Muslim99Muslim99
← Tafsir library

2. Al-Baqara

The Cow · Medinan · 286 ayahs

سُورَةُ البَقَرَةِ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 21–30 of 286

21

يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ ٱعْبُدُوا۟ رَبَّكُمُ ٱلَّذِى خَلَقَكُمْ وَٱلَّذِينَ مِن قَبْلِكُمْ لَعَلَّكُمْ تَتَّقُونَ

O mankind, worship your Lord, who created you and those before you, that you may become righteous -

O mga tao, sumamba kayo sa Panginoon ninyo lamang: walang iba pa sa Kanya, dahil Siya ang lumikha sa inyo at lumikha sa mga kalipunang nauna sa inyo, sa pag-asang maglagay kayo sa pagitan ninyo at ng parusa Niya ng isang pananggalang sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinaway Niya.

Al-Baqara 2:21Listen in Qur'an →
22

ٱلَّذِى جَعَلَ لَكُمُ ٱلْأَرْضَ فِرَٰشًۭا وَٱلسَّمَآءَ بِنَآءًۭ وَأَنزَلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءًۭ فَأَخْرَجَ بِهِۦ مِنَ ٱلثَّمَرَٰتِ رِزْقًۭا لَّكُمْ ۖ فَلَا تَجْعَلُوا۟ لِلَّهِ أَندَادًۭا وَأَنتُمْ تَعْلَمُونَ

[He] who made for you the earth a bed [spread out] and the sky a ceiling and sent down from the sky, rain and brought forth thereby fruits as provision for you. So do not attribute to Allah equals while you know [that there is nothing similar to Him].

Sapagkat Siya ay ang gumawa para sa inyo ng lupa bilang banig na nakalatag at gumawa ng langit mula sa ibabaw nito na tinibayan ang pagkakapatayo at Siya ang Tagabiyaya sa pamamagitan ng pagpapababa ng ulan kaya nagpatubo Siya sa pamamagitan nito ng sarisaring bunga mula sa lupa upang maging panustos. Kaya huwag kayong gumawa para kay Allāh ng mga katambal at mga itinutulad habang kayo ay nakaaalam na walang tagalikha kundi si Allāh – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan.

Al-Baqara 2:22Listen in Qur'an →
23

وَإِن كُنتُمْ فِى رَيْبٍۢ مِّمَّا نَزَّلْنَا عَلَىٰ عَبْدِنَا فَأْتُوا۟ بِسُورَةٍۢ مِّن مِّثْلِهِۦ وَٱدْعُوا۟ شُهَدَآءَكُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ إِن كُنتُمْ صَٰدِقِينَ

And if you are in doubt about what We have sent down upon Our Servant [Muhammad], then produce a surah the like thereof and call upon your witnesses other than Allah, if you should be truthful.

Kung kayo, O mga tao, ay nasa isang pagdududa sa Qur'ān na ibinaba sa lingkod Naming si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – humahamon Kami sa inyo na sumalansang kayo rito sa pamamagitan ng paglalahad ng iisang kabanata na nakatutulad nito, kahit pa man higit na maiiksing kabanata kaysa rito. Manawagan kayo sa sinumang nakaya ninyo kabilang sa mga tagaadya ninyo kung kayo ay mga tapat sa pinagsasabi ninyo.

Al-Baqara 2:23Listen in Qur'an →
24

فَإِن لَّمْ تَفْعَلُوا۟ وَلَن تَفْعَلُوا۟ فَٱتَّقُوا۟ ٱلنَّارَ ٱلَّتِى وَقُودُهَا ٱلنَّاسُ وَٱلْحِجَارَةُ ۖ أُعِدَّتْ لِلْكَٰفِرِينَ

But if you do not - and you will never be able to - then fear the Fire, whose fuel is men and stones, prepared for the disbelievers.

Ngunit kung hindi kayo nakagawa niyon – at hindi kayo makakakaya niyon magpakailanman – ay mangilag kayo sa Apoy na gagatungan ng mga taong karapat-dapat sa pagdurusa, ng mga uri ng mga bato kabilang sa sinasamba nila noon, at iba pa. Ang apoy na ito ay inihanda nga ni Allāh at inilaan para sa mga tagatangging sumampalataya.

Al-Baqara 2:24Listen in Qur'an →
25

وَبَشِّرِ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ وَعَمِلُوا۟ ٱلصَّٰلِحَٰتِ أَنَّ لَهُمْ جَنَّٰتٍۢ تَجْرِى مِن تَحْتِهَا ٱلْأَنْهَٰرُ ۖ كُلَّمَا رُزِقُوا۟ مِنْهَا مِن ثَمَرَةٍۢ رِّزْقًۭا ۙ قَالُوا۟ هَٰذَا ٱلَّذِى رُزِقْنَا مِن قَبْلُ ۖ وَأُتُوا۟ بِهِۦ مُتَشَٰبِهًۭا ۖ وَلَهُمْ فِيهَآ أَزْوَٰجٌۭ مُّطَهَّرَةٌۭ ۖ وَهُمْ فِيهَا خَٰلِدُونَ

And give good tidings to those who believe and do righteous deeds that they will have gardens [in Paradise] beneath which rivers flow. Whenever they are provided with a provision of fruit therefrom, they will say, "This is what we were provided with before." And it is given to them in likeness. And they will have therein purified spouses, and they will abide therein eternally.

