Muslim99Muslim99
← Tafsir library

6. Al-An'aam

The Cattle · Meccan · 165 ayahs

سُورَةُ الأَنۡعَامِ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 71–80 of 165

71

قُلْ أَنَدْعُوا۟ مِن دُونِ ٱللَّهِ مَا لَا يَنفَعُنَا وَلَا يَضُرُّنَا وَنُرَدُّ عَلَىٰٓ أَعْقَابِنَا بَعْدَ إِذْ هَدَىٰنَا ٱللَّهُ كَٱلَّذِى ٱسْتَهْوَتْهُ ٱلشَّيَٰطِينُ فِى ٱلْأَرْضِ حَيْرَانَ لَهُۥٓ أَصْحَٰبٌۭ يَدْعُونَهُۥٓ إِلَى ٱلْهُدَى ٱئْتِنَا ۗ قُلْ إِنَّ هُدَى ٱللَّهِ هُوَ ٱلْهُدَىٰ ۖ وَأُمِرْنَا لِنُسْلِمَ لِرَبِّ ٱلْعَٰلَمِينَ

Say, "Shall we invoke instead of Allah that which neither benefits us nor harms us and be turned back on our heels after Allah has guided us? [We would then be] like one whom the devils enticed [to wander] upon the earth confused, [while] he has companions inviting him to guidance, [calling], 'Come to us.' " Say, "Indeed, the guidance of Allah is the [only] guidance; and we have been commanded to submit to the Lord of the worlds.

Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Sasamba ba kami sa bukod pa kay Allāh, na mga diyus-diyusang hindi nakapagdudulot ng pakinabang para magpakinabang sa amin ni ng pinsala para maminsala sa amin; at tatalikod kami sa pananampalataya matapos na magtuon sa amin si Allāh rito kaya kami ay magiging tulad ng iniligaw ng mga demonyo saka iniwang litung-lito na hindi napapatnubayan sa landas, habang mayroon siyang mga kasamahan sa daang tuwid na nag-aanyaya sa kanya tungo sa katotohanan samantalang siya naman ay nagpipigil sa pagtugon sa kanila sa inaanyaya nila sa kanya?" Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Tunay na ang patnubay ni Allāh ay ang patnubay na totoo. Nag-utos nga sa amin si Allāh na magpaakay kami sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – sa pamamagitan ng pananatili sa paniniwala sa kaisahan Niya at pagsamba sa Kanya lamang sapagkat Siya ay Panginoon ng mga nilalang.

Al-An'aam 6:71Listen in Qur'an →
72

وَأَنْ أَقِيمُوا۟ ٱلصَّلَوٰةَ وَٱتَّقُوهُ ۚ وَهُوَ ٱلَّذِىٓ إِلَيْهِ تُحْشَرُونَ

And to establish prayer and fear Him." And it is He to whom you will be gathered.

Nag-utos nga Siya sa amin ng pagpapanatili sa pagdarasal sa paraang pinakalubos, at nag-utos Siya sa amin ng pangingilag sa pagkakasala sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya sapagkat Siya lamang ay ang pagtitipunan sa Araw ng Pagbangon upang gumanti Siya sa kanila sa mga gawa nila.

Al-An'aam 6:72Listen in Qur'an →
73

وَهُوَ ٱلَّذِى خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضَ بِٱلْحَقِّ ۖ وَيَوْمَ يَقُولُ كُن فَيَكُونُ ۚ قَوْلُهُ ٱلْحَقُّ ۚ وَلَهُ ٱلْمُلْكُ يَوْمَ يُنفَخُ فِى ٱلصُّورِ ۚ عَٰلِمُ ٱلْغَيْبِ وَٱلشَّهَٰدَةِ ۚ وَهُوَ ٱلْحَكِيمُ ٱلْخَبِيرُ

And it is He who created the heavens and earth in truth. And the day He says, "Be," and it is, His word is the truth. And His is the dominion [on] the Day the Horn is blown. [He is] Knower of the unseen and the witnessed; and He is the Wise, the Acquainted.

