Muslim99Muslim99
← Tafsir library

2. Al-Baqara

The Cow · Medinan · 286 ayahs

سُورَةُ البَقَرَةِ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 251–260 of 286

251

فَهَزَمُوهُم بِإِذْنِ ٱللَّهِ وَقَتَلَ دَاوُۥدُ جَالُوتَ وَءَاتَىٰهُ ٱللَّهُ ٱلْمُلْكَ وَٱلْحِكْمَةَ وَعَلَّمَهُۥ مِمَّا يَشَآءُ ۗ وَلَوْلَا دَفْعُ ٱللَّهِ ٱلنَّاسَ بَعْضَهُم بِبَعْضٍۢ لَّفَسَدَتِ ٱلْأَرْضُ وَلَٰكِنَّ ٱللَّهَ ذُو فَضْلٍ عَلَى ٱلْعَٰلَمِينَ

So they defeated them by permission of Allah, and David killed Goliath, and Allah gave him the kingship and prophethood and taught him from that which He willed. And if it were not for Allah checking [some] people by means of others, the earth would have been corrupted, but Allah is full of bounty to the worlds.

Kaya tinalo nila ang mga iyon ayon sa pahintulot ni Allāh. Pinatay ni David ang pinuno nilang si Goliat. Nagbigay rito si Allāh ng paghahari at pagkapropeta at nagturo Siya rito ng mula sa anumang niloloob Niya na mga uri ng mga kaalaman kaya nagtipon Siya para rito ng nakabubuti sa Mundo at Kabilang-buhay. Kung hindi dahil bahagi ng kalakaran ni Allāh na supilin sa pamamagitan ng iba sa mga tao ang kaguluhan ng iba sa kanila, talaga sanang nagulo ang lupa dahil sa paghahari-harian ng mga tagagulo rito, subalit si Allāh ay may kabutihang-loob sa lahat ng mga nilikha.

Al-Baqara 2:251Listen in Qur'an →
252

تِلْكَ ءَايَٰتُ ٱللَّهِ نَتْلُوهَا عَلَيْكَ بِٱلْحَقِّ ۚ وَإِنَّكَ لَمِنَ ٱلْمُرْسَلِينَ

These are the verses of Allah which We recite to you, [O Muhammad], in truth. And indeed, you are from among the messengers.

Iyon ay ang maliwanag na malinaw na mga tanda ni Allāh, na binibigkas ang mga iyon sa iyo, O Propeta, na naglalaman ng katapatan sa mga balita at ng katarungan sa mga kahatulan. Tunay na ikaw ay talagang kabilang sa mga isinugo mula sa Panginoon ng mga nilalang.

Al-Baqara 2:252Listen in Qur'an →
253

۞ تِلْكَ ٱلرُّسُلُ فَضَّلْنَا بَعْضَهُمْ عَلَىٰ بَعْضٍۢ ۘ مِّنْهُم مَّن كَلَّمَ ٱللَّهُ ۖ وَرَفَعَ بَعْضَهُمْ دَرَجَٰتٍۢ ۚ وَءَاتَيْنَا عِيسَى ٱبْنَ مَرْيَمَ ٱلْبَيِّنَٰتِ وَأَيَّدْنَٰهُ بِرُوحِ ٱلْقُدُسِ ۗ وَلَوْ شَآءَ ٱللَّهُ مَا ٱقْتَتَلَ ٱلَّذِينَ مِنۢ بَعْدِهِم مِّنۢ بَعْدِ مَا جَآءَتْهُمُ ٱلْبَيِّنَٰتُ وَلَٰكِنِ ٱخْتَلَفُوا۟ فَمِنْهُم مَّنْ ءَامَنَ وَمِنْهُم مَّن كَفَرَ ۚ وَلَوْ شَآءَ ٱللَّهُ مَا ٱقْتَتَلُوا۟ وَلَٰكِنَّ ٱللَّهَ يَفْعَلُ مَا يُرِيدُ

Those messengers - some of them We caused to exceed others. Among them were those to whom Allah spoke, and He raised some of them in degree. And We gave Jesus, the Son of Mary, clear proofs, and We supported him with the Pure Spirit. If Allah had willed, those [generations] succeeding them would not have fought each other after the clear proofs had come to them. But they differed, and some of them believed and some of them disbelieved. And if Allah had willed, they would not have fought each other, but Allah does what He intends.

