Muslim99Muslim99
← Tafsir library

2. Al-Baqara

The Cow · Medinan · 286 ayahs

سُورَةُ البَقَرَةِ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 161–170 of 286

161

إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ وَمَاتُوا۟ وَهُمْ كُفَّارٌ أُو۟لَٰٓئِكَ عَلَيْهِمْ لَعْنَةُ ٱللَّهِ وَٱلْمَلَٰٓئِكَةِ وَٱلنَّاسِ أَجْمَعِينَ

Indeed, those who disbelieve and die while they are disbelievers - upon them will be the curse of Allah and of the angels and the people, all together,

Tunay na ang mga tumangging sumampalataya at namatay sa kawalang-pananampalataya bago nagbalik-loob mula roon, ang mga iyon ay ukol sa kanila ang sumpa ni Allāh sa pamamagitan ng pagtaboy sa kanila mula sa awa Niya at ukol sa kanila ang panalangin ng mga anghel at mga tao sa kabuuan nila sa pamamagitan ng pagtaboy mula sa awa ni Allāh at pagpapalayo mula roon,

Al-Baqara 2:161Listen in Qur'an →
162

خَٰلِدِينَ فِيهَا ۖ لَا يُخَفَّفُ عَنْهُمُ ٱلْعَذَابُ وَلَا هُمْ يُنظَرُونَ

Abiding eternally therein. The punishment will not be lightened for them, nor will they be reprieved.

na mga mamamalagi sa sumpang ito. Hindi pagagaanin sa kanila ang pagdurusa kahit iisang araw ni magpapaliban sa kanila sa Araw ng Pagbangon.

Al-Baqara 2:162Listen in Qur'an →
163

وَإِلَٰهُكُمْ إِلَٰهٌۭ وَٰحِدٌۭ ۖ لَّآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ ٱلرَّحْمَٰنُ ٱلرَّحِيمُ

And your god is one God. There is no deity [worthy of worship] except Him, the Entirely Merciful, the Especially Merciful.

Ang sinasamba ninyong totoo, O mga tao, ay nag-iisang namumukod-tangi sa sarili Niya at mga katangian Niya; walang sinasamba ayon sa katapatan na iba pa sa Kanya. Siya ay ang Napakamaawain: ang may awang malawak, ang Maawain sa mga lingkod Niya yayamang nagbiyaya Siya sa kanila ng mga biyayang hindi mabibilang.

Al-Baqara 2:163Listen in Qur'an →
164

إِنَّ فِى خَلْقِ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ وَٱخْتِلَٰفِ ٱلَّيْلِ وَٱلنَّهَارِ وَٱلْفُلْكِ ٱلَّتِى تَجْرِى فِى ٱلْبَحْرِ بِمَا يَنفَعُ ٱلنَّاسَ وَمَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مِن مَّآءٍۢ فَأَحْيَا بِهِ ٱلْأَرْضَ بَعْدَ مَوْتِهَا وَبَثَّ فِيهَا مِن كُلِّ دَآبَّةٍۢ وَتَصْرِيفِ ٱلرِّيَٰحِ وَٱلسَّحَابِ ٱلْمُسَخَّرِ بَيْنَ ٱلسَّمَآءِ وَٱلْأَرْضِ لَءَايَٰتٍۢ لِّقَوْمٍۢ يَعْقِلُونَ

Indeed, in the creation of the heavens and earth, and the alternation of the night and the day, and the [great] ships which sail through the sea with that which benefits people, and what Allah has sent down from the heavens of rain, giving life thereby to the earth after its lifelessness and dispersing therein every [kind of] moving creature, and [His] directing of the winds and the clouds controlled between the heaven and the earth are signs for a people who use reason.

