Muslim99Muslim99
← Tafsir library

2. Al-Baqara

The Cow · Medinan · 286 ayahs

سُورَةُ البَقَرَةِ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 271–280 of 286

271

إِن تُبْدُوا۟ ٱلصَّدَقَٰتِ فَنِعِمَّا هِىَ ۖ وَإِن تُخْفُوهَا وَتُؤْتُوهَا ٱلْفُقَرَآءَ فَهُوَ خَيْرٌۭ لَّكُمْ ۚ وَيُكَفِّرُ عَنكُم مِّن سَيِّـَٔاتِكُمْ ۗ وَٱللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ خَبِيرٌۭ

If you disclose your charitable expenditures, they are good; but if you conceal them and give them to the poor, it is better for you, and He will remove from you some of your misdeeds [thereby]. And Allah, with what you do, is [fully] Acquainted.

Kung maghahayag kayo ng ipinagkakaloob ninyo na kawanggawa sa pamamagitan ng salapi ay kay inam na kawanggawa ang kawanggawa ninyo! Kung magkukubli kayo nito at magbibigay kayo nito sa mga maralita, iyon ay higit na mabuti para sa inyo kaysa sa paghahayag nito dahil iyon ay higit na malapit sa pagpapakawagas. Sa mga kawanggawa ng mga nagpapakawagas ay may panakip sa mga pagkakasala nila at kapatawaran para sa mga ito. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid kaya walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa mga kalagayan ninyo.

Al-Baqara 2:271Listen in Qur'an →
272

۞ لَّيْسَ عَلَيْكَ هُدَىٰهُمْ وَلَٰكِنَّ ٱللَّهَ يَهْدِى مَن يَشَآءُ ۗ وَمَا تُنفِقُوا۟ مِنْ خَيْرٍۢ فَلِأَنفُسِكُمْ ۚ وَمَا تُنفِقُونَ إِلَّا ٱبْتِغَآءَ وَجْهِ ٱللَّهِ ۚ وَمَا تُنفِقُوا۟ مِنْ خَيْرٍۢ يُوَفَّ إِلَيْكُمْ وَأَنتُمْ لَا تُظْلَمُونَ

Not upon you, [O Muhammad], is [responsibility for] their guidance, but Allah guides whom He wills. And whatever good you [believers] spend is for yourselves, and you do not spend except seeking the countenance of Allah. And whatever you spend of good - it will be fully repaid to you, and you will not be wronged.

Hindi nasa iyo, O Propeta, ang kapatnubayan nila para sa pagtanggap sa katotohanan at pagpapaakay rito, at pagdala sa kanila rito. Ang isinasatungkulin lamang sa iyo ay ang paggabay sa kanila sa katotohanan at ang pagpapakilala sa kanila rito. Tunay na ang pagtutuon sa katotohanan at ang kapatnubayan tungo rito ay nasa kamay ni Allāh. Siya ay nagpapatnubay sa sinumang niloloob Niya. Ang anumang ginugugol ninyo na kabutihan, ang pakinabang nito ay manunumbalik sa inyo dahil si Allāh ay Walang-pangangailangan dito. Ang paggugol ninyo ay maging wagas na inuukol kay Allāh sapagkat ang mananampalataya, sa totoo, ay hindi gumugugol malibang dala ng paghahanap ng kaluguran ni Allāh. Ang anumang ginugugol ninyo na kabutihan, kaunti man o marami, tunay na kayo ay bibigyan ng gantimpala rito nang lubos na hindi kinukulangan sapagkat tunay na si Allāh ay hindi lumalabag sa katarungan sa isa man.