Ang mga sugong iyon na binanggit Namin sa iyo ay nagtangi Kami sa iba sa kanila higit sa iba sa kanila sa pagkasi, mga tagasunod, at mga antas. Mayroon sa kanila na kinausap ni Allāh tulad ni Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. Mayroon sa kanila na inangat Niya sa ilang mga antas na mataas tulad ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – yayamang isinugo siya sa mga tao sa kabuuan nila, winakasan sa kanya ang pagkapropeta, at itinangi ang Kalipunan niya higit sa mga ibang kalipunan. Nagbigay kay Jesus na anak ni Maria ng mga himalang maliwanag na nagpapatunay sa pagkapropeta niya gaya ng pagbibigay-buhay sa mga patay at pagpapagaling sa ipinanganak na bulag at ketungin. Nag-alalay sa kanya sa pamamagitan ni Anghel Gabriel – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – bilang pagpapalakas sa kanya sa pagsasagawa sa utos ni Allāh – pagkataas-taas Siya. Kung sakaling niloob ni Allāh, hindi sana naglaban-laban ang mga dumating nang matapos ng [paglisan ng] mga sugo nang matapos na dumating sa kanila ang mga maliwanag na tanda; subalit nagkaiba-iba sila at nagkahati-hati sila sapagkat mayroon sa kanila na sumampalataya kay Allāh at mayroon sa kanila na tumangging sumampalataya sa Kanya. Kung sakaling niloob ni Allāh na hindi sila mag-away-away ay hindi sana sila nag-away-away; subalit si Allāh ay gumagawa ng anumang ninanais Niya sapagkat nagpapatnubay Siya sa sinumang niloloob Niya tungo sa pananampalataya sa pamamagitan ng awa Niya at kabutihang-loob Niya at nagpapaligaw Siya sa sinumang niloloob Niya sa pamamagitan ng katarungan Niya at karunungan Niya.

Al-Baqara 2:253Listen in Qur'an →
254

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓا۟ أَنفِقُوا۟ مِمَّا رَزَقْنَٰكُم مِّن قَبْلِ أَن يَأْتِىَ يَوْمٌۭ لَّا بَيْعٌۭ فِيهِ وَلَا خُلَّةٌۭ وَلَا شَفَٰعَةٌۭ ۗ وَٱلْكَٰفِرُونَ هُمُ ٱلظَّٰلِمُونَ

O you who have believed, spend from that which We have provided for you before there comes a Day in which there is no exchange and no friendship and no intercession. And the disbelievers - they are the wrongdoers.

O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, gumugol kayo mula sa itinustos Namin sa inyo na magkakaibang mga yaman na ipinahihintulot bago pa pumunta ang Araw ng Pagbangon, na sa sandaling iyon ay walang bilihan doon na kakamit mula rito ang tao ng pakikinabangan niya, ni pagkakaibigang pakikinabangan niya sa oras ng kagipitan, ni pagpapagitnang magtutulak ng isang pinsala o hahatak ng isang pakinabang malibang matapos na magpahintulot si Allāh sa sinumang niloloob Niya at kinalulugdan Niya. Ang mga tagatangging sumampalataya ay ang mga tagalabag sa katarungan sa totoo dahil sa kawalang-pananampalataya nila kay Allāh – pagkataas-taas Siya.

