me, so let not the enemies rejoice over me and do not place me among the wrongdoing people."

Noong nanumbalik si Moises sa mga tao niya mula sa pakikipagniig sa Panginoon niya, na napupuno sa kanila ng galit at lungkot dahil sa natagpuan niya sa kanila na pagsamba sa guya, ay nagsabi siya: "Sumaklap ang kalagayang ipinanghalili ninyo sa akin, O mga kalipi, matapos ng pag-alis ko sa inyo dahil sa ipahahantong nito na kapahamakan at kalumbayan. Nagsawa ba kayo sa paghihintay sa akin kaya nangahas kayo ng pagsamba sa guya?" Ibinato niya ang mga tablero dahil sa tindi ng dumapo sa kanya na galit at lungkot. Humawak siya sa ulo ng kapatid niyang si Aaron at sa balbas nito, habang hinihila ito papunta sa kanya dahil sa pananatili nito sa kanila at hindi pagpapabago nito sa nakita nito sa kanila na pagsamba sa guya. Nagsabi si Aaron habang humihingi ng paumanhin kay Moises habang nagsusumamo rito: "O anak ng ina ko, tunay na ang mga tao ay nagpalagay sa akin na mahina kaya nagturing sila sa akin na kaaba-aba. Muntik na silang pumatay sa akin. Kaya huwag kang magparusa sa akin ng isang kaparusahang magpapagalak sa mga kaaway ko. Huwag kang gumawa sa akin, dahilan sa galit mo sa akin, na mapabilang sa mga tagalabag sa katarungan kabilang sa mga tao dahilan sa pagsamba nila sa iba pa kay Allāh."

Al-A'raaf 7:150Listen in Qur'an →

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.