Muslim99Muslim99
← Tafsir library

2. Al-Baqara

The Cow · Medinan · 286 ayahs

سُورَةُ البَقَرَةِ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 71–80 of 286

71

قَالَ إِنَّهُۥ يَقُولُ إِنَّهَا بَقَرَةٌۭ لَّا ذَلُولٌۭ تُثِيرُ ٱلْأَرْضَ وَلَا تَسْقِى ٱلْحَرْثَ مُسَلَّمَةٌۭ لَّا شِيَةَ فِيهَا ۚ قَالُوا۟ ٱلْـَٰٔنَ جِئْتَ بِٱلْحَقِّ ۚ فَذَبَحُوهَا وَمَا كَادُوا۟ يَفْعَلُونَ

He said, "He says, 'It is a cow neither trained to plow the earth nor to irrigate the field, one free from fault with no spot upon her.' " They said, "Now you have come with the truth." So they slaughtered her, but they could hardly do it.

Kaya nagsabi sa kanila si Moises: "Tunay na si Allāh ay nagsasabing tunay na ang katangian ng bakang ito ay na ito ay hindi pinaamo sa pagtatrabaho sa pagbubungkal, ni sa pagpapatubig ng lupa. Ito ay ligtas sa mga kapintasan. Wala ritong palatandaan mula sa ibang kulay na iba pa sa kulay nitong dilaw." Sa sandaling iyon ay nagsabi sila: "Ngayon ay naghatid ka ng paglalarawang tumpak na tumutukoy sa baka nang lubusan." Kinatay nila ito matapos na muntik silang hindi nakakatay nito dahilan sa pakikipagtalo at pang-iinis.

Al-Baqara 2:71Listen in Qur'an →
72

وَإِذْ قَتَلْتُمْ نَفْسًۭا فَٱدَّٰرَْٰٔتُمْ فِيهَا ۖ وَٱللَّهُ مُخْرِجٌۭ مَّا كُنتُمْ تَكْتُمُونَ

And [recall] when you slew a man and disputed over it, but Allah was to bring out that which you were concealing.

Banggitin ninyo noong pumatay kayo ng isa sa inyo at nagtulakan kayo. Ang bawat isa ay nagtutulak palayo sa sarili niya ng paratang ng pagpatay at nagpupukol nito sa iba sa kanya hanggang sa naghidwaan kayo. Si Allāh ay tagapagpalabas ng dati ninyong ikinukubli na pagpatay sa inosenteng iyon.

Al-Baqara 2:72Listen in Qur'an →
73

فَقُلْنَا ٱضْرِبُوهُ بِبَعْضِهَا ۚ كَذَٰلِكَ يُحْىِ ٱللَّهُ ٱلْمَوْتَىٰ وَيُرِيكُمْ ءَايَٰتِهِۦ لَعَلَّكُمْ تَعْقِلُونَ

So, We said, "Strike the slain man with part of it." Thus does Allah bring the dead to life, and He shows you His signs that you might reason.

Kaya nagsabi Kami sa inyo: "Humampas kayo sa pinatay ng isang bahagi ng bakang ipinag-utos sa inyong katayin sapagkat tunay na si Allāh ay magbibigay-buhay sa kanya upang magpabatid sa kanya kung sino ang pumatay." Kaya ginawa nila iyon, at nagpabatid sa kanya ng pumatay sa kanya. Tulad ng pagbibigay-buhay sa patay na ito, magbibigay-buhay si Allāh sa mga patay sa Araw ng Pagbangon. Nagpapakita Siya sa inyo ng mga patunay na malinaw sa kakayahan Niya, nang sa gayon kayo ay makapag-uunawa niyon at sumampalataya nang totoo kay Allāh – pagkataas-taas Siya.

Al-Baqara 2:73Listen in Qur'an →
74

ثُمَّ قَسَتْ قُلُوبُكُم مِّنۢ بَعْدِ ذَٰلِكَ فَهِىَ كَٱلْحِجَارَةِ أَوْ أَشَدُّ قَسْوَةًۭ ۚ وَإِنَّ مِنَ ٱلْحِجَارَةِ لَمَا يَتَفَجَّرُ مِنْهُ ٱلْأَنْهَٰرُ ۚ وَإِنَّ مِنْهَا لَمَا يَشَّقَّقُ فَيَخْرُجُ مِنْهُ ٱلْمَآءُ ۚ وَإِنَّ مِنْهَا لَمَا يَهْبِطُ مِنْ خَشْيَةِ ٱللَّهِ ۗ وَمَا ٱللَّهُ بِغَٰفِلٍ عَمَّا تَعْمَلُونَ

Then your hearts became hardened after that, being like stones or even harder. For indeed, there are stones from which rivers burst forth, and there are some of them that split open and water comes out, and there are some of them that fall down for fear of Allah. And Allah is not unaware of what you do.

