Muslim99Muslim99
← Tafsir library

2. Al-Baqara

The Cow · Medinan · 286 ayahs

سُورَةُ البَقَرَةِ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 171–180 of 286

171

وَمَثَلُ ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ كَمَثَلِ ٱلَّذِى يَنْعِقُ بِمَا لَا يَسْمَعُ إِلَّا دُعَآءًۭ وَنِدَآءًۭ ۚ صُمٌّۢ بُكْمٌ عُمْىٌۭ فَهُمْ لَا يَعْقِلُونَ

The example of those who disbelieve is like that of one who shouts at what hears nothing but calls and cries cattle or sheep - deaf, dumb and blind, so they do not understand.

Ang paghahalintulad sa mga tumangging sumampalataya sa pagsunod nila sa mga ninuno nila ay gaya ng pastol na sumisigaw habang nananawagan sa mga hayop niya at nakaririnig naman ang mga ito sa tinig niya ngunit hindi nakauunawa sa sinasabi niya sapagkat sila ay mga bingi sa pagdinig ng katotohanan ayon sa pagdinig na makikinabang sila, na mga pipi na natahimik na ang mga dila nila sa pagbigkas sa katotohanan, na mga bulag sa pagkakita niyon. Dahil dito, hindi sila nakapag-uunawa sa patnubay na nag-aanyaya sa kanila.

Al-Baqara 2:171Listen in Qur'an →
172

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ كُلُوا۟ مِن طَيِّبَٰتِ مَا رَزَقْنَٰكُمْ وَٱشْكُرُوا۟ لِلَّهِ إِن كُنتُمْ إِيَّاهُ تَعْبُدُونَ

O you who have believed, eat from the good things which We have provided for you and be grateful to Allah if it is [indeed] Him that you worship.

O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, kumain kayo mula sa mga kaaya-ayang itinustos sa inyo ni Allāh at pinayagan Niya para sa inyo. Magpasalamat kayo kay Allāh nang lantaran at patago sa ipinagmabuting-loob Niya sa inyo na mga biyaya. Bahagi ng pagpapasalamat sa Kanya – pagkataas-taas Siya – ay na magsagawa kayo ng pagtalima sa Kanya at umiwas kayo sa pagsuway sa Kanya kung kayo ay totoong sumasamba sa Kanya lamang at huwag kayong magtambal sa Kanya ng anuman.

Al-Baqara 2:172Listen in Qur'an →
173

إِنَّمَا حَرَّمَ عَلَيْكُمُ ٱلْمَيْتَةَ وَٱلدَّمَ وَلَحْمَ ٱلْخِنزِيرِ وَمَآ أُهِلَّ بِهِۦ لِغَيْرِ ٱللَّهِ ۖ فَمَنِ ٱضْطُرَّ غَيْرَ بَاغٍۢ وَلَا عَادٍۢ فَلَآ إِثْمَ عَلَيْهِ ۚ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٌۭ رَّحِيمٌ

He has only forbidden to you dead animals, blood, the flesh of swine, and that which has been dedicated to other than Allah. But whoever is forced [by necessity], neither desiring [it] nor transgressing [its limit], there is no sin upon him. Indeed, Allah is Forgiving and Merciful.

Ipinagbawal lamang ni Allāh sa inyo mula sa mga pagkain ang namatay nang walang pagkatay na isinasabatas, ang ibinubong dugong dumadaloy, ang laman ng baboy, at ang anumang binanggitan ang iba pa sa pangalan ni Allāh sa sandali ng pagkakatay nito. Ngunit kapag napilitan ang tao na kumain ng anuman, samantalang siya ay hindi naman lumalabag sa katarungan sa pamamagitan ng pagkain mula roon nang walang pangangailangan ni lumalampas sa hangganan ng pangangailangan, ay walang kasalanan sa kanya ni kaparusahan. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila. Bahagi ng awa Niya na Siya ay nagpapaumanhin sa pagkain ng mga ipinagbabawal na ito sa sandali ng pagkanapipilitan.

