Muslim99Muslim99
← Tafsir library

7. Al-A'raaf

The Heights · Meccan · 206 ayahs

سُورَةُ الأَعۡرَافِ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 131–140 of 206

131

فَإِذَا جَآءَتْهُمُ ٱلْحَسَنَةُ قَالُوا۟ لَنَا هَٰذِهِۦ ۖ وَإِن تُصِبْهُمْ سَيِّئَةٌۭ يَطَّيَّرُوا۟ بِمُوسَىٰ وَمَن مَّعَهُۥٓ ۗ أَلَآ إِنَّمَا طَٰٓئِرُهُمْ عِندَ ٱللَّهِ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَهُمْ لَا يَعْلَمُونَ

But when good came to them, they said, "This is ours [by right]." And if a bad [condition] struck them, they saw an evil omen in Moses and those with him. Unquestionably, their fortune is with Allah, but most of them do not know.

Ngunit kapag dumating sa angkan ni Paraon ang kasaganahan, ang kaayusan ng mga bunga, at ang kamurahan ng mga halaga ay nagsasabi sila: "Ibinigay sa amin ito dahil sa pagiging karapat-dapat namin para rito at sa pagkanauukol sa amin nito." Kung may umabot sa kanila o tumama sa kanila na isang kapahamakan gaya ng tagtuyot, kawalang-ulan, dami ng mga sakit, at iba pa rito na mga kalamidad, nag-uugnay sila ng kamalasan kay Moises at sa sinumang kasama niya kabilang sa mga anak ni Israel. Ang totoo ay na ang anumang tumatama sa kanila mula roon sa kalahatan niyon ay dahil sa isang pagtatakda lamang mula kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya. Sila at si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ay walang kinalaman doon maliban sa bahagi ng panalangin ni Moises laban sa kanila, subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam kaya nag-uugnay sila niyon sa iba pa kay Allāh.

Al-A'raaf 7:131Listen in Qur'an →
132

وَقَالُوا۟ مَهْمَا تَأْتِنَا بِهِۦ مِنْ ءَايَةٍۢ لِّتَسْحَرَنَا بِهَا فَمَا نَحْنُ لَكَ بِمُؤْمِنِينَ

And they said, "No matter what sign you bring us with which to bewitch us, we will not be believers in you."

Nagsabi ang mga tao ni Paraon kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – bilang pagmamatigas sa katotohanan: "Alinmang himala at katunayan ang ihatid mo sa amin, alinmang katwiran ang ilahad mo sa kabulaanan ng anumang nasa ganang amin upang magbaling ka sa amin palayo roon, at [alinmang katwiran ang ilahad mo] sa katapatan ng inihatid mo ay hindi kami maniniwala sa iyo."

Al-A'raaf 7:132Listen in Qur'an →
133

فَأَرْسَلْنَا عَلَيْهِمُ ٱلطُّوفَانَ وَٱلْجَرَادَ وَٱلْقُمَّلَ وَٱلضَّفَادِعَ وَٱلدَّمَ ءَايَٰتٍۢ مُّفَصَّلَٰتٍۢ فَٱسْتَكْبَرُوا۟ وَكَانُوا۟ قَوْمًۭا مُّجْرِمِينَ

So We sent upon them the flood and locusts and lice and frogs and blood as distinct signs, but they were arrogant and were a criminal people.

Kaya nagpadala Kami sa kanila ng maraming tubig bilang parusa para sa kanila sa pagpapasinungaling nila at pagmamatigas nila, kaya nilunod ang mga pananim nila at ang mga bunga nila. Nagpadala Kami sa kanila ng mga balang, kaya kinain ng mga ito ang mga aanihin nila. Nagpadala Kami sa kanila ng mga kulisap na tinatawag na mga kuto, na namiminsala ng pananim o nakasasakit sa tao sa buhok nito. Nagpadala Kami sa kanila ng mga palaka, kaya pinuno ng mga ito ang mga lalagyan nila, sinira ng mga ito ang mga pagkain nila, at pinuyat ng mga ito sa mga higaan nila. Nagpadala Kami sa kanila ng dugo, kaya ang mga tubig ng mga balon nila at mga ilog nila ay naging dugo. Nagpadala Kami ng lahat ng iyon bilang mga tanda na naglilinaw at nagtatangi, na sumusunod ang ilan sa mga ito sa iba. Sa kabila ng lahat ng tumama sa kanila na mga kaparusahan ay nagmataas sila laban sa pagsampalataya kay Allāh at sa paniniwala sa inihatid ni Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. Sila noon ay mga taong gumagawa ng mga pagsuway. Hindi sila kumakalas sa kabulaanan at hindi sila napapatnubayan tungo sa katotohanan.

