Muslim99Muslim99
← Tafsir library

2. Al-Baqara

The Cow · Medinan · 286 ayahs

سُورَةُ البَقَرَةِ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 191–200 of 286

191

وَٱقْتُلُوهُمْ حَيْثُ ثَقِفْتُمُوهُمْ وَأَخْرِجُوهُم مِّنْ حَيْثُ أَخْرَجُوكُمْ ۚ وَٱلْفِتْنَةُ أَشَدُّ مِنَ ٱلْقَتْلِ ۚ وَلَا تُقَٰتِلُوهُمْ عِندَ ٱلْمَسْجِدِ ٱلْحَرَامِ حَتَّىٰ يُقَٰتِلُوكُمْ فِيهِ ۖ فَإِن قَٰتَلُوكُمْ فَٱقْتُلُوهُمْ ۗ كَذَٰلِكَ جَزَآءُ ٱلْكَٰفِرِينَ

And kill them wherever you overtake them and expel them from wherever they have expelled you, and fitnah is worse than killing. And do not fight them at al-Masjid al- Haram until they fight you there. But if they fight you, then kill them. Such is the recompense of the disbelievers.

Patayin ninyo sila saanman kayo nakatagpo sa kanila at palisanin ninyo sila mula sa pook na nagpalisan sila sa inyo, ang Makkah. Ang panliligalig na nagreresulta ng pagbalakid sa mananampalataya sa relihiyon niya at pagbabalik niya sa kawalang-pananampalataya ay higit na mabigat kaysa sa pagpatay. Huwag kayong magpasimula sa kanila sa pakikipaglaban sa tabi ng Masjid na Pinakababanal bilang pagdakila dito hanggang sa magpasimula sila sa inyo sa pakikipaglaban dito. Ngunit kung nagpasimula sila sa pakikipaglaban sa Masjid na Pinakababanal ay patayin ninyo sila. Ang tulad ng ganting ito – ang pagpatay sa kanila kapag nangaway sila sa Masjid na Pinakababanal – ay magiging ganti sa mga tagatangging sumampalataya.

Al-Baqara 2:191Listen in Qur'an →
192

فَإِنِ ٱنتَهَوْا۟ فَإِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٌۭ رَّحِيمٌۭ

And if they cease, then indeed, Allah is Forgiving and Merciful.

Ngunit kung tumigil sila sa pakikipaglaban sa inyo at kawalang-pananampalataya nila, tigilan ninyo sila. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kaya hindi Siya nagpaparusa sa kanila dahil sa mga pagkakasala nilang nauna, Maawain sa kanila: hindi Siya nagmamadali sa kanila sa kaparusahan.

Al-Baqara 2:192Listen in Qur'an →
193

وَقَٰتِلُوهُمْ حَتَّىٰ لَا تَكُونَ فِتْنَةٌۭ وَيَكُونَ ٱلدِّينُ لِلَّهِ ۖ فَإِنِ ٱنتَهَوْا۟ فَلَا عُدْوَٰنَ إِلَّا عَلَى ٱلظَّٰلِمِينَ

Fight them until there is no [more] fitnah and [until] worship is [acknowledged to be] for Allah. But if they cease, then there is to be no aggression except against the oppressors.

Makipaglaban kayo sa mga tagatangging sumampalataya hanggang sa walang mangyaring pagtatambal mula sa kanila ni pagbalakid sa mga tao sa landas ni Allāh ni kawalang-pananampalataya, at ang relihiyong nangingibabaw ay ang Relihiyon ni Allāh. Kaya kung tumigil sila sa kawalang-pananampalataya nila at pagbalakid nila sa landas ni Allāh, iwan ninyo ang pakikipaglaban sa kanila sapagkat tunay na walang pang-aaway kundi sa mga tagalabag sa katarungan sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya at pagbalakid sa landas ni Allāh.

