Muslim99Muslim99
← Tafsir library

6. Al-An'aam

The Cattle · Meccan · 165 ayahs

سُورَةُ الأَنۡعَامِ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 41–50 of 165

41

بَلْ إِيَّاهُ تَدْعُونَ فَيَكْشِفُ مَا تَدْعُونَ إِلَيْهِ إِن شَآءَ وَتَنسَوْنَ مَا تُشْرِكُونَ

No, it is Him [alone] you would invoke, and He would remove that for which you invoked Him if He willed, and you would forget what you associate [with Him].

Ang totoo ay na kayo ay hindi dadalangin sa sandaling iyon sa iba pa kay Allāh na lumikha sa inyo para magbaling Siya palayo sa inyo ng kasawian at mag-alis Siya sa inyo ng pinsala kung niloob Niya sapagkat Siya ay ang karapat-dapat doon at ang nakakakaya niyon. Hinggil naman sa mga sinasamba ninyo na itinambal ninyo kasama kay Allāh, mag-iiwan kayo ng mga ito dahil sa pagkakaalam ninyo na ang mga ito ay hindi nakapagpapakinabang at hindi nakapipinsala.

Al-An'aam 6:41Listen in Qur'an →
42

وَلَقَدْ أَرْسَلْنَآ إِلَىٰٓ أُمَمٍۢ مِّن قَبْلِكَ فَأَخَذْنَٰهُم بِٱلْبَأْسَآءِ وَٱلضَّرَّآءِ لَعَلَّهُمْ يَتَضَرَّعُونَ

And We have already sent [messengers] to nations before you, [O Muhammad]; then We seized them with poverty and hardship that perhaps they might humble themselves [to Us].

Talaga ngang nagpadala Kami sa mga kalipunan bago mo pa, O Sugo, ng mga sugo ngunit nagpasinungaling sila sa mga ito at umayaw sila sa inihatid ng mga ito sa kanila kaya nagparusa Siya sa kanila ng mga sigalot gaya ng karalitaan at ng nakapipinsala sa mga katawan nila gaya ng karamdaman upang magpasailalim sila sa Panginoon nila at magpakaaba sa Kanya.

Al-An'aam 6:42Listen in Qur'an →
43

فَلَوْلَآ إِذْ جَآءَهُم بَأْسُنَا تَضَرَّعُوا۟ وَلَٰكِن قَسَتْ قُلُوبُهُمْ وَزَيَّنَ لَهُمُ ٱلشَّيْطَٰنُ مَا كَانُوا۟ يَعْمَلُونَ

Then why, when Our punishment came to them, did they not humble themselves? But their hearts became hardened, and Satan made attractive to them that which they were doing.

Kung sakaling sila, nang dumating sa kanila ang pagsubok ni Allāh, ay nagpakaaba sa Kanya at nagpasailalim sa Kanya, talaga sanang pinawi Niya sa kanila ang pagsubok at talaga sanang kinaawaan Niya sila. Subalit sila ay hindi gumawa niyon, bagkus tumigas ang mga puso nila kaya hindi sila nagsaalang-alang at hindi sila napangaralan. Pinaganda sa kanila ng demonyo ang dati nilang nagagawa na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway kaya nagpatuloy sila sa dating lagay nila.

Al-An'aam 6:43Listen in Qur'an →
44

فَلَمَّا نَسُوا۟ مَا ذُكِّرُوا۟ بِهِۦ فَتَحْنَا عَلَيْهِمْ أَبْوَٰبَ كُلِّ شَىْءٍ حَتَّىٰٓ إِذَا فَرِحُوا۟ بِمَآ أُوتُوٓا۟ أَخَذْنَٰهُم بَغْتَةًۭ فَإِذَا هُم مُّبْلِسُونَ

So when they forgot that by which they had been reminded, We opened to them the doors of every [good] thing until, when they rejoiced in that which they were given, We seized them suddenly, and they were [then] in despair.