Pagkatapos tumigas ang mga puso ninyo nang matapos nitong mga masidhing pangaral at mga nakasisilaw na himala hanggang sa naging tulad ng mga bato, bagkus higit na matindi sa katigasan kaysa sa mga ito sapagkat ang mga ito ay hindi nagpapalit ng kalagayan ng mga ito magpakailanman. Tungkol naman sa mga bato, nagbabago at nagpapalit ang mga ito. Tunay na mayroon sa mga bato na bumubulwak mula rito ang mga ilog. Tunay na mayroon sa mga ito na talagang nagkakabiyak-biyak kaya lumalabas mula rito ang tubig bilang mga bukal na dumadaloy sa lupa, na nakikinabang sa mga ito ang mga tao at ang mga hayop. Mayroon sa mga ito na bumabagsak mula sa matataas na bahagi ng mga bundok dahil sa takot kay Allāh at pagkasindak. Hindi ganoon ang mga puso ninyo. Si Allāh ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ninyo, bagkus Siya ay nakaaalam niyon. Gaganti Siya sa inyo roon.

Al-Baqara 2:74Listen in Qur'an →
75

۞ أَفَتَطْمَعُونَ أَن يُؤْمِنُوا۟ لَكُمْ وَقَدْ كَانَ فَرِيقٌۭ مِّنْهُمْ يَسْمَعُونَ كَلَٰمَ ٱللَّهِ ثُمَّ يُحَرِّفُونَهُۥ مِنۢ بَعْدِ مَا عَقَلُوهُ وَهُمْ يَعْلَمُونَ

Do you covet [the hope, O believers], that they would believe for you while a party of them used to hear the words of Allah and then distort the Torah after they had understood it while they were knowing?

Kaya umaasa ba kayo, O mga mananampalataya, matapos na nakaalam kayo sa reyalidad ng kalagayan ng mga Hudyo at pagmamatigas nila, na manampalataya sila at tumugon sa inyo samantalang nangyari ngang may isang lipon mula sa mga maalam nila na nakaririnig sa salita ni Allāh na pinababa sa kanila sa Torah? Pagkatapos nagbabago sila ng mga pananalita nito at mga kahulugan nito matapos ng pagkaintindi nila sa mga ito at pagkakilala nila sa mga ito habang sila ay nakaaalam sa bigat ng krimen nila.

Al-Baqara 2:75Listen in Qur'an →
76

وَإِذَا لَقُوا۟ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ قَالُوٓا۟ ءَامَنَّا وَإِذَا خَلَا بَعْضُهُمْ إِلَىٰ بَعْضٍۢ قَالُوٓا۟ أَتُحَدِّثُونَهُم بِمَا فَتَحَ ٱللَّهُ عَلَيْكُمْ لِيُحَآجُّوكُم بِهِۦ عِندَ رَبِّكُمْ ۚ أَفَلَا تَعْقِلُونَ

And when they meet those who believe, they say, "We have believed"; but when they are alone with one another, they say, "Do you talk to them about what Allah has revealed to you so they can argue with you about it before your Lord?" Then will you not reason?

Kabilang sa mga pagsasalungatan ng mga Hudyo at katusuhan nila ay na sila – kapag nakipagtagpo ang ilan sa kanila sa mga mananampalataya – ay umaamin sa mga ito ng katapatan ni Propeta Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at ng katumpakan ng mensahe niya. Ito ang sinasaksihan para sa kanya ng Torah. Subalit kapag nagsasarilinan ang mga Hudyo sa isa't isa sa kanila, nagsisisihan sila sa gitna nila dahilan sa mga pag-aming ito dahil ang mga Muslim ay naglalahad sa kanila dahil sa mga ito ng katwiran kaugnay sa namutawi sa ganang kanila na pag-amin sa katapatan ng pagkapropeta.

