Muslim99Muslim99
← Tafsir library

5. Al-Maaida

The Table · Medinan · 120 ayahs

سُورَةُ المَائـِدَةِ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 81–90 of 120

81

وَلَوْ كَانُوا۟ يُؤْمِنُونَ بِٱللَّهِ وَٱلنَّبِىِّ وَمَآ أُنزِلَ إِلَيْهِ مَا ٱتَّخَذُوهُمْ أَوْلِيَآءَ وَلَٰكِنَّ كَثِيرًۭا مِّنْهُمْ فَٰسِقُونَ

And if they had believed in Allah and the Prophet and in what was revealed to him, they would not have taken them as allies; but many of them are defiantly disobedient.

Kung sakaling ang mga Hudyong ito ay sumasampalataya kay Allāh nang totohanan at sa Propeta Niya, hindi sana sila gumawa sa mga tagapagtambal bilang mga katangkilik na iniibig nila at kinikilingan nila sa halip ng mga mananampalataya dahil sila ay sinaway laban sa paggawa sa mga tagatangging sumampalataya bilang mga katangkilik subalit marami sa mga Hudyong ito ay mga lumalabas sa pagtalima kay Allāh, sa pagtangkilik sa Kanya, at sa pagtangkilik sa mga mananampalataya.

Al-Maaida 5:81Listen in Qur'an →
82

۞ لَتَجِدَنَّ أَشَدَّ ٱلنَّاسِ عَدَٰوَةًۭ لِّلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ ٱلْيَهُودَ وَٱلَّذِينَ أَشْرَكُوا۟ ۖ وَلَتَجِدَنَّ أَقْرَبَهُم مَّوَدَّةًۭ لِّلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ ٱلَّذِينَ قَالُوٓا۟ إِنَّا نَصَٰرَىٰ ۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّ مِنْهُمْ قِسِّيسِينَ وَرُهْبَانًۭا وَأَنَّهُمْ لَا يَسْتَكْبِرُونَ

You will surely find the most intense of the people in animosity toward the believers [to be] the Jews and those who associate others with Allah; and you will find the nearest of them in affection to the believers those who say, "We are Christians." That is because among them are priests and monks and because they are not arrogant.

Talagang makatatagpo ka nga, O Sugo, na ang pinakamalaki sa mga tao sa pagkamuhi sa mga mananampalataya sa iyo at sa inihatid mo ay ang mga Hudyo dahil sa taglay nilang poot, inggit, at pagmamalaki; ang mga mananamba ng mga diyus-diyusan; at ang iba pa sa kanila kabilang sa mga tagapagtambal kay Allāh. Talagang makatatagpo ka nga na ang pinakamalapit sa kanila sa pag-ibig sa mga mananampalataya sa iyo at sa inihatid mo ay ang mga nagsasabi tungkol sa mga sarili nila na tunay na sila ay mga Kristiyano. Ang kalapitan ng pagmamahal ng mga ito sa mga mananampalataya ay dahil mayroon sa kanila na mga maalam at mga palasamba at na sila ay mga nagpapakumbaba, hindi mga nagpapakamalaki dahil ang nagpapakamalaki ay hindi umaabot ang kabutihan sa puso niya.

Al-Maaida 5:82Listen in Qur'an →
83

وَإِذَا سَمِعُوا۟ مَآ أُنزِلَ إِلَى ٱلرَّسُولِ تَرَىٰٓ أَعْيُنَهُمْ تَفِيضُ مِنَ ٱلدَّمْعِ مِمَّا عَرَفُوا۟ مِنَ ٱلْحَقِّ ۖ يَقُولُونَ رَبَّنَآ ءَامَنَّا فَٱكْتُبْنَا مَعَ ٱلشَّٰهِدِينَ

And when they hear what has been revealed to the Messenger, you see their eyes overflowing with tears because of what they have recognized of the truth. They say, "Our Lord, we have believed, so register us among the witnesses.

Ang mga ito – gaya ng Hari ng Ethiopia at mga kasamahan nito – ay may mga pusong malambot yayamang sila ay naiyak dala ng kataimtiman sa sandali ng pakikinig sa pinababa mula sa Qur'ān yayamang nakilala nila na ito ay mula sa katotohanan dahil sa pagkakilala nila sa inihatid ni Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. Nagsasabi sila: "O Panginoon Namin, sumampalataya kami sa pinababa Mo sa Sugo Mo na si Muḥammad – basbasan Mo siya at pangalagaan – kaya isulat Mo kami, O Panginoon namin, kasama ng kalipunan ni Muḥammad – basbasan Mo siya at pangalagaan – na magiging isang katwiran laban sa mga tao sa Araw ng Pagbangon.

