Muslim99Muslim99
← Tafsir library

2. Al-Baqara

The Cow · Medinan · 286 ayahs

سُورَةُ البَقَرَةِ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 241–250 of 286

241

وَلِلْمُطَلَّقَٰتِ مَتَٰعٌۢ بِٱلْمَعْرُوفِ ۖ حَقًّا عَلَى ٱلْمُتَّقِينَ

And for divorced women is a provision according to what is acceptable - a duty upon the righteous.

Ukol sa mga babaing diniborsiyo ay isang sustento na tatamasain nila gaya ng pananamit o salapi o iba pa roon bilang pag-aaliw sa mga damdamin nilang nawasak dahil sa diborsiyo at sang-ayon sa nakabubuti na pagsasaalang-alang sa kalagayan ng asawa ayon sa kasalatan at kasaganaan. Ang kahatulang ito ay tungkuling napagtibay sa mga tagapangilag magkasala kay Allāh – pagkataas-taas Siya – sa pamamagitan ng pagsunod sa ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa sinasaway Niya.

Al-Baqara 2:241Listen in Qur'an →
242

كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ ٱللَّهُ لَكُمْ ءَايَٰتِهِۦ لَعَلَّكُمْ تَعْقِلُونَ

Thus does Allah make clear to you His verses that you might use reason.

Tulad ng naunang paglilinaw na iyon, naglilinaw si Allāh para sa inyo, O mga mananampalataya, ng mga tanda Niyang sumasaklaw sa mga hangganan Niya at mga kahatulan Niya, nang sa gayon kayo ay makapag-uunawa sa mga ito at makaalam sa mga ito kaya naman magkakamit kayo ng mabuti sa Mundo at Kabilang-buhay.

Al-Baqara 2:242Listen in Qur'an →
243

۞ أَلَمْ تَرَ إِلَى ٱلَّذِينَ خَرَجُوا۟ مِن دِيَٰرِهِمْ وَهُمْ أُلُوفٌ حَذَرَ ٱلْمَوْتِ فَقَالَ لَهُمُ ٱللَّهُ مُوتُوا۟ ثُمَّ أَحْيَٰهُمْ ۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَذُو فَضْلٍ عَلَى ٱلنَّاسِ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَشْكُرُونَ

Have you not considered those who left their homes in many thousands, fearing death? Allah said to them, "Die"; then He restored them to life. And Allah is full of bounty to the people, but most of the people do not show gratitude.

Hindi ba nakaabot sa kaalaman mo, O Propeta, ang balita sa mga lumisan mula sa mga bahay nila habang sila ay pagkadami-dami dala ng pangamba sa kamatayan dahilan sa epidemya o iba pa rito? Sila ay isang pangkat kabilang sa mga anak ni Israel. Nagsabi sa kanila si Allāh: "Mamatay kayo," at namatay naman sila. Pagkatapos nagpanumbalik Siya sa kanila sa pagiging mga buhay upang maglinaw Siya sa kanila na ang kapakanan sa kabuuan nito ay nasa kamay Niya – kaluwalhatian sa Kanya – at na sila ay hindi nakapagdudulot para sa mga sarili nila ng pakinabang ni pinsala. Tunay na si Allāh ay talagang may bigay at kabutihang-loob sa mga tao subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nagpapasalamat kay Allāh sa mga biyaya Niya.

Al-Baqara 2:243Listen in Qur'an →
244

وَقَٰتِلُوا۟ فِى سَبِيلِ ٱللَّهِ وَٱعْلَمُوٓا۟ أَنَّ ٱللَّهَ سَمِيعٌ عَلِيمٌۭ

And fight in the cause of Allah and know that Allah is Hearing and Knowing.

Makipaglaban kayo, O mga mananampalataya, sa mga kaaway ni Allāh bilang pag-aadya sa Relihiyon Niya at bilang pag-aangat sa Salita Niya. Alamin ninyo na si Allāh ay Madinigin sa mga sabi ninyo, Maalam sa mga layunin ninyo at mga gawa ninyo. Gaganti Siya sa inyo sa mga ito.

