Muslim99Muslim99
← Tafsir library

2. Al-Baqara

The Cow · Medinan · 286 ayahs

سُورَةُ البَقَرَةِ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 261–270 of 286

261

مَّثَلُ ٱلَّذِينَ يُنفِقُونَ أَمْوَٰلَهُمْ فِى سَبِيلِ ٱللَّهِ كَمَثَلِ حَبَّةٍ أَنۢبَتَتْ سَبْعَ سَنَابِلَ فِى كُلِّ سُنۢبُلَةٍۢ مِّا۟ئَةُ حَبَّةٍۢ ۗ وَٱللَّهُ يُضَٰعِفُ لِمَن يَشَآءُ ۗ وَٱللَّهُ وَٰسِعٌ عَلِيمٌ

The example of those who spend their wealth in the way of Allah is like a seed [of grain] which grows seven spikes; in each spike is a hundred grains. And Allah multiplies [His reward] for whom He wills. And Allah is all-Encompassing and Knowing.

Ang paghahalintulad sa gantimpala sa mga mananampalataya na mga gumugugol ng mga salapi nila sa landas ni Allāh ay katulad ng isang butil na inilalagay ng magsasaka sa lupang kaaya-aya at nagpatubo ng pitong puso, na sa bawat puso mula rito ay may isandaang butil. Si Allāh ay nagpapaibayo ng gantimpala para sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya sapagkat nagbibigay Siya sa kanila ng pabuya nila nang walang pagtutuos. Si Allāh ay Malawak ang kabutihang-loob at ang pagbibigay, Maalam sa sinumang nagiging karapat-dapat sa pagpapaibayo.

Al-Baqara 2:261Listen in Qur'an →
262

ٱلَّذِينَ يُنفِقُونَ أَمْوَٰلَهُمْ فِى سَبِيلِ ٱللَّهِ ثُمَّ لَا يُتْبِعُونَ مَآ أَنفَقُوا۟ مَنًّۭا وَلَآ أَذًۭى ۙ لَّهُمْ أَجْرُهُمْ عِندَ رَبِّهِمْ وَلَا خَوْفٌ عَلَيْهِمْ وَلَا هُمْ يَحْزَنُونَ

Those who spend their wealth in the way of Allah and then do not follow up what they have spent with reminders [of it] or [other] injury will have their reward with their Lord, and there will be no fear concerning them, nor will they grieve.

Ang mga nagkakaloob ng mga salapi nila sa pagtalima kay Allāh at kaluguran Niya, pagkatapos hindi nila pinasusundan ang pagkakaloob nila ng anumang nakapagpapawalang-saysay sa gantimpala nito na panunumbat sa mga tao sa sinasabi o ginagawa, ukol sa kanila ang gantimpala nila sa ganang Panginoon nila. Walang pangamba sa kanila sa anumang kahaharapin nila ni sila ay malulungkot sa anumang nakalipas dahil sa laki ng kaginhawahan nila.

Al-Baqara 2:262Listen in Qur'an →
263

۞ قَوْلٌۭ مَّعْرُوفٌۭ وَمَغْفِرَةٌ خَيْرٌۭ مِّن صَدَقَةٍۢ يَتْبَعُهَآ أَذًۭى ۗ وَٱللَّهُ غَنِىٌّ حَلِيمٌۭ

Kind speech and forgiveness are better than charity followed by injury. And Allah is Free of need and Forbearing.

Anumang sinasabing marangal na nagpapapasok sa pamamagitan nito ng galak sa puso ng isang mananampalataya, at pagpapaumanhin sa sinumang gumawa ng masagwa sa iyo ay higit na mainam kaysa sa isang kawanggawang sinusundan ng isang pananakit sa pamamagitan ng panunumbat sa pinagkawanggawaan. Si Allāh ay Walang-pangangailangan sa mga lingkod Niya, Matimpiin: hindi Siya nagmamadali sa kanila ng kaparusahan.

