Muslim99Muslim99
← Tafsir library

2. Al-Baqara

The Cow · Medinan · 286 ayahs

سُورَةُ البَقَرَةِ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 151–160 of 286

151

كَمَآ أَرْسَلْنَا فِيكُمْ رَسُولًۭا مِّنكُمْ يَتْلُوا۟ عَلَيْكُمْ ءَايَٰتِنَا وَيُزَكِّيكُمْ وَيُعَلِّمُكُمُ ٱلْكِتَٰبَ وَٱلْحِكْمَةَ وَيُعَلِّمُكُم مَّا لَمْ تَكُونُوا۟ تَعْلَمُونَ

Just as We have sent among you a messenger from yourselves reciting to you Our verses and purifying you and teaching you the Book and wisdom and teaching you that which you did not know.

Gaya ng pagbiyaya Namin sa inyo ng iba pang biyaya yayamang nagsugo Kami sa inyo ng isang Sugong kabilang sa mga sarili ninyo, na bumibigkas sa inyo ng mga tanda Namin, nagdadalisay sa inyo sa pamamagitan ng ipinag-uutos niya sa inyo na mga kabutihan at nakabubuti at ng sinasaway niya sa inyo na mga kasamaan at nakasasama, nagtuturo sa inyo ng Qur'ān at Sunnah, at nagtuturo sa inyo ng hindi ninyo dati nalalaman na mga pumapatungkol sa relihiyon ninyo at Mundo ninyo.

Al-Baqara 2:151Listen in Qur'an →
152

فَٱذْكُرُونِىٓ أَذْكُرْكُمْ وَٱشْكُرُوا۟ لِى وَلَا تَكْفُرُونِ

So remember Me; I will remember you. And be grateful to Me and do not deny Me.

Kaya alalahanin ninyo Ako sa pamamagitan ng mga puso ninyo at mga bahagi ng katawan ninyo, aalalahanin Ko kayo sa pamamagitan ng pagbubunyi sa inyo at pangangalaga sa inyo sapagkat ang ganti ay kabilang sa uri ng gawain. Magpasalamat kayo sa Akin sa mga biyaya Kong ibiniyaya Ko sa inyo at huwag kayong tumangging sumampalataya sa Akin sa pamamagitan ng pagkakaila sa mga iyon at paggamit sa mga iyon sa anumang ipinagbawal sa inyo.

Al-Baqara 2:152Listen in Qur'an →
153

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ ٱسْتَعِينُوا۟ بِٱلصَّبْرِ وَٱلصَّلَوٰةِ ۚ إِنَّ ٱللَّهَ مَعَ ٱلصَّٰبِرِينَ

O you who have believed, seek help through patience and prayer. Indeed, Allah is with the patient.

O mga sumampalataya, magpatulong kayo sa pamamagitan ng pagtitiis at pagdarasal sa pagsasagawa ng pagtalima kay Allāh at pagpapasakop sa utos Niya. Tunay na si Allāh ay kasama ng mga nagtitiis; nagtutuon Siya sa kanila at tumutulong siya sa kanila.

Al-Baqara 2:153Listen in Qur'an →
154

وَلَا تَقُولُوا۟ لِمَن يُقْتَلُ فِى سَبِيلِ ٱللَّهِ أَمْوَٰتٌۢ ۚ بَلْ أَحْيَآءٌۭ وَلَٰكِن لَّا تَشْعُرُونَ

And do not say about those who are killed in the way of Allah, "They are dead." Rather, they are alive, but you perceive [it] not.

Huwag kayong magsabi, O mga mananampalataya, hinggil sa kalagayan ng mga napapatay sa pakikibaka sa landas ni Allāh: "Tunay na sila ay mga patay, na namatay gaya ng pagkamatay ng iba pa sa kanila," bagkus sila ay mga buhay sa ganang Panginoon nila subalit hindi kayo nakatatalos sa buhay nila dahil ito ay buhay na natatangi, na walang paraan para malaman ito malibang sa pamamagitan ng isang pagkasi mula kay Allāh – pagkataas-taas Siya.