Al-Baqara 2:244Listen in Qur'an →
245

مَّن ذَا ٱلَّذِى يُقْرِضُ ٱللَّهَ قَرْضًا حَسَنًۭا فَيُضَٰعِفَهُۥ لَهُۥٓ أَضْعَافًۭا كَثِيرَةًۭ ۚ وَٱللَّهُ يَقْبِضُ وَيَبْصُۜطُ وَإِلَيْهِ تُرْجَعُونَ

Who is it that would loan Allah a goodly loan so He may multiply it for him many times over? And it is Allah who withholds and grants abundance, and to Him you will be returned.

Sino itong gagawa ng gawain ng tagapautang para gumugol ng yaman niya sa landas ni Allāh nang may isang magandang layunin at may isang kaluluwang kaaya-aya upang manumbalik sa kanya ng maraming ulit. Si Allāh ay nagpapasalat sa panustos, kalusugan, at iba pa, at nagpapasagana roon sa kabuuan nito sa pamamagitan ng karunungan Niya at katarungan Niya. Tungo sa Kanya lamang pababalikin kayo sa Kabilang-buhay para gumanti Siya sa inyo sa mga gawa ninyo.

Al-Baqara 2:245Listen in Qur'an →
246

أَلَمْ تَرَ إِلَى ٱلْمَلَإِ مِنۢ بَنِىٓ إِسْرَٰٓءِيلَ مِنۢ بَعْدِ مُوسَىٰٓ إِذْ قَالُوا۟ لِنَبِىٍّۢ لَّهُمُ ٱبْعَثْ لَنَا مَلِكًۭا نُّقَٰتِلْ فِى سَبِيلِ ٱللَّهِ ۖ قَالَ هَلْ عَسَيْتُمْ إِن كُتِبَ عَلَيْكُمُ ٱلْقِتَالُ أَلَّا تُقَٰتِلُوا۟ ۖ قَالُوا۟ وَمَا لَنَآ أَلَّا نُقَٰتِلَ فِى سَبِيلِ ٱللَّهِ وَقَدْ أُخْرِجْنَا مِن دِيَٰرِنَا وَأَبْنَآئِنَا ۖ فَلَمَّا كُتِبَ عَلَيْهِمُ ٱلْقِتَالُ تَوَلَّوْا۟ إِلَّا قَلِيلًۭا مِّنْهُمْ ۗ وَٱللَّهُ عَلِيمٌۢ بِٱلظَّٰلِمِينَ

Have you not considered the assembly of the Children of Israel after [the time of] Moses when they said to a prophet of theirs, "Send to us a king, and we will fight in the way of Allah "? He said, "Would you perhaps refrain from fighting if fighting was prescribed for you?" They said, "And why should we not fight in the cause of Allah when we have been driven out from our homes and from our children?" But when fighting was prescribed for them, they turned away, except for a few of them. And Allah is Knowing of the wrongdoers.

Hindi ba nakaabot sa kaalaman mo, O Propeta, ang balita sa mga maharlika mula sa mga anak ni Israel matapos ng panahon ni Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – nang nagsabi sila sa isang propeta para sa kanila: "Magluklok ka para sa amin ng isang hari, makikipaglaban kami kasama sa kanya sa landas ni Allāh." Kaya nagsabi sa kanila ang propeta nila: "Marahil kayo, kung nagsatungkulin si Allāh sa inyo ang pakikipaglaban, ay hindi makikipaglaban sa landas ni Allāh!" Nagsabi sila habang mga nagmamasama sa pagpapalagay niya sa kanila: "May aling tagapigil na pipigil sa amin sa pakikipaglaban ayon sa landas ni Allāh kasabay ng pagkakaroon ng humihiling niyon sa amin sapagkat nagpalayas nga sa amin ang mga kaaway namin mula sa mga bayan namin at bumihag sila sa mga anak namin? Kaya makikipaglaban kami para sa pagbawi ng mga bayan namin at pagliligtas sa mga bihag sa amin." Ngunit noong nagsatungkulin si Allāh sa kanila ng pakikipaglaban ay umayaw sila yamang hindi sila tumupad sa ipinangako nila maliban sa kakaunti sa kanila. Si Allāh ay Maalam sa mga tagalabag sa katarungan, na mga umaayaw sa utos Niya, na mga kumakalas sa tipan sa Kanya. Gaganti Siya sa kanila roon.