Al-Baqara 2:263Listen in Qur'an →
264

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ لَا تُبْطِلُوا۟ صَدَقَٰتِكُم بِٱلْمَنِّ وَٱلْأَذَىٰ كَٱلَّذِى يُنفِقُ مَالَهُۥ رِئَآءَ ٱلنَّاسِ وَلَا يُؤْمِنُ بِٱللَّهِ وَٱلْيَوْمِ ٱلْءَاخِرِ ۖ فَمَثَلُهُۥ كَمَثَلِ صَفْوَانٍ عَلَيْهِ تُرَابٌۭ فَأَصَابَهُۥ وَابِلٌۭ فَتَرَكَهُۥ صَلْدًۭا ۖ لَّا يَقْدِرُونَ عَلَىٰ شَىْءٍۢ مِّمَّا كَسَبُوا۟ ۗ وَٱللَّهُ لَا يَهْدِى ٱلْقَوْمَ ٱلْكَٰفِرِينَ

O you who have believed, do not invalidate your charities with reminders or injury as does one who spends his wealth [only] to be seen by the people and does not believe in Allah and the Last Day. His example is like that of a [large] smooth stone upon which is dust and is hit by a downpour that leaves it bare. They are unable [to keep] anything of what they have earned. And Allah does not guide the disbelieving people.

O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, huwag kayong sumira sa gantimpala sa mga kawanggawa ninyo sa pamamagitan ng panunumbat sa pinagkakawanggawaan at pananakit dito. Tunay na ang paghahalintulad sa sinumang gumagawa niyon ay tulad ng nagkakaloob ng mga salapi niya sa layunin na makita siya ng mga tao at ipagkapuri nila siya gayong siya ay isang tagatangging sumampalataya,na hindi sumasampalataya kay Allāh ni sa Huling Araw at anumang naroon na gantimpala at parusa. Ang paghahalintulad dito ay tulad ng isang batong makinis, na sa ibabaw nito ay may alabok, saka may tumama sa batong iyon na isang ulan na masagana kaya nag-alis ito ng alabok sa bato at nag-iwan doon na makinis na walang anuman sa ibabaw nito. Gayon ang mga nagpapakitang-tao: naaalis ang gantimpala ng mga paggawa nila at mga paggugol nila at walang natitira mula roon sa ganang kay Allāh na anuman. Si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagatangging sumampalataya tungo sa nagpapalugod sa Kanya – pagkataas-taas Siya – at nagpapakinabang sa kanila sa mga paggawa nila at mga paggugol nila.

Al-Baqara 2:264Listen in Qur'an →
265

وَمَثَلُ ٱلَّذِينَ يُنفِقُونَ أَمْوَٰلَهُمُ ٱبْتِغَآءَ مَرْضَاتِ ٱللَّهِ وَتَثْبِيتًۭا مِّنْ أَنفُسِهِمْ كَمَثَلِ جَنَّةٍۭ بِرَبْوَةٍ أَصَابَهَا وَابِلٌۭ فَـَٔاتَتْ أُكُلَهَا ضِعْفَيْنِ فَإِن لَّمْ يُصِبْهَا وَابِلٌۭ فَطَلٌّۭ ۗ وَٱللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ بَصِيرٌ

And the example of those who spend their wealth seeking means to the approval of Allah and assuring [reward for] themselves is like a garden on high ground which is hit by a downpour - so it yields its fruits in double. And [even] if it is not hit by a downpour, then a drizzle [is sufficient]. And Allah, of what you do, is Seeing.

Ang paghahalintulad sa mga mananampalataya na mga nagkakaloob ng mga salapi nila sa paghahanap ng pagkalugod ni Allāh habang natitiwasay ang mga sarili nila sa katapatan ng pangako ni Allāh, nang hindi napipilitan, ay kahalintulad ng isang pataniman sa isang lugar na nakaangat na kaaya-aya na may tumama rito na isang ulan na masagana kaya nagpaluwal ito ng mga bungang pinag-ibayo. Kung walang tumama rito na isang ulan na masagana ay may tumama naman rito na isang ulan na mahina at nagkasya ito roon dito dahil sa pagkakaaya-aya ng lupa nito. Gayundin ang mga paggugol ng mga nagpapakawagas: tumatanggap nito si Allāh at nagpapaiibayo Siya sa pabuya nito kahit na ito ay kaunti. Si Allāh, sa anumang ginagawa ninyo, ay Nakakikita kaya hindi nakakukubli sa Kanya ang kalagayan ng mga nagpapakawagas at mga nagpapakitang-tao. Gaganti Siya sa bawat isa ayon sa nagiging karapat-dapat dito.

