Muslim99Muslim99
← Tafsir library

2. Al-Baqara

The Cow · Medinan · 286 ayahs

سُورَةُ البَقَرَةِ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 281–286 of 286

281

وَٱتَّقُوا۟ يَوْمًۭا تُرْجَعُونَ فِيهِ إِلَى ٱللَّهِ ۖ ثُمَّ تُوَفَّىٰ كُلُّ نَفْسٍۢ مَّا كَسَبَتْ وَهُمْ لَا يُظْلَمُونَ

And fear a Day when you will be returned to Allah. Then every soul will be compensated for what it earned, and they will not be treated unjustly.

Mangamba kayo sa pagdurusa sa Araw na pababalikin kayo roon sa kalahatan tungo kay Allāh at haharap kayo sa harapan Niya. Pagkatapos bibigyan ang bawat kaluluwa ng ganti sa anumang kinamit nito na kabutihan o kasamaan. Hindi sila lalabagin sa katarungan sa pamamagitan ng pagbawas sa gantimpala sa mga magandang gawa nila ni sa pamamagitan ng pagdaragdag sa kaparusahan sa mga masagwang gawa nila.

Al-Baqara 2:281Listen in Qur'an →
282

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓا۟ إِذَا تَدَايَنتُم بِدَيْنٍ إِلَىٰٓ أَجَلٍۢ مُّسَمًّۭى فَٱكْتُبُوهُ ۚ وَلْيَكْتُب بَّيْنَكُمْ كَاتِبٌۢ بِٱلْعَدْلِ ۚ وَلَا يَأْبَ كَاتِبٌ أَن يَكْتُبَ كَمَا عَلَّمَهُ ٱللَّهُ ۚ فَلْيَكْتُبْ وَلْيُمْلِلِ ٱلَّذِى عَلَيْهِ ٱلْحَقُّ وَلْيَتَّقِ ٱللَّهَ رَبَّهُۥ وَلَا يَبْخَسْ مِنْهُ شَيْـًۭٔا ۚ فَإِن كَانَ ٱلَّذِى عَلَيْهِ ٱلْحَقُّ سَفِيهًا أَوْ ضَعِيفًا أَوْ لَا يَسْتَطِيعُ أَن يُمِلَّ هُوَ فَلْيُمْلِلْ وَلِيُّهُۥ بِٱلْعَدْلِ ۚ وَٱسْتَشْهِدُوا۟ شَهِيدَيْنِ مِن رِّجَالِكُمْ ۖ فَإِن لَّمْ يَكُونَا رَجُلَيْنِ فَرَجُلٌۭ وَٱمْرَأَتَانِ مِمَّن تَرْضَوْنَ مِنَ ٱلشُّهَدَآءِ أَن تَضِلَّ إِحْدَىٰهُمَا فَتُذَكِّرَ إِحْدَىٰهُمَا ٱلْأُخْرَىٰ ۚ وَلَا يَأْبَ ٱلشُّهَدَآءُ إِذَا مَا دُعُوا۟ ۚ وَلَا تَسْـَٔمُوٓا۟ أَن تَكْتُبُوهُ صَغِيرًا أَوْ كَبِيرًا إِلَىٰٓ أَجَلِهِۦ ۚ ذَٰلِكُمْ أَقْسَطُ عِندَ ٱللَّهِ وَأَقْوَمُ لِلشَّهَٰدَةِ وَأَدْنَىٰٓ أَلَّا تَرْتَابُوٓا۟ ۖ إِلَّآ أَن تَكُونَ تِجَٰرَةً حَاضِرَةًۭ تُدِيرُونَهَا بَيْنَكُمْ فَلَيْسَ عَلَيْكُمْ جُنَاحٌ أَلَّا تَكْتُبُوهَا ۗ وَأَشْهِدُوٓا۟ إِذَا تَبَايَعْتُمْ ۚ وَلَا يُضَآرَّ كَاتِبٌۭ وَلَا شَهِيدٌۭ ۚ وَإِن تَفْعَلُوا۟ فَإِنَّهُۥ فُسُوقٌۢ بِكُمْ ۗ وَٱتَّقُوا۟ ٱللَّهَ ۖ وَيُعَلِّمُكُمُ ٱللَّهُ ۗ وَٱللَّهُ بِكُلِّ شَىْءٍ عَلِيمٌۭ

