Muslim99Muslim99
← Tafsir library

2. Al-Baqara

The Cow · Medinan · 286 ayahs

سُورَةُ البَقَرَةِ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 1–10 of 286

بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

1

الٓمٓ

Alif, Lam, Meem.

Alif. Lām. Mīm. Ang mga ito ay kabilang sa mga titik na ipinambungad sa ilan sa mga kabanata ng Qur'ān. Ang mga ito ay mga titik ng alpabetong Arabe na walang kahulugan sa sarili mismo kapag nasaad nang isahan gaya nito: alif, bā', tā', at iba pa. Mayroon itong kasanhian at katuturan yayamang walang natatagpuan sa Qur'ān na anumang walang kasanhian. Kabilang sa pinakamahalaga sa mga kasanhian nito ay ang pagpapahiwatig sa hamon sa pamamagitan ng Qur'ān na binubuo ng mga titik mismo na nakikilala nila at sinasalita nila. Dahil dito, may nasasaad kadalasan matapos ng mga ito na isang pagbanggit sa Marangal na Qur'ān gaya ng nasa kabanatang ito.

2

ذَٰلِكَ ٱلْكِتَٰبُ لَا رَيْبَ ۛ فِيهِ ۛ هُدًۭى لِّلْمُتَّقِينَ

This is the Book about which there is no doubt, a guidance for those conscious of Allah -

Ang Dakilang Qur'ān na iyon ay walang duda rito, wala sa panig ng pagpababa nito, at wala kaugnay sa pagbigkas dito at kahulugan nito, sapagkat ito ay Pananalita ni Allāh na nagpapatnubay sa mga tagapangilag magkasala tungo sa daang nagpaparating tungo sa Kanya.

3

ٱلَّذِينَ يُؤْمِنُونَ بِٱلْغَيْبِ وَيُقِيمُونَ ٱلصَّلَوٰةَ وَمِمَّا رَزَقْنَٰهُمْ يُنفِقُونَ

Who believe in the unseen, establish prayer, and spend out of what We have provided for them,

[Sila ay] ang mga sumasampalataya sa Lingid – ang bawat hindi natatalos ng mga pandama at nakalingid sa atin kabilang sa ipinabatid sa atin ni Allāh o ipinabatid sa atin ng Sugo Niya gaya ng Huling Araw. Sila ay ang mga nagpapanatili sa pagdarasal sa pamamagitan ng pagsasagawa rito alinsunod sa isinabatas ni Allāh na mga kundisyon nito, mga saligan nito, mga isinasatungkulin dito, at mga sunnah rito. Sila ay ang mga gumugugol mula sa itinustos ni Allāh sa kanila sa pamamagitan ng pagbibigay ng isinasatungkulin gaya ng zakāh, o ng hindi isinasatungkulin gaya ng kawanggawa ng pagkukusang-loob sa pag-asang magkamit ng gantimpala ni Allāh. Sila ay ang mga sumasampalataya sa pagkasi na pinababa ni Allāh sa iyo, O Propeta, at sa pinababa Niya sa iba pang mga propeta – sumakanila ang ang pagbati ng kapayapaan – bago mo pa, nang walang pagtatangi-tangi. Sila ay ang mga sumasampalataya ayon sa pananampalatayang tiyakan sa Kabilang-buhay at anumang naroon na gantimpala at parusa.

4

وَٱلَّذِينَ يُؤْمِنُونَ بِمَآ أُنزِلَ إِلَيْكَ وَمَآ أُنزِلَ مِن قَبْلِكَ وَبِٱلْءَاخِرَةِ هُمْ يُوقِنُونَ

And who believe in what has been revealed to you, [O Muhammad], and what was revealed before you, and of the Hereafter they are certain [in faith].

[Sila ay] ang mga sumasampalataya sa Lingid – ang bawat hindi natatalos ng mga pandama at nakalingid sa atin kabilang sa ipinabatid sa atin ni Allāh o ipinabatid sa atin ng Sugo Niya gaya ng Huling Araw. Sila ay ang mga nagpapanatili sa pagdarasal sa pamamagitan ng pagsasagawa rito alinsunod sa isinabatas ni Allāh na mga kundisyon nito, mga saligan nito, mga isinasatungkulin dito, at mga sunnah rito. Sila ay ang mga gumugugol mula sa itinustos ni Allāh sa kanila sa pamamagitan ng pagbibigay ng isinasatungkulin gaya ng zakāh, o ng hindi isinasatungkulin gaya ng kawanggawa ng pagkukusang-loob sa pag-asang magkamit ng gantimpala ni Allāh. Sila ay ang mga sumasampalataya sa pagkasi na pinababa ni Allāh sa iyo, O Propeta, at sa pinababa Niya sa iba pang mga propeta – sumakanila ang ang pagbati ng kapayapaan – bago mo pa, nang walang pagtatangi-tangi. Sila ay ang mga sumasampalataya ayon sa pananampalatayang tiyakan sa Kabilang-buhay at anumang naroon na gantimpala at parusa.