Kapag ang bantang nauna ay ukol sa mga tagatangging sumampalataya, magbalita ka, O Propeta, sa mga mananampalataya kay Allāh na gumagawa ng mga maayos ng ikatutuwa nila na mga harding dumadaloy ang mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at mga punung-kahoy ng mga ito. Sa tuwing pinakakain sila mula sa mga kaaya-ayang bunga ng mga ito bilang panustos ay nagsasabi sila dala ng tindi ng pagkakahawig sa mga bunga sa Mundo: "Ito ay tulad ng mga bunga na itinustos sa amin bago pa niyan." Maghahain para sa kanila ng mga bungang nakawawangis sa anyo at pangalan ng mga bunga sa Mundo upang pumansin sila sa mga ito alinsunod sa pagkakilala sa mga ito subalit ang mga bunga sa Paraiso ay naiiba sa lasa at panlasa sa mga bunga sa Mundo. Ukol sa kanila sa Paraiso ay mga asawa na inalisan ng bawat inaayawan ng kaluluwa at minamarumi sa kalikasan kabilang sa naguguniguni sa mga naninirahan sa lupa. Sila ay nasa kaginhawahan na palagiang hindi mapuputol, bilang kasalungatan naman sa napuputol na kaginhawahan sa Mundo.

Al-Baqara 2:25Listen in Qur'an →
26

۞ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَسْتَحْىِۦٓ أَن يَضْرِبَ مَثَلًۭا مَّا بَعُوضَةًۭ فَمَا فَوْقَهَا ۚ فَأَمَّا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ فَيَعْلَمُونَ أَنَّهُ ٱلْحَقُّ مِن رَّبِّهِمْ ۖ وَأَمَّا ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ فَيَقُولُونَ مَاذَآ أَرَادَ ٱللَّهُ بِهَٰذَا مَثَلًۭا ۘ يُضِلُّ بِهِۦ كَثِيرًۭا وَيَهْدِى بِهِۦ كَثِيرًۭا ۚ وَمَا يُضِلُّ بِهِۦٓ إِلَّا ٱلْفَٰسِقِينَ

Indeed, Allah is not timid to present an example - that of a mosquito or what is smaller than it. And those who have believed know that it is the truth from their Lord. But as for those who disbelieve, they say, "What did Allah intend by this as an example?" He misleads many thereby and guides many thereby. And He misleads not except the defiantly disobedient,

Tunay na si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay hindi nahihiya sa paglalahad ng mga paghahalintulad sa pamamagitan ng anumang niloob niya. Kaya naglalahad Siya ng paghahalintulad sa pamamagitan ng lamok at anumang mataas dito sa laki o mababa rito sa liit. Ang mga tao sa harap nito ay dalawang uri: mga mananampalataya at mga tagatangging sumampalataya. Tungkol naman sa mga mananampalataya, naniniwala sila at nakaaalam sila na sa likod ng paglalahat ng paghahalintulad sa pamamagitan ng mga ito ay may kasanhian. Tungkol naman sa mga tagatangging sumampalataya, nagtatanungan sila sa paraang pakutya tungkol sa dahilan ng paglalahad ni Allāh ng mga paghahalintulad sa pamamagitan ng mga hamak na nilikhang ito gaya ng mga lamok, mga langaw, mga gagamba, at iba pa sa mga ito. Dumarating ang sagot mula kay Allāh: "Tunay na sa mga paghahalintulad na ito ay may mga kapatnubayan, mga panuto, at pagsubok para sa mga tao. Kaya mayroon sa kanila na pinaliligaw ni Allāh sa pamamagitan ng mga paghahalintulad na ito dahil sa pag-ayaw nila sa pagninilay-nilay sa mga ito. Sila ay marami. Mayroon sa kanila na pinapatnubayan Niya dahilan sa pagkapangaral nila dahil sa mga ito. Sila ay marami. Walang naliligaw maliban sa sinumang naging karapat-dapat sa pagkaligaw. Sila ay ang mga lumalabas sa pagtalima sa Kanya gaya ng mga mapagpaimbabaw.

Al-Baqara 2:26Listen in Qur'an →
27

ٱلَّذِينَ يَنقُضُونَ عَهْدَ ٱللَّهِ مِنۢ بَعْدِ مِيثَٰقِهِۦ وَيَقْطَعُونَ مَآ أَمَرَ ٱللَّهُ بِهِۦٓ أَن يُوصَلَ وَيُفْسِدُونَ فِى ٱلْأَرْضِ ۚ أُو۟لَٰٓئِكَ هُمُ ٱلْخَٰسِرُونَ

Who break the covenant of Allah after contracting it and sever that which Allah has ordered to be joined and cause corruption on earth. It is those who are the losers.