O you who have believed, when you contract a debt for a specified term, write it down. And let a scribe write [it] between you in justice. Let no scribe refuse to write as Allah has taught him. So let him write and let the one who has the obligation dictate. And let him fear Allah, his Lord, and not leave anything out of it. But if the one who has the obligation is of limited understanding or weak or unable to dictate himself, then let his guardian dictate in justice. And bring to witness two witnesses from among your men. And if there are not two men [available], then a man and two women from those whom you accept as witnesses - so that if one of the women errs, then the other can remind her. And let not the witnesses refuse when they are called upon. And do not be [too] weary to write it, whether it is small or large, for its [specified] term. That is more just in the sight of Allah and stronger as evidence and more likely to prevent doubt between you, except when it is an immediate transaction which you conduct among yourselves. For [then] there is no blame upon you if you do not write it. And take witnesses when you conclude a contract. Let no scribe be harmed or any witness. For if you do so, indeed, it is [grave] disobedience in you. And fear Allah. And Allah teaches you. And Allah is Knowing of all things.

O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, kapag nakipagtransaksiyon kayo ng pautang sa pamamagitan ng pagpapautang ng iba sa inyo sa iba pa sa isang yugtong tinakdaan ay isulat ninyo ang pautang na iyon at isulat sa pagitan ninyo ng isang tagasulat ayon sa katotohanan at pagpapakamakatarungang sumasang-ayon sa Batas ng Islām. Hindi tatanggi ang tagasulat na isulat ang pautang ayon sa sumasang-ayon sa itinuro sa kanya ni Allāh na pagsusulat ayon sa katarungan. Kaya isulat niya ang idinidikta sa kanya ng [taong] nasa kanya ang tungkulin upang iyon ay maging isang pag-amin mula rito, mangilag siyang magkasala kay Allāh na Panginoon niya, at huwag siyang bumawas mula sa pautang ng anuman sa halaga nito o uri nito o kalidad nito. Ngunit kung ang [taong] nasa kanya ang tungkulin ay hindi mahusay sa pag-aasal o siya ay isang mahina dahil sa kabataan niya o kabaliwan niya o siya ay hindi nakakakaya sa pagdidikta dahil sa pagkapipi niya, at tulad niyon, magsagawa ng pagdidikta para sa kanya ang katangkilik niyang nananagot para sa kanya ayon sa katotohanan at pagkamakatarungan. Humiling kayo ng pagsasaksi ng dalawang lalaking nakapag-iisip, na makatarungan. Kung walang natagpuang dalawang lalaki ay magpasaksi kayo sa isang lalaki at dalawang babae, na nalulugod kayo sa pagrerelihiyon nila at pagkamapagkakatiwalaan nila, upang kapag nakalimot ang isa sa dalawang babae ay magpapaalaala rito ang babaing kasama nito. Hindi tatanggi ang mga saksi kapag humiling mula sa kanila ng pagsasaksi sa utang at kailangan sa kanila ang pagsasagawa nito kapag tinawag sila para roon. Huwag dumapo sa inyo ang pagsasawa sa pagsulat ng pautang, kaunti man o marami, hanggang sa taning nitong itinakda. Ang pagsulat ng pautang ay higit na makatarungan sa Batas ni Allāh, higit na mariin para sa pagpapatibay sa pagsasaksi at pagsasagawa nito, at higit na malapit sa pagkakaila sa pagdududa sa uri ng pautang, halaga nito, at yugto nito, malibang kapag ang pakikipagkasunduan sa pagitan ninyo ay isang kalakalan sa isang panindang nakahanda at halagang nakahanda sapagkat walang pagkaasiwa sa inyo sa pag-iwan sa pagsusulat sa sandaling ito dahil sa kawalan ng pangangailangan dito. Isinasabatas sa inyo ang pagpapasaksi bilang pagpigil sa mga dahilan ng alitan. Hindi ipinahihintulot ang pamiminsala sa mga tagasulat at mga saksi at hindi ipinahihintulot para sa kanila ang pamiminsala sa sinumang humiling ng pagsulat nila at pagsaksi nila. Kung magaganap mula sa inyo ang pamiminsala, tunay na ito ay paglabas sa pagtalima kay Allāh patungo sa pagsuway sa Kanya. Mangamba kayo kay Allāh, O mga mananampalataya, sa pamamagitan ng pagsunod sa ipinag-utos Niya sa inyo at pag-iwas sa sinaway Niya sa inyo. Nagtuturo sa inyo si Allāh ng may dulot na kaayusan sa Mundo ninyo at Kabilang-buhay ninyo. Si Allāh sa bawat bagay ay Maalam kaya walang nakakukubli sa Kanya na anuman.

