Muslim99Muslim99
← Tafsir library

2. Al-Baqara

The Cow · Medinan · 286 ayahs

سُورَةُ البَقَرَةِ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 31–40 of 286

31

وَعَلَّمَ ءَادَمَ ٱلْأَسْمَآءَ كُلَّهَا ثُمَّ عَرَضَهُمْ عَلَى ٱلْمَلَٰٓئِكَةِ فَقَالَ أَنۢبِـُٔونِى بِأَسْمَآءِ هَٰٓؤُلَآءِ إِن كُنتُمْ صَٰدِقِينَ

And He taught Adam the names - all of them. Then He showed them to the angels and said, "Inform Me of the names of these, if you are truthful."

Para sa paglilinaw sa kalagayan ni Adan – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – nagturo sa kanya si Allāh – pagkataas-taas Siya – ng mga pangalan ng mga bagay sa kabuuan ng mga ito gaya ng hayop, walang-buhay na bagay, at iba pa roon: ang mga salita sa mga ito at ang mga kahulugan ng mga ito. Pagkatapos naglahad Siya ng mga pinangalanang iyon sa mga anghel, na nagsasabi: "Magpabatid kayo sa Akin ng mga pangalan ng mga ito, kung kayo ay mga tapat sa sinasabi ninyo na kayo ay higit na marangal kaysa sa nilikhang ito at higit na mainam kaysa sa kanya."

Al-Baqara 2:31Listen in Qur'an →
32

قَالُوا۟ سُبْحَٰنَكَ لَا عِلْمَ لَنَآ إِلَّا مَا عَلَّمْتَنَآ ۖ إِنَّكَ أَنتَ ٱلْعَلِيمُ ٱلْحَكِيمُ

They said, "Exalted are You; we have no knowledge except what You have taught us. Indeed, it is You who is the Knowing, the Wise."

Nagsabi sila, habang umaamin sa kakulangan nila samantalang nagbabalik ng kalamangan kay Allāh: "Nagpapawalang-kapintasan kami sa Iyo at dumadakila kami sa Iyo, O Panginoon Namin, palayo sa pagtutol sa kahatulan Mo at batas Mo. Kami ay hindi nakaaalam ng anuman maliban sa itinustos Mo sa amin ang kaalaman nito. Tunay na Ikaw ay ang Maalam na walang nakakukubli sa Iyo na anuman, ang Marunong na naglalagay ng mga bagay-bagay sa mga kinalalagyan ng mga ito mula sa kapangyarihan Mo at batas Mo."

Al-Baqara 2:32Listen in Qur'an →
33

قَالَ يَٰٓـَٔادَمُ أَنۢبِئْهُم بِأَسْمَآئِهِمْ ۖ فَلَمَّآ أَنۢبَأَهُم بِأَسْمَآئِهِمْ قَالَ أَلَمْ أَقُل لَّكُمْ إِنِّىٓ أَعْلَمُ غَيْبَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ وَأَعْلَمُ مَا تُبْدُونَ وَمَا كُنتُمْ تَكْتُمُونَ

He said, "O Adam, inform them of their names." And when he had informed them of their names, He said, "Did I not tell you that I know the unseen [aspects] of the heavens and the earth? And I know what you reveal and what you have concealed."

Sa sandaling iyon, nagsabi si Allāh – pagkataas-taas Siya – kay Adan: "Magpabatid ka sa kanila ng mga pangalan ng mga pinangalanang iyon." Kaya noong nagpabatid ito sa kanila gaya ng itinuro ng Panginoon nito ay nagsabi si Allāh sa mga anghel: "Hindi ba nagsabi Ako sa inyo: Tunay na Ako ay nakaaalam sa anumang nakakubli sa mga langit at sa lupa, nakaaalam sa anumang pinalilitaw ninyo sa mga kalagayan ninyo, at anumang sinasalita ninyo sa mga sarili ninyo?"

