Muslim99Muslim99
← Tafsir library

2. Al-Baqara

The Cow · Medinan · 286 ayahs

سُورَةُ البَقَرَةِ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 231–240 of 286

231

وَإِذَا طَلَّقْتُمُ ٱلنِّسَآءَ فَبَلَغْنَ أَجَلَهُنَّ فَأَمْسِكُوهُنَّ بِمَعْرُوفٍ أَوْ سَرِّحُوهُنَّ بِمَعْرُوفٍۢ ۚ وَلَا تُمْسِكُوهُنَّ ضِرَارًۭا لِّتَعْتَدُوا۟ ۚ وَمَن يَفْعَلْ ذَٰلِكَ فَقَدْ ظَلَمَ نَفْسَهُۥ ۚ وَلَا تَتَّخِذُوٓا۟ ءَايَٰتِ ٱللَّهِ هُزُوًۭا ۚ وَٱذْكُرُوا۟ نِعْمَتَ ٱللَّهِ عَلَيْكُمْ وَمَآ أَنزَلَ عَلَيْكُم مِّنَ ٱلْكِتَٰبِ وَٱلْحِكْمَةِ يَعِظُكُم بِهِۦ ۚ وَٱتَّقُوا۟ ٱللَّهَ وَٱعْلَمُوٓا۟ أَنَّ ٱللَّهَ بِكُلِّ شَىْءٍ عَلِيمٌۭ

And when you divorce women and they have [nearly] fulfilled their term, either retain them according to acceptable terms or release them according to acceptable terms, and do not keep them, intending harm, to transgress [against them]. And whoever does that has certainly wronged himself. And do not take the verses of Allah in jest. And remember the favor of Allah upon you and what has been revealed to you of the Book and wisdom by which He instructs you. And fear Allah and know that Allah is Knowing of all things.

Kapag nagdiborsiyo kayo ng mga maybahay ninyo at nalapit sila sa pagwawakas ng `iddah nila, nasasainyo na makipagbalikan kayo sa kanila o umiwan kayo sila ayon sa nakabubuti nang walang pagbalik hanggang sa matapos ang `iddah nila. Huwag kayong makipagbalikan sa kanila alang-alang sa paglabag sa kanila at pamiminsala sa kanila gaya ng ginagawa noon sa Panahon ng Kamangmangan. Ang sinumang gumagawa niyon nang may layon ng pamiminsala sa kanila ay lumabag nga sa katarungan sa sarili niya sa pamamagitan ng pagsalang nito sa kasalanan at kaparusahan. Huwag kayong gumawa sa mga tanda ni Allāh bilang tampulan ng pangungutya sa pamamagitan ng paglalaru-laro sa mga ito at paglalakas-loob laban sa mga ito. Umalaala kayo sa mga biyaya ni Allāh sa inyo. Kabilang sa pinakadakila sa mga ito ang pinababa Niya sa inyo na Qur'ān at Sunnah, na nagpapaalaala Siya sa inyo sa pamamagitan nito bilang pagpapaibig para sa inyo at pagpapasindak. Mangamba kayo kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Alamin ninyo na si Allāh sa bawat bagay ay Maalam kaya walang nakakukubli sa Kanya na anuman. Gaganti Siya sa inyo dahil sa mga gawa ninyo.

Al-Baqara 2:231Listen in Qur'an →
232

وَإِذَا طَلَّقْتُمُ ٱلنِّسَآءَ فَبَلَغْنَ أَجَلَهُنَّ فَلَا تَعْضُلُوهُنَّ أَن يَنكِحْنَ أَزْوَٰجَهُنَّ إِذَا تَرَٰضَوْا۟ بَيْنَهُم بِٱلْمَعْرُوفِ ۗ ذَٰلِكَ يُوعَظُ بِهِۦ مَن كَانَ مِنكُمْ يُؤْمِنُ بِٱللَّهِ وَٱلْيَوْمِ ٱلْءَاخِرِ ۗ ذَٰلِكُمْ أَزْكَىٰ لَكُمْ وَأَطْهَرُ ۗ وَٱللَّهُ يَعْلَمُ وَأَنتُمْ لَا تَعْلَمُونَ

And when you divorce women and they have fulfilled their term, do not prevent them from remarrying their [former] husbands if they agree among themselves on an acceptable basis. That is instructed to whoever of you believes in Allah and the Last Day. That is better for you and purer, and Allah knows and you know not.

