سَلْ بَنِىٓ إِسْرَٰٓءِيلَ كَمْ ءَاتَيْنَٰهُم مِّنْ ءَايَةٍۭ بَيِّنَةٍۢ ۗ وَمَن يُبَدِّلْ نِعْمَةَ ٱللَّهِ مِنۢ بَعْدِ مَا جَآءَتْهُ فَإِنَّ ٱللَّهَ شَدِيدُ ٱلْعِقَابِ
Ask the Children of Israel how many a sign of evidence We have given them. And whoever exchanges the favor of Allah [for disbelief] after it has come to him - then indeed, Allah is severe in penalty.
Magtanong ka, O Propeta, sa mga anak ni Israel ng isang tanong na paninisi sa kanila: "Ilan ang nilinaw ni Allāh – pagkataas-taas Siya – sa inyo na maliwanag na tanda na nagpapatunay sa katapatan ng mga sugo ngunit nagpasinungaling kayo sa mga ito at umayaw kayo sa mga ito?" Ang sinumang nagpapalit sa biyaya ni Allāh dala ng kawalang-pananampalataya at pagpapasinungaling matapos ng pagkakilala rito at paglitaw nito, tunay na si Allāh ay matindi ang parusa sa mga tagatangging sumampalataya na mga tagapagpasinungaling.