Al-Baqara 2:154Listen in Qur'an →
155

وَلَنَبْلُوَنَّكُم بِشَىْءٍۢ مِّنَ ٱلْخَوْفِ وَٱلْجُوعِ وَنَقْصٍۢ مِّنَ ٱلْأَمْوَٰلِ وَٱلْأَنفُسِ وَٱلثَّمَرَٰتِ ۗ وَبَشِّرِ ٱلصَّٰبِرِينَ

And We will surely test you with something of fear and hunger and a loss of wealth and lives and fruits, but give good tidings to the patient,

Talagang susulitin nga Namin kayo sa pamamagitan ng mga uri ng mga kasawian, sa pamamagitan ng isang anumang kabilang sa pangamba mula sa mga kaaway ninyo at sa pamamagitan ng gutom dahil sa kakauntian ng pagkain, at sa pamamagitan ng isang kabawasan mula sa mga ari-arian dahil sa pagkawala ng mga ito o hirap ng pagkamit sa mga ito, sa pamamagitan ng isang kabawasan sa mga buhay dahil sa mga pinsalang nagpapahamak sa mga tao o sa pamamagitan ng pagkamartir sa landas ni Allāh, at sa pamamagitan ng isang kabawasan sa mga bunga. Magbalita ka, O Propeta, sa mga nagtitiis sa mga kasawiang iyon ng magpapagalak sa kanila sa Mundo at Kabilang-buhay.

Al-Baqara 2:155Listen in Qur'an →
156

ٱلَّذِينَ إِذَآ أَصَٰبَتْهُم مُّصِيبَةٌۭ قَالُوٓا۟ إِنَّا لِلَّهِ وَإِنَّآ إِلَيْهِ رَٰجِعُونَ

Who, when disaster strikes them, say, "Indeed we belong to Allah, and indeed to Him we will return."

Yaong mga kapag tinamaan sila ng isang kasawian mula sa mga kasawiang iyon ay nagsasabi sila nang may pagkalugod at pagpapasakop: "Tunay na kami ay pag-aari para kay Allāh: ginagawa Niya sa amin ang anumang niloob Niya. Tunay na kami ay sa Kanya mga manunumbalik sa Araw ng Pagbangon sapagkat Siya ay ang lumikha sa amin at nagmagandang-loob sa amin sa pamamagitan ng magkakaiba-ibang mga biyaya at tungo sa Kanya ang pagbabalikan namin at ang wakas ng nauukol sa amin."

Al-Baqara 2:156Listen in Qur'an →
157

أُو۟لَٰٓئِكَ عَلَيْهِمْ صَلَوَٰتٌۭ مِّن رَّبِّهِمْ وَرَحْمَةٌۭ ۖ وَأُو۟لَٰٓئِكَ هُمُ ٱلْمُهْتَدُونَ

Those are the ones upon whom are blessings from their Lord and mercy. And it is those who are the [rightly] guided.

Ang mga nailalarawang iyon sa katangiang ito ay may ukol sa kanila na pagbubunyi mula kay Allāh sa kanila sa Kapulungang Kataas-taasan ng mga anghel, at awa na bababa sa kanila. Ang mga iyon ay ang mga napapatnubayan tungo sa daan ng katotohanan.

Al-Baqara 2:157Listen in Qur'an →
158

۞ إِنَّ ٱلصَّفَا وَٱلْمَرْوَةَ مِن شَعَآئِرِ ٱللَّهِ ۖ فَمَنْ حَجَّ ٱلْبَيْتَ أَوِ ٱعْتَمَرَ فَلَا جُنَاحَ عَلَيْهِ أَن يَطَّوَّفَ بِهِمَا ۚ وَمَن تَطَوَّعَ خَيْرًۭا فَإِنَّ ٱللَّهَ شَاكِرٌ عَلِيمٌ

Indeed, as-Safa and al-Marwah are among the symbols of Allah. So whoever makes Hajj to the House or performs 'umrah - there is no blame upon him for walking between them. And whoever volunteers good - then indeed, Allah is appreciative and Knowing.