Al-Baqara 2:173Listen in Qur'an →
174

إِنَّ ٱلَّذِينَ يَكْتُمُونَ مَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ مِنَ ٱلْكِتَٰبِ وَيَشْتَرُونَ بِهِۦ ثَمَنًۭا قَلِيلًا ۙ أُو۟لَٰٓئِكَ مَا يَأْكُلُونَ فِى بُطُونِهِمْ إِلَّا ٱلنَّارَ وَلَا يُكَلِّمُهُمُ ٱللَّهُ يَوْمَ ٱلْقِيَٰمَةِ وَلَا يُزَكِّيهِمْ وَلَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ

Indeed, they who conceal what Allah has sent down of the Book and exchange it for a small price - those consume not into their bellies except the Fire. And Allah will not speak to them on the Day of Resurrection, nor will He purify them. And they will have a painful punishment.

Tunay na ang mga nagtatago ng pinababa ni Allāh mula sa kasulatan at anumang naroon na katunayan sa katotohanan at pagkapropeta ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – gaya ng ginagawa ng mga Hudyo at mga Kristiyano, at ipinagbibili ito sa pamamagitan ng pagtatago nila rito dala ng isang kaunting kapalit gaya ng katungkulan o impluwensiya o yaman, ang mga iyon ay walang kinakain sa mga tiyan nila sa katunayan kundi ang magiging isang dahilan para pagdusahin sila sa Apoy. Hindi kakausap sa kanila si Allāh sa Araw ng Pagbangon sa paraang maiibigan nila, bagkus sa paraang ikasasama nila, at hindi Siya magdadalisay sa kanila ni pupuri sa kanila. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit.

Al-Baqara 2:174Listen in Qur'an →
175

أُو۟لَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ ٱشْتَرَوُا۟ ٱلضَّلَٰلَةَ بِٱلْهُدَىٰ وَٱلْعَذَابَ بِٱلْمَغْفِرَةِ ۚ فَمَآ أَصْبَرَهُمْ عَلَى ٱلنَّارِ

Those are the ones who have exchanged guidance for error and forgiveness for punishment. How patient they are in pursuit of the Fire!

Ang mga nailalarawang iyon ng pagtatago ng kaalaman na kinakailangan ng mga tao ay ang mga nagpalit ng kaligawan sa patnubay noong itinago nila ang kaalamang totoo at ipinagpalit sa parusa ni Allāh ang kapatawaran Niya. Kaya anong mapagtiis nila sa paggawa ng ikadadahilan para sa kanila ng pagpasok sa Apoy. Para bang sila ay hindi pumapansin sa nasa loob niyon na pagdurusa dahil sa pagtitiis nila roon.

Al-Baqara 2:175Listen in Qur'an →
176

ذَٰلِكَ بِأَنَّ ٱللَّهَ نَزَّلَ ٱلْكِتَٰبَ بِٱلْحَقِّ ۗ وَإِنَّ ٱلَّذِينَ ٱخْتَلَفُوا۟ فِى ٱلْكِتَٰبِ لَفِى شِقَاقٍۭ بَعِيدٍۢ

That is [deserved by them] because Allah has sent down the Book in truth. And indeed, those who differ over the Book are in extreme dissension.

Ang ganting iyon sa pagtatago sa kaalaman at patnubay ay dahilan sa si Allāh ay nagbaba ng mga kasulatang makadiyos kalakip ng katotohanan. Ito ay humihiling na linawin at huwag ilihim. Tunay na ang mga nagkaiba-iba hinggil sa mga kasulatang makadiyos sapagkat sumampalataya sila sa isang bahagi ng mga ito at nagtago sa ibang bahagi ng mga ito ay talagang nasa isang panig na malayo sa katotohanan.