Al-Baqara 2:254Listen in Qur'an →
255

ٱللَّهُ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ ٱلْحَىُّ ٱلْقَيُّومُ ۚ لَا تَأْخُذُهُۥ سِنَةٌۭ وَلَا نَوْمٌۭ ۚ لَّهُۥ مَا فِى ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِى ٱلْأَرْضِ ۗ مَن ذَا ٱلَّذِى يَشْفَعُ عِندَهُۥٓ إِلَّا بِإِذْنِهِۦ ۚ يَعْلَمُ مَا بَيْنَ أَيْدِيهِمْ وَمَا خَلْفَهُمْ ۖ وَلَا يُحِيطُونَ بِشَىْءٍۢ مِّنْ عِلْمِهِۦٓ إِلَّا بِمَا شَآءَ ۚ وَسِعَ كُرْسِيُّهُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضَ ۖ وَلَا يَـُٔودُهُۥ حِفْظُهُمَا ۚ وَهُوَ ٱلْعَلِىُّ ٱلْعَظِيمُ

Allah - there is no deity except Him, the Ever-Living, the Sustainer of [all] existence. Neither drowsiness overtakes Him nor sleep. To Him belongs whatever is in the heavens and whatever is on the earth. Who is it that can intercede with Him except by His permission? He knows what is [presently] before them and what will be after them, and they encompass not a thing of His knowledge except for what He wills. His Kursi extends over the heavens and the earth, and their preservation tires Him not. And He is the Most High, the Most Great.

Si Allāh, na walang Diyos na sinasamba ayon sa karapatan kundi Siya lamang na walang iba pa sa Kanya, ay ang Buháy ayon sa buhay na lubos na walang kamatayan dito ni kakulangan, ang Mapagpanatili na nanatili sa pamamagitan ng sarili Niya kaya malaya Siya sa pangangailangan sa lahat ng nilikha Niya. Sa pamamagitan Niya nanatili ang lahat ng mga nilikha kaya hindi sila lumalaya sa pangangailangan sa Kanya sa lahat ng mga kalagayan nila. Hindi Siya nadadala ng antok ni ng pagkatulog dahil sa kalubusan ng buhay Niya at pagkamapagpanatili Niya. Ukol sa Kanya lamang ang paghahari sa anumang nasa mga langit at anumang nasa lupa. Hindi nakapangyayari ang isa man na mamamagitan sa harapan Niya para sa isa man malibang matapos ng pahintulot Niya at lugod Niya. Nakaaalam Siya sa anumang nagdaan na mga nauukol sa mga nilikha kabilang sa anumang magaganap, at anumang hinaharap nila kabilang sa anumang hindi pa naganap. Hindi sila pumapaligid sa anuman mula sa kaalaman Niya – pagkataas-taas Siya – malibang ayon sa anumang niloob Niya na ipabatid sa kanila. Sumaklaw ang luklukan Niya – ang lalagyan ng mga paa ng Panginoon – sa mga langit at lupa sa kabila ng lawak ng mga ito at laki ng mga ito. Hindi nakabibigat sa Kanya o nagpapahirap sa Kanya ang pangangalaga sa mga ito. Siya ay ang Mataas sa sarili Niya, kapangyarihan Niya, at pananaig Niya, ang Sukdulan sa paghahari Niya at kapamahalaan Niya.

Al-Baqara 2:255Listen in Qur'an →
256

لَآ إِكْرَاهَ فِى ٱلدِّينِ ۖ قَد تَّبَيَّنَ ٱلرُّشْدُ مِنَ ٱلْغَىِّ ۚ فَمَن يَكْفُرْ بِٱلطَّٰغُوتِ وَيُؤْمِنۢ بِٱللَّهِ فَقَدِ ٱسْتَمْسَكَ بِٱلْعُرْوَةِ ٱلْوُثْقَىٰ لَا ٱنفِصَامَ لَهَا ۗ وَٱللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٌ

There shall be no compulsion in [acceptance of] the religion. The right course has become clear from the wrong. So whoever disbelieves in Taghut and believes in Allah has grasped the most trustworthy handhold with no break in it. And Allah is Hearing and Knowing.