Al-Baqara 2:33Listen in Qur'an →
34

وَإِذْ قُلْنَا لِلْمَلَٰٓئِكَةِ ٱسْجُدُوا۟ لِءَادَمَ فَسَجَدُوٓا۟ إِلَّآ إِبْلِيسَ أَبَىٰ وَٱسْتَكْبَرَ وَكَانَ مِنَ ٱلْكَٰفِرِينَ

And [mention] when We said to the angels, "Prostrate before Adam"; so they prostrated, except for Iblees. He refused and was arrogant and became of the disbelievers.

Naglilinaw si Allāh – pagkataas-taas Siya – na Siya ay nag-utos sa mga anghel na magpatirapa kay Adan nang pagpapatirapa ng paggalang. Nagpatirapa naman sila habang mga nagmamadali sa pagsunod sa utos ni Allāh, maliban sa nangyari kay Satanas na kabilang sa mga jinn. Tumanggi ito dala ng pagtutol sa utos ni Allāh dito na magpatirapa at dala ng pagpapakamalaki kay Adan, kaya dahil doon ito ay naging kabilang sa mga tagatangging sumampalataya kay Allāh – pagkataas-taas Siya.

Al-Baqara 2:34Listen in Qur'an →
35

وَقُلْنَا يَٰٓـَٔادَمُ ٱسْكُنْ أَنتَ وَزَوْجُكَ ٱلْجَنَّةَ وَكُلَا مِنْهَا رَغَدًا حَيْثُ شِئْتُمَا وَلَا تَقْرَبَا هَٰذِهِ ٱلشَّجَرَةَ فَتَكُونَا مِنَ ٱلظَّٰلِمِينَ

And We said, "O Adam, dwell, you and your wife, in Paradise and eat therefrom in [ease and] abundance from wherever you will. But do not approach this tree, lest you be among the wrongdoers."

Nagsabi Kami: "O Adan, manahan ka at ang asawa mo – si Eva – sa Paraiso at kumain kayong dalawa mula rito nang pagkaing masagana na maalwan nang walang nanliligalig doon sa alinmang lugar mula sa Paraiso. Kaingat kayong dalawa na makalapit kayong dalawa sa punung-kahoy na ito na sumaway Ako sa inyong dalawa laban pagkain mula rito dahil kayo ay maging kabilang sa mga tagalabag sa katarungan dahil sa pagsuway sa ipinag-utos Ko sa inyo."

Al-Baqara 2:35Listen in Qur'an →
36

فَأَزَلَّهُمَا ٱلشَّيْطَٰنُ عَنْهَا فَأَخْرَجَهُمَا مِمَّا كَانَا فِيهِ ۖ وَقُلْنَا ٱهْبِطُوا۟ بَعْضُكُمْ لِبَعْضٍ عَدُوٌّۭ ۖ وَلَكُمْ فِى ٱلْأَرْضِ مُسْتَقَرٌّۭ وَمَتَٰعٌ إِلَىٰ حِينٍۢ

But Satan caused them to slip out of it and removed them from that [condition] in which they had been. And We said, "Go down, [all of you], as enemies to one another, and you will have upon the earth a place of settlement and provision for a time."

Ngunit hindi tumigil ang demonyo sa pagbulong sa kanilang dalawa at panghahalina hanggang sa nagpasadlak siya sa kanilang dalawa sa pagkatisod at kamalian dahil sa pagkain mula sa punung-kahoy na iyon na sinaway ni Allāh sa kanilang dalawa. Kaya ang naging ganti sa kanilang dalawa ay nagpalabas sa kanilang dalawa si Allāh mula sa Paraiso na dating kinaroroonan nilang dalawa. Nagsabi si Allāh sa kanilang dalawa at sa demonyo: "Bumaba kayo sa lupa. Ang ilan sa inyo ay mga kaaway ng iba. Ukol sa inyo sa lupang iyon ay isang paninigilan, pananatili, at pagtatamasa sa anumang naroon na mga biyaya hanggang sa magwakas ang mga taning ninyo at sumapit ang Huling Sandali."

