Muslim99Muslim99
← Tafsir library

5. Al-Maaida

The Table · Medinan · 120 ayahs

سُورَةُ المَائـِدَةِ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 41–50 of 120

41

۞ يَٰٓأَيُّهَا ٱلرَّسُولُ لَا يَحْزُنكَ ٱلَّذِينَ يُسَٰرِعُونَ فِى ٱلْكُفْرِ مِنَ ٱلَّذِينَ قَالُوٓا۟ ءَامَنَّا بِأَفْوَٰهِهِمْ وَلَمْ تُؤْمِن قُلُوبُهُمْ ۛ وَمِنَ ٱلَّذِينَ هَادُوا۟ ۛ سَمَّٰعُونَ لِلْكَذِبِ سَمَّٰعُونَ لِقَوْمٍ ءَاخَرِينَ لَمْ يَأْتُوكَ ۖ يُحَرِّفُونَ ٱلْكَلِمَ مِنۢ بَعْدِ مَوَاضِعِهِۦ ۖ يَقُولُونَ إِنْ أُوتِيتُمْ هَٰذَا فَخُذُوهُ وَإِن لَّمْ تُؤْتَوْهُ فَٱحْذَرُوا۟ ۚ وَمَن يُرِدِ ٱللَّهُ فِتْنَتَهُۥ فَلَن تَمْلِكَ لَهُۥ مِنَ ٱللَّهِ شَيْـًٔا ۚ أُو۟لَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ لَمْ يُرِدِ ٱللَّهُ أَن يُطَهِّرَ قُلُوبَهُمْ ۚ لَهُمْ فِى ٱلدُّنْيَا خِزْىٌۭ ۖ وَلَهُمْ فِى ٱلْءَاخِرَةِ عَذَابٌ عَظِيمٌۭ

O Messenger, let them not grieve you who hasten into disbelief of those who say, "We believe" with their mouths, but their hearts believe not, and from among the Jews. [They are] avid listeners to falsehood, listening to another people who have not come to you. They distort words beyond their [proper] usages, saying "If you are given this, take it; but if you are not given it, then beware." But he for whom Allah intends fitnah - never will you possess [power to do] for him a thing against Allah. Those are the ones for whom Allah does not intend to purify their hearts. For them in this world is disgrace, and for them in the Hereafter is a great punishment.

O Sugo, huwag magpalungkot sa iyo ang mga nagmamabilis sa paglalantad sa mga gawain ng kawalang-pananampalataya upang magpangitngit sila sa iyo sa mga mapagpaimbabaw na naglalantad ng pananampalataya habang naglilingid ng kawalang-pananampalataya. Huwag magpalungkot sa iyo ang mga Hudyo na nakikinig sa kasinungalingan ng mga nakatatanda nila at tumatanggap nito bilang mga gumagaya sa mga pinuno nila na hindi pumunta sa iyo dala ng isang pag-ayaw nila sa iyo. Nagpapalit sila sa Salita ni Allāh sa Torah ayon sa umaalinsunod sa mga pithaya nila. Nagsasabi sila sa mga tagasunod nila: "Kung umayon ang kahatulan ni Muḥammad sa mga pithaya ninyo ay sumunod kayo sa kanya. Kung sumalungat iyon sa mga ito ay mangilag kayo sa kanya." Ang sinumang nagnais si Allāh ng pagliligaw sa kanya kabilang sa mga tao ay hindi ka makatatagpo, O Sugo, ng sinumang magtutulak palayo sa kanya ng pagkaligaw at magpapatnubay sa kanya tungo sa landas ng katotohanan. Ang mga inilalarawang iyon sa pamamagitan ng mga katangiang ito kabilang sa mga Hudyo at mga mapagpaimbabaw ay ang mga hindi nagnais si Allāh ng pagdadalisay sa mga puso nila mula sa kawalang-pananampalataya. Ukol sa kanila sa Mundo ay isang kahihiyan at isang kasiraang-puri. Ukol sa kanila sa Kabilang-buhay ay isang pagdurusang sukdulan, ang pagdurusa sa Apoy.