Al-Baqara 2:176Listen in Qur'an →
177

۞ لَّيْسَ ٱلْبِرَّ أَن تُوَلُّوا۟ وُجُوهَكُمْ قِبَلَ ٱلْمَشْرِقِ وَٱلْمَغْرِبِ وَلَٰكِنَّ ٱلْبِرَّ مَنْ ءَامَنَ بِٱللَّهِ وَٱلْيَوْمِ ٱلْءَاخِرِ وَٱلْمَلَٰٓئِكَةِ وَٱلْكِتَٰبِ وَٱلنَّبِيِّۦنَ وَءَاتَى ٱلْمَالَ عَلَىٰ حُبِّهِۦ ذَوِى ٱلْقُرْبَىٰ وَٱلْيَتَٰمَىٰ وَٱلْمَسَٰكِينَ وَٱبْنَ ٱلسَّبِيلِ وَٱلسَّآئِلِينَ وَفِى ٱلرِّقَابِ وَأَقَامَ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتَى ٱلزَّكَوٰةَ وَٱلْمُوفُونَ بِعَهْدِهِمْ إِذَا عَٰهَدُوا۟ ۖ وَٱلصَّٰبِرِينَ فِى ٱلْبَأْسَآءِ وَٱلضَّرَّآءِ وَحِينَ ٱلْبَأْسِ ۗ أُو۟لَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ صَدَقُوا۟ ۖ وَأُو۟لَٰٓئِكَ هُمُ ٱلْمُتَّقُونَ

Righteousness is not that you turn your faces toward the east or the west, but [true] righteousness is [in] one who believes in Allah, the Last Day, the angels, the Book, and the prophets and gives wealth, in spite of love for it, to relatives, orphans, the needy, the traveler, those who ask [for help], and for freeing slaves; [and who] establishes prayer and gives zakah; [those who] fulfill their promise when they promise; and [those who] are patient in poverty and hardship and during battle. Those are the ones who have been true, and it is those who are the righteous.

Ang kabutihang kinalulugdan sa ganang kay Allāh ay hindi ang payak na pagharap sa dako ng silangan o kanluran at ang pagsasalitan doon. Subalit ang kabutihan na buong kabutihan ay nasa sinumang sumampalataya kay Allāh bilang nag-iisang Diyos; sumampalataya sa Araw ng Pagbangon, sa lahat ng mga anghel, sa lahat ng mga kasulatang pinababa, at sa lahat ng mga propeta nang walang pagtatangi-tangi; gumugol ng yaman – sa kabila ng pagkaibig dito at pagkasigasig dito – sa mga may pagkakamag-anakan, sa sinumang nawalan ng ama nang mababa sa edad ng pagbibinata (o pagdadalaga), sa mga may pangangailangan, sa estrangherong kinapos sa paglalakbay malayo sa mag-anak niya at bayan niya, sa mga dumanas ng isang pangangailangang nag-oobliga ng panghihingi sa mga tao, at sa pagbayad ng salapi sa pagpapalaya ng alipin mula sa pagkaalipin at pagkabihag; nagpanatili ng dasal sa pamamagitan ng pagsasagawa nito nang lubusan ayon sa ipinag-utos ni Allāh; nagbigay ng zakāh na kinakailangan; mga tumutupad sa kasunduan sa kanila kapag nakipagkasunduan sila; lalo na sa mga nagtitiis sa karalitaan at kahirapan, karamdaman, at sa sandali ng pakikipaglaban sapagkat hindi sila tumatakas. Ang mga nailalarawang iyon sa mga katangiang ito ay ang mga nagpakatotoo kay Allāh sa pananampalataya nila at mga gawain nila. Ang mga iyon ay ang mga tagapangilag magkasala, na mga sumunod sa ipinag-utos sa kanila ni Allāh at umiwas sa sinaway sa kanila ni Allāh.

Al-Baqara 2:177Listen in Qur'an →
178

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ كُتِبَ عَلَيْكُمُ ٱلْقِصَاصُ فِى ٱلْقَتْلَى ۖ ٱلْحُرُّ بِٱلْحُرِّ وَٱلْعَبْدُ بِٱلْعَبْدِ وَٱلْأُنثَىٰ بِٱلْأُنثَىٰ ۚ فَمَنْ عُفِىَ لَهُۥ مِنْ أَخِيهِ شَىْءٌۭ فَٱتِّبَاعٌۢ بِٱلْمَعْرُوفِ وَأَدَآءٌ إِلَيْهِ بِإِحْسَٰنٍۢ ۗ ذَٰلِكَ تَخْفِيفٌۭ مِّن رَّبِّكُمْ وَرَحْمَةٌۭ ۗ فَمَنِ ٱعْتَدَىٰ بَعْدَ ذَٰلِكَ فَلَهُۥ عَذَابٌ أَلِيمٌۭ

O you who have believed, prescribed for you is legal retribution for those murdered - the free for the free, the slave for the slave, and the female for the female. But whoever overlooks from his brother anything, then there should be a suitable follow-up and payment to him with good conduct. This is an alleviation from your Lord and a mercy. But whoever transgresses after that will have a painful punishment.