Al-Baqara 2:272Listen in Qur'an →
273

لِلْفُقَرَآءِ ٱلَّذِينَ أُحْصِرُوا۟ فِى سَبِيلِ ٱللَّهِ لَا يَسْتَطِيعُونَ ضَرْبًۭا فِى ٱلْأَرْضِ يَحْسَبُهُمُ ٱلْجَاهِلُ أَغْنِيَآءَ مِنَ ٱلتَّعَفُّفِ تَعْرِفُهُم بِسِيمَٰهُمْ لَا يَسْـَٔلُونَ ٱلنَّاسَ إِلْحَافًۭا ۗ وَمَا تُنفِقُوا۟ مِنْ خَيْرٍۢ فَإِنَّ ٱللَّهَ بِهِۦ عَلِيمٌ

[Charity is] for the poor who have been restricted for the cause of Allah, unable to move about in the land. An ignorant [person] would think them self-sufficient because of their restraint, but you will know them by their [characteristic] sign. They do not ask people persistently [or at all]. And whatever you spend of good - indeed, Allah is Knowing of it.

Magtalaga kayo para sa mga maralitang nahadlangan ng pakikibaka sa landas ni Allāh sa paglalakbay upang maghanap ng ikabubuhay. Nagpapalagay sa kanila ang mangmang sa kalagayan nila na mga mayaman [sila] dahil sa pagpipigil nila sa panghihingi. Nakakikilala sa kanila ang nakababatid sa kanila sa pamamagitan ng mga palatandaan nila gaya ng pangangailangang nakalitaw sa mga katawan nila at mga kasuutan nila at gaya ng katangian nilang hindi gaya ng sa nalalabi sa mga maralita na nanghihingi sa mga tao habang mga nangungulit sa panghihingi nila. Ang anumang ginugugol ninyong salapi at iba pa rito, tunay na si Allāh dito ay Maalam. Gaganti Siya sa inyo rito ng pinakadakilang ganti.

Al-Baqara 2:273Listen in Qur'an →
274

ٱلَّذِينَ يُنفِقُونَ أَمْوَٰلَهُم بِٱلَّيْلِ وَٱلنَّهَارِ سِرًّۭا وَعَلَانِيَةًۭ فَلَهُمْ أَجْرُهُمْ عِندَ رَبِّهِمْ وَلَا خَوْفٌ عَلَيْهِمْ وَلَا هُمْ يَحْزَنُونَ

Those who spend their wealth [in Allah 's way] by night and by day, secretly and publicly - they will have their reward with their Lord. And no fear will there be concerning them, nor will they grieve.

Ang mga gumugugol ng mga yaman nila dala ng paghahangad sa kaluguran ni Allāh sa gabi at maghapon nang palihim at hayagan nang walang pagpapakita at pagpaparinig ay ukol sa kanila ang gantimpala sa kanila sa ganang Panginoon nila sa Araw ng Pagbangon. Walang pangamba sa kanila sa kahaharapin nila mula sa nauukol sa kanila ni sila ay malulungkot sa nakaalpas sa kanila mula sa Mundo, bilang kabutihang-loob mula kay Allāh at bilang biyaya.

Al-Baqara 2:274Listen in Qur'an →
275

ٱلَّذِينَ يَأْكُلُونَ ٱلرِّبَوٰا۟ لَا يَقُومُونَ إِلَّا كَمَا يَقُومُ ٱلَّذِى يَتَخَبَّطُهُ ٱلشَّيْطَٰنُ مِنَ ٱلْمَسِّ ۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ قَالُوٓا۟ إِنَّمَا ٱلْبَيْعُ مِثْلُ ٱلرِّبَوٰا۟ ۗ وَأَحَلَّ ٱللَّهُ ٱلْبَيْعَ وَحَرَّمَ ٱلرِّبَوٰا۟ ۚ فَمَن جَآءَهُۥ مَوْعِظَةٌۭ مِّن رَّبِّهِۦ فَٱنتَهَىٰ فَلَهُۥ مَا سَلَفَ وَأَمْرُهُۥٓ إِلَى ٱللَّهِ ۖ وَمَنْ عَادَ فَأُو۟لَٰٓئِكَ أَصْحَٰبُ ٱلنَّارِ ۖ هُمْ فِيهَا خَٰلِدُونَ

Those who consume interest cannot stand [on the Day of Resurrection] except as one stands who is being beaten by Satan into insanity. That is because they say, "Trade is [just] like interest." But Allah has permitted trade and has forbidden interest. So whoever has received an admonition from his Lord and desists may have what is past, and his affair rests with Allah. But whoever returns to [dealing in interest or usury] - those are the companions of the Fire; they will abide eternally therein.

