Muslim99Muslim99
← Tafsir library

5. Al-Maaida

The Table · Medinan · 120 ayahs

سُورَةُ المَائـِدَةِ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 21–30 of 120

21

يَٰقَوْمِ ٱدْخُلُوا۟ ٱلْأَرْضَ ٱلْمُقَدَّسَةَ ٱلَّتِى كَتَبَ ٱللَّهُ لَكُمْ وَلَا تَرْتَدُّوا۟ عَلَىٰٓ أَدْبَارِكُمْ فَتَنقَلِبُوا۟ خَٰسِرِينَ

O my people, enter the Holy Land which Allah has assigned to you and do not turn back [from fighting in Allah 's cause] and [thus] become losers."

Nagsabi si Moises: "O mga kalipi, magsipasok kayo sa lupaing dinalisay (ang Bahay ng Pinagbanalan at ang Paligid nito) na nangako sa inyo si Allāh ng pagpasok doon at ng pakikipaglaban sa sinumang nasa loob niyon kabilang sa mga tagatangging sumampalataya. Huwag kayong matalo sa harapan ng mga higante sapagkat ang kauuwian ninyo ay ang pagkalugi sa Mundo at Kabilang-buhay."

Al-Maaida 5:21Listen in Qur'an →
22

قَالُوا۟ يَٰمُوسَىٰٓ إِنَّ فِيهَا قَوْمًۭا جَبَّارِينَ وَإِنَّا لَن نَّدْخُلَهَا حَتَّىٰ يَخْرُجُوا۟ مِنْهَا فَإِن يَخْرُجُوا۟ مِنْهَا فَإِنَّا دَٰخِلُونَ

They said, "O Moses, indeed within it is a people of tyrannical strength, and indeed, we will never enter it until they leave it; but if they leave it, then we will enter."

Nagsabi sa kanya ang mga kalipi niya: "O Moises, tunay na sa loob ng Lupang Binanal ay may mga taong may lakas at may matinding bangis. Ito ay pumipigil sa amin sa pagpasok doon kaya hindi kami papasok doon hanggat namamalagi ang mga ito sa loob niyon dahil wala kaming kapangyarihan at walang lakas sa pakikipaglaban sa kanila. Kaya kung lalabas sila mula roon, tunay na kami ay mga papasok doon.

Al-Maaida 5:22Listen in Qur'an →
23

قَالَ رَجُلَانِ مِنَ ٱلَّذِينَ يَخَافُونَ أَنْعَمَ ٱللَّهُ عَلَيْهِمَا ٱدْخُلُوا۟ عَلَيْهِمُ ٱلْبَابَ فَإِذَا دَخَلْتُمُوهُ فَإِنَّكُمْ غَٰلِبُونَ ۚ وَعَلَى ٱللَّهِ فَتَوَكَّلُوٓا۟ إِن كُنتُم مُّؤْمِنِينَ

Said two men from those who feared [to disobey] upon whom Allah had bestowed favor, "Enter upon them through the gate, for when you have entered it, you will be predominant. And upon Allah rely, if you should be believers."

May nagsabing dalawang lalaki kabilang sa mga kasamahan ni Moises kabilang sa mga natatakot kay Allāh at nangangamba sa parusa Niya, na nagbiyaya si Allāh sa kanilang dalawa ng pagtutuon sa pagtalima sa Kanya, na natatangi sa mga kalipi nilang dalawa sa pagsunod sa utos ni Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Magsipasok kayo sa kinaroroonan ng mga higante sa pintuan ng lungsod sapagkat kapag nakalusot kayo sa pinto at nakapasok kayo roon, tunay na kayo – ayon sa pahintulot ni Allāh – ay mananaig sa kanila dala ng pagtitiwala sa kalakaran ni Allāh sa pagsasaayos ng pagwawagi dahil sa paggamit ng mga kadahilanan gaya ng pananampalataya kay Allāh at paghahanda ng mga kaparaanang materyal. Sa kay Allāh lamang sumandig kayo at manalig kayo, kung kayo ay mga mananampalataya nang totohanan sapagkat ang pananampalataya ay nag-oobliga ng pananalig sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya."

