وَٱقْتُلُوهُمْ حَيْثُ ثَقِفْتُمُوهُمْ وَأَخْرِجُوهُم مِّنْ حَيْثُ أَخْرَجُوكُمْ ۚ وَٱلْفِتْنَةُ أَشَدُّ مِنَ ٱلْقَتْلِ ۚ وَلَا تُقَٰتِلُوهُمْ عِندَ ٱلْمَسْجِدِ ٱلْحَرَامِ حَتَّىٰ يُقَٰتِلُوكُمْ فِيهِ ۖ فَإِن قَٰتَلُوكُمْ فَٱقْتُلُوهُمْ ۗ كَذَٰلِكَ جَزَآءُ ٱلْكَٰفِرِينَ
And kill them wherever you overtake them and expel them from wherever they have expelled you, and fitnah is worse than killing. And do not fight them at al-Masjid al- Haram until they fight you there. But if they fight you, then kill them. Such is the recompense of the disbelievers.
Patayin ninyo sila saanman kayo nakatagpo sa kanila at palisanin ninyo sila mula sa pook na nagpalisan sila sa inyo, ang Makkah. Ang panliligalig na nagreresulta ng pagbalakid sa mananampalataya sa relihiyon niya at pagbabalik niya sa kawalang-pananampalataya ay higit na mabigat kaysa sa pagpatay. Huwag kayong magpasimula sa kanila sa pakikipaglaban sa tabi ng Masjid na Pinakababanal bilang pagdakila dito hanggang sa magpasimula sila sa inyo sa pakikipaglaban dito. Ngunit kung nagpasimula sila sa pakikipaglaban sa Masjid na Pinakababanal ay patayin ninyo sila. Ang tulad ng ganting ito – ang pagpatay sa kanila kapag nangaway sila sa Masjid na Pinakababanal – ay magiging ganti sa mga tagatangging sumampalataya.