Al-Baqara 2:246Listen in Qur'an →
247

وَقَالَ لَهُمْ نَبِيُّهُمْ إِنَّ ٱللَّهَ قَدْ بَعَثَ لَكُمْ طَالُوتَ مَلِكًۭا ۚ قَالُوٓا۟ أَنَّىٰ يَكُونُ لَهُ ٱلْمُلْكُ عَلَيْنَا وَنَحْنُ أَحَقُّ بِٱلْمُلْكِ مِنْهُ وَلَمْ يُؤْتَ سَعَةًۭ مِّنَ ٱلْمَالِ ۚ قَالَ إِنَّ ٱللَّهَ ٱصْطَفَىٰهُ عَلَيْكُمْ وَزَادَهُۥ بَسْطَةًۭ فِى ٱلْعِلْمِ وَٱلْجِسْمِ ۖ وَٱللَّهُ يُؤْتِى مُلْكَهُۥ مَن يَشَآءُ ۚ وَٱللَّهُ وَٰسِعٌ عَلِيمٌۭ

And their prophet said to them, "Indeed, Allah has sent to you Saul as a king." They said, "How can he have kingship over us while we are more worthy of kingship than him and he has not been given any measure of wealth?" He said, "Indeed, Allah has chosen him over you and has increased him abundantly in knowledge and stature. And Allah gives His sovereignty to whom He wills. And Allah is all-Encompassing [in favor] and Knowing."

Nagsabi sa kanila ang propeta nila: "Tunay na si Allāh ay nagluklok para sa inyo kay Saul bilang hari sa inyo upang makipaglaban kayo sa ilalim ng watawat niya." Nagsabi ang mga maharlika nila habang mga nagmamasama sa pagpiling ito at habang mga tumututol sa kanya: "Papaanong magiging ukol sa kanya ang paghahari sa amin samantalang kami ay higit na nararapat sa paghahari kaysa sa kanya yayamang hindi siya naging kabilang sa mga anak ng mga hari at hindi siya nabigyan ng masaganang yamang ipantutulong niya sa paghahari?" Nagsabi sa kanila ang propeta nila: "Tunay na si Allāh ay pumili sa kanya higit sa inyo at nagdagdag sa kanya higit sa inyo ng isang lawak sa kaalaman at lakas sa katawan. Si Allāh ay nagbibigay ng paghahari Niya sa sinumang niloloob Niya ayon sa karunungan Niya at awa Niya. Si Allāh ay Malawak ang kabutihang-loob: nagbibigay Siya sa sinumang niloloob Niya, Maalam sa kaninumang nagiging karapat-dapat doon kabilang sa nilikha Niya."

Al-Baqara 2:247Listen in Qur'an →
248

وَقَالَ لَهُمْ نَبِيُّهُمْ إِنَّ ءَايَةَ مُلْكِهِۦٓ أَن يَأْتِيَكُمُ ٱلتَّابُوتُ فِيهِ سَكِينَةٌۭ مِّن رَّبِّكُمْ وَبَقِيَّةٌۭ مِّمَّا تَرَكَ ءَالُ مُوسَىٰ وَءَالُ هَٰرُونَ تَحْمِلُهُ ٱلْمَلَٰٓئِكَةُ ۚ إِنَّ فِى ذَٰلِكَ لَءَايَةًۭ لَّكُمْ إِن كُنتُم مُّؤْمِنِينَ

And their prophet said to them, "Indeed, a sign of his kingship is that the chest will come to you in which is assurance from your Lord and a remnant of what the family of Moses and the family of Aaron had left, carried by the angels. Indeed in that is a sign for you, if you are believers."

Nagsabi sa kanila ang propeta nila: "Tunay na ang palatandaan ng katapatan ng pagkapili sa kanya bilang hari sa inyo ay na isasauli ni Allāh sa inyo ang kaban" – ito noon ay isang kahon na dinadakila ng mga anak ni Israel na kinuha mula sa kanila – "na sa loob nito ay may kapanatagang sumasama rito at sa loob nito ay mga labi mula sa naiwan ng angkan ni Moises at angkan ni Aaron, tulad ng tungkod at bahagi ng mga tapyas na bato." Tunay na sa gayon ay talagang may palatandaang malinaw para sa inyo, kung kayo ay mga mananampalataya sa totoo.