Al-Baqara 2:282Listen in Qur'an →
283

۞ وَإِن كُنتُمْ عَلَىٰ سَفَرٍۢ وَلَمْ تَجِدُوا۟ كَاتِبًۭا فَرِهَٰنٌۭ مَّقْبُوضَةٌۭ ۖ فَإِنْ أَمِنَ بَعْضُكُم بَعْضًۭا فَلْيُؤَدِّ ٱلَّذِى ٱؤْتُمِنَ أَمَٰنَتَهُۥ وَلْيَتَّقِ ٱللَّهَ رَبَّهُۥ ۗ وَلَا تَكْتُمُوا۟ ٱلشَّهَٰدَةَ ۚ وَمَن يَكْتُمْهَا فَإِنَّهُۥٓ ءَاثِمٌۭ قَلْبُهُۥ ۗ وَٱللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ عَلِيمٌۭ

And if you are on a journey and cannot find a scribe, then a security deposit [should be] taken. And if one of you entrusts another, then let him who is entrusted discharge his trust [faithfully] and let him fear Allah, his Lord. And do not conceal testimony, for whoever conceals it - his heart is indeed sinful, and Allah is Knowing of what you do.

Kung kayo ay mga naglalakbay at hindi kayo nakatagpo ng isang tagasulat na magsusulat para sa inyo ng isang dokumento ng pautang, makasasapat na magbigay ang [taong] may tungkulin ng sanglang panghahawakan ng [taong] may karapatan. Ito ay magiging isang garantiya sa karapatan nito hanggang sa magbayad ang nangutang ng taglay niyang utang. Kung nagtiwala ang iba sa inyo sa iba, hindi nag-oobliga ng pagsusulat ni pagsasaksi ni sangla. Ang utang sa sandaling iyon ay magiging isang ipinagkakatiwala sa pag-iingat ng nangutang na kinakailangan sa kanya na isagawa sa nagpautang sa kanya. Kailangan sa kanya na mangilag magkasala kay Allāh sa ipinagkatiwalang ito kaya hindi siya magkakaila ng anuman mula roon. Kung nagkaila siya, kailangan sa sinumang sumaksi sa transaksiyon na magsagawa ng pagsaksi at hindi ipinahihintulot dito na maglingid niyon. Ang sinumang maglingid niyon, tunay na ang puso niya ay isang pusong masamang-loob. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Maalam: walang nakakukubli sa Kanya na anuman. Gaganti Siya sa inyo sa mga gawa ninyo.

Al-Baqara 2:283Listen in Qur'an →
284

لِّلَّهِ مَا فِى ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِى ٱلْأَرْضِ ۗ وَإِن تُبْدُوا۟ مَا فِىٓ أَنفُسِكُمْ أَوْ تُخْفُوهُ يُحَاسِبْكُم بِهِ ٱللَّهُ ۖ فَيَغْفِرُ لِمَن يَشَآءُ وَيُعَذِّبُ مَن يَشَآءُ ۗ وَٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَىْءٍۢ قَدِيرٌ

To Allah belongs whatever is in the heavens and whatever is in the earth. Whether you show what is within yourselves or conceal it, Allah will bring you to account for it. Then He will forgive whom He wills and punish whom He wills, and Allah is over all things competent.

Sa kay Allāh lamang ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa sa paglikha, sa pagmamay-ari, at sa pangangasiwa. Kung magpapalitaw kayo ng anumang nasa mga puso ninyo o magkukubli kayo nito ay makaaalam nito si Allāh at magtutuos Siya sa inyo nito, saka magpapatawad Siya matapos niyon sa sinumang niloloob Niya bilang kagandahang-loob at awa, at magpaparusa Siya sa sinumang niloloob Niya bilang katarungan at karunungan. Si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan.

Al-Baqara 2:284Listen in Qur'an →
285

ءَامَنَ ٱلرَّسُولُ بِمَآ أُنزِلَ إِلَيْهِ مِن رَّبِّهِۦ وَٱلْمُؤْمِنُونَ ۚ كُلٌّ ءَامَنَ بِٱللَّهِ وَمَلَٰٓئِكَتِهِۦ وَكُتُبِهِۦ وَرُسُلِهِۦ لَا نُفَرِّقُ بَيْنَ أَحَدٍۢ مِّن رُّسُلِهِۦ ۚ وَقَالُوا۟ سَمِعْنَا وَأَطَعْنَا ۖ غُفْرَانَكَ رَبَّنَا وَإِلَيْكَ ٱلْمَصِيرُ

The Messenger has believed in what was revealed to him from his Lord, and [so have] the believers. All of them have believed in Allah and His angels and His books and His messengers, [saying], "We make no distinction between any of His messengers." And they say, "We hear and we obey. [We seek] Your forgiveness, our Lord, and to You is the [final] destination."

