Muslim99Muslim99
← Tafsir library

2. Al-Baqara

The Cow · Medinan · 286 ayahs

سُورَةُ البَقَرَةِ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 131–140 of 286

131

إِذْ قَالَ لَهُۥ رَبُّهُۥٓ أَسْلِمْ ۖ قَالَ أَسْلَمْتُ لِرَبِّ ٱلْعَٰلَمِينَ

When his Lord said to him, "Submit", he said "I have submitted [in Islam] to the Lord of the worlds."

Pumili sa kanya si Allāh dahil sa pagdali-dali niya sa pagpapasakop nang nagsabi sa kanya ang Panginoon niya: "Magpakawagas ka sa Akin sa pagsamba at magpasailalim ka sa Akin sa pagtalima." Kaya nagsabi siya, na tumutugon sa Panginoon niya: "Nagpasakop ako kay Allāh, ang Tagalikha ng mga tao, ang Tagatustos nila, at ang Tagapangasiwa ng mga kapakanan nila."

Al-Baqara 2:131Listen in Qur'an →
132

وَوَصَّىٰ بِهَآ إِبْرَٰهِۦمُ بَنِيهِ وَيَعْقُوبُ يَٰبَنِىَّ إِنَّ ٱللَّهَ ٱصْطَفَىٰ لَكُمُ ٱلدِّينَ فَلَا تَمُوتُنَّ إِلَّا وَأَنتُم مُّسْلِمُونَ

And Abraham instructed his sons [to do the same] and [so did] Jacob, [saying], "O my sons, indeed Allah has chosen for you this religion, so do not die except while you are Muslims."

Nagtagubilin si Abraham sa mga anak niya ng pangungusap na ito: "Nagpasakop ako sa Panginoon ng mga nilalang." Nagtagubilin nito gayon din si Jacob sa mga anak niya. Nagsabi silang dalawa habang mga nanawagan sa mga anak nilang dalawa: "Tunay na si Allāh ay pumili para sa inyo ng relihiyong Islām kaya kumapit kayo rito hanggang sa dumating sa inyo ang kamatayan habang kayo ay mga tagapagpasakop (Muslim) kay Allāh sa panlabas at sa panloob."

Al-Baqara 2:132Listen in Qur'an →
133

أَمْ كُنتُمْ شُهَدَآءَ إِذْ حَضَرَ يَعْقُوبَ ٱلْمَوْتُ إِذْ قَالَ لِبَنِيهِ مَا تَعْبُدُونَ مِنۢ بَعْدِى قَالُوا۟ نَعْبُدُ إِلَٰهَكَ وَإِلَٰهَ ءَابَآئِكَ إِبْرَٰهِۦمَ وَإِسْمَٰعِيلَ وَإِسْحَٰقَ إِلَٰهًۭا وَٰحِدًۭا وَنَحْنُ لَهُۥ مُسْلِمُونَ

Or were you witnesses when death approached Jacob, when he said to his sons, "What will you worship after me?" They said, "We will worship your God and the God of your fathers, Abraham and Ishmael and Isaac - one God. And we are Muslims [in submission] to Him."

O kayo ba ay mga nakadalo sa nangyari kay Jacob nang dumating sa kanya ang pagpanaw nang nagsabi siya sa mga anak niya habang nagtatanong sa kanila: "Ano ang sasambahin ninyo matapos ng kamatayan ko?" Nagsabi sila bilang sagot sa tanong niya: "Sasambahin namin ang Diyos mo at ang Diyos ng mga ninuno mong sina Abraham, Ismael, at Isaac: nag-iisang Diyos, walang katambal sa Kanya, habang kami sa Kanya lamang ay mga sumusuko at mga nagpapaakay."

Al-Baqara 2:133Listen in Qur'an →
134

تِلْكَ أُمَّةٌۭ قَدْ خَلَتْ ۖ لَهَا مَا كَسَبَتْ وَلَكُم مَّا كَسَبْتُمْ ۖ وَلَا تُسْـَٔلُونَ عَمَّا كَانُوا۟ يَعْمَلُونَ

That was a nation which has passed on. It will have [the consequence of] what it earned, and you will have what you have earned. And you will not be asked about what they used to do.

Iyon ay isang kalipunang nagdaan na sa sinumang nagdaan bago ninyo kabilang sa mga kalipunan, at humantong iyon sa ipinauna niyon na gawa. Ukol doon ang nakamit niyon na maganda o masagwa at ukol sa inyo ang nakamit ninyo. Hindi kayo tatanungin tungkol sa mga gawa nila at hindi sila tatanungin tungkol sa mga gawa ninyo. Hindi masisisi ang isa dahil sa pagkakasala ng iba, bagkus gagantihan ang bawat isa dahil sa ipinauna niyang gawa. Kaya huwag umabala sa inyo ang gawain ng sinumang nagdaan bago ninyo palayo sa pagtingin sa gawa ninyo sapagkat tunay na ang isa ay hindi makikinabang, matapos ng awa ni Allāh, sa iba pa sa gawa niyang maayos.

