Muslim99Muslim99
← Tafsir library

2. Al-Baqara

The Cow · Medinan · 286 ayahs

سُورَةُ البَقَرَةِ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 141–150 of 286

141

تِلْكَ أُمَّةٌۭ قَدْ خَلَتْ ۖ لَهَا مَا كَسَبَتْ وَلَكُم مَّا كَسَبْتُمْ ۖ وَلَا تُسْـَٔلُونَ عَمَّا كَانُوا۟ يَعْمَلُونَ

That is a nation which has passed on. It will have [the consequence of] what it earned, and you will have what you have earned. And you will not be asked about what they used to do.

Iyon ay isang kalipunang nagdaan na bago pa ninyo at humantong sa ipinauna niyon na gawain. Ukol doon ang nakamit niyon na mga gawa at ukol sa inyo ang nakamit ninyo. Hindi kayo tatanungin tungkol sa mga gawa nila at hindi sila tatanungin tungkol sa mga gawa ninyo. Kaya hindi dadaklutin ang isa dahil sa pagkakasala ng isa. Hindi ito makikinabang sa gawain ng iba pa rito, bagkus ang bawat isa ay gagantihan sa ipinauna nitong gawa.

Al-Baqara 2:141Listen in Qur'an →
142

۞ سَيَقُولُ ٱلسُّفَهَآءُ مِنَ ٱلنَّاسِ مَا وَلَّىٰهُمْ عَن قِبْلَتِهِمُ ٱلَّتِى كَانُوا۟ عَلَيْهَا ۚ قُل لِّلَّهِ ٱلْمَشْرِقُ وَٱلْمَغْرِبُ ۚ يَهْدِى مَن يَشَآءُ إِلَىٰ صِرَٰطٍۢ مُّسْتَقِيمٍۢ

The foolish among the people will say, "What has turned them away from their qiblah, which they used to face?" Say, "To Allah belongs the east and the west. He guides whom He wills to a straight path."

Magsasabi ang mga mangmang na mahihina ang mga pagkaunawa kabilang sa mga Hudyo at sinumang nasa kauri nila kabilang sa mga mapagpaimbabaw: "Ano ang nagpabaling sa mga Muslim palayo sa qiblah ng Jerusalem na dating qiblah nila noon?" Sabihin mo, O Propeta, habang sumasagot sa kanila: "Sa kay Allāh lamang ang pagmamay-ari ng silangan, kanluran, at iba sa dalawang na mga dako. Naghaharap siya sa sinumang niloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya tungo sa alinmang dakong niloob Niya. Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay nagpapatnubay sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya tungo sa isang tuwid na daan, na walang pagkabaluktot doon ni paglihis."

Al-Baqara 2:142Listen in Qur'an →
143

وَكَذَٰلِكَ جَعَلْنَٰكُمْ أُمَّةًۭ وَسَطًۭا لِّتَكُونُوا۟ شُهَدَآءَ عَلَى ٱلنَّاسِ وَيَكُونَ ٱلرَّسُولُ عَلَيْكُمْ شَهِيدًۭا ۗ وَمَا جَعَلْنَا ٱلْقِبْلَةَ ٱلَّتِى كُنتَ عَلَيْهَآ إِلَّا لِنَعْلَمَ مَن يَتَّبِعُ ٱلرَّسُولَ مِمَّن يَنقَلِبُ عَلَىٰ عَقِبَيْهِ ۚ وَإِن كَانَتْ لَكَبِيرَةً إِلَّا عَلَى ٱلَّذِينَ هَدَى ٱللَّهُ ۗ وَمَا كَانَ ٱللَّهُ لِيُضِيعَ إِيمَٰنَكُمْ ۚ إِنَّ ٱللَّهَ بِٱلنَّاسِ لَرَءُوفٌۭ رَّحِيمٌۭ

And thus we have made you a just community that you will be witnesses over the people and the Messenger will be a witness over you. And We did not make the qiblah which you used to face except that We might make evident who would follow the Messenger from who would turn back on his heels. And indeed, it is difficult except for those whom Allah has guided. And never would Allah have caused you to lose your faith. Indeed Allah is, to the people, Kind and Merciful.