Siya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay ang lumikha ng mga langit at lupa ayon sa katotohanan. Sa araw na magsasabi Siya sa anuman na mangyari ay mangyayari ito. Kapag magsasabi Siya sa Araw ng Pagbangon na bumangon kayo ay babangon sila. Ang sabi Niya ay ang katapatan na magaganap nang walang pasubali. Sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – tanging sa Kanya, ang paghahari sa Araw ng Pagbangon kapag iihip si Anghel Isrāfīl sa sungay sa ikalawang pag-ihip. [Siya] ang Nakaaalam sa anumang nalingid at ang Nakaaalam sa anumang nasaksihan. Siya ay ang Marunong sa paglikha Niya at pangangasiwa Niya, ang Mapagbatid na walang nakakukubli sa Kanya na anuman kaya naman ang mga nakalihim sa mga bagay-bagay sa ganang Kanya ay gaya ng mga nakalantad sa mga ito.

Al-An'aam 6:73Listen in Qur'an →
74

۞ وَإِذْ قَالَ إِبْرَٰهِيمُ لِأَبِيهِ ءَازَرَ أَتَتَّخِذُ أَصْنَامًا ءَالِهَةً ۖ إِنِّىٓ أَرَىٰكَ وَقَوْمَكَ فِى ضَلَٰلٍۢ مُّبِينٍۢ

And [mention, O Muhammad], when Abraham said to his father Azar, "Do you take idols as deities? Indeed, I see you and your people to be in manifest error."

Banggitin mo, O Sugo, nang nagsabi si Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa ama niyang tagapagtambal na si Āzar: "O Ama ko, gumagawa ka ba sa mga anito bilang mga diyos na sinasamba mo bukod pa kay Allāh? Tunay na ako ay nakakikita sa iyo at mga kalipi mong sumasamba sa mga diyus-diyusan sa isang pagkaligaw na malinaw at isang kalituhan sa daan ng katotohanan dahilan sa pagsamba ninyo sa iba pa kay Allāh sapagkat Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang sinasamba ayon sa karapatan samantalang ang iba pa sa Kanya ay isang sinasamba ayon sa kabulaanan."

Al-An'aam 6:74Listen in Qur'an →
75

وَكَذَٰلِكَ نُرِىٓ إِبْرَٰهِيمَ مَلَكُوتَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ وَلِيَكُونَ مِنَ ٱلْمُوقِنِينَ

And thus did We show Abraham the realm of the heavens and the earth that he would be among the certain [in faith]

Gaya ng pagpapakita ni Allāh kay Abraham ng pagkaligaw ng ama nito at mga kalipi nito, ipinakita ni Allāh kay Abraham ang malawak na paghahari sa mga langit at lupa upang makapagpatunay ito sa pamamagitan ng malawak na paghaharing iyon sa kaisahan ni Allāh at pagkakarapat-dapat Niya sa pagsamba – tanging Siya – upang si Abraham ay maging kabilang sa mga nakatitiyak na Siya ay nag-iisa – walang katambal sa Kanya – at na Siya ay Nakakakaya sa bawat bagay.

Al-An'aam 6:75Listen in Qur'an →
76

فَلَمَّا جَنَّ عَلَيْهِ ٱلَّيْلُ رَءَا كَوْكَبًۭا ۖ قَالَ هَٰذَا رَبِّى ۖ فَلَمَّآ أَفَلَ قَالَ لَآ أُحِبُّ ٱلْءَافِلِينَ

So when the night covered him [with darkness], he saw a star. He said, "This is my lord." But when it set, he said, "I like not those that disappear."

Kaya noong dumilim sa kanya ang gabi ay nakakita siya ng isang tala kaya nagsabi: "Ito ay Panginoon ko;" ngunit noong naglaho ang tala ay nagsabi siya: "Hindi ko naiibigan ang naglalaho dahil ang Diyos na totoo ay naririyan, hindi naglalaho."

Al-An'aam 6:76Listen in Qur'an →
77

فَلَمَّا رَءَا ٱلْقَمَرَ بَازِغًۭا قَالَ هَٰذَا رَبِّى ۖ فَلَمَّآ أَفَلَ قَالَ لَئِن لَّمْ يَهْدِنِى رَبِّى لَأَكُونَنَّ مِنَ ٱلْقَوْمِ ٱلضَّآلِّينَ

And when he saw the moon rising, he said, "This is my lord." But when it set, he said, "Unless my Lord guides me, I will surely be among the people gone astray."

