Muslim99Muslim99
← Tafsir library

6. Al-An'aam

The Cattle · Meccan · 165 ayahs

سُورَةُ الأَنۡعَامِ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 1–10 of 165

بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

1

ٱلْحَمْدُ لِلَّهِ ٱلَّذِى خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضَ وَجَعَلَ ٱلظُّلُمَٰتِ وَٱلنُّورَ ۖ ثُمَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ بِرَبِّهِمْ يَعْدِلُونَ

[All] praise is [due] to Allah, who created the heavens and the earth and made the darkness and the light. Then those who disbelieve equate [others] with their Lord.

Ang paglalarawan sa pamamagitan ng kalubusang walang-takda at ang pagbubunyi sa pamamagitan ng mga kagandahang pinakamataas kalakip ng pag-ibig ay napagtibay ukol kay Allāh na lumikha ng mga langit at lumikha ng lupa nang walang naunang pagkakatulad at lumikha ng gabi at maghapon na nagsusunuran, kaya nagpadilim Siya sa gabi at nagtanglaw Siya sa maghapon. Sa kabila nito, ang mga tumangging sumampalataya ay nagpapantay sa Kanya sa iba pa sa Kanya at gumagawa rito bilang katambal para sa Kanya.

2

هُوَ ٱلَّذِى خَلَقَكُم مِّن طِينٍۢ ثُمَّ قَضَىٰٓ أَجَلًۭا ۖ وَأَجَلٌۭ مُّسَمًّى عِندَهُۥ ۖ ثُمَّ أَنتُمْ تَمْتَرُونَ

It is He who created you from clay and then decreed a term and a specified time [known] to Him; then [still] you are in dispute.

Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang lumikha sa inyo, O mga tao, mula sa putik nang lumikha Siya sa ama ninyong si Adan – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – mula rito. Pagkatapos nagtalaga Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ng yugto ng pamamalagi ninyo sa makamundong buhay at nagtalaga Siya ng isa pang taning na walang nakaaalam kundi Siya para sa pagbubuhay sa inyo sa Araw ng Pagbangon. Pagkatapos kayo ay nagdududa sa kakayahan niya – kaluwalhatian sa Kanya – sa pagbubuhay.

3

وَهُوَ ٱللَّهُ فِى ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَفِى ٱلْأَرْضِ ۖ يَعْلَمُ سِرَّكُمْ وَجَهْرَكُمْ وَيَعْلَمُ مَا تَكْسِبُونَ

And He is Allah, [the only deity] in the heavens and the earth. He knows your secret and what you make public, and He knows that which you earn.

Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang sinasamba ayon sa karapatan sa mga langit at sa lupa. Walang nakakukubli sa Kanya na anuman sapagkat Siya ay nakaaalam sa anumang ikinukubli ninyo na mga layunin, mga sinasabi, at mga ginagawa; at nakaaalam sa anumang inihahayag ninyo mula roon. Gaganti Siya sa inyo sa mga iyon.

4

وَمَا تَأْتِيهِم مِّنْ ءَايَةٍۢ مِّنْ ءَايَٰتِ رَبِّهِمْ إِلَّا كَانُوا۟ عَنْهَا مُعْرِضِينَ

And no sign comes to them from the signs of their Lord except that they turn away therefrom.

Walang pumupunta sa mga tagapagtambal na isang katwiran mula sa ganang Panginoon nila malibang iniwan nila habang hindi mga pumapansin dito. Dumating nga sa kanila ang mga katwirang nagliliwanag at ang mga patotoong hayag na nagpapatunay sa kaisahan ni Allāh at dumating sa kanila ang mga tandang nagpapatunay sa katapatan ng mga sugo Niya. Gayon pa man, umayaw sila sa mga ito nang hindi mga nag-aalintana sa mga ito.

5

فَقَدْ كَذَّبُوا۟ بِٱلْحَقِّ لَمَّا جَآءَهُمْ ۖ فَسَوْفَ يَأْتِيهِمْ أَنۢبَٰٓؤُا۟ مَا كَانُوا۟ بِهِۦ يَسْتَهْزِءُونَ

For they had denied the truth when it came to them, but there is going to reach them the news of what they used to ridicule.

Sila – kung umayaw sila sa mga katwirang naglilinaw at mga patotoong hayag na iyon – ay umayaw nga sa higit na maliwanag sapagkat nagpasinungaling nga sila sa inihatid ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – na Qur'ān. Makikilala nila na ang dati nilang kinukutya kabilang sa inihatid niya sa kanila ay ang katotohanan kapag nakikita nila ang pagdurusa sa Araw ng Pagbangon.