Kung paanong gumawa si Allāh para sa inyo ng isang qiblah na kinalugdan Niya para sa inyo, gumawa siya sa inyo bilang kalipunang mabuti, makatarungan, makakatamtaman sa gitna ng mga kalipunan sa kabuuan ng mga ito sa mga pinaniniwalaan, mga pagsamba, at mga pakikitungo upang kayo sa Araw ng Pagbangon ay maging mga saksi para sa mga sugo ni Allāh na sila ay nagpaabot ng ipinag-utos sa kanila ni Allāh na ipaabot sa mga kalipunan nila, at upang ang Sugong si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – gayon din ay maging isang saksi sa inyo na siya ay nagpaabot sa inyo ng ipinasugo sa inyo. Hindi gumawa si Allāh ng pagpapalit sa qiblah na dati mong hinaharapan, ang Jerusalem, maliban upang malaman Niya ayon sa kaalaman ng pagpapalitaw – na nagreresulta ito para roon ng pagganti – sa kung sino ang malulugod sa isinabatas Niya at magpapasakop doon para sumunod sa Sugo at kung sino naman ang tatalikod sa relihiyon nito at susunod sa mga pithaya nito para hindi magpasakop sa isinabatas ni Allāh. Talaga ngang ang pag-uutos ng pagpapalit sa unang qiblah ay mabigat maliban sa mga itinuon ni Allāh sa pananampalataya sa Kanya at sa [katotohanang] ang isinasabatas Niya para sa mga lingkod Niya ay isinasabatas Niya lamang dahil sa mga kasanhiang malalim. Hindi nangyaring si Allāh ay ukol na magsayang ng pananampalataya ninyo sa Kanya. Kabilang dito ang dasal ninyong dinasal ninyo bago ng pagpapalit sa qiblah. Tunay na si Allāh sa mga tao ay talagang Mahabagin, Maawain kaya hindi Siya nagpapahirap sa kanila ni nagsasayang sa gantimpala ng mga gawa nila.

Al-Baqara 2:143Listen in Qur'an →
144

قَدْ نَرَىٰ تَقَلُّبَ وَجْهِكَ فِى ٱلسَّمَآءِ ۖ فَلَنُوَلِّيَنَّكَ قِبْلَةًۭ تَرْضَىٰهَا ۚ فَوَلِّ وَجْهَكَ شَطْرَ ٱلْمَسْجِدِ ٱلْحَرَامِ ۚ وَحَيْثُ مَا كُنتُمْ فَوَلُّوا۟ وُجُوهَكُمْ شَطْرَهُۥ ۗ وَإِنَّ ٱلَّذِينَ أُوتُوا۟ ٱلْكِتَٰبَ لَيَعْلَمُونَ أَنَّهُ ٱلْحَقُّ مِن رَّبِّهِمْ ۗ وَمَا ٱللَّهُ بِغَٰفِلٍ عَمَّا يَعْمَلُونَ

We have certainly seen the turning of your face, [O Muhammad], toward the heaven, and We will surely turn you to a qiblah with which you will be pleased. So turn your face toward al-Masjid al-Haram. And wherever you [believers] are, turn your faces toward it [in prayer]. Indeed, those who have been given the Scripture well know that it is the truth from their Lord. And Allah is not unaware of what they do.

Nakakita nga si Allāh, O Propeta, sa pagbaling ng mukha mo at pagtingin mo sa dako ng langit dala ng pag-aabang at pagsisiyasat para sa pagbaba ng pagkasi ng pumapatungkol sa qiblah at paglilipat niyon sa kung saan mo iniibig kaya ibabaling ka nga Niya sa isang qiblah na kalulugdan mo iyon at iibigin mo iyon. Ito ay ang Bahay na Pinakababanal ni Allāh sa halip ng Bahay ng Pinagbanalan ngayon. Kaya magbaling ka ng mukha mo sa dako ng Bahay na Pinakababanal ni Allāh sa Makkah al-Mukarramah. Saan man kayo naroon, O mga mananampalataya, ay humarap kayo sa dako niyon sa sandali ng pagsasagawa ng dasal. Tunay na ang mga binigyan ng Kasulatan kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano ay talagang nakaaalam na ang paglipat ng qiblah ay ang katotohanang pinababa mula sa Tagalikha nila at Tagapangasiwa ng kapakanan nila dahil sa pagtitibay nito sa Kasulatan nila. Si Allāh ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ng mga tagaayaw na ito sa katotohanan. Bagkus Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay nakaaalam doon at maggagantimpala sa kanila roon.