Al-Maaida 5:41Listen in Qur'an →
42

سَمَّٰعُونَ لِلْكَذِبِ أَكَّٰلُونَ لِلسُّحْتِ ۚ فَإِن جَآءُوكَ فَٱحْكُم بَيْنَهُمْ أَوْ أَعْرِضْ عَنْهُمْ ۖ وَإِن تُعْرِضْ عَنْهُمْ فَلَن يَضُرُّوكَ شَيْـًۭٔا ۖ وَإِنْ حَكَمْتَ فَٱحْكُم بَيْنَهُم بِٱلْقِسْطِ ۚ إِنَّ ٱللَّهَ يُحِبُّ ٱلْمُقْسِطِينَ

[They are] avid listeners to falsehood, devourers of [what is] unlawful. So if they come to you, [O Muhammad], judge between them or turn away from them. And if you turn away from them - never will they harm you at all. And if you judge, judge between them with justice. Indeed, Allah loves those who act justly.

Ang mga Hudyo na ito ay mga madalas makinig sa kasinungalingan at mga madalas makinabang sa yamang galing sa ipinagbabawal gaya ng patubo sa pautang. Kaya kung nagpahatol sila sa iyo, O Sugo, ay magpasya ka sa pagitan nila kung loloobin mo o iwan mo ang pagpapasya sa pagitan nila kung loloobin mo sapagkat ikaw ay makapipili sa dalawang kalagayan. Kung iiwan mo ang pagpapasya sa pagitan nila ay hindi sila makakakaya na puminsala sa iyo ng anuman. Kung magpapasya ka sa pagitan nila ay magpasya ka sa pagitan nila ayon sa katarungan kahit sila man ay mga tagalabag sa katarungan at mga kaaway. Tunay na si Allāh ay umiibig sa mga makatarungan sa hatol nila, kahit pa man ang mga nagpapahatol ay mga kaaway ng tagahatol.

Al-Maaida 5:42Listen in Qur'an →
43

وَكَيْفَ يُحَكِّمُونَكَ وَعِندَهُمُ ٱلتَّوْرَىٰةُ فِيهَا حُكْمُ ٱللَّهِ ثُمَّ يَتَوَلَّوْنَ مِنۢ بَعْدِ ذَٰلِكَ ۚ وَمَآ أُو۟لَٰٓئِكَ بِٱلْمُؤْمِنِينَ

But how is it that they come to you for judgement while they have the Torah, in which is the judgement of Allah? Then they turn away, [even] after that; but those are not [in fact] believers.

Tunay na ang kalagayan ng mga ito ay talagang kataka-taka sapagkat sila ay tumatangging sumampalataya sa iyo ngunit nagpapahatol sa iyo dala ng paghahangad sa paghatol mo ng umaayon sa mga pithaya nila samantalang taglay nila ang Torah na nag-aangkin sila ng pananampalataya raw roon, na naroon ang kahatulan ni Allāh, pagkatapos umaayaw sila sa hatol mo kapag hindi umalinsunod sa mga pithaya nila. Kaya naman nagsama sila sa kawalang-pananampalataya sa nasa kasulatan nila at sa pag-ayaw sa hatol mo. Ang kagagawan ng mga ito ay hindi kagagawan ng mga mananampalataya kaya sila, samakatuwid, ay hindi kabilang sa mga manananampalataya sa iyo at sa inihatid mo.

Al-Maaida 5:43Listen in Qur'an →
44

إِنَّآ أَنزَلْنَا ٱلتَّوْرَىٰةَ فِيهَا هُدًۭى وَنُورٌۭ ۚ يَحْكُمُ بِهَا ٱلنَّبِيُّونَ ٱلَّذِينَ أَسْلَمُوا۟ لِلَّذِينَ هَادُوا۟ وَٱلرَّبَّٰنِيُّونَ وَٱلْأَحْبَارُ بِمَا ٱسْتُحْفِظُوا۟ مِن كِتَٰبِ ٱللَّهِ وَكَانُوا۟ عَلَيْهِ شُهَدَآءَ ۚ فَلَا تَخْشَوُا۟ ٱلنَّاسَ وَٱخْشَوْنِ وَلَا تَشْتَرُوا۟ بِـَٔايَٰتِى ثَمَنًۭا قَلِيلًۭا ۚ وَمَن لَّمْ يَحْكُم بِمَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ فَأُو۟لَٰٓئِكَ هُمُ ٱلْكَٰفِرُونَ

Indeed, We sent down the Torah, in which was guidance and light. The prophets who submitted [to Allah] judged by it for the Jews, as did the rabbis and scholars by that with which they were entrusted of the Scripture of Allah, and they were witnesses thereto. So do not fear the people but fear Me, and do not exchange My verses for a small price. And whoever does not judge by what Allah has revealed - then it is those who are the disbelievers.

