Muslim99Muslim99
← Tafsir library

5. Al-Maaida

The Table · Medinan · 120 ayahs

سُورَةُ المَائـِدَةِ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 11–20 of 120

11

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ ٱذْكُرُوا۟ نِعْمَتَ ٱللَّهِ عَلَيْكُمْ إِذْ هَمَّ قَوْمٌ أَن يَبْسُطُوٓا۟ إِلَيْكُمْ أَيْدِيَهُمْ فَكَفَّ أَيْدِيَهُمْ عَنكُمْ ۖ وَٱتَّقُوا۟ ٱللَّهَ ۚ وَعَلَى ٱللَّهِ فَلْيَتَوَكَّلِ ٱلْمُؤْمِنُونَ

O you who have believed, remember the favor of Allah upon you when a people determined to extend their hands [in aggression] against you, but He withheld their hands from you; and fear Allah. And upon Allah let the believers rely.

O mga sumampalataya, alalahanin ninyo sa pamamagitan ng mga puso ninyo at mga dila ninyo ang ibiniyaya ni Allāh sa inyo na katiwasayan at pagpukol ng pangamba sa mga puso ng mga kaaway ninyo nang naglayon sila na magbuhat ng mga kamay nila sa inyo upang humagupit sila sa inyo at kumitil sila, ngunit nagpabaling sa kanila si Allāh palayo sa inyo at nangalaga sa inyo laban sa kanila. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Sa kay Allāh lamang umasa ang mga mananampalataya sa pagtamo ng mga kapakanan nilang pangmundo at pangkabilang-buhay.

Al-Maaida 5:11Listen in Qur'an →
12

۞ وَلَقَدْ أَخَذَ ٱللَّهُ مِيثَٰقَ بَنِىٓ إِسْرَٰٓءِيلَ وَبَعَثْنَا مِنْهُمُ ٱثْنَىْ عَشَرَ نَقِيبًۭا ۖ وَقَالَ ٱللَّهُ إِنِّى مَعَكُمْ ۖ لَئِنْ أَقَمْتُمُ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتَيْتُمُ ٱلزَّكَوٰةَ وَءَامَنتُم بِرُسُلِى وَعَزَّرْتُمُوهُمْ وَأَقْرَضْتُمُ ٱللَّهَ قَرْضًا حَسَنًۭا لَّأُكَفِّرَنَّ عَنكُمْ سَيِّـَٔاتِكُمْ وَلَأُدْخِلَنَّكُمْ جَنَّٰتٍۢ تَجْرِى مِن تَحْتِهَا ٱلْأَنْهَٰرُ ۚ فَمَن كَفَرَ بَعْدَ ذَٰلِكَ مِنكُمْ فَقَدْ ضَلَّ سَوَآءَ ٱلسَّبِيلِ

And Allah had already taken a covenant from the Children of Israel, and We delegated from among them twelve leaders. And Allah said, "I am with you. If you establish prayer and give zakah and believe in My messengers and support them and loan Allah a goodly loan, I will surely remove from you your misdeeds and admit you to gardens beneath which rivers flow. But whoever of you disbelieves after that has certainly strayed from the soundness of the way."

Talaga ngang tumanggap si Allāh ng kasunduang binigyang-diin sa mga anak ni Israel sa darating na pagbanggit nito mamaya. Nagtalaga Siya sa kanila ng labindalawang pangulo, na ang bawat pangulo ay magiging isang tagapagmasid sa sinumang nasa ilalim niya. Nagsabi si Allāh sa mga anak ni Israel: "Tunay na Ako ay kasama sa inyo sa pamamagitan ng pag-aadya at pag-aayuda kapag nagsagawa kayo ng pagdarasal sa paraang pinakalubos, nagbigay kayo ng zakāh ng mga ari-arian ninyo, naniwala kayo sa mga sugo Ko sa kalahatan nang walang pagtatangi-tangi sa pagitan nila, gumalang kayo sa kanila, nag-adya kayo sa kanila, at gumugol kayo sa mga uri ng kabutihan. Kaya kapag nagsagawa kayo niyon sa kabuuan niyon, talagang magtatakip-sala nga Ako sa inyo sa mga masagwang gawa na nagawa ninyo at talagang magpapapasok nga Ako sa inyo sa Araw ng Pagbangon sa mga hardin na dumadaloy ang mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito. Kaya ang sinumang tumangging sumampalataya matapos ng pagtanggap sa tipang pinagtibay na ito ay lumigoy nga siya sa daan ng katotohanan nang nakaaalam at nananadya."