Ang mga nakikitungo sa patubo at kumukuha nito ay hindi babangon sa Araw ng Pagbangon mula sa mga libingan nila malibang tulad ng pagbangon ng may kabaliwan mula sa demonyo sapagkat babangon siya mula sa libingan niya nang nabubuwal kung paanong nabubuwal ang may epilepsya sa pagbangon nito at pagbagsak nito. Iyon ay dahilan sa sila ay nagturing ng pagpapahintulot ng pakikinabang sa patubo. Hindi sila nakatalos sa pagkakaiba sa pagitan ng patubo at anumang ipinahintulot ni Allāh na mga kinikita sa pagtitinda sapagkat nagsabi sila: "Ang pagtitinda ay tulad ng patubo lamang sa pagiging ipinahihintulot sapagkat ang bawat isa sa dalawa ay humahantong sa pagkadagdag ng salapi at paglago nito." Ngunit tumugon si Allāh sa kanila, nagpawalang-saysay Siya sa paghahambing nila, at nagpasinungaling Siya sa kanila. Nilinaw Niya na Siya – pagkataas-taas Siya – ay nagpahintulot sa pagtitinda dahil sa dulot nito na pakinabangang pampubliko at pampribado at nagbawal naman sa patubo dahil sa dulot nito na kawalang-katarungan at paglamon sa mga salapi ng mga tao nang walang-kabuluhan na walang kapalit. Kaya ang sinumang dinatnan ng isang pangaral mula sa Panginoon niya na may pagbabawal at pagbibigay-babala laban sa patubo saka tumigil dito at nagbalik-loob, para sa kanya ang nakalipas na pagkuha niya ng patubo habang walang kasalanan sa kanya roon. Ang nauukol sa kanya ay nasa kay Allāh sa kahaharapin niya matapos niyon. Ang sinumang nanumbalik sa pagkuha ng patubo matapos na umabot sa kanya ang pagsaway mula kay Allāh at nalahad sa kanya ang katwiran, naging karapat-dapat nga siya sa pagpasok sa Impiyerno at pananatili roon. Ang pananatiling ito sa Apoy ay ang pumapatungkol sa paglamon ng patubo habang nagtuturing ng pagpapahintulot nito o ang pumapatungkol sa matagal na pamamalagi roon sapagkat tunay na ang pananatiling palagian doon ay hindi mangyayari maliban sa mga tagatangging sumampalataya samantalang ang mga alagad naman ng Tawḥīd ay hindi mamalagi roon.

Al-Baqara 2:275Listen in Qur'an →
276

يَمْحَقُ ٱللَّهُ ٱلرِّبَوٰا۟ وَيُرْبِى ٱلصَّدَقَٰتِ ۗ وَٱللَّهُ لَا يُحِبُّ كُلَّ كَفَّارٍ أَثِيمٍ

Allah destroys interest and gives increase for charities. And Allah does not like every sinning disbeliever.

Pumupuksa si Allāh ng salaping galing sa patubo at nag-aalis Siya nito, sa pisikal na kahulugan sa pamamagitan ng pagsira rito at tulad niyon, o sa espirituwal na kahulugan sa pamamagitan ng pag-aalis ng biyaya mula rito. Nagdaragdag Siya sa mga kawanggawa at nagpapalago Siya sa mga ito sa pamamagitan ng pag-iibayo sa gantimpala sa mga ito sapagkat ang magandang gawa ay may ganting sampung tulad nito hanggang sa pitong daang ulit hanggang sa maraming ulit. Nagpapala Siya sa mga yaman ng mga nagkakawanggawa. Si Allāh ay hindi umiibig sa bawat mapagmatigas na tagatangging sumampalataya, na nagtuturing ng pagpapahintulot sa ipinagbabawal, na nagpupumilit sa mga pagsuway at mga kasalanan.