Al-Baqara 2:248Listen in Qur'an →
249

فَلَمَّا فَصَلَ طَالُوتُ بِٱلْجُنُودِ قَالَ إِنَّ ٱللَّهَ مُبْتَلِيكُم بِنَهَرٍۢ فَمَن شَرِبَ مِنْهُ فَلَيْسَ مِنِّى وَمَن لَّمْ يَطْعَمْهُ فَإِنَّهُۥ مِنِّىٓ إِلَّا مَنِ ٱغْتَرَفَ غُرْفَةًۢ بِيَدِهِۦ ۚ فَشَرِبُوا۟ مِنْهُ إِلَّا قَلِيلًۭا مِّنْهُمْ ۚ فَلَمَّا جَاوَزَهُۥ هُوَ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ مَعَهُۥ قَالُوا۟ لَا طَاقَةَ لَنَا ٱلْيَوْمَ بِجَالُوتَ وَجُنُودِهِۦ ۚ قَالَ ٱلَّذِينَ يَظُنُّونَ أَنَّهُم مُّلَٰقُوا۟ ٱللَّهِ كَم مِّن فِئَةٍۢ قَلِيلَةٍ غَلَبَتْ فِئَةًۭ كَثِيرَةًۢ بِإِذْنِ ٱللَّهِ ۗ وَٱللَّهُ مَعَ ٱلصَّٰبِرِينَ

And when Saul went forth with the soldiers, he said, "Indeed, Allah will be testing you with a river. So whoever drinks from it is not of me, and whoever does not taste it is indeed of me, excepting one who takes [from it] in the hollow of his hand." But they drank from it, except a [very] few of them. Then when he had crossed it along with those who believed with him, they said, "There is no power for us today against Goliath and his soldiers." But those who were certain that they would meet Allah said, "How many a small company has overcome a large company by permission of Allah. And Allah is with the patient."

Kaya noong lumisan si Saul kasama ng mga hukbo palayo sa bayan ay nagsabi siya sa kanila: "Tunay na si Allāh ay susubok sa inyo sa isang ilog. Kaya ang sinumang uminom mula roon ay hindi siya nasa pamamaraan ko at huwag siyang sumama sa akin sa isang pakikipaglaban. Ang sinumang hindi uminom mula roon ay tunay na siya ay nasa pamamaraan ko at sasama siya sa akin sa pakikipaglaban, maliban sa napilitan at uminom ng isang sukat ng isang salok ng palad ng kamay niya sapagkat walang anuman sa kanya." Ngunit uminom ang mga hukbo maliban sa kakaunti kabilang sa kanila na nagtiis sa hindi pag-inom sa kabila ng tindi ng uhaw. Kaya noong nakalampas si Saul at ang mga sumampalataya kasama sa kanya ay nagsabi ang ilan sa mga hukbo niya: "Walang kakayahan ukol sa atin ngayong araw laban kay Goliat at sa mga hukbo nito." Sa sandaling iyon ay nagsabi ang mga nakatitiyak na sila ay makikipagkita kay Allāh sa Araw ng Pagbangon: "Kay raming pangkat na mananampalataya na maliit ang bilang na dumaig sa pangkat na tagatangging sumampalataya na malaki ang bilang, ayon sa pahintulot ni Allāh at tulong Niya sapagkat ang isinasaalang-alang sa pagwawagi ay dahil sa pananampalataya hindi dahil sa dami. Si Allāh ay kasama sa mga nagtitiis kabilang sa mga lingkod Niya: umaalalay Siya sa kanila at nag-aadya Siya sa kanila.

Al-Baqara 2:249Listen in Qur'an →
250

وَلَمَّا بَرَزُوا۟ لِجَالُوتَ وَجُنُودِهِۦ قَالُوا۟ رَبَّنَآ أَفْرِغْ عَلَيْنَا صَبْرًۭا وَثَبِّتْ أَقْدَامَنَا وَٱنصُرْنَا عَلَى ٱلْقَوْمِ ٱلْكَٰفِرِينَ

And when they went forth to [face] Goliath and his soldiers, they said, "Our Lord, pour upon us patience and plant firmly our feet and give us victory over the disbelieving people."

Nang lumisan sila, habang mga lumalantad kina Goliat at mga hukbo nito, ay nagtuon sila kay Allāh ng panalangin, na mga nagsasabi: "Panginoon namin, magbuhos Ka sa mga puso namin ng pagtitiis, magpatatag Ka ng mga paa namin upang hindi kami tumakas at hindi kami matalo sa harapan ng kaaway namin, at mag-adya Ka sa amin sa pamamagitan ng lakas Mo at pag-alalay Mo laban sa mga taong tagatangging sumampalataya."

Al-Baqara 2:250Listen in Qur'an →

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.