Al-Maaida 5:12Listen in Qur'an →
13

فَبِمَا نَقْضِهِم مِّيثَٰقَهُمْ لَعَنَّٰهُمْ وَجَعَلْنَا قُلُوبَهُمْ قَٰسِيَةًۭ ۖ يُحَرِّفُونَ ٱلْكَلِمَ عَن مَّوَاضِعِهِۦ ۙ وَنَسُوا۟ حَظًّۭا مِّمَّا ذُكِّرُوا۟ بِهِۦ ۚ وَلَا تَزَالُ تَطَّلِعُ عَلَىٰ خَآئِنَةٍۢ مِّنْهُمْ إِلَّا قَلِيلًۭا مِّنْهُمْ ۖ فَٱعْفُ عَنْهُمْ وَٱصْفَحْ ۚ إِنَّ ٱللَّهَ يُحِبُّ ٱلْمُحْسِنِينَ

So for their breaking of the covenant We cursed them and made their hearts hard. They distort words from their [proper] usages and have forgotten a portion of that of which they were reminded. And you will still observe deceit among them, except a few of them. But pardon them and overlook [their misdeeds]. Indeed, Allah loves the doers of good.

Kaya dahilan sa pagkalas nila sa kasunduang tinanggap sa kanila, nagtaboy Kami sa kanila mula sa awa Namin at gumawa Kami sa mga puso nila na maging magaspang at matigas, na walang umaabot sa mga ito na isang kabutihan at walang nagpapakinabang sa mga ito na isang pangaral. Naglilihis sila sa mga salita palayo sa mga katuturan ng mga ito sa pamamagitan ng pagpapalit sa mga bigkas sa mga ito at ng pagpapakahulugan sa mga kahulugan ng mga ito ayon sa umaalinsunod sa mga pithaya nila. Iniwan nila ang paggawa sa ilan sa ipinaalaala sa kanila. Hindi ka natitigil, O Sugo, sa pagtuklas mo mula sa kanila ng isang kataksilan kay Allāh at sa mga lingkod Niyang mga mananampalataya, maliban sa kaunti sa kanila na tumupad sa tipang tinanggap sa kanila. Kaya magpaumanhin ka sa kanila, huwag kang manisi sa kanila, at magpawalang-sala ka sa kanila sapagkat tunay na iyon ay bahagi ng paggawa ng maganda. Tunay na si Allāh ay umiibig sa mga tagagawa ng maganda.

Al-Maaida 5:13Listen in Qur'an →
14

وَمِنَ ٱلَّذِينَ قَالُوٓا۟ إِنَّا نَصَٰرَىٰٓ أَخَذْنَا مِيثَٰقَهُمْ فَنَسُوا۟ حَظًّۭا مِّمَّا ذُكِّرُوا۟ بِهِۦ فَأَغْرَيْنَا بَيْنَهُمُ ٱلْعَدَاوَةَ وَٱلْبَغْضَآءَ إِلَىٰ يَوْمِ ٱلْقِيَٰمَةِ ۚ وَسَوْفَ يُنَبِّئُهُمُ ٱللَّهُ بِمَا كَانُوا۟ يَصْنَعُونَ

And from those who say, "We are Christians" We took their covenant; but they forgot a portion of that of which they were reminded. So We caused among them animosity and hatred until the Day of Resurrection. And Allah is going to inform them about what they used to do.