Nang nakita niya ang buwan na lumalabas ay nagsabi siya: "Ito ay Panginoon ko;" ngunit noong nawala ito ay nagsabi siya: "Talagang kung hindi magtutuon sa akin si Allāh sa paniniwala sa kaisahan Niya at pagsamba sa Kanya lamang talagang ako nga ay magiging kabilang sa mga taong malayo sa Relihiyon Niyang totoo."

Al-An'aam 6:77Listen in Qur'an →
78

فَلَمَّا رَءَا ٱلشَّمْسَ بَازِغَةًۭ قَالَ هَٰذَا رَبِّى هَٰذَآ أَكْبَرُ ۖ فَلَمَّآ أَفَلَتْ قَالَ يَٰقَوْمِ إِنِّى بَرِىٓءٌۭ مِّمَّا تُشْرِكُونَ

And when he saw the sun rising, he said, "This is my lord; this is greater." But when it set, he said, "O my people, indeed I am free from what you associate with Allah.

Kaya nang nakita niya ang araw na lumilitaw ay nagsabi siya: "Ang lumilitaw na ito ay Panginoon ko; ang lumilitaw na ito ay higit na malaki kaysa sa tala at kaysa sa buwan;" ngunit noong naglaho ito ay nagsabi siya: "O mga kalipi ko, tunay na ako ay walang-kaugnayan sa anumang itinatambal ninyo kasama kay Allāh;

Al-An'aam 6:78Listen in Qur'an →
79

إِنِّى وَجَّهْتُ وَجْهِىَ لِلَّذِى فَطَرَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضَ حَنِيفًۭا ۖ وَمَآ أَنَا۠ مِنَ ٱلْمُشْرِكِينَ

Indeed, I have turned my face toward He who created the heavens and the earth, inclining toward truth, and I am not of those who associate others with Allah."

Tunay na ako ay nagpakawagas sa pag-uukol ng relihiyon ko sa lumikha ng mga langit at lupa nang walang naunang pagkakatulad, habang kumikiling palayo sa pagtatambal tungo sa dalisay na paniniwala sa kaisahan [ni Allāh], at hindi ako kabilang sa mga tagapagtambal na mga sumasamba kasama sa Kanya sa iba pa sa Kanya."

Al-An'aam 6:79Listen in Qur'an →
80

وَحَآجَّهُۥ قَوْمُهُۥ ۚ قَالَ أَتُحَٰٓجُّوٓنِّى فِى ٱللَّهِ وَقَدْ هَدَىٰنِ ۚ وَلَآ أَخَافُ مَا تُشْرِكُونَ بِهِۦٓ إِلَّآ أَن يَشَآءَ رَبِّى شَيْـًۭٔا ۗ وَسِعَ رَبِّى كُلَّ شَىْءٍ عِلْمًا ۗ أَفَلَا تَتَذَكَّرُونَ

And his people argued with him. He said, "Do you argue with me concerning Allah while He has guided me? And I fear not what you associate with Him [and will not be harmed] unless my Lord should will something. My Lord encompasses all things in knowledge; then will you not remember?

Nakipag-alitan sa kanya ang mga kalipi niyang mga tagapagtambal hinggil sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh – kaluwalhatian sa Kanya. Nagpangamba sila sa kanya laban sa mga anito nila kaya nagsabi siya sa kanila: "Nakikipag-alitan ba kayo sa akin hinggil sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at pagbubukod-tangi sa Kanya sa pagsamba samantalang nagtuon nga sa akin ang Panginoon tungo sa Kanya? Hindi ako nangangamba sa mga anito ninyo sapagkat ang mga ito ay hindi nakapagdudulot ng isang pinsala para maminsala sa akin ni ng isang pakinabang para magpakinabang sa akin malibang niloob ni Allāh sapagkat ang anumang niloob ni Allāh ay mangyayari. Kaalinsabay ng kaalaman ni Allāh sa bawat bagay, walang nakakukubli sa Kanya na anuman sa lupa ni sa langit. Kaya hindi ba kayo nakapag-aalaala, O mga tao, sa kalagayan ninyo na kawalang-pananampalataya kay Allāh at pagtatambal sa Kanya para sumampalataya kayo kay Allāh lamang?"

Al-An'aam 6:80Listen in Qur'an →

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.