Kapag nagdiborsiyo kayo ng mga maybahay ninyo nang kulang sa tatlong pagdidiborsiyo at nagwakas ang `iddah nila, huwag kayong pumigil sa kanila, O mga tagatangkilik, sa sandaling iyon sa panunumbalik sa mga [dating] asawa nila sa pamamagitan ng pagsasagawa ng isang kontrata at isang bagong kasal kapag naibigan nila iyon at nagkaluguran sila ng mga dating asawa nila roon. Ang kahatulang iyon na naglalaman ng pagsaway sa pagpigil sa kanila ay napaalalahanan sa pamamagitan nito ang sinumang kabilang sa inyo na sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw. Iyon ay higit na marami sa paglago para sa kabutihan sa inyo at higit na matindi sa kadalisayan para sa mga dangal ninyo at mga gawa ninyo mula sa mga karumihan. Si Allāh ay nakaaalam sa mga reyalidad ng mga bagay-bagay at mga kahihinatnan ng mga ito samantalang kayo ay hindi nakaaalam niyon.

Al-Baqara 2:232Listen in Qur'an →
233

۞ وَٱلْوَٰلِدَٰتُ يُرْضِعْنَ أَوْلَٰدَهُنَّ حَوْلَيْنِ كَامِلَيْنِ ۖ لِمَنْ أَرَادَ أَن يُتِمَّ ٱلرَّضَاعَةَ ۚ وَعَلَى ٱلْمَوْلُودِ لَهُۥ رِزْقُهُنَّ وَكِسْوَتُهُنَّ بِٱلْمَعْرُوفِ ۚ لَا تُكَلَّفُ نَفْسٌ إِلَّا وُسْعَهَا ۚ لَا تُضَآرَّ وَٰلِدَةٌۢ بِوَلَدِهَا وَلَا مَوْلُودٌۭ لَّهُۥ بِوَلَدِهِۦ ۚ وَعَلَى ٱلْوَارِثِ مِثْلُ ذَٰلِكَ ۗ فَإِنْ أَرَادَا فِصَالًا عَن تَرَاضٍۢ مِّنْهُمَا وَتَشَاوُرٍۢ فَلَا جُنَاحَ عَلَيْهِمَا ۗ وَإِنْ أَرَدتُّمْ أَن تَسْتَرْضِعُوٓا۟ أَوْلَٰدَكُمْ فَلَا جُنَاحَ عَلَيْكُمْ إِذَا سَلَّمْتُم مَّآ ءَاتَيْتُم بِٱلْمَعْرُوفِ ۗ وَٱتَّقُوا۟ ٱللَّهَ وَٱعْلَمُوٓا۟ أَنَّ ٱللَّهَ بِمَا تَعْمَلُونَ بَصِيرٌۭ

Mothers may breastfeed their children two complete years for whoever wishes to complete the nursing [period]. Upon the father is the mothers' provision and their clothing according to what is acceptable. No person is charged with more than his capacity. No mother should be harmed through her child, and no father through his child. And upon the [father's] heir is [a duty] like that [of the father]. And if they both desire weaning through mutual consent from both of them and consultation, there is no blame upon either of them. And if you wish to have your children nursed by a substitute, there is no blame upon you as long as you give payment according to what is acceptable. And fear Allah and know that Allah is Seeing of what you do.

Ang mga ina ay magpapasuso sa mga anak nila nang dalawang buong taon. Ang paglilimitang iyon sa dalawang taon ay ukol sa sinumang naglayon ng paglubos ng yugto ng pagpapasuso. Tungkulin ng ama ng bata ang paggugol sa mga inang diborsiyadang nagpapasuso at ang pagpapadamit sa kanila alinsunod sa nakaugalian ng mga tao na hindi naman sumasalungat sa Batas ng Islām. Hindi nag-aatang si Allāh sa isang kaluluwa ng higit sa magagawa nito at kakayahan nito. Hindi ipinahihintulot sa isa sa mga magulang na gawin ang anak bilang paraan ng pamiminsala sa isa pang magulang. Kailangan sa tagapagmana [ng ama] sa bata, kapag nawala ang ama at ang bata ay walang salapi, ang tulad sa kailangan sa ama na mga tungkulin. Kung nagnais ang mga magulang ng pag-awat sa bata bago ng pagkalubos ng dalawang taon, walang kasalanan sa kanilang dalawa hinggil doon kapag nangyari ito matapos ng pagsasanggunian nilang dalawa at pagkakaluguran nilang dalawa sa anumang kaugnay sa kapakanan ng bata. Kung nagnais gayong maghanap para sa mga anak ninyo ng mga tagapagpasusong hindi mga ina nila, walang kasalanan sa inyo kapag nag-abot kayo ng napagkasunduan ninyo sa tagapagpasuso na upa ayon sa nakabubuti nang walang bawas o pagpapatagal. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Alamin ninyo na si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita kaya walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula roon. Gaganti Siya sa inyo sa ipinauna ninyo na mga gawa.