Al-Baqara 2:276Listen in Qur'an →
277

إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ وَعَمِلُوا۟ ٱلصَّٰلِحَٰتِ وَأَقَامُوا۟ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتَوُا۟ ٱلزَّكَوٰةَ لَهُمْ أَجْرُهُمْ عِندَ رَبِّهِمْ وَلَا خَوْفٌ عَلَيْهِمْ وَلَا هُمْ يَحْزَنُونَ

Indeed, those who believe and do righteous deeds and establish prayer and give zakah will have their reward with their Lord, and there will be no fear concerning them, nor will they grieve.

Tunay na ang mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, gumawa ng mga gawang maayos, nagsagawa ng pagdarasal nang lubusan ayon sa isinabatas ni Allāh, at nagbigay ng zakāh ng mga yaman nila sa sinumang nagiging karapat-dapat dito ay ukol sa kanila ang gantimpala sa kanila sa ganang Panginoon nila. Walang pangamba sa kanila sa kahaharapin nila kabilang sa mga nauukol sa kanila ni sila ay malulungkot sa nakaalpas sa kanila mula sa Mundo at kaginhawahan nito.

Al-Baqara 2:277Listen in Qur'an →
278

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ ٱتَّقُوا۟ ٱللَّهَ وَذَرُوا۟ مَا بَقِىَ مِنَ ٱلرِّبَوٰٓا۟ إِن كُنتُم مُّؤْمِنِينَ

O you who have believed, fear Allah and give up what remains [due to you] of interest, if you should be believers.

O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, mangamba kayo kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya at tumigil kayo sa paghiling sa anumang natira mula sa mga yamang galing sa patubo sa nasa mga tao kung kayo ay totoong mga mananampalataya kay Allāh at sa isinaway Niya sa inyo na patubo.

Al-Baqara 2:278Listen in Qur'an →
279

فَإِن لَّمْ تَفْعَلُوا۟ فَأْذَنُوا۟ بِحَرْبٍۢ مِّنَ ٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦ ۖ وَإِن تُبْتُمْ فَلَكُمْ رُءُوسُ أَمْوَٰلِكُمْ لَا تَظْلِمُونَ وَلَا تُظْلَمُونَ

And if you do not, then be informed of a war [against you] from Allah and His Messenger. But if you repent, you may have your principal - [thus] you do no wrong, nor are you wronged.

Ngunit kung hindi kayo gumawa sa ipinag-utos sa inyo, alamin ninyo at tumiyak kayo ng isang digmaan mula kay Allāh at sa Sugo Niya. Kung nagbalik-loob kayo kay Allāh at umiiwan kayo sa patubo ay ukol sa inyo ang halaga ng ipinautang ninyo mula sa puhunan ng mga salapi ninyo. Hindi kayo lalabag sa katarungan sa isa man sa pamamagitan ng pagkuha ng labis sa puhunan ng salapi inyo at hindi kayo lalabagin sa katarungan sa pamamagitan ng pagbawas mula sa puhunan.

Al-Baqara 2:279Listen in Qur'an →
280

وَإِن كَانَ ذُو عُسْرَةٍۢ فَنَظِرَةٌ إِلَىٰ مَيْسَرَةٍۢ ۚ وَأَن تَصَدَّقُوا۟ خَيْرٌۭ لَّكُمْ ۖ إِن كُنتُمْ تَعْلَمُونَ

And if someone is in hardship, then [let there be] postponement until [a time of] ease. But if you give [from your right as] charity, then it is better for you, if you only knew.

Kung ang sinumang sinisingil ninyo sa utang ay nagigipit na hindi nakatatagpo ng pambayad sa utang niya, magpaliban kayo ng paniningil sa kanya hanggang sa maging maluwag sa kanya ang salapi at makatagpo ng ipambabayad sa utang. Ang magkawanggawa kayo sa kanya sa pamamagitan ng pagtigil sa pagsingil ng utang o pagbabale-wala sa isang bahagi nito sa kanya ay higit na mabuti para sa inyo kung kayo ay nakaaalam sa kainaman niyon sa ganang kay Allāh – pagkataas-taas Siya.

Al-Baqara 2:280Listen in Qur'an →

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.