Muslim99Muslim99
← Tafsir library

5. Al-Maaida

The Table · Medinan · 120 ayahs

سُورَةُ المَائـِدَةِ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 61–70 of 120

61

وَإِذَا جَآءُوكُمْ قَالُوٓا۟ ءَامَنَّا وَقَد دَّخَلُوا۟ بِٱلْكُفْرِ وَهُمْ قَدْ خَرَجُوا۟ بِهِۦ ۚ وَٱللَّهُ أَعْلَمُ بِمَا كَانُوا۟ يَكْتُمُونَ

And when they come to you, they say, "We believe." But they have entered with disbelief [in their hearts], and they have certainly left with it. And Allah is most knowing of what they were concealing.

Kapag dumating sa inyo, O mga mananampalataya, ang mga mapagpaimbabaw kabilang sa kanila ay naglalantad sila sa inyo ng pananampalataya bilang pagpapaimbabaw mula sa kanila. Ang reyalidad ay na sila sa sandali ng pagpasok nila at paglabas nila ay mga nababalutan ng kawalang-pananampalataya, na hindi sila nakakakalas dito. Si Allāh ay higit na maalam sa kinikimkim nila na kawalang-pananampalataya kahit naglantad sila sa inyo ng pananampalataya. Gaganti Siya sa kanila roon.

Al-Maaida 5:61Listen in Qur'an →
62

وَتَرَىٰ كَثِيرًۭا مِّنْهُمْ يُسَٰرِعُونَ فِى ٱلْإِثْمِ وَٱلْعُدْوَٰنِ وَأَكْلِهِمُ ٱلسُّحْتَ ۚ لَبِئْسَ مَا كَانُوا۟ يَعْمَلُونَ

And you see many of them hastening into sin and aggression and the devouring of [what is] unlawful. How wretched is what they have been doing.

Nakakikita ka, O Sugo, ng marami sa mga Hudyo at mga mapagpaimbabaw na nagdadali-dali sa paggawa ng mga pagsuway tulad ng pagsisinungaling, paglabag sa mga iba sa pamamagitan ng kawalang-katarungan sa mga ito, at pakikinabang sa mga yaman ng mga tao sa pamamagitan ng ipinagbabawal. Kay sagwa ang ginagawa nila!

Al-Maaida 5:62Listen in Qur'an →
63

لَوْلَا يَنْهَىٰهُمُ ٱلرَّبَّٰنِيُّونَ وَٱلْأَحْبَارُ عَن قَوْلِهِمُ ٱلْإِثْمَ وَأَكْلِهِمُ ٱلسُّحْتَ ۚ لَبِئْسَ مَا كَانُوا۟ يَصْنَعُونَ

Why do the rabbis and religious scholars not forbid them from saying what is sinful and devouring what is unlawful? How wretched is what they have been practicing.

Bakit kaya hindi sumusuwata sa kanila ang mga pinuno nila at ang mga maalam nila sa minamabilis nilang pagsasabi ng kasinungalingan, pagsaksi sa kabulaanan, at pakikinabang sa mga yaman ng mga tao sa pamamagitan ng kabulaanan? Talaga ngang sumagwa ang pinaggagawa ng mga pinuno nila at mga maalam nila na hindi sumasaway sa kanila sa nakasasama.

Al-Maaida 5:63Listen in Qur'an →
64

وَقَالَتِ ٱلْيَهُودُ يَدُ ٱللَّهِ مَغْلُولَةٌ ۚ غُلَّتْ أَيْدِيهِمْ وَلُعِنُوا۟ بِمَا قَالُوا۟ ۘ بَلْ يَدَاهُ مَبْسُوطَتَانِ يُنفِقُ كَيْفَ يَشَآءُ ۚ وَلَيَزِيدَنَّ كَثِيرًۭا مِّنْهُم مَّآ أُنزِلَ إِلَيْكَ مِن رَّبِّكَ طُغْيَٰنًۭا وَكُفْرًۭا ۚ وَأَلْقَيْنَا بَيْنَهُمُ ٱلْعَدَٰوَةَ وَٱلْبَغْضَآءَ إِلَىٰ يَوْمِ ٱلْقِيَٰمَةِ ۚ كُلَّمَآ أَوْقَدُوا۟ نَارًۭا لِّلْحَرْبِ أَطْفَأَهَا ٱللَّهُ ۚ وَيَسْعَوْنَ فِى ٱلْأَرْضِ فَسَادًۭا ۚ وَٱللَّهُ لَا يُحِبُّ ٱلْمُفْسِدِينَ

And the Jews say, "The hand of Allah is chained." Chained are their hands, and cursed are they for what they say. Rather, both His hands are extended; He spends however He wills. And that which has been revealed to you from your Lord will surely increase many of them in transgression and disbelief. And We have cast among them animosity and hatred until the Day of Resurrection. Every time they kindled the fire of war [against you], Allah extinguished it. And they strive throughout the land [causing] corruption, and Allah does not like corrupters.