Gaya ng pagtanggap sa mga Hudyo ng isang kasunduang binigyang-diin na pinagtibay, tinanggap sa mga nagmamalinis sa mga sarili nila na sila raw ay mga tagasunod ni Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ngunit iniwan nila ang paggawa sa isang bahagi mula sa ipinaalaala sa kanila gaya ng ginawa ng mga ninuno nila kabilang sa mga Hudyo. Inihasik sa gitna nila ang hidwaan at ang matinding pagkasuklam hanggang sa Araw ng Pagbangon kaya sila ay naging mga nag-aawayang naglalaban-laban, na nagpaparatang ng kawalang-pananampalataya ang isa't isa sa kanila. Magpapabatid sa kanila si Allāh ng anumang dating pinaggagawa nila at gaganti Siya sa kanila rito.

Al-Maaida 5:14Listen in Qur'an →
15

يَٰٓأَهْلَ ٱلْكِتَٰبِ قَدْ جَآءَكُمْ رَسُولُنَا يُبَيِّنُ لَكُمْ كَثِيرًۭا مِّمَّا كُنتُمْ تُخْفُونَ مِنَ ٱلْكِتَٰبِ وَيَعْفُوا۟ عَن كَثِيرٍۢ ۚ قَدْ جَآءَكُم مِّنَ ٱللَّهِ نُورٌۭ وَكِتَٰبٌۭ مُّبِينٌۭ

O People of the Scripture, there has come to you Our Messenger making clear to you much of what you used to conceal of the Scripture and overlooking much. There has come to you from Allah a light and a clear Book.

O mga May Kasulatan na mga Hudyo na mga tagasunod ng Torah at mga Kristiyano na mga tagasunod ng Ebanghelyo, dumating nga sa inyo ang Sugo Naming si Muḥammad – sumakanya ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan – na naglilinaw sa inyo ng marami mula sa dating itinatago ninyo mula sa kasulatang pinababa sa inyo at nagpapalampas sa marami buhat doon na kabilang sa anumang walang kapakanan doon maliban sa pagbubunyag sa inyo. Dumating nga sa inyo ang Qur'ān bilang Aklat mula sa ganang kay Allāh. Ito ay isang liwanag na ipinantatanglaw at isang aklat na naglilinaw sa bawat kinakailangan ng mga tao sa mga nauukol sa kanila na pangmundo at pangkabilang-buhay.

Al-Maaida 5:15Listen in Qur'an →
16

يَهْدِى بِهِ ٱللَّهُ مَنِ ٱتَّبَعَ رِضْوَٰنَهُۥ سُبُلَ ٱلسَّلَٰمِ وَيُخْرِجُهُم مِّنَ ٱلظُّلُمَٰتِ إِلَى ٱلنُّورِ بِإِذْنِهِۦ وَيَهْدِيهِمْ إِلَىٰ صِرَٰطٍۢ مُّسْتَقِيمٍۢ

By which Allah guides those who pursue His pleasure to the ways of peace and brings them out from darknesses into the light, by His permission, and guides them to a straight path.

Nagpapatnubay si Allāh sa pamamagitan ng Aklat na ito sa sinumang sumunod sa anumang nagpapalugod sa Kanya gaya ng pananampalataya at gawang maayos tungo sa mga daan ng kaligtasan mula sa parusa Niya, ang mga daang nagpaparating sa Paraiso. Nagpapalabas Siya sa kanila mula sa mga kadiliman ng kawalang-pananampalataya at pagsuway tungo sa liwanag ng pananampalataya at pagtalima ayon sa pahintulot Niya. Nagtutuon Siya sa kanila tungo sa daang tuwid na matatag, ang daan ng Islām.