Al-A'raaf 7:133Listen in Qur'an →
134

وَلَمَّا وَقَعَ عَلَيْهِمُ ٱلرِّجْزُ قَالُوا۟ يَٰمُوسَى ٱدْعُ لَنَا رَبَّكَ بِمَا عَهِدَ عِندَكَ ۖ لَئِن كَشَفْتَ عَنَّا ٱلرِّجْزَ لَنُؤْمِنَنَّ لَكَ وَلَنُرْسِلَنَّ مَعَكَ بَنِىٓ إِسْرَٰٓءِيلَ

And when the punishment descended upon them, they said, "O Moses, invoke for us your Lord by what He has promised you. If you [can] remove the punishment from us, we will surely believe you, and we will send with you the Children of Israel."

Noong tumama sa kanila ang pagdurusa dahil sa mga bagay na ito ay bumaling sila kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – at nagsabi sa kanya: "O Moises, manalangin ka para sa amin sa Panginoon mo sa pamamagitan ng ipinantangi Niya sa iyo na pagkapropeta at sa pamamagitan ng ihinabilin Niya sa iyo na pag-aalis ng parusa sa pamamagitan ng pagbabalik-loob, na alisin Niya sa amin ang tumama sa amin na parusa. Kaya kung aalisin Niya sa amin iyon ay talagang sasampalataya nga kami sa iyo, talagang magpapadala nga Kami kasama sa iyo ng mga anak ni Israel, at magpapalaya kami sa kanila."

Al-A'raaf 7:134Listen in Qur'an →
135

فَلَمَّا كَشَفْنَا عَنْهُمُ ٱلرِّجْزَ إِلَىٰٓ أَجَلٍ هُم بَٰلِغُوهُ إِذَا هُمْ يَنكُثُونَ

But when We removed the punishment from them until a term which they were to reach, then at once they broke their word.

Ngunit noong nag-alis Kami sa kanila ng pagdurusa hanggang sa isang yugtong nalalaman bago ng pagpapahamak sa kanila sa pamamagitan ng pagkalunod, biglang sila ay sumisira sa inobliga nila sa mga sarili nila na paniniwala at pagpapalaya sa mga anak ni Israel saka nagpatuloy sila sa kawalang-pananampalataya nila at tumanggi sila na magpalaya sa mga anak ni Israel kasama kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan.

Al-A'raaf 7:135Listen in Qur'an →
136

فَٱنتَقَمْنَا مِنْهُمْ فَأَغْرَقْنَٰهُمْ فِى ٱلْيَمِّ بِأَنَّهُمْ كَذَّبُوا۟ بِـَٔايَٰتِنَا وَكَانُوا۟ عَنْهَا غَٰفِلِينَ

So We took retribution from them, and We drowned them in the sea because they denied Our signs and were heedless of them.

Kaya noong sumapit ang taning na itinakda para sa pagpapahamak sa kanila ay nagpababa Kami sa kanila ng paghihiganti Namin sa pamamagitan ng paglunod sa kanila sa dagat dahilan sa pagpapasinungaling nila sa mga tanda Namin at pag-ayaw nila sa ipinahiwatig ng mga ito na katotohanang walang pag-aalangan hinggil doon.

Al-A'raaf 7:136Listen in Qur'an →
137

وَأَوْرَثْنَا ٱلْقَوْمَ ٱلَّذِينَ كَانُوا۟ يُسْتَضْعَفُونَ مَشَٰرِقَ ٱلْأَرْضِ وَمَغَٰرِبَهَا ٱلَّتِى بَٰرَكْنَا فِيهَا ۖ وَتَمَّتْ كَلِمَتُ رَبِّكَ ٱلْحُسْنَىٰ عَلَىٰ بَنِىٓ إِسْرَٰٓءِيلَ بِمَا صَبَرُوا۟ ۖ وَدَمَّرْنَا مَا كَانَ يَصْنَعُ فِرْعَوْنُ وَقَوْمُهُۥ وَمَا كَانُوا۟ يَعْرِشُونَ

And We caused the people who had been oppressed to inherit the eastern regions of the land and the western ones, which We had blessed. And the good word of your Lord was fulfilled for the Children of Israel because of what they had patiently endured. And We destroyed [all] that Pharaoh and his people were producing and what they had been building.