Ang mga kumakalas sa kasunduan kay Allāh na tinanggap Niya sa kanila sa pamamagitan ng pagsamba sa Kanya lamang at pagsunod sa Sugo Niya, na nagpabatid ang mga sugo hinggil sa kanya bago niya, at pumuputol sa ipinag-utos ni Allāh na iugnay gaya ng mga ugnayang pangkaanak at nagpupunyagi sa pagpapalaganap ng kaguluhan sa lupa sa pamamagitan ng mga pagsuway, ang mga ito ay ang magkukulang ang mga bahagi nila sa Mundo at Kabilang-buhay.

Al-Baqara 2:27Listen in Qur'an →
28

كَيْفَ تَكْفُرُونَ بِٱللَّهِ وَكُنتُمْ أَمْوَٰتًۭا فَأَحْيَٰكُمْ ۖ ثُمَّ يُمِيتُكُمْ ثُمَّ يُحْيِيكُمْ ثُمَّ إِلَيْهِ تُرْجَعُونَ

How can you disbelieve in Allah when you were lifeless and He brought you to life; then He will cause you to die, then He will bring you [back] to life, and then to Him you will be returned.

Tunay na ang lagay ninyo, O mga tagatangging sumampalataya, ay talagang kataka-taka! Papaano kayong tumatangging sumampalataya kay Allāh samantalang kayo ay nakasasaksi sa mga patunay sa kakayahan Niya sa mga sarili ninyo. Kayo nga noon ay wala, hindi umiiral, ngunit bumuo Siya sa inyo at nagbigay-buhay Siya sa inyo. Pagkatapos Siya ay nagbigay-kamatayan sa inyo sa ikalawang pagkamatay. Pagkatapos magbibigay-buhay Siya sa inyo sa ikalawang buhay. Pagkatapos magpapabalik Siya sa inyo tungo sa Kanya upang tumuos Siya sa inyo sa mga [gawang] ipinauna ninyo.

Al-Baqara 2:28Listen in Qur'an →
29

هُوَ ٱلَّذِى خَلَقَ لَكُم مَّا فِى ٱلْأَرْضِ جَمِيعًۭا ثُمَّ ٱسْتَوَىٰٓ إِلَى ٱلسَّمَآءِ فَسَوَّىٰهُنَّ سَبْعَ سَمَٰوَٰتٍۢ ۚ وَهُوَ بِكُلِّ شَىْءٍ عَلِيمٌۭ

It is He who created for you all of that which is on the earth. Then He directed Himself to the heaven, [His being above all creation], and made them seven heavens, and He is Knowing of all things.

Si Allāh lamang ay ang lumikha para sa inyo ng lahat ng nasa lupa gaya ng mga ilog, mga puno, at iba pa roon kabilang sa hindi maisa-isa ang bilang habang kayo ay nakikinabang dito at nagtatamasa ng pinagsilbi Niya para sa inyo. Pagkatapos tumuon Siya sa langit at lumikha Siya sa mga ito bilang pitong langit na magkapantay. Siya ay ang nakasaklaw ang kaalaman sa bawat bagay.

Al-Baqara 2:29Listen in Qur'an →
30

وَإِذْ قَالَ رَبُّكَ لِلْمَلَٰٓئِكَةِ إِنِّى جَاعِلٌۭ فِى ٱلْأَرْضِ خَلِيفَةًۭ ۖ قَالُوٓا۟ أَتَجْعَلُ فِيهَا مَن يُفْسِدُ فِيهَا وَيَسْفِكُ ٱلدِّمَآءَ وَنَحْنُ نُسَبِّحُ بِحَمْدِكَ وَنُقَدِّسُ لَكَ ۖ قَالَ إِنِّىٓ أَعْلَمُ مَا لَا تَعْلَمُونَ

And [mention, O Muhammad], when your Lord said to the angels, "Indeed, I will make upon the earth a successive authority." They said, "Will You place upon it one who causes corruption therein and sheds blood, while we declare Your praise and sanctify You?" Allah said, "Indeed, I know that which you do not know."

Nagpapabatid si Allāh – pagkataas-taas Siya – na Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay nagsabi sa mga anghel na Siya ay maglalagay sa lupa ng mga mortal na hahalili sa isa't isa sa kanila para sa pagsasagawa ng paglilinang nito ayon sa pagtalima kay Allāh. Nagtanong ang mga anghel sa Panginoon nila ng tanong ng pagpapagabay at pagpapaunawa tungkol sa kasanhian ng paglalagay ng mga anak ni Adan bilang mga kahalili sa lupa gayong ang mga ito ay gagawa ng kaguluhan doon at magpapadanak ng mga dugo dala ng kawalang-katarungan, na nagsasabi: "...samantalang kami ay mga alagad ng pagtalima sa Iyo. Nagpapawalang-kapintasan kami sa Iyo habang mga nagpupuri sa Iyo, na mga nagdadakila sa kapitaganan sa Iyo at kalubusan Mo. Hindi kami nanlalamig doon." Sumagot sa kanila si Allāh tungkol sa tanong nila: "Tunay na Ako ay nakaaalam ng hindi ninyo nalalaman na mga kasanhiang maningning sa paglikha sa kanila at mga layuning dakila sa pagpapahalili sa kanila."

Al-Baqara 2:30Listen in Qur'an →

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.