Al-Baqara 2:193Listen in Qur'an →
194

ٱلشَّهْرُ ٱلْحَرَامُ بِٱلشَّهْرِ ٱلْحَرَامِ وَٱلْحُرُمَٰتُ قِصَاصٌۭ ۚ فَمَنِ ٱعْتَدَىٰ عَلَيْكُمْ فَٱعْتَدُوا۟ عَلَيْهِ بِمِثْلِ مَا ٱعْتَدَىٰ عَلَيْكُمْ ۚ وَٱتَّقُوا۟ ٱللَّهَ وَٱعْلَمُوٓا۟ أَنَّ ٱللَّهَ مَعَ ٱلْمُتَّقِينَ

[Fighting in] the sacred month is for [aggression committed in] the sacred month, and for [all] violations is legal retribution. So whoever has assaulted you, then assault him in the same way that he has assaulted you. And fear Allah and know that Allah is with those who fear Him.

Ang Buwang Pinakababanal, na nagpakaya sa inyo si Allāh dito ng pagpasok sa Makkah at pagsasagawa ng `umrah noong taong 7 AH, ay panumbas sa Buwang Pinakababanal na bumabalakid sa inyo roon ang mga tagapagtambal sa [pagpasok sa] Makkah noong taong 6 AH. Ang mga paglabag – gaya ng paglabag sa Bayang Pinakababanal, Buwang Pinakababanal, at iḥrām – ay ipinatutupad sa mga ito ang ganting-pinsala sa panig ng mga nangangaway. Kaya ang sinumang nangaway sa inyo sa mga ito ay makitungo kayo sa kanya ng tulad sa gawain niya at huwag kayong lumampas sa hangganan ng pagtutulad. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa mga lumalampas sa mga hangganan Niya. Mangamba kayo kay Allāh sa paglampas sa ipinahintulot Niya para sa inyo. Alamin ninyo na si Allāh ay kasama ng mga tagapangilag magkasala sa Kanya sa pamamagitan ng pagtutuon at pag-alalay.

Al-Baqara 2:194Listen in Qur'an →
195

وَأَنفِقُوا۟ فِى سَبِيلِ ٱللَّهِ وَلَا تُلْقُوا۟ بِأَيْدِيكُمْ إِلَى ٱلتَّهْلُكَةِ ۛ وَأَحْسِنُوٓا۟ ۛ إِنَّ ٱللَّهَ يُحِبُّ ٱلْمُحْسِنِينَ

And spend in the way of Allah and do not throw [yourselves] with your [own] hands into destruction [by refraining]. And do good; indeed, Allah loves the doers of good.

Gumugol kayo ng salapi sa pagtalima kay Allāh gaya ng pakikibaka at iba pa rito. Huwag kayong magbulid sa mga sarili ninyo sa pagkapahamak sa pamamagitan ng pag-iwan ninyo sa pakikibaka at pagkakaloob alang-alang dito o sa pamamagitan ng pagbulid ninyo sa mga sarili ninyo sa anumang nagiging isang dahilan para sa pagkapahamak ninyo. Magpakahusay kayo sa mga pagsamba ninyo, mga pakikitungo ninyo, at mga kaasalan ninyo; tunay na si Allāh ay umiibig sa mga nagpapakahusay sa lahat ng mga nauukol sa kanila kaya pinabibigat Niya para sa kanila ang gantimpala at itinutuon Niya sila sa pagkagabay.