Tunay na sa pagkalikha sa mga langit at lupa at anumang nasa mga ito na mga kahanga-hanga sa nilikha, sa pagpapalitan ng gabi at maghapon, sa mga daong na naglalayag sa mga tubigan ng mga dagat na nagdadala ng pinakikinabangan ng mga tao na pagkain, kasuutan, pangangalakal, at iba pa kabilang sa kinakailangan nila, sa anumang pinababa ni Allāh mula sa langit na tubig saka nagbigay-buhay Siya sa pamamagitan nito sa lupa sa pamamagitan ng pinatutubo Niya rito na pananim at damo at sa ikinalat Niya rito na mga nilikhang buhay, at sa paglilipat sa mga hangin mula sa isang dako papunta sa isang dako, at sa mga ulap na pinaamo sa pagitan ng langit at lupa, tunay na lahat ng iyon ay talagang may mga tandang maliwanag sa kaisahan Niya – kaluwalhatian sa Kanya – para sa mga nakapag-uunawa sa mga katwiran at umiintindi sa mga patunay at mga patotoo.

Al-Baqara 2:164Listen in Qur'an →
165

وَمِنَ ٱلنَّاسِ مَن يَتَّخِذُ مِن دُونِ ٱللَّهِ أَندَادًۭا يُحِبُّونَهُمْ كَحُبِّ ٱللَّهِ ۖ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓا۟ أَشَدُّ حُبًّۭا لِّلَّهِ ۗ وَلَوْ يَرَى ٱلَّذِينَ ظَلَمُوٓا۟ إِذْ يَرَوْنَ ٱلْعَذَابَ أَنَّ ٱلْقُوَّةَ لِلَّهِ جَمِيعًۭا وَأَنَّ ٱللَّهَ شَدِيدُ ٱلْعَذَابِ

And [yet], among the people are those who take other than Allah as equals [to Him]. They love them as they [should] love Allah. But those who believe are stronger in love for Allah. And if only they who have wronged would consider [that] when they see the punishment, [they will be certain] that all power belongs to Allah and that Allah is severe in punishment.

Sa kabila ng mga tandang maliwanag na iyon, tunay na may mga tao na gumagawa sa iba pa kay Allāh bilang mga diyos na ginagawa nila bilang mga kaagaw kay Allāh – pagkataas-taas Siya – na iniibig nila kung paanong iniibig nila si Allāh samantalang ang mga sumampalataya ay higit na matindi sa pag-ibig kay Allāh kaysa sa mga ito para sa mga sinasamba ng mga ito dahil sila ay hindi nagtatambal kay Allāh ng iisa man at umiibig sa Kanya sa ginhawa at kagipitan. Ang mga iyon naman, tunay na sila ay umiibig sa mga diyos nila sa sandali ng kaginhawahan. Sa kagipitan naman ay wala silang dinadalanginan kundi si Allāh. Kung sana nakakikita ang mga tagalabag sa katarungan dahil sa pagtatambal nila at paggawa nila ng mga masagwang gawa sa kalagayan nila sa Kabilang-buhay kapag nasasaksihan na nila ang pagdurusa ay talagang malalaman sana nila na ang namumukod-tangi sa lakas sa kalahatan ay si Allāh, at na Siya ay matindi ang pagpaparusa sa sinumang sumuway sa Kanya. Kung sana nakikita nila iyon ay talagang hindi sana sila nagtambal sa Kanya ng iisa man.

Al-Baqara 2:165Listen in Qur'an →
166

إِذْ تَبَرَّأَ ٱلَّذِينَ ٱتُّبِعُوا۟ مِنَ ٱلَّذِينَ ٱتَّبَعُوا۟ وَرَأَوُا۟ ٱلْعَذَابَ وَتَقَطَّعَتْ بِهِمُ ٱلْأَسْبَابُ

[And they should consider that] when those who have been followed disassociate themselves from those who followed [them], and they [all] see the punishment, and cut off from them are the ties [of relationship],

Iyon ay kapag nagpapawalang-kaugnayan na ang mga pinunong sinusunod sa mga mahinang sumunod sa kanila dahil sa nakasasaksi na sila sa mga hilakbot sa Araw ng Pagbangon at mga kalamidad nito, [kapag] nagkalagut-lagot na sa kanila ang lahat ng mga kaugnayan ng kaligtasan at mga kaparaanan nito,

Al-Baqara 2:166Listen in Qur'an →
167

وَقَالَ ٱلَّذِينَ ٱتَّبَعُوا۟ لَوْ أَنَّ لَنَا كَرَّةًۭ فَنَتَبَرَّأَ مِنْهُمْ كَمَا تَبَرَّءُوا۟ مِنَّا ۗ كَذَٰلِكَ يُرِيهِمُ ٱللَّهُ أَعْمَٰلَهُمْ حَسَرَٰتٍ عَلَيْهِمْ ۖ وَمَا هُم بِخَٰرِجِينَ مِنَ ٱلنَّارِ