Al-Baqara 2:36Listen in Qur'an →
37

فَتَلَقَّىٰٓ ءَادَمُ مِن رَّبِّهِۦ كَلِمَٰتٍۢ فَتَابَ عَلَيْهِ ۚ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلتَّوَّابُ ٱلرَّحِيمُ

Then Adam received from his Lord [some] words, and He accepted his repentance. Indeed, it is He who is the Accepting of repentance, the Merciful.

Saka kinuha ni Adan ang ipinukol ni Allāh sa kanya na mga salita at nagpahiwatig Siya rito ng panalangin sa pamamagitan ng mga ito. Ito ay ang nabanggit sa sabi Niya – pagkataas-taas Siya (Qur'ān 7:23): 'Nagsabi silang dalawa: "Panginoon namin, lumabag kami sa katarungan sa mga sarili namin. Kung hindi Ka magpapatawad sa amin at maaawa sa amin, talagang kami nga ay magiging kabilang sa mga lugi."' Kay tumanggap si Allāh sa pagbabalik-loob niya at nagpatawad sa kanya sapagkat Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay madalas ang pagtanggap ng pagbabalik-loob ng mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.

Al-Baqara 2:37Listen in Qur'an →
38

قُلْنَا ٱهْبِطُوا۟ مِنْهَا جَمِيعًۭا ۖ فَإِمَّا يَأْتِيَنَّكُم مِّنِّى هُدًۭى فَمَن تَبِعَ هُدَاىَ فَلَا خَوْفٌ عَلَيْهِمْ وَلَا هُمْ يَحْزَنُونَ

We said, "Go down from it, all of you. And when guidance comes to you from Me, whoever follows My guidance - there will be no fear concerning them, nor will they grieve.

Nagsabi Kami sa kanila: "Bumaba kayo sa kalahatan mula sa Paraiso patungo sa lupa. Kung may dumating sa inyo na isang kapatnubayan sa mga kamay ng mga sugo Ko, ang mga sumunod dito at sumampalataya sa mga sugo Ko ay walang pangamba sa kanila sa Kabilang-buhay ni sila ay malulungkot sa anumang nakaalpas sa kanila sa Mundo."

Al-Baqara 2:38Listen in Qur'an →
39

وَٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ وَكَذَّبُوا۟ بِـَٔايَٰتِنَآ أُو۟لَٰٓئِكَ أَصْحَٰبُ ٱلنَّارِ ۖ هُمْ فِيهَا خَٰلِدُونَ

And those who disbelieve and deny Our signs - those will be companions of the Fire; they will abide therein eternally."

Hinggil naman sa mga tumangging sumampalataya at nagpasinungaling sa mga tanda Namin, ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy, na hindi lalabas mula roon magpakailanman.

Al-Baqara 2:39Listen in Qur'an →
40

يَٰبَنِىٓ إِسْرَٰٓءِيلَ ٱذْكُرُوا۟ نِعْمَتِىَ ٱلَّتِىٓ أَنْعَمْتُ عَلَيْكُمْ وَأَوْفُوا۟ بِعَهْدِىٓ أُوفِ بِعَهْدِكُمْ وَإِيَّٰىَ فَٱرْهَبُونِ

O Children of Israel, remember My favor which I have bestowed upon you and fulfill My covenant [upon you] that I will fulfill your covenant [from Me], and be afraid of [only] Me.

O mga anak ng propeta ni Allāh na si Jacob, magsaalaala kayo sa mga biyaya ni Allāh na nagkakasunud-sunuran sa inyo at magpasalamat kayo sa mga iyon. Manatili kayo sa pagtupad sa kasunduan Ko sa inyo na pananampalataya sa Akin at sa mga sugo Ko at paggawa ayon sa mga batas Ko. Kaya kung tumupad kayo rito ay magpapatupad Ako sa kasunduan Ko para sa inyo kaugnay sa anumang ipinangako Ko sa inyo na kaaya-ayang buhay na pangmundo at magandang ganti sa Araw ng Pagbangon. Sa Akin lamang ay mangamba kayo at huwag kayong kumalas sa kasunduan sa Kanya.

Al-Baqara 2:40Listen in Qur'an →

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.