Tunay na ang dalawang burol na kilala bilang Safá at Marwah malapit sa Ka`bah ay kabilang sa mga hayag na tanda ng Batas ng Islām. Kaya ang sinumang nagsadya sa Bahay [ni Allāh] para sa pagsasagawa ng gawaing-pagsamba ng ḥajj o gawaing-pagsamba ng `umrah ay walang kasalanan sa kanya na magparoon at magparito sa pagitan ng dalawang iyon. Sa pagkakaila ng kasalanan dito ay may kapanatagan para sa sinumang naasiwa kabilang sa mga Muslim sa pagparoon at pagparito sa pagitan ng mga iyon dala ng paniniwalang iyon ay bahagi ng nauukol sa Panahon ng Kamangmangan. Nilinaw nga ni Allāh na iyon ay bahagi ng mga gawaing-pagsamba ng ḥajj. Ang sinumang gumawa ng mga itinuturing na kaibig-ibig gaya ng mga pagtalima bilang nagkukusang-loob sa mga ito habang nagpapakawagas, tunay na si Allāh ay nagpapasalamat sa kanya, tatanggap ng mga iyon mula sa kanya, at gaganti sa kanya sa mga iyon. Si Allāh ay ang maaalam sa sinumang gumagawa ng kabutihan at nagiging karapat-dapat sa gantimpala.

Al-Baqara 2:158Listen in Qur'an →
159

إِنَّ ٱلَّذِينَ يَكْتُمُونَ مَآ أَنزَلْنَا مِنَ ٱلْبَيِّنَٰتِ وَٱلْهُدَىٰ مِنۢ بَعْدِ مَا بَيَّنَّٰهُ لِلنَّاسِ فِى ٱلْكِتَٰبِ ۙ أُو۟لَٰٓئِكَ يَلْعَنُهُمُ ٱللَّهُ وَيَلْعَنُهُمُ ٱللَّٰعِنُونَ

Indeed, those who conceal what We sent down of clear proofs and guidance after We made it clear for the people in the Scripture - those are cursed by Allah and cursed by those who curse,

Tunay na ang mga nagkukubli ng anumang pinababa na mga malinaw na patunay na nagpapatunay sa katapatan ng Propeta at anumang inihatid niya, kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano, nang matapos na inihayag siya sa mga kasulatan nila, ang mga iyon ay itataboy ni Allāh mula sa awa Niya at dadalangin laban sa kanila ang mga anghel, ang mga propeta, at ang mga tao na mga magkakasama na itaboy sila mula sa awa Niya.

Al-Baqara 2:159Listen in Qur'an →
160

إِلَّا ٱلَّذِينَ تَابُوا۟ وَأَصْلَحُوا۟ وَبَيَّنُوا۟ فَأُو۟لَٰٓئِكَ أَتُوبُ عَلَيْهِمْ ۚ وَأَنَا ٱلتَّوَّابُ ٱلرَّحِيمُ

Except for those who repent and correct themselves and make evident [what they concealed]. Those - I will accept their repentance, and I am the Accepting of repentance, the Merciful.

Maliban sa mga bumalik kay Allāh na mga nagsisisi sa pagkukubli sa mga tandang maliwanag na iyon, nagsaayos sa mga gawa nilang panlabas at panloob, at naglinaw sa ikinubli nilang katotohanan at patnubay. Ang mga iyon ay tatanggapin Ko ang pagbabalik nila sa pagtalima sa Akin. Ako ay ang Palatanggap ng pagbabalik-loob ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod, ang Maaawain sa kanila.

Al-Baqara 2:160Listen in Qur'an →

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.