Tunay na Kami ay nagpababa ng Torah kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – na doon ay may paggabay at pahiwatig sa kabutihan, at liwanag na ipinantatanglaw. Humahatol sa pamamagitan nito ang mga propeta ng mga anak ni Israel na mga nagpaakay kay Allāh sa pamamagitan ng pagtalima. Humahatol sa pamamagitan nito ang mga maalam at ang mga marunong sa batas na nagtuturo sa mga tao ng ipinaingat sa kanila ni Allāh sa Kasulatan Niya. Gumawa Siya sa kanila bilang mga tagapag-ingat dito, na nangangalaga rito laban sa paglilihis at pagpapalit ng kahulugan. Sila ay mga saksi rito na ito ay katotohanan. Sa kanila sumasangguni ang mga tao hinggil sa pumapatungkol dito. Kaya huwag kayong mangamba, O mga Hudyo, sa mga tao ngunit mangamba kayo kay Allāh lamang. Huwag kayong tumanggap ng isang pamalit sa hatol ayon sa pinababa ni Allāh kapalit ng kaunting halaga gaya ng posisyon o prestihiyo o salapi. Ang sinumang hindi humatol ng ayon sa pinababa ni Allāh mula sa pagkakasi habang nagtuturing na ipinahihintulot iyon o nagmamagaling higit dito ng iba pa rito o nagpapantay niyon dito, ang mga iyon ay ang mga tagatangging sumampalataya nang totohanan.

Al-Maaida 5:44Listen in Qur'an →
45

وَكَتَبْنَا عَلَيْهِمْ فِيهَآ أَنَّ ٱلنَّفْسَ بِٱلنَّفْسِ وَٱلْعَيْنَ بِٱلْعَيْنِ وَٱلْأَنفَ بِٱلْأَنفِ وَٱلْأُذُنَ بِٱلْأُذُنِ وَٱلسِّنَّ بِٱلسِّنِّ وَٱلْجُرُوحَ قِصَاصٌۭ ۚ فَمَن تَصَدَّقَ بِهِۦ فَهُوَ كَفَّارَةٌۭ لَّهُۥ ۚ وَمَن لَّمْ يَحْكُم بِمَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ فَأُو۟لَٰٓئِكَ هُمُ ٱلظَّٰلِمُونَ

And We ordained for them therein a life for a life, an eye for an eye, a nose for a nose, an ear for an ear, a tooth for a tooth, and for wounds is legal retribution. But whoever gives [up his right as] charity, it is an expiation for him. And whoever does not judge by what Allah has revealed - then it is those who are the wrongdoers.

Nagsatungkulin si Allāh sa mga Hudyo sa Torah na ang sinumang pumatay ng isang tao nang sinasadya, na walang karapatan, ay papatayin dahil doon. Ang sinumang dumukot ng isang mata nang sinasadya ay dudukutin ang mata niya. Ang sinumang tumapyas ng isang ilong nang sinasadya ay tatapyasin ang ilong. Ang sinumang pumutol ng isang tainga ay puputulin ang tainga niya. Ang sinumang bumungal ng isang ngipin ay bubungalin ang ngipin niya. Nagtakda si Allāh sa kanila na hinggil sa mga sugat ay parurusahan ang may-sala ng tulad sa krimen niya. Ang sinumang nagkusang-loob ng pagpapaumanhin sa may-sala, ang pagpapaumanhin niya ay magiging isang panakip-sala sa mga pagkakasala niya dahil sa pagpapaumanhin niya sa lumabag sa katarungan sa kanya. Ang sinumang hindi humatol ng ayon sa pinababa ni Allāh kaugnay sa pumapatungkol sa pantay na ganti at sa pumapatungkol sa iba pa rito, siya ay lumalampas sa mga hangganan ni Allāh.