Al-Baqara 2:195Listen in Qur'an →
196

وَأَتِمُّوا۟ ٱلْحَجَّ وَٱلْعُمْرَةَ لِلَّهِ ۚ فَإِنْ أُحْصِرْتُمْ فَمَا ٱسْتَيْسَرَ مِنَ ٱلْهَدْىِ ۖ وَلَا تَحْلِقُوا۟ رُءُوسَكُمْ حَتَّىٰ يَبْلُغَ ٱلْهَدْىُ مَحِلَّهُۥ ۚ فَمَن كَانَ مِنكُم مَّرِيضًا أَوْ بِهِۦٓ أَذًۭى مِّن رَّأْسِهِۦ فَفِدْيَةٌۭ مِّن صِيَامٍ أَوْ صَدَقَةٍ أَوْ نُسُكٍۢ ۚ فَإِذَآ أَمِنتُمْ فَمَن تَمَتَّعَ بِٱلْعُمْرَةِ إِلَى ٱلْحَجِّ فَمَا ٱسْتَيْسَرَ مِنَ ٱلْهَدْىِ ۚ فَمَن لَّمْ يَجِدْ فَصِيَامُ ثَلَٰثَةِ أَيَّامٍۢ فِى ٱلْحَجِّ وَسَبْعَةٍ إِذَا رَجَعْتُمْ ۗ تِلْكَ عَشَرَةٌۭ كَامِلَةٌۭ ۗ ذَٰلِكَ لِمَن لَّمْ يَكُنْ أَهْلُهُۥ حَاضِرِى ٱلْمَسْجِدِ ٱلْحَرَامِ ۚ وَٱتَّقُوا۟ ٱللَّهَ وَٱعْلَمُوٓا۟ أَنَّ ٱللَّهَ شَدِيدُ ٱلْعِقَابِ

And complete the Hajj and 'umrah for Allah. But if you are prevented, then [offer] what can be obtained with ease of sacrificial animals. And do not shave your heads until the sacrificial animal has reached its place of slaughter. And whoever among you is ill or has an ailment of the head [making shaving necessary must offer] a ransom of fasting [three days] or charity or sacrifice. And when you are secure, then whoever performs 'umrah [during the Hajj months] followed by Hajj [offers] what can be obtained with ease of sacrificial animals. And whoever cannot find [or afford such an animal] - then a fast of three days during Hajj and of seven when you have returned [home]. Those are ten complete [days]. This is for those whose family is not in the area of al-Masjid al-Haram. And fear Allah and know that Allah is severe in penalty.

Isagawa ninyo nang lubusan ang ḥajj at ang `umrah habang mga naghahangad [ng kaluguran] ng mukha ni Allāh – pagkataas-taas Siya. Ngunit kapag napigilan kayo sa paglubos ng mga ito dahil sa isang sakit o isang kaaway o tulad niyon, kailangan sa inyo ng pagkakatay ng anumang madaling nakamit na handog gaya ng mga kamelyo o mga baka o mga tupa upang makakalas kayo mula sa iḥrām ninyo. Huwag kayong mag-ahit ng mga ulo ninyo o magpaikli ng buhok ng mga ito hanggang sa umabot ang handog sa pinaglalagyan na ipinahihintulot doon ang pagkakatay nito. Ngunit kung siya ay napigilan [sa pagpasok] sa Ḥaram, magkatay siya saanman napigilan. Kung siya ay hindi napigilan [sa pagpasok] sa Ḥaram, magkatay siya sa Ḥaram sa Araw ng Pag-aalay at sa matapos nito sa mga araw ng Tashrīq. Ang sinumang kabilang sa inyo na maysakit o sa kanya ay may isang pinsala sa buhok ng ulo niya gaya ng kuto o tulad nito kaya nag-ahit siya ng ulo niya dahilan doon, walang maisisisi sa kanya. Kailangan sa kanya na tumubos nito kapalit niyon, na maaaring sa pamamagitan ng pag-ayuno ng tatlong araw o sa pamamagitan ng pagpapakain ng anim na dukhang kabilang sa mga dukha ng Ḥaram o sa pamamagitan ng pagkakatay ng isang tupang ipamamahagi sa mga maralita ng Ḥaram. Kaya kapag kayo ay hindi mga nangangamba, ang sinumang nagtamasa kabilang sa inyo ng `umrah sa mga buwan ng ḥajj at nagpatuloy sa pagkabawal sa kanya mula sa mga ipinagbabawal sa iḥrām hanggang sa magsagawa siya ng iḥrām sa ḥajj ng taon na ito, magkatay siya ng anumang madaling makamit para sa kanya na isang tupa o makilahok siya sa pitong tao sa pagkakatay ng isang kamelyo o isang baka. Ngunit kapag hindi siya nakakaya sa pag-aalay, kailangan sa kanya ang pag-aayuno ng tatlong araw sa mga araw ng mga pag-aalay bilang kapalit dito at kailangan sa kanya ang pag-aayuno ng pitong araw matapos ng pagbabalik niya sa mag-anak niya upang ang kabuuan ng mga araw ay maging lubos na sampung araw. Ang [iḥrām na] tamattu` na iyon kalakip ng pagkakailangan ng alay o pag-aayuno para sa walang-kakayahan sa pag-aalay ay para sa hindi mga naninirahan sa Ḥaram at sinumang naninirahan sa malapit sa Ḥaram. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa isinabatas Niya at ng pagdakila sa mga hangganan Niya. Alamin ninyo na si Allāh ay matindi ang parusa sa sinumang lumabag sa utos Niya.