Al-Baqara 2:233Listen in Qur'an →
234

وَٱلَّذِينَ يُتَوَفَّوْنَ مِنكُمْ وَيَذَرُونَ أَزْوَٰجًۭا يَتَرَبَّصْنَ بِأَنفُسِهِنَّ أَرْبَعَةَ أَشْهُرٍۢ وَعَشْرًۭا ۖ فَإِذَا بَلَغْنَ أَجَلَهُنَّ فَلَا جُنَاحَ عَلَيْكُمْ فِيمَا فَعَلْنَ فِىٓ أَنفُسِهِنَّ بِٱلْمَعْرُوفِ ۗ وَٱللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ خَبِيرٌۭ

And those who are taken in death among you and leave wives behind - they, [the wives, shall] wait four months and ten [days]. And when they have fulfilled their term, then there is no blame upon you for what they do with themselves in an acceptable manner. And Allah is [fully] Acquainted with what you do.

Ang mga mamamatay at mag-iiwan sa pagkamatay nila ng mga maybahay na hindi mga buntis ay maghihintay ang mga maybahay sa mga sarili ng mga ito bilang tungkulin ng yugtong apat na buwan at sampung araw, habang nagpipigil sa panahong iyon sa paglabas mula sa bahay ng asawa, sa paggayak, at sa pag-aasawa. Kapag nagwakas ang yugtong ito, walang kasalanan sa inyo, O mga tagatangkilik, sa anumang ginawa nila sa mga sarili nila na dating ipinagbabawal sa kanila sa yugtong iyon, ayon sa paraang nakabubuti batay sa batas at kaugalian. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa inilalantad ninyo at inililingid ninyo. Gaganti Siya sa inyo roon.

Al-Baqara 2:234Listen in Qur'an →
235

وَلَا جُنَاحَ عَلَيْكُمْ فِيمَا عَرَّضْتُم بِهِۦ مِنْ خِطْبَةِ ٱلنِّسَآءِ أَوْ أَكْنَنتُمْ فِىٓ أَنفُسِكُمْ ۚ عَلِمَ ٱللَّهُ أَنَّكُمْ سَتَذْكُرُونَهُنَّ وَلَٰكِن لَّا تُوَاعِدُوهُنَّ سِرًّا إِلَّآ أَن تَقُولُوا۟ قَوْلًۭا مَّعْرُوفًۭا ۚ وَلَا تَعْزِمُوا۟ عُقْدَةَ ٱلنِّكَاحِ حَتَّىٰ يَبْلُغَ ٱلْكِتَٰبُ أَجَلَهُۥ ۚ وَٱعْلَمُوٓا۟ أَنَّ ٱللَّهَ يَعْلَمُ مَا فِىٓ أَنفُسِكُمْ فَٱحْذَرُوهُ ۚ وَٱعْلَمُوٓا۟ أَنَّ ٱللَّهَ غَفُورٌ حَلِيمٌۭ

There is no blame upon you for that to which you [indirectly] allude concerning a proposal to women or for what you conceal within yourselves. Allah knows that you will have them in mind. But do not promise them secretly except for saying a proper saying. And do not determine to undertake a marriage contract until the decreed period reaches its end. And know that Allah knows what is within yourselves, so beware of Him. And know that Allah is Forgiving and Forbearing.

Walang kasalanan sa inyo sa pagpaparamdam ng pagkaibig sa pag-alok ng kasal sa babaing nagsasagawa ng `iddah dahil sa pagpanaw o diborsiyong tuluyang naghihiwalay nang walang pagpapahayag ng pagkaibig gaya ng nagsasabi: "Kapag nagwakas ang `iddah mo ay magpabatid ka sa akin." Walang kasalanan sa inyo sa ikinubli ninyo sa mga sarili ninyo na pagkaibig sa pag-aasawa sa babaing nagsasagawa ng `iddah matapos ang pagwawakas ng `iddah niya. Nakaalam si Allāh na kayo ay babanggit sa kanila nito dahil sa tindi ng pagkaibig ninyo sa kanila kaya pumayag Siya para sa inyo ng pagpaparamdam nang walang pagpapahayag. Mag-ingat kayo na magpangakuan kayo nang palihim ng kasal samantalang sila ay nasa yugto ng `iddah, maliban sa alinsunod sa nakabubuting pananalita at ito ay ang pagpapahiwatig. Huwag kayong magpatibay ng kasunduan ng kasal sa panahon ng `iddah. Alamin ninyo na si Allāh ay nakaaalam sa anumang kinikimkim ninyo sa mga sarili ninyo, na kabilang sa pinayagan Niya sa inyo at ipinagbawal Niya sa inyo kaya mag-ingat kayo sa Kanya. Huwag kayong sumalungat sa Kanya sa utos Niya. Alamin ninyo na si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Matimpiin na hindi nagmamadali sa kaparusahan.