O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, isinatungkulin sa inyo – kaugnay sa pumapatungkol sa mga nakapapatay ng ibang tao nang may pananadya at paglabag – ang pagpaparusa sa pumatay ng tulad sa krimen niya kaya naman ang malaya ay papatayin dahil sa malaya, ang alipin ay papatayin dahil sa alipin, at ang babae ay papatayin dahil sa babae. Ngunit kung nagpaumanhin ang napatay bago mamatay o nagpaumanhin ang katangkilik ng napatay kapalit ng bayad-pinsala – na isang halaga ng salapi na ibabayad ng nakapatay kapalit ng pagpapaumanhin sa kanya – kailangan sa sinumang nagpaumanhin ang pag-oobliga sa nakapatay sa paghiling sa bayad-pinsala nang ayon sa makatuwiran, hindi ayon sa panunumbat at pamiminsala, at kailangan naman sa nakapatay ang magsagawa ng bayad-pinsala ayon sa isang pagmamagandang-loob nang walang pagpapatagal at pagpapaliban. Yaong pagpapaumanhin at pagtanggap ng bayad-pinsala ay isang pagpapagaan mula sa Panginoon ninyo sa inyo at isang awa sa Kalipunang ito. Kaya ang sinumang nangaway sa nakapatay matapos yaong pagpapaumanhin at pagtanggap ng bayad-pinsala, ukol sa kanya ay isang pagdurusang masakit mula kay Allāh – pagkataas-taas Siya.

Al-Baqara 2:178Listen in Qur'an →
179

وَلَكُمْ فِى ٱلْقِصَاصِ حَيَوٰةٌۭ يَٰٓأُو۟لِى ٱلْأَلْبَٰبِ لَعَلَّكُمْ تَتَّقُونَ

And there is for you in legal retribution [saving of] life, O you [people] of understanding, that you may become righteous.

Ukol sa inyo sa anumang isinabatas ni Allāh na ganting-pinsala ay buhay para sa inyo dahil sa pangangalaga sa mga buhay ninyo at pagpigil ng pangangaway sa gitna ninyo. Natatalos iyon ng mga may isip na nangingilag magkasala kay Allāh – pagkataas-taas Siya – sa pamamagitan ng pagpapaakay sa batas Niya at paggawa sa utos Niya.

Al-Baqara 2:179Listen in Qur'an →
180

كُتِبَ عَلَيْكُمْ إِذَا حَضَرَ أَحَدَكُمُ ٱلْمَوْتُ إِن تَرَكَ خَيْرًا ٱلْوَصِيَّةُ لِلْوَٰلِدَيْنِ وَٱلْأَقْرَبِينَ بِٱلْمَعْرُوفِ ۖ حَقًّا عَلَى ٱلْمُتَّقِينَ

Prescribed for you when death approaches [any] one of you if he leaves wealth [is that he should make] a bequest for the parents and near relatives according to what is acceptable - a duty upon the righteous.

Inobliga sa inyo, kapag darating sa isa sa inyo ang mga palatandaan ng kamatayan at ang mga dahilan nito kung mag-iiwan siya ng maraming yaman, na magsatagubilin para sa mga magulang at mga may pagkakamag-anak ng ayon sa nilimitahan sa kanya ng Batas ng Islām, na hindi lalampas sa isang katlo ng yaman. Ang paggawa nito ay isang tungkuling binigyang-diin sa mga tagapangilag magkasala kay Allāh – pagkataas-taas Siya. Nangyari nga ang patakarang ito bago ng pagbaba ng mga talata ng mga pagmamana; ngunit noong bumaba na ang mga talata ng pagmamana, nilinaw ng mga ito kung sino ang magmamana sa patay at ang kantidad ng mamanahin.

Al-Baqara 2:180Listen in Qur'an →

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.