Muslim99Muslim99
← Tafsir library

2. Al-Baqara

The Cow · Medinan · 286 ayahs

سُورَةُ البَقَرَةِ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 211–220 of 286

211

سَلْ بَنِىٓ إِسْرَٰٓءِيلَ كَمْ ءَاتَيْنَٰهُم مِّنْ ءَايَةٍۭ بَيِّنَةٍۢ ۗ وَمَن يُبَدِّلْ نِعْمَةَ ٱللَّهِ مِنۢ بَعْدِ مَا جَآءَتْهُ فَإِنَّ ٱللَّهَ شَدِيدُ ٱلْعِقَابِ

Ask the Children of Israel how many a sign of evidence We have given them. And whoever exchanges the favor of Allah [for disbelief] after it has come to him - then indeed, Allah is severe in penalty.

Magtanong ka, O Propeta, sa mga anak ni Israel ng isang tanong na paninisi sa kanila: "Ilan ang nilinaw ni Allāh – pagkataas-taas Siya – sa inyo na maliwanag na tanda na nagpapatunay sa katapatan ng mga sugo ngunit nagpasinungaling kayo sa mga ito at umayaw kayo sa mga ito?" Ang sinumang nagpapalit sa biyaya ni Allāh dala ng kawalang-pananampalataya at pagpapasinungaling matapos ng pagkakilala rito at paglitaw nito, tunay na si Allāh ay matindi ang parusa sa mga tagatangging sumampalataya na mga tagapagpasinungaling.

Al-Baqara 2:211Listen in Qur'an →
212

زُيِّنَ لِلَّذِينَ كَفَرُوا۟ ٱلْحَيَوٰةُ ٱلدُّنْيَا وَيَسْخَرُونَ مِنَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ ۘ وَٱلَّذِينَ ٱتَّقَوْا۟ فَوْقَهُمْ يَوْمَ ٱلْقِيَٰمَةِ ۗ وَٱللَّهُ يَرْزُقُ مَن يَشَآءُ بِغَيْرِ حِسَابٍۢ

Beautified for those who disbelieve is the life of this world, and they ridicule those who believe. But those who fear Allah are above them on the Day of Resurrection. And Allah gives provision to whom He wills without account.

Pinaganda para sa mga tumangging sumampalataya kay Allāh ang buhay na pangmundo at ang anumang narito na mga kasiyahang naglalaho at mga sarap na napuputol. Nangungutya sila sa mga sumampalataya kay Allāh at sa Kabilang-buhay samantalang ang mga nangilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng paggawa sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwan sa mga sinasaway Niya ay sa ibabaw nitong mga tagatangging sumampalataya sa Araw ng Pagbangon yayamang magpapatuloy sa kanila si Allāh sa mga hardin ng Eden. Si Allāh ay nagbibigay sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga nilikha Niya nang walang isang pagbibilang ni isang pagtutuos.

Al-Baqara 2:212Listen in Qur'an →
213

كَانَ ٱلنَّاسُ أُمَّةًۭ وَٰحِدَةًۭ فَبَعَثَ ٱللَّهُ ٱلنَّبِيِّۦنَ مُبَشِّرِينَ وَمُنذِرِينَ وَأَنزَلَ مَعَهُمُ ٱلْكِتَٰبَ بِٱلْحَقِّ لِيَحْكُمَ بَيْنَ ٱلنَّاسِ فِيمَا ٱخْتَلَفُوا۟ فِيهِ ۚ وَمَا ٱخْتَلَفَ فِيهِ إِلَّا ٱلَّذِينَ أُوتُوهُ مِنۢ بَعْدِ مَا جَآءَتْهُمُ ٱلْبَيِّنَٰتُ بَغْيًۢا بَيْنَهُمْ ۖ فَهَدَى ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ لِمَا ٱخْتَلَفُوا۟ فِيهِ مِنَ ٱلْحَقِّ بِإِذْنِهِۦ ۗ وَٱللَّهُ يَهْدِى مَن يَشَآءُ إِلَىٰ صِرَٰطٍۢ مُّسْتَقِيمٍ

Mankind was [of] one religion [before their deviation]; then Allah sent the prophets as bringers of good tidings and warners and sent down with them the Scripture in truth to judge between the people concerning that in which they differed. And none differed over the Scripture except those who were given it - after the clear proofs came to them - out of jealous animosity among themselves. And Allah guided those who believed to the truth concerning that over which they had differed, by His permission. And Allah guides whom He wills to a straight path.