Al-Baqara 2:76Listen in Qur'an →
77

أَوَلَا يَعْلَمُونَ أَنَّ ٱللَّهَ يَعْلَمُ مَا يُسِرُّونَ وَمَا يُعْلِنُونَ

But do they not know that Allah knows what they conceal and what they declare?

Ang mga Hudyong ito ay tumatahak sa kadusta-dustang tinatahakang ito. Para bang sila ay nalilingat na si Allāh ay nakaaalam sa anumang ikinukubli nila na mga sinasabi nila at mga ginagawa nila at sa anumang inihahayag nila mula sa mga ito. Maglalantad Siya ng mga ito sa mga lingkod Niya at magbubunyag sa kanila.

Al-Baqara 2:77Listen in Qur'an →
78

وَمِنْهُمْ أُمِّيُّونَ لَا يَعْلَمُونَ ٱلْكِتَٰبَ إِلَّآ أَمَانِىَّ وَإِنْ هُمْ إِلَّا يَظُنُّونَ

And among them are unlettered ones who do not know the Scripture except in wishful thinking, but they are only assuming.

Mayroon sa mga Hudyo na isang pangkatin na walang nalalaman sa Torah kundi pagbigkas at walang naiintidihan sa ipinahiwatig nito. Wala silang taglay kundi mga kasinungalingang kinuha nila sa mga nakatatanda nila. Nagpapalagay sila na ang mga ito ay ang Torah na pinababa ni Allāh.

Al-Baqara 2:78Listen in Qur'an →
79

فَوَيْلٌۭ لِّلَّذِينَ يَكْتُبُونَ ٱلْكِتَٰبَ بِأَيْدِيهِمْ ثُمَّ يَقُولُونَ هَٰذَا مِنْ عِندِ ٱللَّهِ لِيَشْتَرُوا۟ بِهِۦ ثَمَنًۭا قَلِيلًۭا ۖ فَوَيْلٌۭ لَّهُم مِّمَّا كَتَبَتْ أَيْدِيهِمْ وَوَيْلٌۭ لَّهُم مِّمَّا يَكْسِبُونَ

So woe to those who write the "scripture" with their own hands, then say, "This is from Allah," in order to exchange it for a small price. Woe to them for what their hands have written and woe to them for what they earn.

Kaya kapahamakan at pagdurusang matindi ay naghihintay sa mga sumusulat na ito ng kasulatan sa pamamagitan ng mga kamay nila. Pagkatapos nagsasabi sila ng isang kasinungalingan: "Ito ay mula sa ganang kay Allāh upang magpalit sila sa katotohanan at pagsunod sa patnubay sa isang halagang kakarampot sa Mundo tulad ng salapi at katungkulan. Kaya kapahamakan at pagdurusang matindi ay ukol sa kanila dahil sa isinulat ng mga kamay nila mula sa pagsisinungaling nila laban kay Allāh. Kapahamakan at pagdurusang matindi ay ukol sa kanila dahil sa nakakamit nila sa likod niyon na salapi at katungkulan.

Al-Baqara 2:79Listen in Qur'an →
80

وَقَالُوا۟ لَن تَمَسَّنَا ٱلنَّارُ إِلَّآ أَيَّامًۭا مَّعْدُودَةًۭ ۚ قُلْ أَتَّخَذْتُمْ عِندَ ٱللَّهِ عَهْدًۭا فَلَن يُخْلِفَ ٱللَّهُ عَهْدَهُۥٓ ۖ أَمْ تَقُولُونَ عَلَى ٱللَّهِ مَا لَا تَعْلَمُونَ

And they say, "Never will the Fire touch us, except for a few days." Say, "Have you taken a covenant with Allah? For Allah will never break His covenant. Or do you say about Allah that which you do not know?"

Nagsabi sila nang pasinungaling at pahibang: "Hindi sasaling sa amin ang Apoy at hindi kami papasok doon maliban sa kakaunting araw." Sabihin mo, O Propeta, sa mga ito: "Nakatanggap kaya kayo hinggil doon ng isang pangakong binigyang-diin mula kay Allāh sapagkat kung nagkaroon kayo niyon, tunay na si Allāh ay hindi sumisira sa kasunduan sa Kanya; o na kayo ay nagsasabi hinggil kay Allāh ng isang kasinungalingan at isang kabulaanan na hindi ninyo nalalaman?"

Al-Baqara 2:80Listen in Qur'an →

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.