Al-Maaida 5:45Listen in Qur'an →
46

وَقَفَّيْنَا عَلَىٰٓ ءَاثَٰرِهِم بِعِيسَى ٱبْنِ مَرْيَمَ مُصَدِّقًۭا لِّمَا بَيْنَ يَدَيْهِ مِنَ ٱلتَّوْرَىٰةِ ۖ وَءَاتَيْنَٰهُ ٱلْإِنجِيلَ فِيهِ هُدًۭى وَنُورٌۭ وَمُصَدِّقًۭا لِّمَا بَيْنَ يَدَيْهِ مِنَ ٱلتَّوْرَىٰةِ وَهُدًۭى وَمَوْعِظَةًۭ لِّلْمُتَّقِينَ

And We sent, following in their footsteps, Jesus, the son of Mary, confirming that which came before him in the Torah; and We gave him the Gospel, in which was guidance and light and confirming that which preceded it of the Torah as guidance and instruction for the righteous.

Nagpasunod Kami sa mga bakas ng mga propeta ng mga anak ni Israel kay Hesus na anak ni Maria bilang mananampalataya sa Torah at bilang tagapaghatol ayon dito. Nagbigay Kami sa kanya ng Ebanghelyo bilang naglalaman ng kapatnubayan sa katotohanan at ng nag-aalis ng mga kalituhan mula sa mga katwiran at lumulutas sa mga suliranin mula sa mga kahatulan, at bilang sumasang-ayon sa bumaba bago pa nito na Torah maliban sa kaunti kabilang sa pinawalang-bisa nito na mga kahatulan niyon. Gumawa Kami sa Ebanghelyo bilang patnubay, na napapatnubayan sa pamamagitan nito ang mga tagapangilag magkasala, at bilang pampigil sa paggawa ng ipinagbawal nito sa kanila.

Al-Maaida 5:46Listen in Qur'an →
47

وَلْيَحْكُمْ أَهْلُ ٱلْإِنجِيلِ بِمَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ فِيهِ ۚ وَمَن لَّمْ يَحْكُم بِمَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ فَأُو۟لَٰٓئِكَ هُمُ ٱلْفَٰسِقُونَ

And let the People of the Gospel judge by what Allah has revealed therein. And whoever does not judge by what Allah has revealed - then it is those who are the defiantly disobedient.

Sampalatayanan ng mga Kristiyano ang pinababa ni Allāh sa Ebanghelyo at humatol sila ayon dito hinggil sa inihatid nito na katapatan bago ng pagpapadala kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa kanila. Ang sinumang hindi humatol ng ayon sa pinababa ni Allāh, ang mga iyon ay ang mga lumalabas sa pagtalima kay Allāh, ang mga nag-iiwan sa katotohanan, ang mga kumikiling sa kabulaanan.

Al-Maaida 5:47Listen in Qur'an →
48

وَأَنزَلْنَآ إِلَيْكَ ٱلْكِتَٰبَ بِٱلْحَقِّ مُصَدِّقًۭا لِّمَا بَيْنَ يَدَيْهِ مِنَ ٱلْكِتَٰبِ وَمُهَيْمِنًا عَلَيْهِ ۖ فَٱحْكُم بَيْنَهُم بِمَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ ۖ وَلَا تَتَّبِعْ أَهْوَآءَهُمْ عَمَّا جَآءَكَ مِنَ ٱلْحَقِّ ۚ لِكُلٍّۢ جَعَلْنَا مِنكُمْ شِرْعَةًۭ وَمِنْهَاجًۭا ۚ وَلَوْ شَآءَ ٱللَّهُ لَجَعَلَكُمْ أُمَّةًۭ وَٰحِدَةًۭ وَلَٰكِن لِّيَبْلُوَكُمْ فِى مَآ ءَاتَىٰكُمْ ۖ فَٱسْتَبِقُوا۟ ٱلْخَيْرَٰتِ ۚ إِلَى ٱللَّهِ مَرْجِعُكُمْ جَمِيعًۭا فَيُنَبِّئُكُم بِمَا كُنتُمْ فِيهِ تَخْتَلِفُونَ

And We have revealed to you, [O Muhammad], the Book in truth, confirming that which preceded it of the Scripture and as a criterion over it. So judge between them by what Allah has revealed and do not follow their inclinations away from what has come to you of the truth. To each of you We prescribed a law and a method. Had Allah willed, He would have made you one nation [united in religion], but [He intended] to test you in what He has given you; so race to [all that is] good. To Allah is your return all together, and He will [then] inform you concerning that over which you used to differ.

