Muslim99Muslim99
← Tafsir library

7. Al-A'raaf

The Heights · Meccan · 206 ayahs

سُورَةُ الأَعۡرَافِ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 121–130 of 206

121

قَالُوٓا۟ ءَامَنَّا بِرَبِّ ٱلْعَٰلَمِينَ

They said, "We have believed in the Lord of the worlds,

Nagsabi ang mga manggagaway: "Sumampalataya kami sa Panginoon ng mga nilikha nang lahatan,

Al-A'raaf 7:121Listen in Qur'an →
122

رَبِّ مُوسَىٰ وَهَٰرُونَ

The Lord of Moses and Aaron."

Ang Panginoon nina Moises at Aaron – sumakanilang dalawa ang pagbati ng kapayapaan – sapagkat Siya ay ang karapat-dapat sa pagsamba sa halip ng iba pa sa Kanya na mga diyos na inaakala.

Al-A'raaf 7:122Listen in Qur'an →
123

قَالَ فِرْعَوْنُ ءَامَنتُم بِهِۦ قَبْلَ أَنْ ءَاذَنَ لَكُمْ ۖ إِنَّ هَٰذَا لَمَكْرٌۭ مَّكَرْتُمُوهُ فِى ٱلْمَدِينَةِ لِتُخْرِجُوا۟ مِنْهَآ أَهْلَهَا ۖ فَسَوْفَ تَعْلَمُونَ

Said Pharaoh, "You believed in him before I gave you permission. Indeed, this is a conspiracy which you conspired in the city to expel therefrom its people. But you are going to know.

Nagsabi sa kanila si Paraon habang nagbabanta sa kanila matapos ng pagsampalataya nila kay Allāh lamang: "Naniwala kayo kay Moises bago ako magpahintulot sa inyo? Tunay na ang pananampalataya ninyo sa kanya at ang paniniwala ninyo sa inihatid niya ay talagang isang panlilinlang at pakanang ipinanlalang ninyo mismo at ni Moises para sa pagpapalabas sa mga naninirahan sa lungsod mula rito. Kaya malalaman ninyo, O mga manggagaway, ang dadapo sa inyo na parusa at ang tatama sa inyo na parusang panghalimbawa.

Al-A'raaf 7:123Listen in Qur'an →
124

لَأُقَطِّعَنَّ أَيْدِيَكُمْ وَأَرْجُلَكُم مِّنْ خِلَٰفٍۢ ثُمَّ لَأُصَلِّبَنَّكُمْ أَجْمَعِينَ

I will surely cut off your hands and your feet on opposite sides; then I will surely crucify you all."

Talagang magpuputul-putol nga ako mula sa bawat isa sa inyo ng kanang kamay niya at kaliwang paa niya, o ng kaliwang kamay niya at kanang paa niya, pagkatapos talagang magbibitin nga ako sa inyo sa kalahatan sa mga puno ng datiles bilang pagpaparusang panghalimbawa sa pamamagitan ninyo at bilang pagpapangilabot sa bawat sinumang nakasasaksi sa inyo sa kalagayang ito."

Al-A'raaf 7:124Listen in Qur'an →
125

قَالُوٓا۟ إِنَّآ إِلَىٰ رَبِّنَا مُنقَلِبُونَ

They said, "Indeed, to our Lord we will return.

Nagsabi ang mga manggagaway bilang tugon sa banta ni Paraon: "Tunay na kami ay sa Panginoon namin lamang ay mga manunumbalik, kaya hindi kami pumapansin sa ibinabanta mo.

Al-A'raaf 7:125Listen in Qur'an →
126

وَمَا تَنقِمُ مِنَّآ إِلَّآ أَنْ ءَامَنَّا بِـَٔايَٰتِ رَبِّنَا لَمَّا جَآءَتْنَا ۚ رَبَّنَآ أَفْرِغْ عَلَيْنَا صَبْرًۭا وَتَوَفَّنَا مُسْلِمِينَ

And you do not resent us except because we believed in the signs of our Lord when they came to us. Our Lord, pour upon us patience and let us die as Muslims [in submission to You]."

Hindi ka nagmasama sa amin at naghinanakit sa amin, O Paraon, kundi sa paniniwala namin sa mga tanda ng Panginoon namin noong dumating ang mga ito sa amin sa kamay ni Moises. Kaya kung ito ay naging isang pagkakasalang napipintasan, ito ay pagkakasala namin. Pagkatapos humarap kayo kay Allāh sa panalangin habang mga nagsasabi sa pagpapakumbaba: "O Panginoon namin, magbuhos Ka sa amin ng pagtitiis hanggang sa malipos kami nito upang magpakatatag kami sa katotohanan, at bigyang-kamatayan Mo kami bilang mga tagapasakop sa iyo, na mga nagpapaakay sa utos Mo, na mga sumusunod sa Sugo Mo."

Al-A'raaf 7:126Listen in Qur'an →
127

وَقَالَ ٱلْمَلَأُ مِن قَوْمِ فِرْعَوْنَ أَتَذَرُ مُوسَىٰ وَقَوْمَهُۥ لِيُفْسِدُوا۟ فِى ٱلْأَرْضِ وَيَذَرَكَ وَءَالِهَتَكَ ۚ قَالَ سَنُقَتِّلُ أَبْنَآءَهُمْ وَنَسْتَحْىِۦ نِسَآءَهُمْ وَإِنَّا فَوْقَهُمْ قَٰهِرُونَ

And the eminent among the people of Pharaoh said," Will you leave Moses and his people to cause corruption in the land and abandon you and your gods?" [Pharaoh] said, "We will kill their sons and keep their women alive; and indeed, we are subjugators over them."