Kaya noong iniwan nila ang ipinangaral sa kanila dala ng katindihan ng karalitaan at karamdaman at hindi nila ginawa ang mga utos ni Allāh, pinainan Niya sila sa pamamagitan ng pagbukas sa mga pinto ng panustos sa kanila at ng pagpapayaman sa kanila matapos ng karalitaan at pinalusog Niya ang mga katawan nila matapos ng karamdaman, na hanggang sa nang dumapo sa kanila ang kawalang-pakundangan at naghari sa kanila ang paghanga sa sarili dahil sa ipinatamasa sa kanila ay dumating naman sa kanila ang parusa Niya nang biglaan kaya biglang sila ay mga nalilito, mga nawawalan ng pag-asa sa inaasam nila.

Al-An'aam 6:44Listen in Qur'an →
45

فَقُطِعَ دَابِرُ ٱلْقَوْمِ ٱلَّذِينَ ظَلَمُوا۟ ۚ وَٱلْحَمْدُ لِلَّهِ رَبِّ ٱلْعَٰلَمِينَ

So the people that committed wrong were eliminated. And praise to Allah, Lord of the worlds.

Kaya pinutol ang pinakahuli sa mga alagad ng kawalang-pananampalataya sa pamamagitan ng pagpuksa sa kanila sa kalahatan sa pamamagitan ng pagpapahamak at ng pag-aadya sa mga sugo ni Allāh. Ang pasasalamat at ang pagbubunyi ay ukol kay Allāh lamang, ang Panginoon ng mga nilalang, dahil sa pagpapahamak Niya sa mga kaaway Niya at pag-aadya Niya sa mga katangkilik Niya.

Al-An'aam 6:45Listen in Qur'an →
46

قُلْ أَرَءَيْتُمْ إِنْ أَخَذَ ٱللَّهُ سَمْعَكُمْ وَأَبْصَٰرَكُمْ وَخَتَمَ عَلَىٰ قُلُوبِكُم مَّنْ إِلَٰهٌ غَيْرُ ٱللَّهِ يَأْتِيكُم بِهِ ۗ ٱنظُرْ كَيْفَ نُصَرِّفُ ٱلْءَايَٰتِ ثُمَّ هُمْ يَصْدِفُونَ

Say, "Have you considered: if Allah should take away your hearing and your sight and set a seal upon your hearts, which deity other than Allah could bring them [back] to you?" Look how we diversify the verses; then they [still] turn away.

Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Magpabatid kayo sa akin kung biningi kayo ni Allāh sa pamamagitan ng pag-alis sa mga pandinig ninyo at binulag Niya kayo sa pamamagitan ng pagkuha sa mga paningin ninyo at pagpinid sa mga puso ninyo kaya hindi kayo nakaunawa ng anuman, sinong sinasamba ayon sa karapatan ang magdudulot sa inyo ng nawala ninyo mula roon? Magmuni-muni ka, O Sugo, kung papaano Siyang naglilinaw sa kanila ng mga katwiran at nag-uuri-uri ng mga patotoo, pagkatapos sila ay umaayaw sa mga ito!"

Al-An'aam 6:46Listen in Qur'an →
47

قُلْ أَرَءَيْتَكُمْ إِنْ أَتَىٰكُمْ عَذَابُ ٱللَّهِ بَغْتَةً أَوْ جَهْرَةً هَلْ يُهْلَكُ إِلَّا ٱلْقَوْمُ ٱلظَّٰلِمُونَ

Say, "Have you considered: if the punishment of Allah should come to you unexpectedly or manifestly, will any be destroyed but the wrongdoing people?"

Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Magpabatid kayo sa akin kung dumating sa inyo ang pagdurusa mula kay Allāh nang biglaan nang walang pagkadama nito mula sa inyo, o dumating ito sa inyo nang hayagang lantaran sa mga mata sapagkat tunay na walang kinukuha sa pamamagitan ng pagdurusang iyon kundi ang mga tagalabag sa katarungan dahil sa kawalang-pananampalataya nila kay Allāh at pagpapasinungaling sa mga sugo Niya."