Al-Baqara 2:265Listen in Qur'an →
266

أَيَوَدُّ أَحَدُكُمْ أَن تَكُونَ لَهُۥ جَنَّةٌۭ مِّن نَّخِيلٍۢ وَأَعْنَابٍۢ تَجْرِى مِن تَحْتِهَا ٱلْأَنْهَٰرُ لَهُۥ فِيهَا مِن كُلِّ ٱلثَّمَرَٰتِ وَأَصَابَهُ ٱلْكِبَرُ وَلَهُۥ ذُرِّيَّةٌۭ ضُعَفَآءُ فَأَصَابَهَآ إِعْصَارٌۭ فِيهِ نَارٌۭ فَٱحْتَرَقَتْ ۗ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ ٱللَّهُ لَكُمُ ٱلْءَايَٰتِ لَعَلَّكُمْ تَتَفَكَّرُونَ

Would one of you like to have a garden of palm trees and grapevines underneath which rivers flow in which he has from every fruit? But he is afflicted with old age and has weak offspring, and it is hit by a whirlwind containing fire and is burned. Thus does Allah make clear to you [His] verses that you might give thought.

Pakaiibigin ba ng isa sa inyo na magkaroon siya ng isang pataniman na sa loob nito ay may datiles at ubas, na dumadaloy sa gitna nito ang mga tubig tabang, na nagkaroon siya sa loob nito ng lahat ng mga uri ng mga bungang kaaya-aya? Tumama sa may-ari nito ang katandaan kaya siya ay naging isang matandang hindi nakakakayang magtrabaho at kumita habang mayroon siyang mga anak na mahihina na hindi nakakakayang magtrabaho, at saka naman may tumama sa hardin na isang hanging matindi na sa loob nito ay may apoy na matindi kaya nasunog ang hardin sa kabuuan nito samantalang siya ay higit na nangangailangan doon dahil sa katandaan niya at kahinaan ng mga supling niya! Ang kalagayan ng gumugugol ng yaman niya bilang pakitang-tao ay tulad ng lalaking ito: dudulog ito kay Allāh sa Araw ng Pagkabuhay nang walang mga magandang gawa, sa sandaling siya ay higit na matindi sa pangangailangan sa mga ito. Tulad ng paglilinaw na ito naglilinaw si Allāh para sa inyo ng magpapakinabang sa inyo sa Mundo at Kabilang-buhay, nang sa gayon kayo ay mag-iisip-isip hinggil dito.

Al-Baqara 2:266Listen in Qur'an →
267

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓا۟ أَنفِقُوا۟ مِن طَيِّبَٰتِ مَا كَسَبْتُمْ وَمِمَّآ أَخْرَجْنَا لَكُم مِّنَ ٱلْأَرْضِ ۖ وَلَا تَيَمَّمُوا۟ ٱلْخَبِيثَ مِنْهُ تُنفِقُونَ وَلَسْتُم بِـَٔاخِذِيهِ إِلَّآ أَن تُغْمِضُوا۟ فِيهِ ۚ وَٱعْلَمُوٓا۟ أَنَّ ٱللَّهَ غَنِىٌّ حَمِيدٌ

O you who have believed, spend from the good things which you have earned and from that which We have produced for you from the earth. And do not aim toward the defective therefrom, spending [from that] while you would not take it [yourself] except with closed eyes. And know that Allah is Free of need and Praiseworthy.