Al-Maaida 5:83Listen in Qur'an →
84

وَمَا لَنَا لَا نُؤْمِنُ بِٱللَّهِ وَمَا جَآءَنَا مِنَ ٱلْحَقِّ وَنَطْمَعُ أَن يُدْخِلَنَا رَبُّنَا مَعَ ٱلْقَوْمِ ٱلصَّٰلِحِينَ

And why should we not believe in Allah and what has come to us of the truth? And we aspire that our Lord will admit us [to Paradise] with the righteous people."

May aling dahilan na humaharang sa pagitan natin at ng pananampalataya kay Allāh at sa pinababa Niya na katotohanang inihatid ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – samantalang tayo ay umaasa sa pagpasok sa Paraiso kasama sa mga propeta at mga tagasunod nilang mga tumatalima kay Allāh, na mga nangangamba sa parusa Niya?

Al-Maaida 5:84Listen in Qur'an →
85

فَأَثَٰبَهُمُ ٱللَّهُ بِمَا قَالُوا۟ جَنَّٰتٍۢ تَجْرِى مِن تَحْتِهَا ٱلْأَنْهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَا ۚ وَذَٰلِكَ جَزَآءُ ٱلْمُحْسِنِينَ

So Allah rewarded them for what they said with gardens [in Paradise] beneath which rivers flow, wherein they abide eternally. And that is the reward of doers of good.

Kaya gumanti sa kanila si Allāh sa pagsampalataya nila at pag-amin nila sa katotohanan ng mga hardin na dumadaloy ang mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at mga punong-kahoy ng mga ito bilang mga namamalagi sa mga ito magpakailanman. Iyon ay ang ganti sa mga tagagawa ng maganda sa pagsunod nila sa katotohanan at pagpapaakay nila rito nang walang pasubali o kundisyon.

Al-Maaida 5:85Listen in Qur'an →
86

وَٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ وَكَذَّبُوا۟ بِـَٔايَٰتِنَآ أُو۟لَٰٓئِكَ أَصْحَٰبُ ٱلْجَحِيمِ

But those who disbelieved and denied Our signs - they are the companions of Hellfire.

Ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya, at nagpasinungaling sa mga tanda ni Allāh na pinababa Niya sa Sugo Niya, ang mga iyon ay ang mga mananatili sa Apoy na naglalagablab; hindi sila makalalabas mula roon magpakailanman.

Al-Maaida 5:86Listen in Qur'an →
87

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ لَا تُحَرِّمُوا۟ طَيِّبَٰتِ مَآ أَحَلَّ ٱللَّهُ لَكُمْ وَلَا تَعْتَدُوٓا۟ ۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُحِبُّ ٱلْمُعْتَدِينَ

O you who have believed, do not prohibit the good things which Allah has made lawful to you and do not transgress. Indeed, Allah does not like transgressors.

O mga sumampalataya, huwag kayong magbawal ng mga minamasarap na pinapayagan gaya ng mga pagkain, mga inumin, at mga pag-aasawa. Huwag kayong magbawal ng mga ito dala ng pagkakasya sa kaunti o pagkamananamba. Huwag kayong lumampas sa mga hangganan ng ipinagbawal ni Allāh sa inyo. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa mga lumalampas sa mga hangganan Niya, bagkus napupuot Siya sa kanila.

Al-Maaida 5:87Listen in Qur'an →
88

وَكُلُوا۟ مِمَّا رَزَقَكُمُ ٱللَّهُ حَلَٰلًۭا طَيِّبًۭا ۚ وَٱتَّقُوا۟ ٱللَّهَ ٱلَّذِىٓ أَنتُم بِهِۦ مُؤْمِنُونَ

And eat of what Allah has provided for you [which is] lawful and good. And fear Allah, in whom you are believers.

Kumain kayo mula sa inakay ni Allāh sa inyo mula sa panustos Niya sa kalagayan ng pagiging ipinahintulot na kaaya-aya nito, hindi kung ito ay ipinagbabawal gaya ng nakuha dahil sa pangangamkam o sa minamasamang paraan. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya sapagkat Siya ang sinasampalatayanan ninyo at ang pananampalataya ninyo sa Kanya ay nag-oobliga sa inyo na mangilag kayong magkasala sa Kanya.