Ang mga tao noon ay kalipunang nag-iisa na mga nagkakasundo sa patnubay sa relihiyon ng ama nilang si Adan hanggang sa nagligaw sa kanila ang mga demonyo kaya nagkaiba-iba sila sa pagiging mananampalataya at tagatangging sumampalataya. Kaya dahil doon, nagpadala si Allāh ng mga sugo bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak sa mga alagad ng pananampalataya at pagtalima ng inihanda Niya para sa kanila na awa Niya, at bilang mga tagapagbabala sa mga alagad ng kawalang-pananampalataya ng ibinanta Niya para sa kanila na matindi sa parusa Niya. Nagpababa Siya kasama ng mga sugo Niya ng mga kasulatan bilang naglalaman ng katotohanang walang duda roon upang humatol sila sa pagitan ng mga tao sa anumang ipinagkaiba-iba ng mga ito. Walang nagkaiba-iba hinggil sa Kasulatan na pinababa ni Allāh, ang Torah, kundi ang mga binigyan ng kaalaman doon kabilang sa mga Hudyo matapos dumating sa kanila ang mga katwiran ni Allāh, na ito ay isang katotohanan mula sa ganang Kanya, na hindi maaari sa kanila ang pagkakaiba-iba hinggil dito dala ng kawalang-katarungan mula sa kanila. Nagtuon si Allāh sa mga mananampalataya sa pagkakilala ng patnubay palayo sa pagkaligaw ayon sa pahintulot Niya at pagnanais Niya. Si Allāh ay nagpapatnubay sa sinumang niloloob Niya tungo sa landasing tuwid na walang kabaluktutan doon. Ito ay ang daan ng pananampalataya.

Al-Baqara 2:213Listen in Qur'an →
214

أَمْ حَسِبْتُمْ أَن تَدْخُلُوا۟ ٱلْجَنَّةَ وَلَمَّا يَأْتِكُم مَّثَلُ ٱلَّذِينَ خَلَوْا۟ مِن قَبْلِكُم ۖ مَّسَّتْهُمُ ٱلْبَأْسَآءُ وَٱلضَّرَّآءُ وَزُلْزِلُوا۟ حَتَّىٰ يَقُولَ ٱلرَّسُولُ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ مَعَهُۥ مَتَىٰ نَصْرُ ٱللَّهِ ۗ أَلَآ إِنَّ نَصْرَ ٱللَّهِ قَرِيبٌۭ

Or do you think that you will enter Paradise while such [trial] has not yet come to you as came to those who passed on before you? They were touched by poverty and hardship and were shaken until [even their] messenger and those who believed with him said, "When is the help of Allah?" Unquestionably, the help of Allah is near.

O nagpapalagay ba kayo, O mga mananampalataya, na papasok kayo sa Paraiso samantalang walang dumapo sa inyo na isang pagsubok tulad ng pagsubok sa mga lumipas bago pa ninyo, yayamang dumapo sa kanila ang katindihan ng karukhaan at sakit at yumanig sa kanila ang mga pangamba hanggang sa nagpaabot sa kanila ang pagsubok sa pagmamadali sa pag-aadya ni Allāh? Kaya nagsasabi ang sugo at ang mga mananampalataya kasama niya: "Kailan darating ang pag-aadya ni Allāh?" Pansinin, tunay na ang pag-aadya ni Allāh ay malapit sa mga mananampalataya sa Kanya, na mga nananalig sa Kanya!

Al-Baqara 2:214Listen in Qur'an →
215

يَسْـَٔلُونَكَ مَاذَا يُنفِقُونَ ۖ قُلْ مَآ أَنفَقْتُم مِّنْ خَيْرٍۢ فَلِلْوَٰلِدَيْنِ وَٱلْأَقْرَبِينَ وَٱلْيَتَٰمَىٰ وَٱلْمَسَٰكِينِ وَٱبْنِ ٱلسَّبِيلِ ۗ وَمَا تَفْعَلُوا۟ مِنْ خَيْرٍۢ فَإِنَّ ٱللَّهَ بِهِۦ عَلِيمٌۭ

They ask you, [O Muhammad], what they should spend. Say, "Whatever you spend of good is [to be] for parents and relatives and orphans and the needy and the traveler. And whatever you do of good - indeed, Allah is Knowing of it."

