Muslim99Muslim99
← Tafsir library

6. Al-An'aam

The Cattle · Meccan · 165 ayahs

سُورَةُ الأَنۡعَامِ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 21–30 of 165

21

وَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّنِ ٱفْتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبًا أَوْ كَذَّبَ بِـَٔايَٰتِهِۦٓ ۗ إِنَّهُۥ لَا يُفْلِحُ ٱلظَّٰلِمُونَ

And who is more unjust than one who invents about Allah a lie or denies His verses? Indeed, the wrongdoers will not succeed.

Walang isang higit na sukdulan sa kawalang-katarungan kaysa sa sinumang nag-ugnay kay Allāh ng isang katambal saka sumamba rito kasama sa Kanya o nagpasinungaling sa mga tanda Niya na pinababa Niya sa Sugo Niya. Tunay na ang mga tagalabag sa katarungan sa pamamagitan ng pag-uugnay ng katambal kay Allāh at ng pagpapasinungaling sa mga tanda Niya ay hindi magtatamo [ng tagumpay] magpakailanman kapag sila ay hindi nagbalik-loob.

Al-An'aam 6:21Listen in Qur'an →
22

وَيَوْمَ نَحْشُرُهُمْ جَمِيعًۭا ثُمَّ نَقُولُ لِلَّذِينَ أَشْرَكُوٓا۟ أَيْنَ شُرَكَآؤُكُمُ ٱلَّذِينَ كُنتُمْ تَزْعُمُونَ

And [mention, O Muhammad], the Day We will gather them all together; then We will say to those who associated others with Allah, "Where are your 'partners' that you used to claim [with Him]?"

Banggitin mo sa Araw ng Pagbangon kapag magtitipon si Allāh sa kanila sa kalahatan, na hindi Siya mag-iwan sa kanila ng isa man, pagkatapos magsasabi Siya sa mga sumamba kasama sa Kanya sa iba pa sa Kanya bilang pagsumbat sa kanila: "Nasaan ang mga itinambal ninyo, na kayo noon ay nag-aangkin nang pasinungaling na sila ay mga katambal kay Allāh?"

Al-An'aam 6:22Listen in Qur'an →
23

ثُمَّ لَمْ تَكُن فِتْنَتُهُمْ إِلَّآ أَن قَالُوا۟ وَٱللَّهِ رَبِّنَا مَا كُنَّا مُشْرِكِينَ

Then there will be no [excuse upon] examination except they will say, "By Allah, our Lord, we were not those who associated."

Pagkatapos walang iba ang pagdadahilan nila matapos ang pagsusulit na ito kundi na magpawalang-ugnayan sila sa mga sinasamba nila at magsasabi sila ng isang kasinungalingan: "Sumpa man kay Allāh na Panginoon Namin, kami noon sa Mundo ay hindi mga tagapagtambal sa Iyo, bagkus kami noon ay mga mananampalataya sa Iyo, na mga naniniwala sa kaisahan Mo."

Al-An'aam 6:23Listen in Qur'an →
24

ٱنظُرْ كَيْفَ كَذَبُوا۟ عَلَىٰٓ أَنفُسِهِمْ ۚ وَضَلَّ عَنْهُم مَّا كَانُوا۟ يَفْتَرُونَ

See how they will lie about themselves. And lost from them will be what they used to invent.

Tumingin ka, O Muḥammad, kung papaanong nagsinungaling ang mga ito laban sa mga sarili nila sa pagkakaila nila ng shirk sa mga sarili nila, at naglaho sa kanila at nagtatwa sa kanila ang dati nilang nililikha-likha na mga katambal kay Allāh sa buhay nila sa Mundo.

Al-An'aam 6:24Listen in Qur'an →
25

وَمِنْهُم مَّن يَسْتَمِعُ إِلَيْكَ ۖ وَجَعَلْنَا عَلَىٰ قُلُوبِهِمْ أَكِنَّةً أَن يَفْقَهُوهُ وَفِىٓ ءَاذَانِهِمْ وَقْرًۭا ۚ وَإِن يَرَوْا۟ كُلَّ ءَايَةٍۢ لَّا يُؤْمِنُوا۟ بِهَا ۚ حَتَّىٰٓ إِذَا جَآءُوكَ يُجَٰدِلُونَكَ يَقُولُ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓا۟ إِنْ هَٰذَآ إِلَّآ أَسَٰطِيرُ ٱلْأَوَّلِينَ

And among them are those who listen to you, but We have placed over their hearts coverings, lest they understand it, and in their ears deafness. And if they should see every sign, they will not believe in it. Even when they come to you arguing with you, those who disbelieve say, "This is not but legends of the former peoples."

Kabilang sa mga tagapagtambal ang nakikinig sa iyo, O Sugo, kapag binigkas mo ang Qur'ān subalit sila ay hindi nakikinabang sa napakikinggan nila dahil Kami ay naglagay sa mga puso nila ng mga takip upang hindi nila maunawaan ang Qur'ān dahilan sa pagmamatigas nila at pag-ayaw nila, at naglagay naman Kami sa mga tainga nila ng pagkabingi para sa pagdinig na napakikinabangan. Anuman ang nakikita nila sa mga katunayang maliwanag at mga katwirang hayag ay hindi sila mananampalataya sa mga ito. Hanggang sa kapag dumating ka sa kanila, makikipag-alitan sila sa iyo sa katotohanan sa pamamagitan kabulaanan, na nagsasabi: "Walang iba ang inihatid mo kundi isang kinuha buhat sa mga aklat ng mga sinauna."

