Muslim99Muslim99
← Tafsir library

2. Al-Baqara

The Cow · Medinan · 286 ayahs

سُورَةُ البَقَرَةِ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 51–60 of 286

51

وَإِذْ وَٰعَدْنَا مُوسَىٰٓ أَرْبَعِينَ لَيْلَةًۭ ثُمَّ ٱتَّخَذْتُمُ ٱلْعِجْلَ مِنۢ بَعْدِهِۦ وَأَنتُمْ ظَٰلِمُونَ

And [recall] when We made an appointment with Moses for forty nights. Then you took [for worship] the calf after him, while you were wrongdoers.

Banggitin ninyo: Kabilang sa mga biyayang ito ang pakikipagtipan Namin kay Moises nang apatnapung gabi upang lubusin sa loob niyon ang pagpapababa sa Torah bilang liwanag at patnubay. Pagkatapos walang nangyari sa inyo kundi sumamba kayo sa guya sa yugtong iyon habang kayo ay mga tagalabag sa katarungan sa paggawa ninyo nito.

Al-Baqara 2:51Listen in Qur'an →
52

ثُمَّ عَفَوْنَا عَنكُم مِّنۢ بَعْدِ ذَٰلِكَ لَعَلَّكُمْ تَشْكُرُونَ

Then We forgave you after that so perhaps you would be grateful.

Pagkatapos nagpalampas si Allāh sa inyo matapos ng pagbabalik-loob ninyo kaya hindi Siya naninisi sa inyo, nang sa gayon kayo ay magpapasalamat sa Kanya sa pamamagitan ng kagandahan ng pagsamba sa Kanya at pagtalima sa Kanya.

Al-Baqara 2:52Listen in Qur'an →
53

وَإِذْ ءَاتَيْنَا مُوسَى ٱلْكِتَٰبَ وَٱلْفُرْقَانَ لَعَلَّكُمْ تَهْتَدُونَ

And [recall] when We gave Moses the Scripture and criterion that perhaps you would be guided.

Banggitin ninyo: Kabilang sa mga biyayang ito na nagbigay Kami kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ng Torah bilang pamantayan sa pagitan ng katotohanan at kabulaanan at bilang paghihiwalay sa pagitan ng patnubay at pagkaligaw, nang sa gayon kayo ay mapapatnubayan sa pamamagitan nito tungo sa katotohanan.

Al-Baqara 2:53Listen in Qur'an →
54

وَإِذْ قَالَ مُوسَىٰ لِقَوْمِهِۦ يَٰقَوْمِ إِنَّكُمْ ظَلَمْتُمْ أَنفُسَكُم بِٱتِّخَاذِكُمُ ٱلْعِجْلَ فَتُوبُوٓا۟ إِلَىٰ بَارِئِكُمْ فَٱقْتُلُوٓا۟ أَنفُسَكُمْ ذَٰلِكُمْ خَيْرٌۭ لَّكُمْ عِندَ بَارِئِكُمْ فَتَابَ عَلَيْكُمْ ۚ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلتَّوَّابُ ٱلرَّحِيمُ

And [recall] when Moses said to his people, "O my people, indeed you have wronged yourselves by your taking of the calf [for worship]. So repent to your Creator and kill yourselves. That is best for [all of] you in the sight of your Creator." Then He accepted your repentance; indeed, He is the Accepting of repentance, the Merciful.

Banggitin ninyo: Kabilang sa mga biyayang ito na nagtuon sa inyo si Allāh sa pagbabalik-loob mula sa pagsamba sa guya yayamang nagsabi si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa inyo: "Tunay na kayo ay lumabag sa katarungan sa mga sarili ninyo sa paggawa ninyo ng guya bilang isang diyos na sinasamba ninyo. Kaya magbalik-loob kayo at bumalik kayo sa Tagalikha ninyo at Tagapagpairal ninyo." Iyon ay sa pamamagitan ng pagpatay ng iba sa inyo sa iba. Ang pagbabalik-loob sa paraang ito ay higit na mabuti para sa inyo kaysa sa pananatili sa kawalang-pananampalatayang hahantong sa pamamalagi sa Impiyerno. Kaya nagsagawa kayo niyon ayon sa isang pagtutuon mula kay Allāh at isang pagtulong, at tumanggap Siya sa inyo ng pagbabalik-loob dahil Siya ay madalas ang pagtanggap ng pagbabalik-loob, maawain sa mga lingkod Niya."