Walang pamimilit sa isa man sa pagpasok sa relihiyong Islām dahil ito ang relihiyong totoong malinaw kaya walang pangangailangan dito sa pamimilit sa isa man para rito. Tumampok nga ang pagkagabay sa pagkaligaw. Kaya ang sinumang tumatangging sumampalataya sa bawat anumang sinasambang iba pa kay Allāh, nagpapawalang-kaugnayan doon, at sumasampalataya kay Allāh lamang ay nakakapit nga sa relihiyon sa pamamagitan ng pinakamalakas na lubid na hindi malalagot para sa kaligtasan sa Araw ng Pagbangon. Si Allāh ay Madinigin sa mga sinasabi ng mga lingkod Niya, Maalam sa mga ginagawa nila. Gaganti Siya sa kanila sa mga ito.

Al-Baqara 2:256Listen in Qur'an →
257

ٱللَّهُ وَلِىُّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ يُخْرِجُهُم مِّنَ ٱلظُّلُمَٰتِ إِلَى ٱلنُّورِ ۖ وَٱلَّذِينَ كَفَرُوٓا۟ أَوْلِيَآؤُهُمُ ٱلطَّٰغُوتُ يُخْرِجُونَهُم مِّنَ ٱلنُّورِ إِلَى ٱلظُّلُمَٰتِ ۗ أُو۟لَٰٓئِكَ أَصْحَٰبُ ٱلنَّارِ ۖ هُمْ فِيهَا خَٰلِدُونَ

Allah is the ally of those who believe. He brings them out from darknesses into the light. And those who disbelieve - their allies are Taghut. They take them out of the light into darknesses. Those are the companions of the Fire; they will abide eternally therein.

Si Allāh ay tumatangkilik sa mga sumampalataya sa Kanya: nagtutuon sa kanila, nag-aadya sa kanila, at nagpapalabas sa kanila mula sa mga kadiliman ng kawalang-pananampalataya at kamangmangan tungo sa liwanag ng pananampalataya at kaalaman. Ang mga tumangging sumampalataya, ang mga katangkilik nila ay ang mga kaagaw [kay Allāh] at ang mga anito, na nagpaganda para sa kanila ng kawalang-pananampalataya kaya nagpalabas ang mga ito sa kanila mula sa liwanag ng pananampalataya at kaalaman tungo sa mga kadiliman ng kawalang-pananampalataya at kamangmangan. Ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy; sila ay doon mga mamamalagi magpakailanman.

Al-Baqara 2:257Listen in Qur'an →
258

أَلَمْ تَرَ إِلَى ٱلَّذِى حَآجَّ إِبْرَٰهِۦمَ فِى رَبِّهِۦٓ أَنْ ءَاتَىٰهُ ٱللَّهُ ٱلْمُلْكَ إِذْ قَالَ إِبْرَٰهِۦمُ رَبِّىَ ٱلَّذِى يُحْىِۦ وَيُمِيتُ قَالَ أَنَا۠ أُحْىِۦ وَأُمِيتُ ۖ قَالَ إِبْرَٰهِۦمُ فَإِنَّ ٱللَّهَ يَأْتِى بِٱلشَّمْسِ مِنَ ٱلْمَشْرِقِ فَأْتِ بِهَا مِنَ ٱلْمَغْرِبِ فَبُهِتَ ٱلَّذِى كَفَرَ ۗ وَٱللَّهُ لَا يَهْدِى ٱلْقَوْمَ ٱلظَّٰلِمِينَ

Have you not considered the one who argued with Abraham about his Lord [merely] because Allah had given him kingship? When Abraham said, "My Lord is the one who gives life and causes death," he said, "I give life and cause death." Abraham said, "Indeed, Allah brings up the sun from the east, so bring it up from the west." So the disbeliever was overwhelmed [by astonishment], and Allah does not guide the wrongdoing people.