Ipinamana Namin sa mga anak ni Israel, na mga dating hinahamak-hamak ni Paraon at ng mga tao nito, ang mga silangan ng lupain at ang mga kanluran nito. Ang tinutukoy niyon ay ang bayan ng Malaking Sirya, na nagbiyaya si Allāh sa pamamagitan ng pagpapatubo ng mga pananim nito at mga bunga nito sa paraang pinakaganap. Nalubos ang napakagandang salita ng Panginoon mo, O Sugo. Ito ay ang nabanggit sa sabi ni Allāh – pagkataas-taas Siya – (Qur'ān 28:5): "Nagnanais Kami na magmagandang-loob Kami sa mga siniil sa lupain, gumawa Kami sa kanila na mga pasimuno, gumawa Kami sa kanila na mga tagapagmana," Nagpatatag si Allāh sa kanila sa lupa dahilan sa pagtitiis nila sa tumama sa kanila na pananakit ni Paraon at ng mga tao nito. Winasak ni Allāh ang dating niyayari ni Paraon na mga taniman at mga tahanan at ang dati nilang ipinatatayo na mga palasyo.

Al-A'raaf 7:137Listen in Qur'an →
138

وَجَٰوَزْنَا بِبَنِىٓ إِسْرَٰٓءِيلَ ٱلْبَحْرَ فَأَتَوْا۟ عَلَىٰ قَوْمٍۢ يَعْكُفُونَ عَلَىٰٓ أَصْنَامٍۢ لَّهُمْ ۚ قَالُوا۟ يَٰمُوسَى ٱجْعَل لَّنَآ إِلَٰهًۭا كَمَا لَهُمْ ءَالِهَةٌۭ ۚ قَالَ إِنَّكُمْ قَوْمٌۭ تَجْهَلُونَ

And We took the Children of Israel across the sea; then they came upon a people intent in devotion to [some] idols of theirs. They said, "O Moses, make for us a god just as they have gods." He said, "Indeed, you are a people behaving ignorantly.

Nagpatawid Kami sa mga anak ni Israel sa dagat noong hinampas ito ni Moises ng tungkod niya saka nabiyak, saka napadaan sila sa mga taong nananatili sa pagsamba sa mga anito para sa mga ito, na sinasamba ng mga ito bukod pa kay Allāh. Kaya nagsabi ang mga anak ni Israel kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "O Moises, gumawa ka para sa amin ng isang anitong sasambahin namin kung paanong ang mga ito ay mayroong mga anitong sinasamba bukod pa kay Allāh." Nagsabi si Moises sa kanila: "O mga tao ko, tunay na kayo ay mga taong nagpapakamangmang sa anumang kinakailangan kay Allāh na pagdakila at paniniwala sa kaisahan Niya at anumang hindi naaangkop sa Kanya na pagtatambal [sa Kanya] at pagsamba sa iba pa sa Kanya."

Al-A'raaf 7:138Listen in Qur'an →
139

إِنَّ هَٰٓؤُلَآءِ مُتَبَّرٌۭ مَّا هُمْ فِيهِ وَبَٰطِلٌۭ مَّا كَانُوا۟ يَعْمَلُونَ

Indeed, those [worshippers] - destroyed is that in which they are [engaged], and worthless is whatever they were doing."

Tunay na ang mga nananatiling ito sa pagsamba ng mga anito nila ay ipapahamak ang anumang ginagawa nilang pagsamba sa iba pa kay Allāh at walang-kabuluhan ang lahat ng dati nilang ginagawa na pagtalima dahil sa pagtatambal nila sa pagsamba kasama kay Allāh ng iba pa sa Kanya.

Al-A'raaf 7:139Listen in Qur'an →
140

قَالَ أَغَيْرَ ٱللَّهِ أَبْغِيكُمْ إِلَٰهًۭا وَهُوَ فَضَّلَكُمْ عَلَى ٱلْعَٰلَمِينَ

He said, "Is it other than Allah I should desire for you as a god while He has preferred you over the worlds?"

Nagsabi si Moises sa mga kalipi Niya: "O mga kalipi ko, papaano akong hihiling para sa inyo ng isang diyos na iba pa kay Allāh na sasambahin ninyo samantalang nakasaksi na kayo mula sa mga dakilang tanda Niya na nasaksihan ninyo. Siya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay nagtangi sa inyo higit sa mga nilalang sa panahon ninyo sa pamamagitan ng ibiniyaya Niya sa inyo gaya ng pagpapahamak sa kaaway ninyo, pagpapahalili sa inyo sa lupain, at pagpapatatag para sa inyo roon?"

Al-A'raaf 7:140Listen in Qur'an →

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.