Al-Baqara 2:134Listen in Qur'an →
135

وَقَالُوا۟ كُونُوا۟ هُودًا أَوْ نَصَٰرَىٰ تَهْتَدُوا۟ ۗ قُلْ بَلْ مِلَّةَ إِبْرَٰهِۦمَ حَنِيفًۭا ۖ وَمَا كَانَ مِنَ ٱلْمُشْرِكِينَ

They say, "Be Jews or Christians [so] you will be guided." Say, "Rather, [we follow] the religion of Abraham, inclining toward truth, and he was not of the polytheists."

Nagsabi ang mga Hudyo sa Kalipunang ito: "Maging mga Hudyo kayo, tatahak kayo sa landas ng kapatnubayan." Nagsabi ang mga Kristiyano: "Maging mga Kristiyano kayo, tatahak kayo sa landas ng kapatnubayan." Sabihin mo, O Propeta, habang sumasagot sa kanila: "Bagkus sumusunod kami sa relihiyon ni Abraham, na kumikiling palayo sa mga bulaang relihiyon patungo sa totoong relihiyon, at hindi siya naging kabilang sa mga nagtambal kasama kay Allāh ng isa man."

Al-Baqara 2:135Listen in Qur'an →
136

قُولُوٓا۟ ءَامَنَّا بِٱللَّهِ وَمَآ أُنزِلَ إِلَيْنَا وَمَآ أُنزِلَ إِلَىٰٓ إِبْرَٰهِۦمَ وَإِسْمَٰعِيلَ وَإِسْحَٰقَ وَيَعْقُوبَ وَٱلْأَسْبَاطِ وَمَآ أُوتِىَ مُوسَىٰ وَعِيسَىٰ وَمَآ أُوتِىَ ٱلنَّبِيُّونَ مِن رَّبِّهِمْ لَا نُفَرِّقُ بَيْنَ أَحَدٍۢ مِّنْهُمْ وَنَحْنُ لَهُۥ مُسْلِمُونَ

Say, [O believers], "We have believed in Allah and what has been revealed to us and what has been revealed to Abraham and Ishmael and Isaac and Jacob and the Descendants and what was given to Moses and Jesus and what was given to the prophets from their Lord. We make no distinction between any of them, and we are Muslims [in submission] to Him."

Sabihin ninyo, O mga mananampalataya, sa mga alagad ng bulaang pahayag na ito kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano: "Sumampalataya kami kay Allāh at sa Qur'ān na pinababa sa amin. Sumampalataya kami sa pinababa kay Abraham at sa mga anak niyang sina Ismael, Isaac, at Jacob. Sumampalataya kami sa pinababa sa mga propeta kabilang sa anak ni Jacob. Sumampalataya kami sa Torah na ibinigay ni Allāh kay Moises at sa Ebanghelyo na ibinigay ni Allāh kay Jesus. Sumampalataya kami sa mga kasulatan na ibinigay ni Allāh sa mga propeta sa kalahatan. Hindi kami nagtatangi sa isa sa kanila para sumampalataya sa ilan at tumangging sumampalataya sa iba, bagkus sumasampalataya kami sa kanila sa kalahatan. Kami ay sa Kanya lamang – kaluwalhatian sa Kanya – mga nagpapaakay na mga nagpapasailalim."

Al-Baqara 2:136Listen in Qur'an →
137

فَإِنْ ءَامَنُوا۟ بِمِثْلِ مَآ ءَامَنتُم بِهِۦ فَقَدِ ٱهْتَدَوا۟ ۖ وَّإِن تَوَلَّوْا۟ فَإِنَّمَا هُمْ فِى شِقَاقٍۢ ۖ فَسَيَكْفِيكَهُمُ ٱللَّهُ ۚ وَهُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلْعَلِيمُ

So if they believe in the same as you believe in, then they have been [rightly] guided; but if they turn away, they are only in dissension, and Allah will be sufficient for you against them. And He is the Hearing, the Knowing.

Kaya kung sumampalataya ang mga Hudyo, ang mga Kristiyano, at ang iba pa sa kanila kabilang sa mga tagatangging sumampalataya ayon sa pananampalatayang tulad ng pananampalataya ninyo, napatnubayan nga sila tungo sa daang tuwid na kinalugdan ni Allāh. Kung umayaw sila sa pananampalataya sa pamamagitan ng pagpapasinungaling sa mga propeta sa kabuuan ng mga ito o ilan sa mga ito, sila lamang ay nasa isang pagsalungat at pangangaway. Huwag kang malungkot, O Propeta, sapagkat tunay na si Allāh ay sasapat sa iyo laban sa pananakit nila, hahadlang sa iyo ng kasamaan nila, at mag-aadya sa iyo laban sa kanila sapagkat Siya ay ang Madinigin sa mga sinasabi nila, ang Maalam sa mga layunin nila at mga ginagawa nila.

