وَلَا تَنكِحُوا۟ ٱلْمُشْرِكَٰتِ حَتَّىٰ يُؤْمِنَّ ۚ وَلَأَمَةٌۭ مُّؤْمِنَةٌ خَيْرٌۭ مِّن مُّشْرِكَةٍۢ وَلَوْ أَعْجَبَتْكُمْ ۗ وَلَا تُنكِحُوا۟ ٱلْمُشْرِكِينَ حَتَّىٰ يُؤْمِنُوا۟ ۚ وَلَعَبْدٌۭ مُّؤْمِنٌ خَيْرٌۭ مِّن مُّشْرِكٍۢ وَلَوْ أَعْجَبَكُمْ ۗ أُو۟لَٰٓئِكَ يَدْعُونَ إِلَى ٱلنَّارِ ۖ وَٱللَّهُ يَدْعُوٓا۟ إِلَى ٱلْجَنَّةِ وَٱلْمَغْفِرَةِ بِإِذْنِهِۦ ۖ وَيُبَيِّنُ ءَايَٰتِهِۦ لِلنَّاسِ لَعَلَّهُمْ يَتَذَكَّرُونَ
And do not marry polytheistic women until they believe. And a believing slave woman is better than a polytheist, even though she might please you. And do not marry polytheistic men [to your women] until they believe. And a believing slave is better than a polytheist, even though he might please you. Those invite [you] to the Fire, but Allah invites to Paradise and to forgiveness, by His permission. And He makes clear His verses to the people that perhaps they may remember.
Huwag kayong magpakasal, O mga mananampalataya, sa mga babaing tagapagtambal kay Allāh hanggang sa sumampalataya sila kay Allāh lamang at pumasok sa Relihiyong Islām. Tunay na ang isang babaing aliping mananampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya ay higit na mainam kaysa sa isang malayang babaing sumasamba sa mga diyus-diyusan kahit pa man nagpahanga ito sa inyo dahil sa kagandahan nito at yaman nito. Huwag ninyong ipakasal ang mga babaing Muslim sa mga lalaking tagapagtambal [kay Allāh]. Talagang ang isang lalaking aliping mananampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya ay higit na mainam kaysa sa isang malayang lalaking tagapagtambal [kay Allāh] kahit pa man nagpahanga ito sa inyo. Ang mga nailarawang ito sa pagtatambal – mga lalaki man at mga babae – ay nag-aanyaya sa pamamagitan ng mga sinasabi nila at mga ginagawa nila tungo sa nag-aakay sa pagpasok sa Apoy samantalang si Allāh ay nag-aanyaya tungo sa mga gawang maayos na nag-aakay tungo sa pagpasok sa Paraiso at kapatawaran sa mga pagkakasala ayon sa pahintulot Niya at kabutihang-loob Niya. Naglilinaw Siya sa mga tao ng mga tanda Niya, nang sa gayon sila ay mapangangaralan sa ipinahiwatig nito at magsasagawa nito.