Nagtatanong sa iyo ang mga Kasamahan mo, O Propeta, kung ano ang gugugulin nila mula sa mga yaman nilang sarisari at kung saan nila ilalagay ang mga ito? Sabihin mo habang sumasagot sa kanila: "Ang anumang gugugulin ninyo na kabutihan – ang ipinahihintulot na kaaya-aya – ay ibinabaling sa mga magulang, sa pinakamalapit sa inyo kabilang sa mga kaanak ninyo alinsunod sa pangangailangan, sa nangangailangan kabilang sa mga ulila, sa mga walang-wala na walang taglay na salapi, at sa naglalakbay na iwinalay ng paglalakbay sa mag-anak nito at bayan nito." Ang anumang ginagawa ninyo, O mga mananampalataya, na kabutihan, kaunti man o marami, tunay na si Allāh dito ay Maalam: walang nakakukubli sa Kanya mula rito na anuman, at gaganti sa inyo rito.

Al-Baqara 2:215Listen in Qur'an →
216

كُتِبَ عَلَيْكُمُ ٱلْقِتَالُ وَهُوَ كُرْهٌۭ لَّكُمْ ۖ وَعَسَىٰٓ أَن تَكْرَهُوا۟ شَيْـًۭٔا وَهُوَ خَيْرٌۭ لَّكُمْ ۖ وَعَسَىٰٓ أَن تُحِبُّوا۟ شَيْـًۭٔا وَهُوَ شَرٌّۭ لَّكُمْ ۗ وَٱللَّهُ يَعْلَمُ وَأَنتُمْ لَا تَعْلَمُونَ

Fighting has been enjoined upon you while it is hateful to you. But perhaps you hate a thing and it is good for you; and perhaps you love a thing and it is bad for you. And Allah Knows, while you know not.

Inobliga sa inyo, O mga mananampalataya, ang pakikipaglaban ayon sa landas ni Allāh samantalang ito ay kinasusuklaman para sa kaluluwa ayon sa kalikasan nito dahil sa taglay nito na pagkakaloob ng salapi at buhay. Baka kayo ay nasusuklam sa isang bagay samantalang ito sa katunayan ay mabuti at pakinabang para sa inyo gaya ng pakikipaglaban ayon sa landas ni Allāh. Kalakip ng bigat ng gantimpala nito, dulot nito ang pagwawagi sa mga kaaway at ang pag-aangat sa Salita ni Allāh. Baka kayo ay nakaiibig sa isang bagay samantalang iyon ay masama at salot sa inyo gaya ng pag-iwas sa pakikibaka sapagkat tunay na dulot nito ay ang pagtatatwa at ang pagwawagi ng mga kaaway. Si Allāh ay nakaaalam ayon sa kaalamang lubos sa kabutihan ng mga bagay-bagay at kasamaan ng mga ito samantalang kayo ay hindi nakaaalam niyon kaya tumugon kayo sa utos Niya sapagkat naroon ang kabutihan para sa inyo.

Al-Baqara 2:216Listen in Qur'an →
217

يَسْـَٔلُونَكَ عَنِ ٱلشَّهْرِ ٱلْحَرَامِ قِتَالٍۢ فِيهِ ۖ قُلْ قِتَالٌۭ فِيهِ كَبِيرٌۭ ۖ وَصَدٌّ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ وَكُفْرٌۢ بِهِۦ وَٱلْمَسْجِدِ ٱلْحَرَامِ وَإِخْرَاجُ أَهْلِهِۦ مِنْهُ أَكْبَرُ عِندَ ٱللَّهِ ۚ وَٱلْفِتْنَةُ أَكْبَرُ مِنَ ٱلْقَتْلِ ۗ وَلَا يَزَالُونَ يُقَٰتِلُونَكُمْ حَتَّىٰ يَرُدُّوكُمْ عَن دِينِكُمْ إِنِ ٱسْتَطَٰعُوا۟ ۚ وَمَن يَرْتَدِدْ مِنكُمْ عَن دِينِهِۦ فَيَمُتْ وَهُوَ كَافِرٌۭ فَأُو۟لَٰٓئِكَ حَبِطَتْ أَعْمَٰلُهُمْ فِى ٱلدُّنْيَا وَٱلْءَاخِرَةِ ۖ وَأُو۟لَٰٓئِكَ أَصْحَٰبُ ٱلنَّارِ ۖ هُمْ فِيهَا خَٰلِدُونَ

They ask you about the sacred month - about fighting therein. Say, "Fighting therein is great [sin], but averting [people] from the way of Allah and disbelief in Him and [preventing access to] al-Masjid al-Haram and the expulsion of its people therefrom are greater [evil] in the sight of Allah. And fitnah is greater than killing." And they will continue to fight you until they turn you back from your religion if they are able. And whoever of you reverts from his religion [to disbelief] and dies while he is a disbeliever - for those, their deeds have become worthless in this world and the Hereafter, and those are the companions of the Fire, they will abide therein eternally.