O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, gumugol kayo mula sa yamang ipinahihintulot na kaaya-aya na kinamit ninyo at gumugol kayo mula sa mga pinalabas Namin para sa inyo mula sa halaman ng lupa. Huwag kayong maglayon ng masamang uri mula roon para gugulin ninyo, na samantalang kung sakaling ibinigay sa inyo ay hindi kayo tatanggap nito malibang kapag nagpikit-mata kayo rito, na mga napipilitan sa kasamaang-uri nito kaya papaanong malulugod kayo para kay Allāh sa hindi kayo malulugod para sa mga sarili ninyo? Alamin ninyo na si Allāh ay Walang-pangangailangan sa mga paggugol ninyo, pinupuri sa sarili Niya at mga gawa Niya.

Al-Baqara 2:267Listen in Qur'an →
268

ٱلشَّيْطَٰنُ يَعِدُكُمُ ٱلْفَقْرَ وَيَأْمُرُكُم بِٱلْفَحْشَآءِ ۖ وَٱللَّهُ يَعِدُكُم مَّغْفِرَةًۭ مِّنْهُ وَفَضْلًۭا ۗ وَٱللَّهُ وَٰسِعٌ عَلِيمٌۭ

Satan threatens you with poverty and orders you to immorality, while Allah promises you forgiveness from Him and bounty. And Allah is all-Encompassing and Knowing.

Ang demonyo ay nagpapangamba sa inyo ng karalitaan, nag-uudyok sa inyo ng karamutan, at nag-aanyaya sa inyo ng paggawa ng mga kasalanan at mga pagsuway samantalang si Allāh ay nangangako sa inyo ng isang malaking kapatawaran sa mga pagkakasala ninyo at isang malawak na panustos. Si Allāh ay Malawak ang kabutihang-loob, Maalam sa mga kalagayan ng mga lingkod Niya.

Al-Baqara 2:268Listen in Qur'an →
269

يُؤْتِى ٱلْحِكْمَةَ مَن يَشَآءُ ۚ وَمَن يُؤْتَ ٱلْحِكْمَةَ فَقَدْ أُوتِىَ خَيْرًۭا كَثِيرًۭا ۗ وَمَا يَذَّكَّرُ إِلَّآ أُو۟لُوا۟ ٱلْأَلْبَٰبِ

He gives wisdom to whom He wills, and whoever has been given wisdom has certainly been given much good. And none will remember except those of understanding.

Nagbibigay Siya ng katamaan sa sinasabi at katumpakan sa ginagawa sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Ang sinumang nabibigyan niyon ay nabigyan nga ng maraming kabutihan. Walang nagsasaalaala at napangangaralan ng mga tanda ni Allāh kundi ang mga may isip na lubos na nagpapatanglaw sa liwanag Niya at napapatnubayan ng patnubay Niya.

Al-Baqara 2:269Listen in Qur'an →
270

وَمَآ أَنفَقْتُم مِّن نَّفَقَةٍ أَوْ نَذَرْتُم مِّن نَّذْرٍۢ فَإِنَّ ٱللَّهَ يَعْلَمُهُۥ ۗ وَمَا لِلظَّٰلِمِينَ مِنْ أَنصَارٍ

And whatever you spend of expenditures or make of vows - indeed, Allah knows of it. And for the wrongdoers there are no helpers.

Ang anumang ginugol ninyo na guguling kaunti man o marami sa paghahangad ng kaluguran ni Allāh o pinanindigan ninyo na paggawa ng pagtalima para kay Allāh mula sa ganang sarili ninyo na hindi naman inaatang sa inyo, tunay na si Allāh ay nakaaalam niyon sa kabuuan niyon, kaya walang nawawala sa ganang Kanya na anuman doon. Gaganti Siya sa inyo dahil doon ng pinakamabigat na ganti. Walang ukol sa mga tagalabag sa katarungan, na mga pumipigil sa isinasatungkulin sa kanila, na mga lumalabag sa mga hangganan ni Allāh, na mga tagaadya na magtatanggol sa kanila sa pagdurusa sa Araw ng Pagbangon.

Al-Baqara 2:270Listen in Qur'an →

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.