Al-Maaida 5:23Listen in Qur'an →
24

قَالُوا۟ يَٰمُوسَىٰٓ إِنَّا لَن نَّدْخُلَهَآ أَبَدًۭا مَّا دَامُوا۟ فِيهَا ۖ فَٱذْهَبْ أَنتَ وَرَبُّكَ فَقَٰتِلَآ إِنَّا هَٰهُنَا قَٰعِدُونَ

They said, "O Moses, indeed we will not enter it, ever, as long as they are within it; so go, you and your Lord, and fight. Indeed, we are remaining right here."

Nagsabi ang mga kalipi ni Moises na mga anak ni Israel habang mga nagpupumilit sa pagsalungat sa utos ng propeta nilang si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Tunay na kami ay hindi papasok sa lungsod hanggat namamalagi ang mga higante roon. Kaya pumunta ka, O Moises, at ang Panginoon mo at makipaglaban kayong dalawa sa mga higante. Tungkol naman sa amin, mananatili kaming mga namamalagi sa pook namin habang mga nagpapaiwan sa pakikipaglaban kasama sa inyong dalawa."

Al-Maaida 5:24Listen in Qur'an →
25

قَالَ رَبِّ إِنِّى لَآ أَمْلِكُ إِلَّا نَفْسِى وَأَخِى ۖ فَٱفْرُقْ بَيْنَنَا وَبَيْنَ ٱلْقَوْمِ ٱلْفَٰسِقِينَ

[Moses] said, "My Lord, indeed I do not possess except myself and my brother, so part us from the defiantly disobedient people."

Nagsabi si Moises sa Panginoon niya: "O Panginoon ko, walang kapamahalaan para sa akin sa isa man maliban sa sarili ko at kapatid kong si Aaron, kaya magpahiwalay Ka sa pagitan namin at ng mga taong lumalabas sa pagtalima sa Iyo at pagtalima sa sugo Mo."

Al-Maaida 5:25Listen in Qur'an →
26

قَالَ فَإِنَّهَا مُحَرَّمَةٌ عَلَيْهِمْ ۛ أَرْبَعِينَ سَنَةًۭ ۛ يَتِيهُونَ فِى ٱلْأَرْضِ ۚ فَلَا تَأْسَ عَلَى ٱلْقَوْمِ ٱلْفَٰسِقِينَ

[Allah] said, "Then indeed, it is forbidden to them for forty years [in which] they will wander throughout the land. So do not grieve over the defiantly disobedient people."

Nagsabi si Allāh sa propeta Niyang si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Tunay na si Allāh ay nagbawal sa mga anak ni Israel ng pagpasok sa Lupang Binanal sa yugtong apatnapung taon, habang naliligaw sila sa yugtong ito sa disyerto, na mga nalilitong hindi napapatnubayan. Kaya huwag kang malumbay, O Moises, sa mga taong lumalabas sa pagtalima kay Allāh sapagkat tunay na ang tatama sa kanila na parusa ay dahilan sa mga pagsuway nila at mga pagkakasala nila."

Al-Maaida 5:26Listen in Qur'an →
27

۞ وَٱتْلُ عَلَيْهِمْ نَبَأَ ٱبْنَىْ ءَادَمَ بِٱلْحَقِّ إِذْ قَرَّبَا قُرْبَانًۭا فَتُقُبِّلَ مِنْ أَحَدِهِمَا وَلَمْ يُتَقَبَّلْ مِنَ ٱلْءَاخَرِ قَالَ لَأَقْتُلَنَّكَ ۖ قَالَ إِنَّمَا يَتَقَبَّلُ ٱللَّهُ مِنَ ٱلْمُتَّقِينَ

And recite to them the story of Adam's two sons, in truth, when they both offered a sacrifice [to Allah], and it was accepted from one of them but was not accepted from the other. Said [the latter], "I will surely kill you." Said [the former], "Indeed, Allah only accepts from the righteous [who fear Him].