Nakaalam ka ba, O Propeta, ng higit na kataka-taka kaysa sa kapangahasan ng maniniil na nakipagtalo kay Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – hinggil sa pagkapanginoon ni Allāh at paniniwala sa kaisahan Niya? Naganap nga sa kanya iyon dahil si Allāh ay nagbigay sa kanya ng paghahari kaya nagmalabis siya. Nilinaw sa kanya ni Abraham ang mga katangian ng Panginoon nito, na nagsasabi: "Ang Panginoon ko ay ang nagbibigay-buhay sa mga nilikha at nagbibigay-kamatayan sa mga ito." Nagsabi ang maniniil bilang pagmamatigas: "Ako ay nagbibigay-buhay at nagbibigay-kamatayan sa pamamagitan ng pagpatay ko sa sinumang niloloob ko at pagpapaumanhin ko sa sinumang niloloob ko." Kaya nagdala sa kanya si Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ng isa pang katwirang higit na mabigat. Nagsabi ito sa kanya: "Tunay na ang Panginoon kong sinasamba ko ay nagpaparating sa araw mula sa dakong silangan kaya magparating ka nito mula sa dakong kanluran." Kaya walang nangyari sa maniniil kundi nalito siya, kinapos siya ng katwiran, at nadaig siya dahil sa lakas ng katwiran. Si Allāh ay hindi nagtutuon sa mga tagalabag sa katarungan para sa pagtahak sa landas Niya dahil sa kawalang-katarungan nila at pagmamalabis nila.

Al-Baqara 2:258Listen in Qur'an →
259

أَوْ كَٱلَّذِى مَرَّ عَلَىٰ قَرْيَةٍۢ وَهِىَ خَاوِيَةٌ عَلَىٰ عُرُوشِهَا قَالَ أَنَّىٰ يُحْىِۦ هَٰذِهِ ٱللَّهُ بَعْدَ مَوْتِهَا ۖ فَأَمَاتَهُ ٱللَّهُ مِا۟ئَةَ عَامٍۢ ثُمَّ بَعَثَهُۥ ۖ قَالَ كَمْ لَبِثْتَ ۖ قَالَ لَبِثْتُ يَوْمًا أَوْ بَعْضَ يَوْمٍۢ ۖ قَالَ بَل لَّبِثْتَ مِا۟ئَةَ عَامٍۢ فَٱنظُرْ إِلَىٰ طَعَامِكَ وَشَرَابِكَ لَمْ يَتَسَنَّهْ ۖ وَٱنظُرْ إِلَىٰ حِمَارِكَ وَلِنَجْعَلَكَ ءَايَةًۭ لِّلنَّاسِ ۖ وَٱنظُرْ إِلَى ٱلْعِظَامِ كَيْفَ نُنشِزُهَا ثُمَّ نَكْسُوهَا لَحْمًۭا ۚ فَلَمَّا تَبَيَّنَ لَهُۥ قَالَ أَعْلَمُ أَنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَىْءٍۢ قَدِيرٌۭ

Or [consider such an example] as the one who passed by a township which had fallen into ruin. He said, "How will Allah bring this to life after its death?" So Allah caused him to die for a hundred years; then He revived him. He said, "How long have you remained?" The man said, "I have remained a day or part of a day." He said, "Rather, you have remained one hundred years. Look at your food and your drink; it has not changed with time. And look at your donkey; and We will make you a sign for the people. And look at the bones [of this donkey] - how We raise them and then We cover them with flesh." And when it became clear to him, he said, "I know that Allah is over all things competent."