Al-An'aam 6:47Listen in Qur'an →
48

وَمَا نُرْسِلُ ٱلْمُرْسَلِينَ إِلَّا مُبَشِّرِينَ وَمُنذِرِينَ ۖ فَمَنْ ءَامَنَ وَأَصْلَحَ فَلَا خَوْفٌ عَلَيْهِمْ وَلَا هُمْ يَحْزَنُونَ

And We send not the messengers except as bringers of good tidings and warners. So whoever believes and reforms - there will be no fear concerning them, nor will they grieve.

Hindi Kami nagsugo ng mga sugo Namin kundi upang magpabatid sa mga alagad ng pananampalataya at pagtalima ng magpapagalak sa kanila na kaginhawahang mananatili, na hindi mauubos ni mapuputol, at upang magpangamba sa mga alagad ng kawalang-pananampalataya at pagsuway sa parusa Naming matindi. Kaya ang mga sumampalataya sa mga sugo at nagpakatuwid sa gawain nila ay walang pangamba sa kanila sa kahaharapin nila sa Kabilang-buhay nila ni sila ay malulungkot at manghihinayang sa anumang nakaalpas sa kanila mula sa mga kapalarang pangmundo.

Al-An'aam 6:48Listen in Qur'an →
49

وَٱلَّذِينَ كَذَّبُوا۟ بِـَٔايَٰتِنَا يَمَسُّهُمُ ٱلْعَذَابُ بِمَا كَانُوا۟ يَفْسُقُونَ

But those who deny Our verses - the punishment will touch them for their defiant disobedience.

Ang mga nagpasinungaling sa mga tanda ni Allāh ay tatama sa kanila ang pagdurusa dahilan ng paglabas nila sa pagtalima kay Allāh.

Al-An'aam 6:49Listen in Qur'an →
50

قُل لَّآ أَقُولُ لَكُمْ عِندِى خَزَآئِنُ ٱللَّهِ وَلَآ أَعْلَمُ ٱلْغَيْبَ وَلَآ أَقُولُ لَكُمْ إِنِّى مَلَكٌ ۖ إِنْ أَتَّبِعُ إِلَّا مَا يُوحَىٰٓ إِلَىَّ ۚ قُلْ هَلْ يَسْتَوِى ٱلْأَعْمَىٰ وَٱلْبَصِيرُ ۚ أَفَلَا تَتَفَكَّرُونَ

Say, [O Muhammad], "I do not tell you that I have the depositories [containing the provision] of Allah or that I know the unseen, nor do I tell you that I am an angel. I only follow what is revealed to me." Say, "Is the blind equivalent to the seeing? Then will you not give thought?"

Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Hindi ako nagsasabi sa inyo na tunay na taglay ko ang mga imbakan ni Allāh ng panustos para makapagsagawa ako rito ng anumang niloob ko. Hindi ako nagsasabi sa inyo na tunay na ako ay nakaaalam sa Lingid maliban sa ipinatalos sa akin ni Allāh sa pamamagitan ng pagkakasi. Hindi ako nagsasabi sa inyo na tunay na ako ay isang anghel kabilang sa mga anghel sapagkat Ako ay isang sugo mula kay Allāh. Hindi ako sumusunod maliban sa ikinakasi sa akin. Hindi ako nagkukunwari ng anumang wala sa akin." Sabihin mo, O Sugo, sa kanila: "Nagkakapantay kaya ang tagatangging sumampalataya na nabulag ang paningin sa katotohanan at ang mananampalataya na nakakita ng katotohanan at sumampalataya rito? Kaya hindi ba kayo nagmumuni-muni sa pamamagitan ng mga isipan ninyo, O mga tagapagtambal, sa mga nakapalibot sa inyo na mga tanda."

Al-An'aam 6:50Listen in Qur'an →

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.