5

أُو۟لَٰٓئِكَ عَلَىٰ هُدًۭى مِّن رَّبِّهِمْ ۖ وَأُو۟لَٰٓئِكَ هُمُ ٱلْمُفْلِحُونَ

Those are upon [right] guidance from their Lord, and it is those who are the successful.

Ang mga nailarawang ito sa mga katangiang ito ay nasa pagkakaluklok sa daan ng kapatnubayan. Sila ay ang mga magtatamo sa Mundo at Kabilang-buhay dahil sa pagkamit nila ng inaasahan nila at kaligtasan nila mula sa pinangangambahan nila.

6

إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ سَوَآءٌ عَلَيْهِمْ ءَأَنذَرْتَهُمْ أَمْ لَمْ تُنذِرْهُمْ لَا يُؤْمِنُونَ

Indeed, those who disbelieve - it is all the same for them whether you warn them or do not warn them - they will not believe.

Tunay na ang mga natupad sa kanila ang salita ni Allāh dahil sa kawalan ng pananampalataya ay mga nagpapatuloy sa pagkaligaw nila at pagmamatigas nila, kaya ang pagbabala mo sa kanila at ang kawalan nito ay magkatulad.

7

خَتَمَ ٱللَّهُ عَلَىٰ قُلُوبِهِمْ وَعَلَىٰ سَمْعِهِمْ ۖ وَعَلَىٰٓ أَبْصَٰرِهِمْ غِشَٰوَةٌۭ ۖ وَلَهُمْ عَذَابٌ عَظِيمٌۭ

Allah has set a seal upon their hearts and upon their hearing, and over their vision is a veil. And for them is a great punishment.

Dahil si Allāh ay nagpinid sa mga puso nila kaya nagsara Siya sa mga ito sa anumang nasa mga ito na kabulaanan, nagpinid sa pandinig nila kaya hindi sila nakaririnig sa katotohanan ayon sa pagkadinig ng pagtanggap at pagpapaakay, naglagay sa mga paningin nila ng takip kaya hindi sila nakakikita sa katotohanan sa kabila ng kaliwanagan nito. Ukol sa kanila sa Kabilang-buhay ay isang pagdurusang sukdulan.

8

وَمِنَ ٱلنَّاسِ مَن يَقُولُ ءَامَنَّا بِٱللَّهِ وَبِٱلْيَوْمِ ٱلْءَاخِرِ وَمَا هُم بِمُؤْمِنِينَ

And of the people are some who say, "We believe in Allah and the Last Day," but they are not believers.

Mayroon sa mga tao na isang pangkatin na naghahaka-haka na sila ay mga mananampalataya. Nagsasabi sila niyon sa pamamagitan ng mga dila nila dala ng pangamba para sa mga buhay nila at mga ari-arian nila samantalang sila, sa kaloob-looban, ay mga tagatangging sumampalataya.

9

يُخَٰدِعُونَ ٱللَّهَ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ وَمَا يَخْدَعُونَ إِلَّآ أَنفُسَهُمْ وَمَا يَشْعُرُونَ

They [think to] deceive Allah and those who believe, but they deceive not except themselves and perceive [it] not.

Naniniwala sila dahil sa kamangmangan nila na sila ay nandaraya kay Allāh at sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng pagpapalabas ng pananampalataya at pagpapaloob ng kawalang-pananampalataya subalit sila ay hindi nakararamdam niyon dahil si Allāh – pagkataas-taas Siya – ay nakaaalam sa lihim at sa higit na nakakubli. Nagpatalos nga Siya sa mga mananampalataya ng mga katangian ng mga iyon at mga kalagayan ng mga iyon.

10

فِى قُلُوبِهِم مَّرَضٌۭ فَزَادَهُمُ ٱللَّهُ مَرَضًۭا ۖ وَلَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌۢ بِمَا كَانُوا۟ يَكْذِبُونَ

In their hearts is disease, so Allah has increased their disease; and for them is a painful punishment because they [habitually] used to lie.

Ang dahilan ay na sa mga puso nila ay may pagdududa, at nagdagdag pa sa kanila si Allāh ng pagdududa sa dating pagdududa nila. Ang ganti ay kabilang sa uri ng gawain. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit sa pinakamababang kalaliman ng Impiyerno dahilan sa pagsisinungaling nila laban kay Allāh at laban sa mga tao, at sa pagpapasinungaling nila sa inihatid ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan.

Al-Baqara 2:10Listen in Qur'an →

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.