Al-Baqara 2:196Listen in Qur'an →
197

ٱلْحَجُّ أَشْهُرٌۭ مَّعْلُومَٰتٌۭ ۚ فَمَن فَرَضَ فِيهِنَّ ٱلْحَجَّ فَلَا رَفَثَ وَلَا فُسُوقَ وَلَا جِدَالَ فِى ٱلْحَجِّ ۗ وَمَا تَفْعَلُوا۟ مِنْ خَيْرٍۢ يَعْلَمْهُ ٱللَّهُ ۗ وَتَزَوَّدُوا۟ فَإِنَّ خَيْرَ ٱلزَّادِ ٱلتَّقْوَىٰ ۚ وَٱتَّقُونِ يَٰٓأُو۟لِى ٱلْأَلْبَٰبِ

Hajj is [during] well-known months, so whoever has made Hajj obligatory upon himself therein [by entering the state of ihram], there is [to be for him] no sexual relations and no disobedience and no disputing during Hajj. And whatever good you do - Allah knows it. And take provisions, but indeed, the best provision is fear of Allah. And fear Me, O you of understanding.

Ang panahon ng ḥajj ay mga buwang nalalaman. Nagsisimula ito sa buwan ng Shawwāl at nagwawakas sa ikasampu ng Dhulḥijjah. Kaya ang sinumang nagsatungkulin sa sarili niya ng ḥajj sa mga buwang ito at nagsagawa ng iḥrām dito ay naging bawal sa kanya ang pagtatalik at ang mga paunang gawain nito. Nabibigyang-diin sa panig niya ang pagkabawal sa paglabas sa pagtalima kay Allāh sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagsuway dala ng kadakilaan ng panahon at pook. Ipinagbabawal sa kanya ang pakikipagtalong nagpapahantong sa galit at alitan. Ang anumang ginagawa ninyo na kabutihan ay nakaaalam nito si Allāh kaya gaganti Siya sa inyo roon. Magpatulong kayo sa pagsasagawa ng ḥajj sa pamamagitan ng pagkuha ng kakailanganin ninyo na pagkain at inumin. Alamin ninyo na ang pinakamabuti sa pinagpapatulungan ninyo sa lahat ng mga pumapatungkol sa inyo ay ang pangingilag sa pagkakasala kay Allāh – pagkataas-taas Siya. Kaya matakot kayo kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga ipinagbabawal Niya, O mga may matinong pang-unawa.

Al-Baqara 2:197Listen in Qur'an →
198

لَيْسَ عَلَيْكُمْ جُنَاحٌ أَن تَبْتَغُوا۟ فَضْلًۭا مِّن رَّبِّكُمْ ۚ فَإِذَآ أَفَضْتُم مِّنْ عَرَفَٰتٍۢ فَٱذْكُرُوا۟ ٱللَّهَ عِندَ ٱلْمَشْعَرِ ٱلْحَرَامِ ۖ وَٱذْكُرُوهُ كَمَا هَدَىٰكُمْ وَإِن كُنتُم مِّن قَبْلِهِۦ لَمِنَ ٱلضَّآلِّينَ

There is no blame upon you for seeking bounty from your Lord [during Hajj]. But when you depart from 'Arafat, remember Allah at al- Mash'ar al-Haram. And remember Him, as He has guided you, for indeed, you were before that among those astray.