Al-Baqara 2:137Listen in Qur'an →
138

صِبْغَةَ ٱللَّهِ ۖ وَمَنْ أَحْسَنُ مِنَ ٱللَّهِ صِبْغَةًۭ ۖ وَنَحْنُ لَهُۥ عَٰبِدُونَ

[And say, "Ours is] the religion of Allah. And who is better than Allah in [ordaining] religion? And we are worshippers of Him."

Manatili kayo sa relihiyon ni Allāh, na lumalang sa inyo ayon doon, sa panlabas at sa panloob. Walang pinakamaganda bilang relihiyon kaysa sa relihiyon ni Allāh sapagkat ito ay umaayon sa kalikasan ng pagkalalang, tagaakit ng mga kabutihan, at tagahadlang ng mga katiwalian. Sabihin ninyo: "Kami ay mga tagasamba kay Allāh, tanging sa Kanya; hindi kami nagtatambal kasama sa Kanya ng iba pa sa Kanya."

Al-Baqara 2:138Listen in Qur'an →
139

قُلْ أَتُحَآجُّونَنَا فِى ٱللَّهِ وَهُوَ رَبُّنَا وَرَبُّكُمْ وَلَنَآ أَعْمَٰلُنَا وَلَكُمْ أَعْمَٰلُكُمْ وَنَحْنُ لَهُۥ مُخْلِصُونَ

Say, [O Muhammad], "Do you argue with us about Allah while He is our Lord and your Lord? For us are our deeds, and for you are your deeds. And we are sincere [in deed and intention] to Him."

Sabihin mo, O Propeta: "Nakikipagtalo ba kayo sa amin, O mga May Kasulatan, hinggil sa kung kayo ay higit na malapit kay Allāh at sa relihiyon Niya kaysa sa amin dahil ang relihiyon ninyo ay higit na matanda at ang kasulatan ninyo ay higit na nauna ngunit tunay na iyon ay hindi magpapakinabang sa inyo? Si Allāh ay ang Panginoon natin sa kalahatan; hindi kayo natatangi roon. Ukol sa amin ang mga gawa namin, na hindi kayo pananagutin tungkol sa mga iyon; at ukol sa inyo ang mga gawa ninyo, na hindi kami pananagutin tungkol sa mga iyon. Bawat isa ay gagantihan sa gawa niya. Kami ay mga nagpapakawagas para kay Allāh sa pagsamba at pagtalima; hindi kami nagtatambal sa Kanya ng anuman."

Al-Baqara 2:139Listen in Qur'an →
140

أَمْ تَقُولُونَ إِنَّ إِبْرَٰهِۦمَ وَإِسْمَٰعِيلَ وَإِسْحَٰقَ وَيَعْقُوبَ وَٱلْأَسْبَاطَ كَانُوا۟ هُودًا أَوْ نَصَٰرَىٰ ۗ قُلْ ءَأَنتُمْ أَعْلَمُ أَمِ ٱللَّهُ ۗ وَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّن كَتَمَ شَهَٰدَةً عِندَهُۥ مِنَ ٱللَّهِ ۗ وَمَا ٱللَّهُ بِغَٰفِلٍ عَمَّا تَعْمَلُونَ

Or do you say that Abraham and Ishmael and Isaac and Jacob and the Descendants were Jews or Christians? Say, "Are you more knowing or is Allah?" And who is more unjust than one who conceals a testimony he has from Allah? And Allah is not unaware of what you do.

O nagsasabi kayo, O mga May Kasulatan: "Tunay na sina Abraham, Ismael, Isaac, Jacob, at ang mga propeta mula sa mga anak ni Jacob noon ay nasa kapaniwalaan ng Hudaismo at Kristiyanismo?" Sabihin mo, O Propeta habang sumasagot sa kanila: "Kayo ba ay higit na maalam o si Allāh?" Kung nag-angkin sila na sila noon ay nasa kapaniwalaan ng mga iyon, nagsinungaling nga sila dahil ang pagpapadala sa mga iyon at ang pagkamatay ng mga iyon ay bago ng pagbaba ng Torah at Ebanghelyo! Nalaman dahil doon na ang sinasabi nila ay kasinungalingan laban kay Allāh at sa mga sugo Niya, at na sila ay nagtago ng katotohanang bumaba sa kanila. Walang isang higit na matindi sa kawalang-katarungan kaysa sa nagtago ng isang pagsaksing matibay na nasa ganang kanya, na nalaman niya mula kay Allāh, gaya ng gawain ng mga May Kasulatan. Si Allāh ay hindi nalilingat sa mga gawain ninyo. Gaganti Siya sa inyo sa mga ito.

Al-Baqara 2:140Listen in Qur'an →

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.