Nagsabi ang mga Hudyo noong may tumama sa kanila na isang hirap at isang tagtuyot: "Ang kamay ni Allāh ay nakakuyom sa pagkakaloob ng biyaya at bigay; nagkait Siya sa amin ang nasa Kanya." Pakatandaan, napigilan ang mga kamay nila sa paggawa ng kabutihan at pagbibigay. Itinaboy sila mula sa awa ni Allāh dahil sa sinabi nilang ito. Bagkus ang mga kamay Niya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay mga nakabukas sa kabutihan at pagbibigay. Gumugugol Siya kung papaano Niyang niloloob. Nagbubukas Siya at nagkukuyom. Walang tagahadlang sa Kanya at walang tagapilit sa Kanya. Walang naidaragdag sa mga Hudyo ang pinababa sa iyo, O Sugo, kundi isang paglampas sa hangganan at isang pagkakaila. Iyon ay dahil sa taglay nilang inggit. Pumukol si Allāh sa pagitan ng mga pangkatin ng mga Hudyo ng pagkamuhi at pagkasuklam. Sa tuwing nagbubuklod sila para sa digmaan at naghahanda para rito ng kagamitan, o nagsasabwatan para pagpapaningas nito, dumudurog si Allāh sa bukluran nila at nag-aalis ng lakas nila. Hindi sila tumitigil sa pagsisikap sa paggawa ng anumang may kaguluhan fsa lupa gaya ng pagsisikap para magpabula sa Islām at pagpapakana laban dito. Si Allāh ay hindi umiibig sa mga alagad ng kaguluhan.

Al-Maaida 5:64Listen in Qur'an →
65

وَلَوْ أَنَّ أَهْلَ ٱلْكِتَٰبِ ءَامَنُوا۟ وَٱتَّقَوْا۟ لَكَفَّرْنَا عَنْهُمْ سَيِّـَٔاتِهِمْ وَلَأَدْخَلْنَٰهُمْ جَنَّٰتِ ٱلنَّعِيمِ

And if only the People of the Scripture had believed and feared Allah, We would have removed from them their misdeeds and admitted them to Gardens of Pleasure.

Kung sakaling ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano ay sumampalataya sa inihatid ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at nangilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga pagsuway ay talaga sanang magtatakip-sala Kami sa kanila sa mga pagsuway na ginawa nila kahit pa man ang mga ito ay marami at talaga sanang magpapapasok Kami sa kanila sa Araw ng Pagbangon sa mga hardin ng lugod, na magtatamasa sila sa anumang nasa mga ito na lugod na hindi mapuputol.

Al-Maaida 5:65Listen in Qur'an →
66

وَلَوْ أَنَّهُمْ أَقَامُوا۟ ٱلتَّوْرَىٰةَ وَٱلْإِنجِيلَ وَمَآ أُنزِلَ إِلَيْهِم مِّن رَّبِّهِمْ لَأَكَلُوا۟ مِن فَوْقِهِمْ وَمِن تَحْتِ أَرْجُلِهِم ۚ مِّنْهُمْ أُمَّةٌۭ مُّقْتَصِدَةٌۭ ۖ وَكَثِيرٌۭ مِّنْهُمْ سَآءَ مَا يَعْمَلُونَ

And if only they upheld [the law of] the Torah, the Gospel, and what has been revealed to them from their Lord, they would have consumed [provision] from above them and from beneath their feet. Among them are a moderate community, but many of them - evil is that which they do.

Kung sakaling ang mga Hudyo ay gumawa ng ayon sa Torah at ang mga Kristiyano ay gumawa ng ayon sa Ebanghelyo, at gumawa sila sa kalahatan ng ayon sa pinababa sa kanila mula sa Qur'ān, talaga sanang magpapadali Ako para sa kanila ng mga kadahilanan ng pagkamit ng panustos gaya ng pagpapababa ng ulan at pagpapatubo ng lupa. Kabilang sa mga May Kasulatan ang makatamtamang nananatili sa katotohanan ngunit ang marami kabilang sa kanila ay kay sagwa ang gawain nila dahil sa kawalan ng pananampalataya nila.

Al-Maaida 5:66Listen in Qur'an →
67

۞ يَٰٓأَيُّهَا ٱلرَّسُولُ بَلِّغْ مَآ أُنزِلَ إِلَيْكَ مِن رَّبِّكَ ۖ وَإِن لَّمْ تَفْعَلْ فَمَا بَلَّغْتَ رِسَالَتَهُۥ ۚ وَٱللَّهُ يَعْصِمُكَ مِنَ ٱلنَّاسِ ۗ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَهْدِى ٱلْقَوْمَ ٱلْكَٰفِرِينَ

O Messenger, announce that which has been revealed to you from your Lord, and if you do not, then you have not conveyed His message. And Allah will protect you from the people. Indeed, Allah does not guide the disbelieving people.