Those who followed will say, "If only we had another turn [at worldly life] so we could disassociate ourselves from them as they have disassociated themselves from us." Thus will Allah show them their deeds as regrets upon them. And they are never to emerge from the Fire.

at nagsabi ang mga mahina at ang mga tagasunod: "Sana mayroon kaming isang pagbabalik sa Mundo para magpawalang-kaugnayan kami sa mga pinuno namin kung nagpawalang-kaugnayan sila sa amin." Kung paanong ipakikita sa kanila ni Allāh ang pagdurusang matindi sa Kabilang-buhay, ipakikita Niya sa kanila ang kahihinatnan ng pagsunod nila sa mga pinuno nila sa kabulaanan bilang mga pagsisisi at mga kalungkutan. Sila ay hindi makalalabas magpakailanman mula sa Apoy.

Al-Baqara 2:167Listen in Qur'an →
168

يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ كُلُوا۟ مِمَّا فِى ٱلْأَرْضِ حَلَٰلًۭا طَيِّبًۭا وَلَا تَتَّبِعُوا۟ خُطُوَٰتِ ٱلشَّيْطَٰنِ ۚ إِنَّهُۥ لَكُمْ عَدُوٌّۭ مُّبِينٌ

O mankind, eat from whatever is on earth [that is] lawful and good and do not follow the footsteps of Satan. Indeed, he is to you a clear enemy.

O mga tao, kumain kayo mula sa nasa lupa mula sa hayop, halaman, at mga puno, na kabilang sa anumang ang pagtamo niyon ay ipinahihintulot at nakabubuti mismo, hindi masama; at huwag kayong sumunod sa mga tinatahak ng demonyo, na ipinapain niya sa inyo. Tunay na siya para sa inyo ay isang kaaway na maliwanag ang pangangaway. Hindi ipinahihintulot para sa nakapag-uunawa na sumunod sa kaaway niyang nagsisigasig sa pananakit sa kanya at pagkaligaw niya.

Al-Baqara 2:168Listen in Qur'an →
169

إِنَّمَا يَأْمُرُكُم بِٱلسُّوٓءِ وَٱلْفَحْشَآءِ وَأَن تَقُولُوا۟ عَلَى ٱللَّهِ مَا لَا تَعْلَمُونَ

He only orders you to evil and immorality and to say about Allah what you do not know.

Siya ay nag-uutos lamang sa inyo ng anumang sumasagwa na mga kasalanan at anumang bumibigat na mga pagkakasala, at na magsabi kayo laban kay Allāh kaugnay sa mga pinaniniwalaan at mga batas ayon sa hindi kaalamang dumating sa inyo buhat kay Allāh at sa mga sugo Niya.

Al-Baqara 2:169Listen in Qur'an →
170

وَإِذَا قِيلَ لَهُمُ ٱتَّبِعُوا۟ مَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ قَالُوا۟ بَلْ نَتَّبِعُ مَآ أَلْفَيْنَا عَلَيْهِ ءَابَآءَنَآ ۗ أَوَلَوْ كَانَ ءَابَآؤُهُمْ لَا يَعْقِلُونَ شَيْـًۭٔا وَلَا يَهْتَدُونَ

And when it is said to them, "Follow what Allah has revealed," they say, "Rather, we will follow that which we found our fathers doing." Even though their fathers understood nothing, nor were they guided?

Kapag sinabi sa mga tagatangging sumampalatayang ito: "Sumunod kayo sa pinababa ni Allāh na patnubay at liwanag," nagsasabi sila habang mga nagmamatigas: "Bagkus sumusunod kami sa natagpuan namin sa mga magulang namin na mga paniniwala at mga tradisyon." Sumusunod ba sila ang mga magulang nila kahit ba ang mga ito ay hindi nakapag-uunawa ng anumang patnubay at liwanag, at hindi napapatnubayan tungo sa katotohanang kinalulugdan ni Allāh?

Al-Baqara 2:170Listen in Qur'an →

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.