Nagtatanong sa iyo ang mga tao, O Propeta, tungkol sa hatol sa pakikipaglaban sa mga Buwang Pinakababanal: ang Dhul qa`dah, ang Dhul ḥijjah, ang Muḥarram, at ang Rajab. Sabihin mo habang sumasagot sa kanila: "Ang pakikipaglaban sa mga buwang ito ay mabigat sa ganang kay Allāh at minamasama kung paanong ang isinasagawa ng mga tagapagtambal dito na pagbalakid sa landas ni Allāh ay minamasagwa gaya niyon. Ang pagpigil sa mga mananampalataya sa Masjid na Pinakababanal at ang pagpapalayas sa mga naninirahan malapit sa Masjid na Pinakababanal mula roon ay higit na mabigat sa ganang kay Allāh kaysa sa pakikipaglaban sa Buwang Pinakababanal. Ang Shirk na taglay nila ay higit na mabigat kaysa sa pagpatay." Hindi titigil ang mga tagapagtambal sa kawalang-katarungan nila habang kumakalaban sa inyo, O mga mananampalataya, hanggang sa magpatalikod sila sa inyo sa relihiyon ninyong totoo patungo sa relihiyon nilang bulaan kung may makakaya silang paraan doon. Ang sinumang tumalikod kabilang sa inyo sa Relihiyon niya at namatay habang siya ay nasa kawalang-pananampalataya kay Allāh, napawalang-saysay nga ang gawa niyang maayos. Ang kauuwian niya sa Kabilang-buhay ay ang pagpasok sa Impiyerno at ang pamamalagi roon magpakailanman.

Al-Baqara 2:217Listen in Qur'an →
218

إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ وَٱلَّذِينَ هَاجَرُوا۟ وَجَٰهَدُوا۟ فِى سَبِيلِ ٱللَّهِ أُو۟لَٰٓئِكَ يَرْجُونَ رَحْمَتَ ٱللَّهِ ۚ وَٱللَّهُ غَفُورٌۭ رَّحِيمٌۭ

Indeed, those who have believed and those who have emigrated and fought in the cause of Allah - those expect the mercy of Allah. And Allah is Forgiving and Merciful.

Tunay na ang mga sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya, at ang mga nag-iwan ng mga bayan nila bilang mga lumilikas patungo kay Allāh at sa Sugo Niya at nakipaglaban upang ang Salita ni Allāh ay maging ang kataas-taasan, ang mga iyon ay nagmimithi sa awa ni Allāh at kapatawaran Niya. Si Allāh ay Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.

Al-Baqara 2:218Listen in Qur'an →
219

۞ يَسْـَٔلُونَكَ عَنِ ٱلْخَمْرِ وَٱلْمَيْسِرِ ۖ قُلْ فِيهِمَآ إِثْمٌۭ كَبِيرٌۭ وَمَنَٰفِعُ لِلنَّاسِ وَإِثْمُهُمَآ أَكْبَرُ مِن نَّفْعِهِمَا ۗ وَيَسْـَٔلُونَكَ مَاذَا يُنفِقُونَ قُلِ ٱلْعَفْوَ ۗ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ ٱللَّهُ لَكُمُ ٱلْءَايَٰتِ لَعَلَّكُمْ تَتَفَكَّرُونَ

They ask you about wine and gambling. Say, "In them is great sin and [yet, some] benefit for people. But their sin is greater than their benefit." And they ask you what they should spend. Say, "The excess [beyond needs]." Thus Allah makes clear to you the verses [of revelation] that you might give thought.