Al-Baqara 2:144Listen in Qur'an →
145

وَلَئِنْ أَتَيْتَ ٱلَّذِينَ أُوتُوا۟ ٱلْكِتَٰبَ بِكُلِّ ءَايَةٍۢ مَّا تَبِعُوا۟ قِبْلَتَكَ ۚ وَمَآ أَنتَ بِتَابِعٍۢ قِبْلَتَهُمْ ۚ وَمَا بَعْضُهُم بِتَابِعٍۢ قِبْلَةَ بَعْضٍۢ ۚ وَلَئِنِ ٱتَّبَعْتَ أَهْوَآءَهُم مِّنۢ بَعْدِ مَا جَآءَكَ مِنَ ٱلْعِلْمِ ۙ إِنَّكَ إِذًۭا لَّمِنَ ٱلظَّٰلِمِينَ

And if you brought to those who were given the Scripture every sign, they would not follow your qiblah. Nor will you be a follower of their qiblah. Nor would they be followers of one another's qiblah. So if you were to follow their desires after what has come to you of knowledge, indeed, you would then be among the wrongdoers.

Sumpa man kay Allāh, talagang kung dumating ka, O Propeta, sa mga binigyan ng Kasulatan kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano, na nasasamahan ng bawat tanda at patotoo na ang paglipat ng qiblah ay katotohanan, hindi sila haharap sa qiblah mo dala ng pagmamatigas sa inihatid mo at pagmamalaki laban sa pagsunod sa katotohanan. Ikaw ay hindi haharap sa qiblah nila matapos na ibinaling ka ni Allāh palayo roon, at ang iba sa kanila ay hindi haharap sa qiblah ng iba sa kanila dahil ang bawat isa sa kanila ay nagpaparatang ng kawalang-pananampalataya sa ibang pangkat. Talagang kung sinunod mo ang mga pithaya ng mga ito hinggil sa pumapatungkol sa qiblah at iba pa rito na mga batas at mga patakaran noong matapos na may dumating sa iyo mula sa kaalamang tumpak na walang pag-aalangan hinggil doon, tunay na ikaw sa sandaling iyon ay talagang kabilang sa mga tagalabag sa katarungan dahil sa pag-iwan sa patnubay at pagsunod sa pithaya. Ang pakikipag-usap na ito ay para sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – dahil sa pahiwatig sa karumalan ng pagsunod sa kanila, gayon pa man tunay na si Allāh ay nagsanggalang sa Propeta Niya laban doon kaya ito ay pagbibigay-babala para sa Kalipunan niya matapos niya.

Al-Baqara 2:145Listen in Qur'an →
146

ٱلَّذِينَ ءَاتَيْنَٰهُمُ ٱلْكِتَٰبَ يَعْرِفُونَهُۥ كَمَا يَعْرِفُونَ أَبْنَآءَهُمْ ۖ وَإِنَّ فَرِيقًۭا مِّنْهُمْ لَيَكْتُمُونَ ٱلْحَقَّ وَهُمْ يَعْلَمُونَ

Those to whom We gave the Scripture know him as they know their own sons. But indeed, a party of them conceal the truth while they know [it].

Ang mga binigyan Namin ng kasulatan kabilang sa mga maalam ng mga Hudyo at mga Kristiyano ay nakakikilala sa usapin ng paglipat ng qiblah, na kabilang sa mga palatandaan ng pagkapropeta ni Muḥammad – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya – sa ganang kanila, kung papaanong nakakikilala sila sa mga anak nila at nakababatid sa mga ito sa iba pa sa mga ito. Sa kabila niyon, tunay na may isang pangkatin kabilang sa kanila na talagang nagkukubli sa katotohanang inihatid niya dala ng pagkainggit mula sa ganang mga sarili nila. Gumagawa sila niyon habang sila ay nakaaalam na iyon ay ang katotohanan

Al-Baqara 2:146Listen in Qur'an →
147

ٱلْحَقُّ مِن رَّبِّكَ ۖ فَلَا تَكُونَنَّ مِنَ ٱلْمُمْتَرِينَ

The truth is from your Lord, so never be among the doubters.

Ito ay ang katotohanan mula sa Panginoon mo kaya huwag ka nga, O Sugo, maging kabilang sa mga nagdududa sa katumpakan nito.

Al-Baqara 2:147Listen in Qur'an →
148

وَلِكُلٍّۢ وِجْهَةٌ هُوَ مُوَلِّيهَا ۖ فَٱسْتَبِقُوا۟ ٱلْخَيْرَٰتِ ۚ أَيْنَ مَا تَكُونُوا۟ يَأْتِ بِكُمُ ٱللَّهُ جَمِيعًا ۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَىْءٍۢ قَدِيرٌۭ

For each [religious following] is a direction toward which it faces. So race to [all that is] good. Wherever you may be, Allah will bring you forth [for judgement] all together. Indeed, Allah is over all things competent.