Al-Maaida 5:16Listen in Qur'an →
17

لَّقَدْ كَفَرَ ٱلَّذِينَ قَالُوٓا۟ إِنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلْمَسِيحُ ٱبْنُ مَرْيَمَ ۚ قُلْ فَمَن يَمْلِكُ مِنَ ٱللَّهِ شَيْـًٔا إِنْ أَرَادَ أَن يُهْلِكَ ٱلْمَسِيحَ ٱبْنَ مَرْيَمَ وَأُمَّهُۥ وَمَن فِى ٱلْأَرْضِ جَمِيعًۭا ۗ وَلِلَّهِ مُلْكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَا ۚ يَخْلُقُ مَا يَشَآءُ ۚ وَٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَىْءٍۢ قَدِيرٌۭ

They have certainly disbelieved who say that Allah is Christ, the son of Mary. Say, "Then who could prevent Allah at all if He had intended to destroy Christ, the son of Mary, or his mother or everyone on the earth?" And to Allah belongs the dominion of the heavens and the earth and whatever is between them. He creates what He wills, and Allah is over all things competent.

Talaga ngang tumangging sumampalataya ang mga nagsasabi kabilang sa mga Kristiyano na si Allāh ay ang Kristo Jesus na anak ni Maria. Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Sino ang nakakakaya na pumigil kay Allāh sa pagpuksa kay Kristo Jesus na anak ni Maria, at [nakakakaya] na pumuksa sa ina niya at pumuksa sa mga nasa lupa sa kabuuan nila kapag nagnais Siya ng pagpuksa sa kanila? Kapag hindi nakakaya ang isa man na pumigil sa Kanya roon, nagpapatunay iyon na walang Diyos kundi si Allāh at na ang lahat – si Jesus, ang ina niya, at ang lahat ng nilikha – ay nilikha ni Allāh. Sa kay Allāh ang paghahari sa mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito. Lumilikha Siya ng anumang niloloob Niya. Kabilang sa niloob Niyang likhain ay si Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – kaya ito ay lingkod Niya at Sugo Niya. Si Allāh, sa bawat bagay, ay May-kakayahan.

Al-Maaida 5:17Listen in Qur'an →
18

وَقَالَتِ ٱلْيَهُودُ وَٱلنَّصَٰرَىٰ نَحْنُ أَبْنَٰٓؤُا۟ ٱللَّهِ وَأَحِبَّٰٓؤُهُۥ ۚ قُلْ فَلِمَ يُعَذِّبُكُم بِذُنُوبِكُم ۖ بَلْ أَنتُم بَشَرٌۭ مِّمَّنْ خَلَقَ ۚ يَغْفِرُ لِمَن يَشَآءُ وَيُعَذِّبُ مَن يَشَآءُ ۚ وَلِلَّهِ مُلْكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَا ۖ وَإِلَيْهِ ٱلْمَصِيرُ

But the Jews and the Christians say, "We are the children of Allah and His beloved." Say, "Then why does He punish you for your sins?" Rather, you are human beings from among those He has created. He forgives whom He wills, and He punishes whom He wills. And to Allah belongs the dominion of the heavens and the earth and whatever is between them, and to Him is the [final] destination.

Nag-aangkin ang kapwa mga Hudyo at mga Kristiyano na sila ay mga anak ni Allāh at mga iniibig Niya. Sabihin mo, O Sugo, bilang pagtugon sa kanila: "Bakit pagdurusahin kayo ni Allāh sa mga pagkakasala na nagawa ninyo? Kung sakaling kayo ay mga iniibig Niya gaya ng inakala ninyo, talaga sanang hindi Niya kayo pinagdusa sa pamamagitan ng pagkapatay at pagbabagong-anyo sa Mundo at sa pamamagitan ng Apoy sa Kabilang-buhay dahil Siya ay hindi nagpaparusa sa sinumang inibig Niya. Bagkus kayo ay mga tao gaya ng ibang mga tao. Ang sinumang gumawa ng maganda kabilang sa inyo ay gagantihan Niya ng Paraiso. Ang sinumang gumawa ng masagwa ay parurusahan Niya ng Apoy. Si Allāh ay nagpapatawad sa sinumang loloobin Niya dahil sa kabutihang-loob Niya at nagpaparusa sa sinumang loloobin Niya dahil sa katarungan Niya. Sa kay Allāh lamang ang paghahari sa mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito. Tungo sa Kanya lamang ang babalikan.