Hindi sa inyo isang kasalanan na maghanap kayo ng panustos na ipinahihintulot sa pamamagitan ng pangangalakal at iba pa rito sa panahon ng pagsasagawa ng ḥajj. Kaya kapag lumisan kayo mula sa `Arafāt, matapos ng pagtigil ninyo roon sa araw ng ikasiyam habang mga dumadako sa Muzdalifah sa gabi ng ikasampu ng Dhulḥijjah, ay alalahanin ninyo si Allāh sa pamamagitan ng tasbīḥ (pagsabi ng subḥāna-llāh), tahlīl (pagsabi ng lā ilāha illa-llāh), at pagdalangin sa tabi ng Bantayog na Pinakababanal sa Muzdalifah. Alalahanin ninyo si Allāh dahil sa kapatnubayan Niya sa inyo tungo sa mga palatandaan ng Relihiyon Niya at mga gawaing-pagsamba ng ḥajj sa Bahay Niya sapagkat kayo nga noon bago pa niyon ay kabilang sa mga nalilingat sa Batas Niya.

Al-Baqara 2:198Listen in Qur'an →
199

ثُمَّ أَفِيضُوا۟ مِنْ حَيْثُ أَفَاضَ ٱلنَّاسُ وَٱسْتَغْفِرُوا۟ ٱللَّهَ ۚ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٌۭ رَّحِيمٌۭ

Then depart from the place from where [all] the people depart and ask forgiveness of Allah. Indeed, Allah is Forgiving and Merciful.

Pagkatapos lumisan kayo mula sa `Arafāt gaya ng ginagawa ng mga taong tumutulad kay Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – hindi gaya ng ginagawa ng sinumang hindi tumitigil doon kabilang sa mga tao ng Panahon ng Kamangmangan. Humiling kayo ng kapatawaran mula kay Allāh sa pagkukulang ninyo sa pagsasagawa ng isinabatas Niya; tunay na si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.

Al-Baqara 2:199Listen in Qur'an →
200

فَإِذَا قَضَيْتُم مَّنَٰسِكَكُمْ فَٱذْكُرُوا۟ ٱللَّهَ كَذِكْرِكُمْ ءَابَآءَكُمْ أَوْ أَشَدَّ ذِكْرًۭا ۗ فَمِنَ ٱلنَّاسِ مَن يَقُولُ رَبَّنَآ ءَاتِنَا فِى ٱلدُّنْيَا وَمَا لَهُۥ فِى ٱلْءَاخِرَةِ مِنْ خَلَٰقٍۢ

And when you have completed your rites, remember Allah like your [previous] remembrance of your fathers or with [much] greater remembrance. And among the people is he who says, "Our Lord, give us in this world," and he will have in the Hereafter no share.

Kapag nagwakas kayo sa mga gawain ng ḥajj at natapos kayo sa mga ito ay alalahanin ninyo si Allāh at magparami kayo ng pagbubunyi sa Kanya gaya ng pagmamalaki ninyo sa mga ninuno ninyo at pagbubunyi ninyo sa kanila, o ng higit na matindi sa pag-alaala kay Allāh kaysa sa pag-alaala sa mga ninuno ninyo dahil ang bawat biyayang tinatamasa ninyo ay mula sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya. Ang mga tao ay mga nagkakaiba-iba sapagkat kabilang sa kanila ang tagatangging sumampalataya na tagapagtambal, na hindi sumasampalataya kundi sa buhay na ito sa Mundo kaya wala siyang hinihiling sa Panginoon niya kundi ang kaginhawahan dito at gayak nito gaya ng kalusugan, salapi, at anak. Wala silang bahagi mula sa inihanda ni Allāh para sa mga lingkod Niyang mga mananampalataya sa Kabilang-buhay dahil sa pagkaibig nila sa Mundo at pag-ayaw nila sa Kabilang-buhay.

Al-Baqara 2:200Listen in Qur'an →

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.