Nagpababa sa iyo, O Sugo, ng Qur'ān na may katapatang walang duda at walang alinlangan na ito ay mula sa ganang Kanya bilang tagapagpatotoo para sa nauna rito na mga kasulatang pinababa at bilang pinagkakatiwalaan sa mga ito. Kaya ang anumang umaayon dito mula sa mga iyon, iyan ay katotohanan; at ang anumang sumasalungat dito, iyan ay kabulaanan. Kaya humatol ka sa pagitan nila ayon sa pinababa ni Allāh sa iyo kaugnay roon. Huwag kang sumunod sa mga pithaya nilang pinanghahawakan nila habang iniiwan ang pinababa sa iyo na katotohanang walang duda hinggil doon. Gumawa si Allāh para sa bawat kalipunan ng isang batas mula sa mga patakarang panggawain at ng isang paraang maliwanag na napapatnubayan sila sa pamamagitan nito. Kung sakaling niloob ni Allāh na pag-isahin ang mga batas, talaga sanang pinag-isa Niya ang mga ito subalit Siya ay gumawa para sa bawat kalipunan ng batas upang sulitin ang lahat para malantad ang tagatalima sa tagasuway. Kaya magmadali kayo tungo sa paggawa ng mga kabutihan at pag-iwan sa mga nakasasama sapagkat tungo kay Allāh lamang ang pagbabalik ninyo sa Araw ng Pagbangon. Magbabalita Siya sa inyo tungkol sa anumang kayo noon kaugnay roon ay nagkakasalungatan. Gaganti Siya sa inyo sa anumang ipinauna ninyo na mga gawa.

Al-Maaida 5:48Listen in Qur'an →
49

وَأَنِ ٱحْكُم بَيْنَهُم بِمَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ وَلَا تَتَّبِعْ أَهْوَآءَهُمْ وَٱحْذَرْهُمْ أَن يَفْتِنُوكَ عَنۢ بَعْضِ مَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ إِلَيْكَ ۖ فَإِن تَوَلَّوْا۟ فَٱعْلَمْ أَنَّمَا يُرِيدُ ٱللَّهُ أَن يُصِيبَهُم بِبَعْضِ ذُنُوبِهِمْ ۗ وَإِنَّ كَثِيرًۭا مِّنَ ٱلنَّاسِ لَفَٰسِقُونَ

And judge, [O Muhammad], between them by what Allah has revealed and do not follow their inclinations and beware of them, lest they tempt you away from some of what Allah has revealed to you. And if they turn away - then know that Allah only intends to afflict them with some of their [own] sins. And indeed, many among the people are defiantly disobedient.

Na humatol ka sa pagitan nila, O Sugo, ng ayon sa pinababa ni Allāh sa iyo, huwag kang sumunod sa mga pananaw nilang namumutawi mula sa pagsunod ng pithaya, at mag-ingat ka sa kanila na magligaw sila sa iyo palayo sa ilan sa pinababa ni Allāh sa iyo sapagkat hindi sila mag-aalintana ng isang pagpupunyagi alang-alang doon. Kaya kung umayaw sila sa pagtanggap sa kahatulan ayon sa pinababa ni Allāh sa iyo ay alamin mo na nagnanais lamang si Allāh na magparusa sa kanila, dahil sa ilan sa mga pagkakasala nila, ng isang kaparusahang pangmundo at magpaparusa Siya sa kanila sa lahat ng mga ito sa Kabilang-buhay. Tunay na marami sa mga tao ay talagang mga lumalabas sa pagtalima kay Allāh.

Al-Maaida 5:49Listen in Qur'an →
50

أَفَحُكْمَ ٱلْجَٰهِلِيَّةِ يَبْغُونَ ۚ وَمَنْ أَحْسَنُ مِنَ ٱللَّهِ حُكْمًۭا لِّقَوْمٍۢ يُوقِنُونَ

Then is it the judgement of [the time of] ignorance they desire? But who is better than Allah in judgement for a people who are certain [in faith].

Umaayaw ba sila sa paghatol mo habang humihiling ng paghatol ng mga alagad ng Kamangmangan kabilang sa mga mananamba ng mga diyus-diyusan, na mga humahatol bilang pagsunod sa mga pithaya nila? Walang isang higit na magaling sa paghatol kaysa kay Allāh sa ganang mga alagad ng katiyakan, na mga nakauunawa buhat kay Allāh ng pinababa sa Sugo Niya, hindi mga alagad ng kamangmangan at mga pithaya na walang tinatanggap kundi ang umaalinsunod sa mga pithaya nila kahit pa ito ay kabulaanan.

Al-Maaida 5:50Listen in Qur'an →

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.