Bawat kalipunan kabilang sa mga kalipunan ay may dakong hinaharapan ng mga ito pisikal man o espirituwal. Bahagi niyon ang pagkakaiba-iba ng mga kalipunan sa qiblah ng mga ito at sa isinabatas ni Allāh para sa mga ito kaya hindi nakapipinsala ang pagkasarisari ng mga dako nila kung ayon sa utos ni Allāh at batas Niya. Kaya mag-unahan kayo, O mga mananampalataya, sa paggawa ng mga kabutihan na ipinag-utos sa inyong gawin ninyo. Magtitipon sa inyo si Allāh mula sa alinmang pook kayo naroon sa Araw ng Pagbangon upang gumanti Siya sa inyo sa gawa ninyo. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan kaya hindi Siya nawawalang-kakayahan sa pagtipon sa inyo at pagganti sa inyo.

Al-Baqara 2:148Listen in Qur'an →
149

وَمِنْ حَيْثُ خَرَجْتَ فَوَلِّ وَجْهَكَ شَطْرَ ٱلْمَسْجِدِ ٱلْحَرَامِ ۖ وَإِنَّهُۥ لَلْحَقُّ مِن رَّبِّكَ ۗ وَمَا ٱللَّهُ بِغَٰفِلٍ عَمَّا تَعْمَلُونَ

So from wherever you go out [for prayer, O Muhammad] turn your face toward al- Masjid al-Haram, and indeed, it is the truth from your Lord. And Allah is not unaware of what you do.

Mula sa aling pook ka lumabas at saan ka man naroon, O Propeta, ikaw at ang mga tagasunod mo, at nagnais kang magdasal, humarap ka sa dako ng Masjid na Pinakababanal sapagkat tunay na ito ay ang katotohanang ikinasi sa iyo mula sa Panginoon mo. Si Allāh ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ninyo, bagkus Siya ay nakababatid doon at gaganti sa inyo roon.

Al-Baqara 2:149Listen in Qur'an →
150

وَمِنْ حَيْثُ خَرَجْتَ فَوَلِّ وَجْهَكَ شَطْرَ ٱلْمَسْجِدِ ٱلْحَرَامِ ۚ وَحَيْثُ مَا كُنتُمْ فَوَلُّوا۟ وُجُوهَكُمْ شَطْرَهُۥ لِئَلَّا يَكُونَ لِلنَّاسِ عَلَيْكُمْ حُجَّةٌ إِلَّا ٱلَّذِينَ ظَلَمُوا۟ مِنْهُمْ فَلَا تَخْشَوْهُمْ وَٱخْشَوْنِى وَلِأُتِمَّ نِعْمَتِى عَلَيْكُمْ وَلَعَلَّكُمْ تَهْتَدُونَ

And from wherever you go out [for prayer], turn your face toward al-Masjid al-Haram. And wherever you [believers] may be, turn your faces toward it in order that the people will not have any argument against you, except for those of them who commit wrong; so fear them not but fear Me. And [it is] so I may complete My favor upon you and that you may be guided.

Mula sa alinmang pook lumabas ka, O Propeta, at nagnais kang magdasal, humarap ka sa dako ng Masjid na Pinakababanal; at sa alinmang pook naroon kayo, O mga mananampalataya, magharap kayo ng mga mukha ninyo sa dako niyon kapag nagnais kayong magdasal upang hindi magkaroon para sa mga tao ng isang katwirang ipangangatwiran nila laban sa inyo maliban sa mga lumabag sa katarungan kabilang sa kanila sapagkat tunay na sila ay mananatili sa pagmamatigas nila at mangangatwiran sa inyo sa pamamagitan ng pinakamahina sa mga katwiran. Kaya huwag kayong matakot sa kanila at matakot kayo sa Panginoon ninyo lamang sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Tunay na si Allāh ay nagsabatas nga ng pagharap sa Ka`bah alang-alang sa paglubos Niya ng biyaya Niya sa inyo sa pamamagitan ng pagbubukod sa inyo sa lahat ng mga kalipunan at alang-alang sa kapatnubayan ninyo tungo sa pinakamarangal na qiblah para sa mga tao.

Al-Baqara 2:150Listen in Qur'an →

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.