Al-Baqara 2:54Listen in Qur'an →
55

وَإِذْ قُلْتُمْ يَٰمُوسَىٰ لَن نُّؤْمِنَ لَكَ حَتَّىٰ نَرَى ٱللَّهَ جَهْرَةًۭ فَأَخَذَتْكُمُ ٱلصَّٰعِقَةُ وَأَنتُمْ تَنظُرُونَ

And [recall] when you said, "O Moses, we will never believe you until we see Allah outright"; so the thunderbolt took you while you were looking on.

Banggitin ninyo nang nagsabi ang mga ninuno ninyo habang mga nakikipag-usap kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – nang may kapangahasan: "Hindi kami maniniwala sa iyo hanggang sa makakita kami kay Allāh sa mata, nang walang tumatabing sa amin." Kaya dumaklot sa inyo ang apoy na nanununog at pumatay sa inyo habang ang iba sa inyo ay nakatingin sa iba.

Al-Baqara 2:55Listen in Qur'an →
56

ثُمَّ بَعَثْنَٰكُم مِّنۢ بَعْدِ مَوْتِكُمْ لَعَلَّكُمْ تَشْكُرُونَ

Then We revived you after your death that perhaps you would be grateful.

Pagkatapos nagbigay-buhay Kami sa inyo matapos ng kamatayan ninyo, nang sa gayon kayo ay magpapasalamat kay Allāh sa pagbibiyaya Niya sa inyo niyon.

Al-Baqara 2:56Listen in Qur'an →
57

وَظَلَّلْنَا عَلَيْكُمُ ٱلْغَمَامَ وَأَنزَلْنَا عَلَيْكُمُ ٱلْمَنَّ وَٱلسَّلْوَىٰ ۖ كُلُوا۟ مِن طَيِّبَٰتِ مَا رَزَقْنَٰكُمْ ۖ وَمَا ظَلَمُونَا وَلَٰكِن كَانُوٓا۟ أَنفُسَهُمْ يَظْلِمُونَ

And We shaded you with clouds and sent down to you manna and quails, [saying], "Eat from the good things with which We have provided you." And they wronged Us not - but they were [only] wronging themselves.

Kabilang sa mga biyaya Namin sa inyo na nagsugo Kami ng mga ulap na maglililim sa inyo laban sa init ng araw noong nagpagala-gala kayo sa lupain. Nagpababa Kami sa inyo ng mga biyaya Namin na isang inuming matamis tulad ng pulut-pukyutan at maliit na ibong kaaya-aya ang karne na nakawawangis ng pugo. Nagsabi Kami sa inyo: "Kumain kayo mula sa mga kaaya-ayang itinustos Namin sa inyo." Hindi sila nakabawas sa Amin ng anumang dahil sa pagkakaila nila sa mga biyayang ito at kawalang-pasasalamat sa mga ito, subalit lumabag sila sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa pagbawas ng bahagi sa mga sarili mula sa gantimpala at sa paglalantad sa mga sarili sa kaparusahan.

Al-Baqara 2:57Listen in Qur'an →
58

وَإِذْ قُلْنَا ٱدْخُلُوا۟ هَٰذِهِ ٱلْقَرْيَةَ فَكُلُوا۟ مِنْهَا حَيْثُ شِئْتُمْ رَغَدًۭا وَٱدْخُلُوا۟ ٱلْبَابَ سُجَّدًۭا وَقُولُوا۟ حِطَّةٌۭ نَّغْفِرْ لَكُمْ خَطَٰيَٰكُمْ ۚ وَسَنَزِيدُ ٱلْمُحْسِنِينَ

And [recall] when We said, "Enter this city and eat from it wherever you will in [ease and] abundance, and enter the gate bowing humbly and say, 'Relieve us of our burdens.' We will [then] forgive your sins for you, and We will increase the doers of good [in goodness and reward]."