Magsalaysay ka, O Sugo, sa mga naiinggit na tagalabag sa katarungan na ito kabilang sa mga Hudyo ng sanaysay ng dalawang anak ni Adan na sina Cain at Abel ayon sa katapatang walang pag-aalangan hinggil doon nang naghandog silang dalawa ng alay na ipinapanlapit-loob ng bawat isa sa kanilang dalawa kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya. Tumanggap si Allāh sa alay na inihandog ni Abel dahil ito ay kabilang sa mga may pangingilag sa pagkakasala. Hindi Siya tumanggap sa alay ni Cain dahil ito ay hindi kabilang sa mga may pangingilag sa pagkakasala. Minasama ni Cain ang pagtanggap sa alay ni Abel dala ng inggit at nagsabi: "Talagang papatayin nga kita, O Abel." Nagsabi naman si Abel: "Tumatanggap lamang si Allāh ng isang alay mula sa sinumang nangilag magkasala sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya.

Al-Maaida 5:27Listen in Qur'an →
28

لَئِنۢ بَسَطتَ إِلَىَّ يَدَكَ لِتَقْتُلَنِى مَآ أَنَا۠ بِبَاسِطٍۢ يَدِىَ إِلَيْكَ لِأَقْتُلَكَ ۖ إِنِّىٓ أَخَافُ ٱللَّهَ رَبَّ ٱلْعَٰلَمِينَ

If you should raise your hand against me to kill me - I shall not raise my hand against you to kill you. Indeed, I fear Allah, Lord of the worlds.

Talagang kung pagbubuhatan mo ako ng kamay, na naglalayon ng pagpatay sa akin, ako ay hindi gaganti sa iyo ng tulad sa gawain mo. Iyon ay hindi isang karuwagan mula sa akin bagkus ako ay nangangamba kay Allāh, na Panginoon ng mga nilikha."

Al-Maaida 5:28Listen in Qur'an →
29

إِنِّىٓ أُرِيدُ أَن تَبُوٓأَ بِإِثْمِى وَإِثْمِكَ فَتَكُونَ مِنْ أَصْحَٰبِ ٱلنَّارِ ۚ وَذَٰلِكَ جَزَٰٓؤُا۟ ٱلظَّٰلِمِينَ

Indeed I want you to obtain [thereby] my sin and your sin so you will be among the companions of the Fire. And that is the recompense of wrongdoers."

Kaya nagsabi pa si Abel kay Cain habang naninindak: "Tunay na ako ay nagnanais na bumalik ka kalakip ng kasalanan ng pagpatay sa akin, dala ng kawalang-katarungan at paglabag, karagdagan sa mga kasalanan mong nauna para ikaw ay maging kabilang sa mga maninirahan sa Apoy, na papasok doon sa Araw ng Pagbangon. Ang ganting iyon ay ang ganti sa mga lumalabag. Ako ay hindi nagnanais na bumalik kalakip ng kasalanan ng pagpatay sa iyo para ako ay maging kabilang sa kanila."

Al-Maaida 5:29Listen in Qur'an →
30

فَطَوَّعَتْ لَهُۥ نَفْسُهُۥ قَتْلَ أَخِيهِ فَقَتَلَهُۥ فَأَصْبَحَ مِنَ ٱلْخَٰسِرِينَ

And his soul permitted to him the murder of his brother, so he killed him and became among the losers.

Pinaganda para kay Cain ng kaluluwa niyang palautos ng kasagwaan ang pagpatay sa kapatid niyang si Abel dala ng kawalang-katarungan kaya naman pinatay niya ito kaya siya, dahilan doon, ay naging kabilang sa mga nagbabawas sa mga sarili nila ng mga mabuting bahagi nila sa Mundo nila at Kabilang-buhay nila.

Al-Maaida 5:30Listen in Qur'an →

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.