Al-Baqara 2:235Listen in Qur'an →
236

لَّا جُنَاحَ عَلَيْكُمْ إِن طَلَّقْتُمُ ٱلنِّسَآءَ مَا لَمْ تَمَسُّوهُنَّ أَوْ تَفْرِضُوا۟ لَهُنَّ فَرِيضَةًۭ ۚ وَمَتِّعُوهُنَّ عَلَى ٱلْمُوسِعِ قَدَرُهُۥ وَعَلَى ٱلْمُقْتِرِ قَدَرُهُۥ مَتَٰعًۢا بِٱلْمَعْرُوفِ ۖ حَقًّا عَلَى ٱلْمُحْسِنِينَ

There is no blame upon you if you divorce women you have not touched nor specified for them an obligation. But give them [a gift of] compensation - the wealthy according to his capability and the poor according to his capability - a provision according to what is acceptable, a duty upon the doers of good.

Walang kasalanan sa inyo kung nagdiborsiyo kayo ng mga maybahay ninyong pinakasalan ninyo, bago kayo nakipagtalik sa kanila at bago kayo nag-obliga ng isang bigay-kayang tinakdaan para sa kanila. Kaya kapag nagdiborsiyo kayo sa kanila sa kalagayang ito, hindi nagsasatungkulin sa inyo para sa kanila ng isang bigay-kaya (mahr). Nagsasatungkulin lamang ng pagbibigay sa kanila ng isang bagay na tatamasain nila at aaliw sa pagkawasak ng mga puso nila, alinsunod sa kakayahan maging siya man ay isang nakaluluwag na marami ang salapi o isang naghihikahos na kaunti ang salapi. Ang pagbibigay na ito ay isang tungkuling pinagtibay sa mga tagagawa ng maganda sa mga gawain nila at mga pakikitungo nila.

Al-Baqara 2:236Listen in Qur'an →
237

وَإِن طَلَّقْتُمُوهُنَّ مِن قَبْلِ أَن تَمَسُّوهُنَّ وَقَدْ فَرَضْتُمْ لَهُنَّ فَرِيضَةًۭ فَنِصْفُ مَا فَرَضْتُمْ إِلَّآ أَن يَعْفُونَ أَوْ يَعْفُوَا۟ ٱلَّذِى بِيَدِهِۦ عُقْدَةُ ٱلنِّكَاحِ ۚ وَأَن تَعْفُوٓا۟ أَقْرَبُ لِلتَّقْوَىٰ ۚ وَلَا تَنسَوُا۟ ٱلْفَضْلَ بَيْنَكُمْ ۚ إِنَّ ٱللَّهَ بِمَا تَعْمَلُونَ بَصِيرٌ

And if you divorce them before you have touched them and you have already specified for them an obligation, then [give] half of what you specified - unless they forego the right or the one in whose hand is the marriage contract foregoes it. And to forego it is nearer to righteousness. And do not forget graciousness between you. Indeed Allah, of whatever you do, is Seeing.

Kung nagdiborsiyo kayo sa mga maybahay ninyong pinakasalan ninyo, bago ng pakikipagtalik sa kanila at nag-obliga na kayo para sa kanila ng isang bigay-kayang tinakdaan, kinakailangan sa inyo ang pagbabayad ng kalahati ng bigay-kayang binanggit sa kanila, maliban na magpaalwan sila sa inyo para roon, kung sila ay mga matinong babae, o magpaalwan ang mga asawa mismo sa pamamagitan ng pagkakaloob ng bigay-kaya nang buo para sa kanila. Ang magpaalwanan kayo sa mga karapatan sa pagitan ninyo ay higit na malapit sa pagkatakot kay Allāh at pagtalima sa Kanya. Huwag kayong tumigil, O mga tao, sa pagmamabuting-loob sa isa't isa sa inyo at ang pagpapaalwan sa mga karapatan. Tunay na si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita kaya magpunyagi kayo sa pagkakaloob ng nakabubuti upang magtamo kayo ng gantimpala ni Allāh doon.