O nakakita ka ba ng tulad sa naparaan sa isang pamayanang bumagsak ang mga bubong niyon, gumuho ang mga dingding niyon, at nalipol ang mga naninirahan doon kaya naging mapanglaw at walang tao? Nagsabi ang lalaking ito habang nagtataka: "Papaanong magbibigay-buhay si Allāh sa mga nanirahan sa pamayanang ito mula ng matapos ng kamatayan nito?" Kaya nagbigay-kamatayan dito si Allāh sa yugtong isandaang taon. Pagkatapos nagbigay-buhay Siya rito at nagtanong rito. Nagsabi naman Siya rito: "Gaano katagal ka namalaging patay?" Nagsabi ito habang sumasagot: "Namalagi ako sa yugtong isang araw o isang bahagi ng isang araw." Nagsabi Siya rito: "Bagkus namalagi ka ng isandaang taon. Tumingin ka sa dating dala mong pagkain at inumin sapagkat hayan: nananatili sa kalagayan niyan na hindi nagbago gayong kay bilis na dumadapo ang pagbabago sa pagkain at inumin. Tumingin ka sa asno mong patay, at upang gawin ka Naming isang palatandaang malinaw para sa mga tao, na nagpapatunay sa kapangyarihan Namin sa pagbuhay sa kanila.Tumingin ka sa mga buto ng asno mong nagkahiwa-hiwalay at nagkalayu-layo kung papaanong mag-aangat Kami sa mga ito at magsasama Kami sa bahagi ng mga ito sa ibang bahagi, pagkatapos magbabalot Kami sa mga ito matapos niyon ng laman at magpapanumbalik Kami rito ng buhay." Kaya noong nakita nito iyon ay luminaw rito ang reyalidad ng usapin at nalaman nito ang kapangyarihan ni Allāh kaya nagsabi ito habang umaamin niyon: "Nalalaman ko na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan."

Al-Baqara 2:259Listen in Qur'an →
260

وَإِذْ قَالَ إِبْرَٰهِۦمُ رَبِّ أَرِنِى كَيْفَ تُحْىِ ٱلْمَوْتَىٰ ۖ قَالَ أَوَلَمْ تُؤْمِن ۖ قَالَ بَلَىٰ وَلَٰكِن لِّيَطْمَئِنَّ قَلْبِى ۖ قَالَ فَخُذْ أَرْبَعَةًۭ مِّنَ ٱلطَّيْرِ فَصُرْهُنَّ إِلَيْكَ ثُمَّ ٱجْعَلْ عَلَىٰ كُلِّ جَبَلٍۢ مِّنْهُنَّ جُزْءًۭا ثُمَّ ٱدْعُهُنَّ يَأْتِينَكَ سَعْيًۭا ۚ وَٱعْلَمْ أَنَّ ٱللَّهَ عَزِيزٌ حَكِيمٌۭ

And [mention] when Abraham said, "My Lord, show me how You give life to the dead." [Allah] said, "Have you not believed?" He said, "Yes, but [I ask] only that my heart may be satisfied." [Allah] said, "Take four birds and commit them to yourself. Then [after slaughtering them] put on each hill a portion of them; then call them - they will come [flying] to you in haste. And know that Allah is Exalted in Might and Wise."

Banggitin mo, O Propeta, nang nagsabi si Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "O Panginoon ko ipakita Mo sa akin sa paningin ko kung papaano nangyayari ang pagbibigay-buhay sa mga patay?" Nagsabi rito si Allāh: "At hindi ka ba sumasampalataya sa bagay na ito?" Nagsabi si Abraham: "Opo, sumampalataya nga ako; subalit bilang karagdagan sa kapanatagan ng puso ko." Kaya nag-utos dito si Allāh at nagsabi rito: "Kumuha ka ng apat na ibon; kumalap ka sa mga ito sa iyo at pagputul-putulin mo. Pagkatapos maglagay ka sa bawat isa sa mga burol na nasa paligid mo ng isang bahagi mula sa mga ito. Pagkatapos tumawag ka sa mga ito, pupunta sa iyo ang mga ito nang agaran habang mga nagmamadali; nanumbalik nga sa mga ito ang buhay. Alamin mo, O Abraham, na si Allāh ay Makapangyarihan sa paghahari Niya, Marunong sa utos Niya, batas Niya, at paglikha Niya.

Al-Baqara 2:260Listen in Qur'an →

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.