Banggitin ninyo: Kabilang sa mga biyaya ni Allāh sa inyo ay noong nagsabi Siya: "Magsipasok kayo sa Jerusalem at kumain kayo nang masaganang maalwang pagkain sa loob nito mula mga kaaya-ayang bagay mula sa alinmang lugar na loobin ninyo. Maging mga nakayukod na nagpapasailalim kay Allāh. Magsihiling kayo kay Allāh, na mga nagsasabi: "Panginoon namin, mag-alis Ka sa amin ng mga pagkakasala namin;" tutugon Siya sa inyo at magdaragdag Siya ng gantimpala sa mga nagpaganda sa mga gawa nila dahil sa pagpapaganda nila ng gawa.

Al-Baqara 2:58Listen in Qur'an →
59

فَبَدَّلَ ٱلَّذِينَ ظَلَمُوا۟ قَوْلًا غَيْرَ ٱلَّذِى قِيلَ لَهُمْ فَأَنزَلْنَا عَلَى ٱلَّذِينَ ظَلَمُوا۟ رِجْزًۭا مِّنَ ٱلسَّمَآءِ بِمَا كَانُوا۟ يَفْسُقُونَ

But those who wronged changed [those words] to a statement other than that which had been said to them, so We sent down upon those who wronged a punishment from the sky because they were defiantly disobeying.

Ngunit walang nangyari sa mga lumabag sa katarungan kabilang sa kanila kundi nagpalit sila ng gawain at pumilipit sila ng sabi, kaya pumasok sila na gumagapang sa mga likod nila. Nagsabi sila: "Butil sa isang hiblang buhok," habang mga nanunuya sa utos ni Allāh – pagkataas-taas Siya. Kaya ang ganti ay na nagpababa si Allāh sa mga tagalabag sa katarungan kabilang sa kanila ng isang parusa mula sa langit dahilan sa paglabas nila sa hangganan ng Batas ng Islām at paglabag nila sa utos.

Al-Baqara 2:59Listen in Qur'an →
60

۞ وَإِذِ ٱسْتَسْقَىٰ مُوسَىٰ لِقَوْمِهِۦ فَقُلْنَا ٱضْرِب بِّعَصَاكَ ٱلْحَجَرَ ۖ فَٱنفَجَرَتْ مِنْهُ ٱثْنَتَا عَشْرَةَ عَيْنًۭا ۖ قَدْ عَلِمَ كُلُّ أُنَاسٍۢ مَّشْرَبَهُمْ ۖ كُلُوا۟ وَٱشْرَبُوا۟ مِن رِّزْقِ ٱللَّهِ وَلَا تَعْثَوْا۟ فِى ٱلْأَرْضِ مُفْسِدِينَ

And [recall] when Moses prayed for water for his people, so We said, "Strike with your staff the stone." And there gushed forth from it twelve springs, and every people knew its watering place. "Eat and drink from the provision of Allah, and do not commit abuse on the earth, spreading corruption."

Banggitin ninyo: Kabilang sa mga biyaya ni Allāh sa inyo ay noong kayo dati ay nasa ilang at dumapo sa inyo ang matinding uhaw kaya nagsumamo si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa Panginoon niya at humiling siya na magpainom sa inyo. Kaya nag-utos si Allāh sa kanya na humampas ng tungkod niya sa bato. Kaya noong nakahampas siya roon, bumulwak mula roon ang labindalawang bukal ayon sa bilang ng mga lipi nila. Dumaloy mula sa mga iyon ang tubig. Nilinaw Niya sa bawat lipi ang lugar ng inuman nitong inilalaan para rito upang walang maganap na alitan sa pagitan nila. Nagsabi Siya sa kanila: "Kumain kayo at uminom kayo mula sa panustos ni Allāh na umakay sa inyo nang walang pagpupunyagi mula sa inyo at walang paggawa. Huwag kayong magpunyagi sa lupa bilang mga tagagulo rito."

Al-Baqara 2:60Listen in Qur'an →

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.