Nagtatanong sa iyo ang mga Kasamahan mo, O Propeta, tungkol sa alak. (Ang alak ay ang bawat nagtatakip sa isip at nag-aalis nito). Nagtatanong sila tungkol sa kahatulan sa pag-inom nito, pagtitinda nito, at pagbili nito. Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa kahatulan sa sugal. (Ang sugal ay ang anumang pagkuha ng salapi sa pamamagitan ng mga paligsahang mayroong pusta mula sa mga panig na nakikilahok sa paligsahan.) Sabihin mo habang sumasagot sa kanila: "Sa dalawang ito ay may mga pinsala at mga katiwaliang panrelihiyon at pangmundo na marami gaya ng pagkawala ng isip at salapi, at pagkasadlak sa away at pagkamuhi. Sa dalawang ito ay may mga pakinabang na kakaunti gaya ng mga kinikitang salapi ngunit ang kapinsalaan sa dalawang ito at ang kasalanang ibinubunga dahil sa dalawang ito ay higit na malaki kaysa sa kapakinabangan sa dalawang ito." Ang anumang ang kapinsalaan nito ay higit na marami kaysa sa pakinabang nito, tunay na ang nakapag-uunawa ay umiiwas dito. Ang paglilinaw na ito mula kay Allāh ay may taglay na isang panimula para sa pagbabawal sa alak. Nagtatanong sa iyo ang mga Kasamahan mo, O Propeta, tungkol sa halaga ng gugugulin nila mula sa mga yaman nila sa paraang kusang-loob at pag-aabuloy. Sabihin mo habang sumasagot sa kanila: "Gumugol kayo mula sa mga yaman ninyo na lumalabis sa pangangailangan ninyo." (Ito nga noon ay sa simula. Pagkatapos nagsabatas si Allāh matapos niyon ng zakāh na isinasatungkulin sa mga yamang itinangi at sa mga niṣab (kantidad) na itinakda. Sa pamamagitan ng tulad sa paglilinaw na ito na walang kalituhan dito, naglilinaw si Allāh para sa inyo ng mga patakaran ng Batas ng Islām, nang sa gayon kayo ay mag-iisip-isip.

Al-Baqara 2:219Listen in Qur'an →
220

فِى ٱلدُّنْيَا وَٱلْءَاخِرَةِ ۗ وَيَسْـَٔلُونَكَ عَنِ ٱلْيَتَٰمَىٰ ۖ قُلْ إِصْلَاحٌۭ لَّهُمْ خَيْرٌۭ ۖ وَإِن تُخَالِطُوهُمْ فَإِخْوَٰنُكُمْ ۚ وَٱللَّهُ يَعْلَمُ ٱلْمُفْسِدَ مِنَ ٱلْمُصْلِحِ ۚ وَلَوْ شَآءَ ٱللَّهُ لَأَعْنَتَكُمْ ۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَزِيزٌ حَكِيمٌۭ

To this world and the Hereafter. And they ask you about orphans. Say, "Improvement for them is best. And if you mix your affairs with theirs - they are your brothers. And Allah knows the corrupter from the amender. And if Allah had willed, He could have put you in difficulty. Indeed, Allah is Exalted in Might and Wise.

Nagsabatas Siya niyon upang mag-isip-isip kayo hinggil sa nagpapakinabang sa inyo sa Mundo at sa Kabilang-buhay. Nagtatanong sa iyo ang mga Kasamahan mo, O Propeta, tungkol sa pagsasagawa ng pagtangkilik sa mga ulila: kung papaano ang gagawin nila sa pakikitungo sa mga ito. Ihahalo ba nila ang mga ari-arian nila sa mga ito sa paggugol, pagpapakain, at pagpapabahay? Sabihin mo habang sumasagot sa kanila: "Ang pagmamabuting-loob ninyo sa kanila sa pamamagitan ng pagpapabuti sa mga ari-arian nila nang walang kapalit o paghahalo sa mga ari-arian nila ay higit na mabuti para sa inyo sa ganang kay Allāh at higit na mabigat sa gantimpala. Ito ay higit na mabuti para sa kanila sa mga ari-arian nila dahil sa dulot nito na pangangalaga sa mga ari-arian nila para sa kanila. Kung makikilahok kayo sa kanila sa pamamagitan ng pagsasama ng ari-arian nila sa ari-arian ninyo sa kabuhayan, tirahan, at tulad niyon, walang pagkaasiwa roon sapagkat sila ay mga kapatid ninyo sa relihiyon. Ang magkakapatid ay tumutulong sa isa't isa sa kanila at nagtataguyod sa mga kapakanan ng isa't isa sa kanila. Si Allāh ay nakaaalam sa [kaibahan ng] sinumang nagnanais ng panggugulo kabilang sa mga tagatangkilik sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga ulila sa mga ari-arian nila kaysa sa sinumang nagnanais ng pagpapabuti. Kung sakaling niloob ni Allāh na magpahirap sa inyo kaugnay sa nauukol sa mga ulila, talaga sanang nagpahirap Siya sa inyo, subalit Siya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay nagpadali para sa inyo ng paraan ng pakikitungo sa kanila dahil ang Batas Niya ay nakabatay sa kadalian. Tunay na si Allāh ay Makapangyarihan: walang nakadadaig sa Kanya na anuman, Marunong sa paglikha Niya, pangangasiwa Niya, at pagbabatas Niya.

Al-Baqara 2:220Listen in Qur'an →

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.