Al-An'aam 6:25Listen in Qur'an →
26

وَهُمْ يَنْهَوْنَ عَنْهُ وَيَنْـَٔوْنَ عَنْهُ ۖ وَإِن يُهْلِكُونَ إِلَّآ أَنفُسَهُمْ وَمَا يَشْعُرُونَ

And they prevent [others] from him and are [themselves] remote from him. And they do not destroy except themselves, but they perceive [it] not.

Sila ay sumasaway sa mga tao laban sa pananampalataya sa Sugo at nagpapakalayo-layo sa kanya kaya hindi nila hinahayaan ang sinumang nakikinabang sa kanya at hindi sila mismo nakikinabang sa kanya. Hindi sila nagpapahamak dahil sa pinaggagawa nilang ito kundi sa mga sarili nila ngunit hindi nila nalaman na ang isinasagawa nila ay pagpapahamak sa mga ito.

Al-An'aam 6:26Listen in Qur'an →
27

وَلَوْ تَرَىٰٓ إِذْ وُقِفُوا۟ عَلَى ٱلنَّارِ فَقَالُوا۟ يَٰلَيْتَنَا نُرَدُّ وَلَا نُكَذِّبَ بِـَٔايَٰتِ رَبِّنَا وَنَكُونَ مِنَ ٱلْمُؤْمِنِينَ

If you could but see when they are made to stand before the Fire and will say, "Oh, would that we could be returned [to life on earth] and not deny the signs of our Lord and be among the believers."

Kung sakaling nakikita mo, O Sugo, kapag isasalang sila sa Araw ng Pagbangon sa ibabaw ng Apoy saka magsasabi sila dala ng panghihinayang: "O kung sana kami ay pababalikin sa buhay na pangmundo at [upang] hindi magpasinungaling sa mga tanda ni Allāh at maging kabilang sa mga mananampalataya kay Allāh, talaga sanang makakikita ka ng isang kagulat-gulat mula sa kasagwaan ng kalagayan nila!"

Al-An'aam 6:27Listen in Qur'an →
28

بَلْ بَدَا لَهُم مَّا كَانُوا۟ يُخْفُونَ مِن قَبْلُ ۖ وَلَوْ رُدُّوا۟ لَعَادُوا۟ لِمَا نُهُوا۟ عَنْهُ وَإِنَّهُمْ لَكَٰذِبُونَ

But what they concealed before has [now] appeared to them. And even if they were returned, they would return to that which they were forbidden; and indeed, they are liars.

Ang usapin ay hindi gaya ng sinabi nila na sila, kung sakaling isnauli sila, ay talaga sanang sumampalataya sila. Bagkus lalantad sa kanila ang dati nilang itinatago mula sa sinasabi nila: "Sumpa man kay Allāh, kami noon ay hindi mga tagapagtambal" kapag sasaksi laban sa kasinungalingan nila ang mga bahagi ng katawan nila. Kung sakaling itinakdang sila ay babalik sa Mundo ay talagang babalik sila sa sinasaway sa kanila na kawalang-pananampalataya at pagtatambal. Tunay na sila ay talagang mga sinungaling sa pangako nila ng pananampalataya kapag bumalik sila.

Al-An'aam 6:28Listen in Qur'an →
29

وَقَالُوٓا۟ إِنْ هِىَ إِلَّا حَيَاتُنَا ٱلدُّنْيَا وَمَا نَحْنُ بِمَبْعُوثِينَ

And they say, "There is none but our worldly life, and we will not be resurrected."

Nagsabi ang mga tagapagtambal na ito: "Walang buhay kundi ang buhay na kami ay narito, at kami ay hindi mga bubuhayin para sa pagtutuos."

Al-An'aam 6:29Listen in Qur'an →
30

وَلَوْ تَرَىٰٓ إِذْ وُقِفُوا۟ عَلَىٰ رَبِّهِمْ ۚ قَالَ أَلَيْسَ هَٰذَا بِٱلْحَقِّ ۚ قَالُوا۟ بَلَىٰ وَرَبِّنَا ۚ قَالَ فَذُوقُوا۟ ٱلْعَذَابَ بِمَا كُنتُمْ تَكْفُرُونَ

If you could but see when they will be made to stand before their Lord. He will say, "Is this not the truth?" They will say, "Yes, by our Lord." He will [then] say, "So taste the punishment because you used to disbelieve."

Kung sakaling nakakikita ka, O Sugo, kapag pinatayo ang mga tagakaila sa Pagkabuhay sa harapan ng Panginoon nila, ay talaga sanang makakikita ka ng kataka-taka mula sa kasagwaan ng kalagayan nila kapag magsasabi sa kanila si Allāh: "Ang Pagbubuhay na ito, na kayo noon ay nagpapasinungaling dito, ay hindi ba totoong napagtibay na walang pag-aalangan hinggil dito ni duda?" Magsasabi sila: "Sumumpa kami sa Panginoon namin na lumikha sa amin, tunay na ito ay talagang totoo, na napagtibay na walang duda hinggil dito." Kaya magsasabi sa kanila si Allāh sa sandaling iyon: "Kaya lasapin ninyo ang pagdurusa dahilan sa kawalang-pananampalataya ninyo sa Araw na ito sapagkat kayo noon dito ay nagpapasinungaling sa buhay na pangmundo."

Al-An'aam 6:30Listen in Qur'an →

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.