Sumampalataya ang Sugong si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa lahat ng pinababa sa kanya mula sa Panginoon niya, at ang mga mananampalataya ay sumampalataya sa gayon. Lahat sila ay sama-samang sumampalataya kay Allāh, sumampalataya sa lahat ng mga anghel, sa lahat ng mga kasulatan Niyang pinababa Niya sa mga propeta, at sa lahat ng mga sugong isinugo Niya. Sumampalataya sila sa mga ito, na mga nagsasabi: "Hindi kami nagtatangi-tangi sa isa man sa mga sugo ni Allāh." Nagsabi pa sila: "Nakarinig kami ng ipinag-utos Mo sa amin at sinaway Mo sa amin. Tumalima kami sa Iyo sa pamamagitan ng paggawa sa ipinag-utos Mo at pag-iwan sa sinaway Mo. Humihiling kami sa Iyo na magpatawad Ka sa amin, O Panginoon namin, sapagkat tunay na ang babalikan namin ay tungo sa Iyo lamang sa lahat ng pumapatungkol sa amin."

Al-Baqara 2:285Listen in Qur'an →
286

لَا يُكَلِّفُ ٱللَّهُ نَفْسًا إِلَّا وُسْعَهَا ۚ لَهَا مَا كَسَبَتْ وَعَلَيْهَا مَا ٱكْتَسَبَتْ ۗ رَبَّنَا لَا تُؤَاخِذْنَآ إِن نَّسِينَآ أَوْ أَخْطَأْنَا ۚ رَبَّنَا وَلَا تَحْمِلْ عَلَيْنَآ إِصْرًۭا كَمَا حَمَلْتَهُۥ عَلَى ٱلَّذِينَ مِن قَبْلِنَا ۚ رَبَّنَا وَلَا تُحَمِّلْنَا مَا لَا طَاقَةَ لَنَا بِهِۦ ۖ وَٱعْفُ عَنَّا وَٱغْفِرْ لَنَا وَٱرْحَمْنَآ ۚ أَنتَ مَوْلَىٰنَا فَٱنصُرْنَا عَلَى ٱلْقَوْمِ ٱلْكَٰفِرِينَ

Allah does not charge a soul except [with that within] its capacity. It will have [the consequence of] what [good] it has gained, and it will bear [the consequence of] what [evil] it has earned. "Our Lord, do not impose blame upon us if we have forgotten or erred. Our Lord, and lay not upon us a burden like that which You laid upon those before us. Our Lord, and burden us not with that which we have no ability to bear. And pardon us; and forgive us; and have mercy upon us. You are our protector, so give us victory over the disbelieving people."

Hindi nag-aatang si Allāh sa isang kaluluwa maliban sa anumang makakaya nito na mga gawain dahil ang Relihiyon ni Allāh ay nakabatay sa ginhawa kaya walang pabigat dito. Ang sinumang nagkamit ng kabutihan ay ukol sa kanya ang gantimpala sa anumang ginawa niya nang hindi nagbabawas mula rito ng anuman. Ang sinumang nagkamit ng kasamaan ay para sa kanya ang ganti ng nakamit niyang pagkakasala; hindi magbubuhat nito para sa kanya ang iba pa sa kanya. Nagsabi ang Sugo at ang mga mananampalataya: "Panginoon namin, huwag Kang magparusa sa amin kung nakalimot kami o nagkamali kami sa ginawa o sinabi nang walang paglalayon mula sa amin. Panginoon namin, huwag Kang mag-atang sa amin ng magpapabigat sa amin at hindi namin makakaya gaya ng pag-atang Mo sa mga nauna pa sa amin kabilang sa mga pinarusahan Mo dahil sa kawalang-katarungan nila, gaya ng mga Hudyo. Huwag Kang magpapasan sa amin ng magpapabigat sa amin at hindi namin makakaya na mga ipinag-uutos at mga sinasaway. Magpalampas Ka sa mga pagkakasala namin, magpatawad Ka sa amin, at maawa Ka sa amin sa pamamagitan ng kabutihang-loob Mo. Ikaw ay Katangkilik namin at Tagaadya namin, kaya mag-adya Ka sa amin laban sa mga taong tagatangging sumampalataya.

Al-Baqara 2:286Listen in Qur'an →

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.