6

أَلَمْ يَرَوْا۟ كَمْ أَهْلَكْنَا مِن قَبْلِهِم مِّن قَرْنٍۢ مَّكَّنَّٰهُمْ فِى ٱلْأَرْضِ مَا لَمْ نُمَكِّن لَّكُمْ وَأَرْسَلْنَا ٱلسَّمَآءَ عَلَيْهِم مِّدْرَارًۭا وَجَعَلْنَا ٱلْأَنْهَٰرَ تَجْرِى مِن تَحْتِهِمْ فَأَهْلَكْنَٰهُم بِذُنُوبِهِمْ وَأَنشَأْنَا مِنۢ بَعْدِهِمْ قَرْنًا ءَاخَرِينَ

Have they not seen how many generations We destroyed before them which We had established upon the earth as We have not established you? And We sent [rain from] the sky upon them in showers and made rivers flow beneath them; then We destroyed them for their sins and brought forth after them a generation of others.

Hindi ba nakaalam ang mga tagatangging sumampalatayang ito sa kalakaran ni Allāh sa pagpapahamak sa mga kalipunang tagalabag sa katarungan? Nagpahamak nga si Allāh bago pa nila ng maraming kalipunan na binigyan Niya ng mga kaparaanan ng lakas at pananatili sa lupa habang hindi Niya ibinigay sa mga tagatangging sumampalatayang ito. Nagpababa Siya sa kanila ng mga ulan na nagkakasunuran. Nagpadaloy Siya para sa kanila ng mga ilog na dumadaloy mula sa ilalim ng mga tahanan nila ngunit sumuway sila sa Kanya kaya nagpahamak Siya sa kanila dahil sa nagawa nila na mga pagsuway. Lumikha Siya, nang matapos nila, ng mga kalipunang iba pa.

7

وَلَوْ نَزَّلْنَا عَلَيْكَ كِتَٰبًۭا فِى قِرْطَاسٍۢ فَلَمَسُوهُ بِأَيْدِيهِمْ لَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓا۟ إِنْ هَٰذَآ إِلَّا سِحْرٌۭ مُّبِينٌۭ

And even if We had sent down to you, [O Muhammad], a written scripture on a page and they touched it with their hands, the disbelievers would say, "This is not but obvious magic."

Kung sakaling nagbaba Kami sa iyo, O Sugo, ng isang aklat na nakasulat sa mga papel at nakasaksi sila rito sa pamamagitan ng mga mata nila at nakatiyak sila rito sa pamamagitan ng pagkadama nila sa aklat sa pamamagitan ng mga kamay nila, talagang hindi sila sumampalataya rito dala ng isang pagtanggi mula sa kanila at isang pagkayamot, at talaga sanang nagsabi sila: "Hindi lumampas ang inihatid mo sa pagiging isang panggagaway na maliwanag kaya hindi kami sasampalataya rito."

8

وَقَالُوا۟ لَوْلَآ أُنزِلَ عَلَيْهِ مَلَكٌۭ ۖ وَلَوْ أَنزَلْنَا مَلَكًۭا لَّقُضِىَ ٱلْأَمْرُ ثُمَّ لَا يُنظَرُونَ

And they say, "Why was there not sent down to him an angel?" But if We had sent down an angel, the matter would have been decided; then they would not be reprieved.

Nagsabi ang mga tagatangging sumampalataya na ito: "Kung sakaling nagpababa si Allāh kasama kay Muḥammad ng isang anghel na magsasalita sa amin at sasaksi na siya ay isang sugo, talaga sanang sumampalataya kami." Kung sakaling nagpababa Kami ng isang anghel ayon sa paglalarawan na ninais nila ay talaga sanang nagpahamak Kami sa kanila kapag hindi sila sumampalataya at hindi sila palulugitan para sa pagbabalik-loob kapag bumaba iyon.

9

وَلَوْ جَعَلْنَٰهُ مَلَكًۭا لَّجَعَلْنَٰهُ رَجُلًۭا وَلَلَبَسْنَا عَلَيْهِم مَّا يَلْبِسُونَ

And if We had made him an angel, We would have made him [appear as] a man, and We would have covered them with that in which they cover themselves.

Kung sakaling gumawa Kami sa isinugo sa Kanila na isang anghel ay talaga sanang gumawa Kami sa kanya sa anyo ng isang lalaki upang magawa nila na makapakinig sa kanya at tumanggap sa kanya yayamang hindi sila makakakaya niyon sa anghel ayon sa anyo nitong nilikha Namin ito. Kung sakaling gumawa Kami sa kanya sa anyo ng isang lalaki ay talaga sanang nagpalito sa kanila ang lagay niya.

10

وَلَقَدِ ٱسْتُهْزِئَ بِرُسُلٍۢ مِّن قَبْلِكَ فَحَاقَ بِٱلَّذِينَ سَخِرُوا۟ مِنْهُم مَّا كَانُوا۟ بِهِۦ يَسْتَهْزِءُونَ

And already were messengers ridiculed before you, but those who mocked them were enveloped by that which they used to ridicule.

Kaya kung nangungutya ang mga ito sa paghiling nila ng pagpapababa ng isang anghel kasama sa iyo ay may nangutya ngang mga kalipunan bago mo pa sa mga sugo sa mga iyon kaya pumalibot sa kanila ang pagdurusang dati nilang ikinakaila at kinukutya sa sandali ng pagpapangamba sa kanila roon.

Al-An'aam 6:10Listen in Qur'an →

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.