Al-Maaida 5:18Listen in Qur'an →
19

يَٰٓأَهْلَ ٱلْكِتَٰبِ قَدْ جَآءَكُمْ رَسُولُنَا يُبَيِّنُ لَكُمْ عَلَىٰ فَتْرَةٍۢ مِّنَ ٱلرُّسُلِ أَن تَقُولُوا۟ مَا جَآءَنَا مِنۢ بَشِيرٍۢ وَلَا نَذِيرٍۢ ۖ فَقَدْ جَآءَكُم بَشِيرٌۭ وَنَذِيرٌۭ ۗ وَٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَىْءٍۢ قَدِيرٌۭ

O People of the Scripture, there has come to you Our Messenger to make clear to you [the religion] after a period [of suspension] of messengers, lest you say, "There came not to us any bringer of good tidings or a warner." But there has come to you a bringer of good tidings and a warner. And Allah is over all things competent.

O mga May Kasulatan kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano, dumating nga sa inyo ang Sugo Niyang si Muḥammad – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya – matapos ng pagkaputol [ng pagdating] ng mga sugo at dala ng tindi ng pangangailangan sa pagsugo sa kanya upang hindi kayo magsabi bilang mga nagdadahilan: "Walang dumating sa amin na anumang sugong nagbabalita ng nakagagalak sa amin hinggil sa gantimpala ni Allāh ni nagbababala sa amin ng parusa Niya," sapagkat dumating nga sa inyo si Muḥammad – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya – bilang tagapagbalita ng nakagagalak hinggil sa gantimpala Niya at bilang tagapagbabala ng parusa Niya. Si Allāh, sa bawat bagay, ay May-kakayahan: hindi Siya napanghihina ng anuman. Bahagi ng kakayahan Niya ang pagsusugo ng mga sugo, na ang pangwakas nila ay si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan.

Al-Maaida 5:19Listen in Qur'an →
20

وَإِذْ قَالَ مُوسَىٰ لِقَوْمِهِۦ يَٰقَوْمِ ٱذْكُرُوا۟ نِعْمَةَ ٱللَّهِ عَلَيْكُمْ إِذْ جَعَلَ فِيكُمْ أَنۢبِيَآءَ وَجَعَلَكُم مُّلُوكًۭا وَءَاتَىٰكُم مَّا لَمْ يُؤْتِ أَحَدًۭا مِّنَ ٱلْعَٰلَمِينَ

And [mention, O Muhammad], when Moses said to his people, "O my people, remember the favor of Allah upon you when He appointed among you prophets and made you possessors and gave you that which He had not given anyone among the worlds.

Banggitin mo, O Sugo, nang nagsabi si Moises sa mga kalipi niyang mga anak ni Israel: "O mga kalipi, alalahanin ninyo sa pamamagitan ng mga puso ninyo at mga dila ninyo ang biyaya ni Allāh sa inyo nang gumawa Siya sa inyo ng mga propeta na nag-aanyaya sa inyo tungo sa patnubay, gumawa Siya sa inyo na mga haring naghahari kayo sa nauukol sa mga sarili ninyo matapos na kayo noon ay mga pinagmamay-aring inaalipin, at nagbigay Siya sa inyo mula sa mga biyaya Niya, na hindi Niya ibinigay sa isa man kabilang sa mga nilalang sa panahon ninyo.

Al-Maaida 5:20Listen in Qur'an →

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.