O Sugo, magpabatid ka ng pinababa sa iyo mula sa Panginoon mo nang buo at huwag kang maglihim mula rito ng anuman sapagkat kung naglihim ka mula rito ng anuman, ikaw ay hindi nagpapaabot ng pasugo ng Panginoon mo. (Nagpaabot nga ang Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ng lahat ng ipinag-utos sa kanya na ipaabot kaya ang sinumang nag-akala ng kasalungatan niyon ay nagpabigat nga ng kabulaanan laban kay Allāh.) Si Allāh ay mangangalaga sa iyo sa mga tao matapos ng araw na ito kaya hindi sila makakakaya ng pagpaparating sa iyo ng kasamaan at walang kailangan sa iyo kundi ang pagpapaabot. Si Allāh ay hindi nagtutuon sa pagkagabay sa mga tagatangging sumampalataya na hindi nagnanais ng kapatnubayan.

Al-Maaida 5:67Listen in Qur'an →
68

قُلْ يَٰٓأَهْلَ ٱلْكِتَٰبِ لَسْتُمْ عَلَىٰ شَىْءٍ حَتَّىٰ تُقِيمُوا۟ ٱلتَّوْرَىٰةَ وَٱلْإِنجِيلَ وَمَآ أُنزِلَ إِلَيْكُم مِّن رَّبِّكُمْ ۗ وَلَيَزِيدَنَّ كَثِيرًۭا مِّنْهُم مَّآ أُنزِلَ إِلَيْكَ مِن رَّبِّكَ طُغْيَٰنًۭا وَكُفْرًۭا ۖ فَلَا تَأْسَ عَلَى ٱلْقَوْمِ ٱلْكَٰفِرِينَ

Say, "O People of the Scripture, you are [standing] on nothing until you uphold [the law of] the Torah, the Gospel, and what has been revealed to you from your Lord." And that which has been revealed to you from your Lord will surely increase many of them in transgression and disbelief. So do not grieve over the disbelieving people.

Sabihin mo, O Sugo: "Kayo, O mga Hudyo at mga Kristiyano, ay hindi nakabatay sa anuman mula sa relihiyong maisasaalang-alang hanggang sa gumawa kayo ayon sa Torah at Ebanghelyo at gumawa kayo ayon sa pinababa sa inyo mula sa Qur'ān, na hindi tutumpak ang pananampalataya ninyo malibang sa pamamagitan ng pananampalataya rito at paggawa ayon sa nasa loob nito. Talagang magdaragdag nga sa marami sa mga May Kasulatan ang pinababa sa iyo mula sa Panginoon mo ng isang pagmamalabis sa isang [dating] pagmamalabis at ng isang kawalang-pananampalataya sa isang [dating] kawalang-pananampalataya dahil sa taglay nilang inggit. Kaya huwag kang mamighati sa mga tagatangging sumampalatayang ito. Sa sinumang sumunod sa iyo kabilang sa mga mananampalataya ay may yaman at kasapatan.

Al-Maaida 5:68Listen in Qur'an →
69

إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ وَٱلَّذِينَ هَادُوا۟ وَٱلصَّٰبِـُٔونَ وَٱلنَّصَٰرَىٰ مَنْ ءَامَنَ بِٱللَّهِ وَٱلْيَوْمِ ٱلْءَاخِرِ وَعَمِلَ صَٰلِحًۭا فَلَا خَوْفٌ عَلَيْهِمْ وَلَا هُمْ يَحْزَنُونَ

Indeed, those who have believed [in Prophet Muhammad] and those [before Him] who were Jews or Sabeans or Christians - those [among them] who believed in Allah and the Last Day and did righteousness - no fear will there be concerning them, nor will they grieve.

Tunay na ang mga mananampalataya; ang mga Hudyo; ang mga Sabeo, na isang pangkat ng mga tagasunod ng ilan sa mga propeta; at ang mga Kristiyano, ang sinumang sumampalataya kabilang sa kanila kay Allāh at sa Huling Araw at gumawa ng mga gawang matuwid ay walang pangamba sa kanila sa kahaharapin nila ni sila ay malulungkot sa nakaalpas sa kanila mula sa mga mabuting bahagi sa Mundo.

Al-Maaida 5:69Listen in Qur'an →
70

لَقَدْ أَخَذْنَا مِيثَٰقَ بَنِىٓ إِسْرَٰٓءِيلَ وَأَرْسَلْنَآ إِلَيْهِمْ رُسُلًۭا ۖ كُلَّمَا جَآءَهُمْ رَسُولٌۢ بِمَا لَا تَهْوَىٰٓ أَنفُسُهُمْ فَرِيقًۭا كَذَّبُوا۟ وَفَرِيقًۭا يَقْتُلُونَ

We had already taken the covenant of the Children of Israel and had sent to them messengers. Whenever there came to them a messenger with what their souls did not desire, a party [of messengers] they denied, and another party they killed.

Talaga ngang tumanggap Kami ng mga kasunduang binigyang-diin sa mga anak ni Israel ng pagdinig at pagtalima at nagsugo Kami ng mga sugo upang magpaabot sa kanila ng Batas ngunit sumira sila sa tinanggap sa kanila mula sa tipan at sumunod sila sa idinidikta ng mga pithaya nila gaya ng pag-ayaw sa inihatid sa kanila ng mga sugo nila at gaya ng pagpapasinungaling nila sa iba at pagpatay nila sa iba pa.

Al-Maaida 5:70Listen in Qur'an →

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.