Al-Maaida 5:88Listen in Qur'an →
89

لَا يُؤَاخِذُكُمُ ٱللَّهُ بِٱللَّغْوِ فِىٓ أَيْمَٰنِكُمْ وَلَٰكِن يُؤَاخِذُكُم بِمَا عَقَّدتُّمُ ٱلْأَيْمَٰنَ ۖ فَكَفَّٰرَتُهُۥٓ إِطْعَامُ عَشَرَةِ مَسَٰكِينَ مِنْ أَوْسَطِ مَا تُطْعِمُونَ أَهْلِيكُمْ أَوْ كِسْوَتُهُمْ أَوْ تَحْرِيرُ رَقَبَةٍۢ ۖ فَمَن لَّمْ يَجِدْ فَصِيَامُ ثَلَٰثَةِ أَيَّامٍۢ ۚ ذَٰلِكَ كَفَّٰرَةُ أَيْمَٰنِكُمْ إِذَا حَلَفْتُمْ ۚ وَٱحْفَظُوٓا۟ أَيْمَٰنَكُمْ ۚ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ ٱللَّهُ لَكُمْ ءَايَٰتِهِۦ لَعَلَّكُمْ تَشْكُرُونَ

Allah will not impose blame upon you for what is meaningless in your oaths, but He will impose blame upon you for [breaking] what you intended of oaths. So its expiation is the feeding of ten needy people from the average of that which you feed your [own] families or clothing them or the freeing of a slave. But whoever cannot find [or afford it] - then a fast of three days [is required]. That is the expiation for oaths when you have sworn. But guard your oaths. Thus does Allah make clear to you His verses that you may be grateful.

Hindi magtutuos sa inyo si Allāh, O mga mananampalataya, sa nangyayari sa mga dila ninyo na panunumpa nang hindi sadyaan. Magtutuos lamang Siya sa inyo dahil sa [panunumpang] nagpasya kayo niyon, nagbigkis kayo sa mga puso [ninyo] roon, at nagsinungaling kayo [matapos ng panunumpa]. Kaya papawi Siya sa inyo ng kasalanan ng pinagpasyahan ninyo na mga panunumpa at binigkas ninyo nang nagsinungaling kayo. [Ang panakip-sala ay] isa sa tatlong bagay ayon sa pipiliin: ang pagpapakain sa sampung dukha ng katamtaman sa pagkain ng mga naninirahan sa bayan ninyo: para sa bawat dukha ay kalahating Sā`, o ang pagpapadamit sa kanila ng itinuturing sa kaugalian bilang damit, o ang pagpapalaya sa isang aliping mananampalataya. Ngunit kapag hindi nakatagpo ang nagtatakip-sala sa panunumpa niya ng isa sa tatlong bagay na ito, magtatakip-sala siya rito sa pamamagitan ng pag-aayuno nang tatlong araw. Ang nabanggit na iyon ay panakip-sala sa mga panunumpa ninyo, O mga mananampalataya, kapag nanumpa kayo kay Allāh at nagsinungaling kayo [matapos ng panunumpa]. Mangalaga kayo sa mga panunumpa ninyo laban sa pagsumpa kay Allāh nang pasinungaling, laban sa kadalasan ng panunumpa kay Allāh, at laban sa kawalan ng pagtupad sa panunumpa hanggat ang kawalan ng pagtupad ay hindi mabuti. Kaya gumawa kayo ng kabutihan at magtakip-sala kayo sa mga panunumpa ninyo gaya ng nilinaw ni Allāh sa inyo na panakip-sala sa mga [sinirang] panunumpa. Naglilinaw si Allāh para sa inyo ng mga kahatulan Niyang tagapaglinaw sa ipinahihintulot at ipinagbabawal, nang sa gayon kayo ay magpapasalamat kay Allāh dahil nagturo Siya sa inyo ng hindi ninyo dati nalalaman.

Al-Maaida 5:89Listen in Qur'an →
90

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓا۟ إِنَّمَا ٱلْخَمْرُ وَٱلْمَيْسِرُ وَٱلْأَنصَابُ وَٱلْأَزْلَٰمُ رِجْسٌۭ مِّنْ عَمَلِ ٱلشَّيْطَٰنِ فَٱجْتَنِبُوهُ لَعَلَّكُمْ تُفْلِحُونَ

O you who have believed, indeed, intoxicants, gambling, [sacrificing on] stone alters [to other than Allah], and divining arrows are but defilement from the work of Satan, so avoid it that you may be successful.

O mga sumampalataya, ang nakalalasing na nag-aalis ng isip, ang sugal na naglalaman ng taya ng dalawang panig, ang mga bato na nagkakatay sa tabi ng mga ito ang mga tagapagtambal bilang pagdakila sa mga ito o nagtatayo sila ng mga ito para sa pagsamba sa mga ito, at ang mga patpat ng palaso na sila noon ay humihiling sa pamamagitan ng mga ito kung ano ang ibinahagi sa kanila mula sa Lingid [sa kanila], ang lahat ng iyon ay kasalanan mula sa panghahalina ng demonyo, kaya lumayo kayo sa kanya, nang sa gayon kayo ay magtatamo ng isang buhay na marangal sa Mundo at ng kaginhawahan sa Paraiso sa Kabilang-buhay.

Al-Maaida 5:90Listen in Qur'an →

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.