Nagsabi kay Paraon ang mga pinapanginoon at ang mga malaking tao kabilang sa mga tao ni Paraon habang mga nag-uudyok dito laban kay Moises at sa sinumang kasama sa kanya kabilang sa mga mananampalataya: "Mag-iiwan ka ba, O Paraon, kay Moises at sa mga tao niya upang magpalaganap sila ng katiwalian sa lupain at upang mag-iwan siya sa iyo mismo at sa mga diyos mo at mag-anyaya siya sa pagsamba kay Allāh lamang?" Nagsabi si Paraon: "Pagpapatayin natin ang mga lalaking anak ng mga anak ni Israel at pananatilihin natin ang mga babae nila para magsilbi. Tunay na tayo ay mga mangingibabaw laban sa kanila sa pamamagitan ng panlulupig, pananaig, at kapamahalaan."

Al-A'raaf 7:127Listen in Qur'an →
128

قَالَ مُوسَىٰ لِقَوْمِهِ ٱسْتَعِينُوا۟ بِٱللَّهِ وَٱصْبِرُوٓا۟ ۖ إِنَّ ٱلْأَرْضَ لِلَّهِ يُورِثُهَا مَن يَشَآءُ مِنْ عِبَادِهِۦ ۖ وَٱلْعَٰقِبَةُ لِلْمُتَّقِينَ

Said Moses to his people, "Seek help through Allah and be patient. Indeed, the earth belongs to Allah. He causes to inherit it whom He wills of His servants. And the [best] outcome is for the righteous."

Nagsabi si Moises habang nagtatagubilin sa mga tao niya: "O mga kalipi, humingi kayo ng tulong mula kay Allāh lamang sa pagtaboy ng kapinsalaan palayo sa inyo at pagtamo ng pakinabang patungo sa inyo. Magtitiis kayo sa dinaranas ninyo na pagsusulit sapagkat tunay na ang lupa ay sa kay Allāh lamang at hindi sa kay Paraon ni sa iba pa sa kanya para magdomina rito. Si Allāh ay nagpapalipat-lipat nito sa pagitan ng mga tao alinsunod sa kalooban niya, ngunit ang magandang kinahihinatnan sa lupa ay ukol sa mga mananampalatayang sumusunod sa mga ipinag-uutos ng Panginoon nila at umiiwas sa mga sinasaway Niya. Ito ay ukol sa kanila kahit pa tumama sa kanila ang anumang tumama sa kanila na mga pagsubok at mga pagsusulit."

Al-A'raaf 7:128Listen in Qur'an →
129

قَالُوٓا۟ أُوذِينَا مِن قَبْلِ أَن تَأْتِيَنَا وَمِنۢ بَعْدِ مَا جِئْتَنَا ۚ قَالَ عَسَىٰ رَبُّكُمْ أَن يُهْلِكَ عَدُوَّكُمْ وَيَسْتَخْلِفَكُمْ فِى ٱلْأَرْضِ فَيَنظُرَ كَيْفَ تَعْمَلُونَ

They said, "We have been harmed before you came to us and after you have come to us." He said, "Perhaps your Lord will destroy your enemy and grant you succession in the land and see how you will do."

Nagsabi kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ang mga kalipi ni Moises kabilang sa mga anak ni Israel: "O Moises, sinulit kami sa kamay ni Paraon sa pamamagitan ng pagpatay sa mga lalaking anak namin at pagpapanatiling-buhay sa mga kababaihan namin bago pa ng pagdating mo sa amin at nang matapos niyon." Nagsabi sa kanila si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – habang nagpapayo sa kanila at nagbabalita ng nakalulugod hinggil sa pagpapaginhawa: "Marahil ang Panginoon ninyo ay magpapahamak sa kaaway ninyong si Paraon at mga tao niya, at magpapatatag sa inyo sa lupain matapos nila para tumingin Siya sa gagawin ninyo, matapos niyon, na pagkilala o pagtanggi sa utang na loob."

Al-A'raaf 7:129Listen in Qur'an →
130

وَلَقَدْ أَخَذْنَآ ءَالَ فِرْعَوْنَ بِٱلسِّنِينَ وَنَقْصٍۢ مِّنَ ٱلثَّمَرَٰتِ لَعَلَّهُمْ يَذَّكَّرُونَ

And We certainly seized the people of Pharaoh with years of famine and a deficiency in fruits that perhaps they would be reminded.

Talaga ngang nagparusa si Allāh sa angkan ni Paraon sa pamamagitan ng tagtuyot at kawalang-ulan at sumubok Siya sa kanila sa pamamagitan ng kabawasan sa mga bunga ng lupa at mga ani nito, sa pag-asang magsaalaala sila at mapangangaralan sila na ang anumang dumating sa kanila mula roon ay parusa lamang sa kanila dahil sa kawalang-pananampalataya nila para magbalik-loob sila sa Kanya.

Al-A'raaf 7:130Listen in Qur'an →

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.