Al-Baqara 2:237Listen in Qur'an →
238

حَٰفِظُوا۟ عَلَى ٱلصَّلَوَٰتِ وَٱلصَّلَوٰةِ ٱلْوُسْطَىٰ وَقُومُوا۟ لِلَّهِ قَٰنِتِينَ

Maintain with care the [obligatory] prayers and [in particular] the middle prayer and stand before Allah, devoutly obedient.

Mangalaga kayo sa mga dasal sa pamamagitan ng pagsasagawa sa mga ito nang lubusan gaya ng ipinag-utos ni Allāh. Mangalaga kayo sa dasal na kalagitnaan sa pagitan ng mga dasal. Ito ay ang dasal sa hapon (`aṣr). Tumayo kayo kay Allāh sa mga dasal ninyo bilang mga tumatalimang nagpapasailalim.

Al-Baqara 2:238Listen in Qur'an →
239

فَإِنْ خِفْتُمْ فَرِجَالًا أَوْ رُكْبَانًۭا ۖ فَإِذَآ أَمِنتُمْ فَٱذْكُرُوا۟ ٱللَّهَ كَمَا عَلَّمَكُم مَّا لَمْ تَكُونُوا۟ تَعْلَمُونَ

And if you fear [an enemy, then pray] on foot or riding. But when you are secure, then remember Allah [in prayer], as He has taught you that which you did not [previously] know.

Kaya kung nangamba kayo sa isang kaaway o tulad nito at hindi kayo nakakaya ng pagsasagawa ng dasal nang lubusan, magdasal kayo habang mga naglalakad sa mga paa ninyo o mga nakasakay sa mga kamelyo, mga kabayo, at tulad ng mga ito, o sa alinmang paraang nakakaya ninyo. Kaya kapag naglaho ang pangamba sa inyo, umalaala kayo kay Allāh sa pamamagitan ng mga uri ng pag-alaala (dhikr). Kabilang dito ang pagdarasal ayon sa pagkaganap nito at pagkalubos nito, tulad ng pagtuturo Niya sa inyo ng hindi ninyo dati nalalaman na liwanag at patnubay.

Al-Baqara 2:239Listen in Qur'an →
240

وَٱلَّذِينَ يُتَوَفَّوْنَ مِنكُمْ وَيَذَرُونَ أَزْوَٰجًۭا وَصِيَّةًۭ لِّأَزْوَٰجِهِم مَّتَٰعًا إِلَى ٱلْحَوْلِ غَيْرَ إِخْرَاجٍۢ ۚ فَإِنْ خَرَجْنَ فَلَا جُنَاحَ عَلَيْكُمْ فِى مَا فَعَلْنَ فِىٓ أَنفُسِهِنَّ مِن مَّعْرُوفٍۢ ۗ وَٱللَّهُ عَزِيزٌ حَكِيمٌۭ

And those who are taken in death among you and leave wives behind - for their wives is a bequest: maintenance for one year without turning [them] out. But if they leave [of their own accord], then there is no blame upon you for what they do with themselves in an acceptable way. And Allah is Exalted in Might and Wise.

Ang mga mamamatay kabilang sa inyo at mag-iiwan sa pagkamatay nila ng mga maybahay, kailangan sa kanila na magtagubilin para sa mga ito na pagtamasain ang mga ito ng matitirahan at panggugol sa isang buong taon. Hindi magpapalisan sa kanila ang mga tagapagmana ninyo bilang pag-aaliw sa kanila dahil sa dinanas nila at bilang katapatan sa namatay; ngunit kung lumisan sila bago ng pagkakumpleto ng taon ayon sa pagkukusa ng mga sarili nila ay walang kasalanan sa inyo ni sa kanila sa anumang ginawa nila sa mga sarili nila na paggagayak at pagpapabango. Si Allāh ay Makapangyarihan: walang tagapanaig sa Kanya, Marunong sa pangangasiwa Niya, batas Niya, at pagtatakda Niya. Bukod pa rito, naniwala ang mayoriya sa mga tagapaglinaw [ng Qur'ān] na ang kahatulan ng talatang ito ay pinawalang-bisa ng sabi Niya – pagkataas-taas Siya – (Qur'ān: 2:234): "Ang mga papapanawin kabilang sa inyo at mag-iiwan ng mga maybahay, mag-aantabay ang mga ito sa mga sarili ng mga ito nang apat na buwan at sampung [araw]."

Al-Baqara 2:240Listen in Qur'an →

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.