Muslim99Muslim99
← Tafsir library

2. Al-Baqara

The Cow · Medinan · 286 ayahs

سُورَةُ البَقَرَةِ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 11–20 of 286

11

وَإِذَا قِيلَ لَهُمْ لَا تُفْسِدُوا۟ فِى ٱلْأَرْضِ قَالُوٓا۟ إِنَّمَا نَحْنُ مُصْلِحُونَ

And when it is said to them, "Do not cause corruption on the earth," they say, "We are but reformers."

Kapag sinaway sila sa panggugulo sa lupa dahil sa kawalang-pananampalataya, mga pagkakasala, at iba pa sa mga ito ay nagkakaila sila at naghaka-haka sila na sila ay mga alagad ng kaayusan at pagsasaayos.

Al-Baqara 2:11Listen in Qur'an →
12

أَلَآ إِنَّهُمْ هُمُ ٱلْمُفْسِدُونَ وَلَٰكِن لَّا يَشْعُرُونَ

Unquestionably, it is they who are the corrupters, but they perceive [it] not.

Ang reyalidad ay na sila ay ang mga alagad ng panggugulo, subalit sila ay hindi nakararamdam niyon at hindi nakararamdam na ang gawain nila ay mismong ang kaguluhan.

Al-Baqara 2:12Listen in Qur'an →
13

وَإِذَا قِيلَ لَهُمْ ءَامِنُوا۟ كَمَآ ءَامَنَ ٱلنَّاسُ قَالُوٓا۟ أَنُؤْمِنُ كَمَآ ءَامَنَ ٱلسُّفَهَآءُ ۗ أَلَآ إِنَّهُمْ هُمُ ٱلسُّفَهَآءُ وَلَٰكِن لَّا يَعْلَمُونَ

And when it is said to them, "Believe as the people have believed," they say, "Should we believe as the foolish have believed?" Unquestionably, it is they who are the foolish, but they know [it] not.

Kapag inutusan sila ng pagsampalataya gaya ng pagsampalataya ng mga kasamahan ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay sumasagot sila sa paraang patutol at pakutya sa pamamagitan ng pagsabi nila: "Sasampalataya ba kami gaya ng pananampalataya ng mahihina ang mga pang-unawa?" Ang totoo ay na sila ay ang mga hunghang, subalit sila ay mangmang doon.

Al-Baqara 2:13Listen in Qur'an →
14

وَإِذَا لَقُوا۟ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ قَالُوٓا۟ ءَامَنَّا وَإِذَا خَلَوْا۟ إِلَىٰ شَيَٰطِينِهِمْ قَالُوٓا۟ إِنَّا مَعَكُمْ إِنَّمَا نَحْنُ مُسْتَهْزِءُونَ

And when they meet those who believe, they say, "We believe"; but when they are alone with their evil ones, they say, "Indeed, we are with you; we were only mockers."

Kapag nagkita-kita sila ng mga mananampalataya ay nagsasabi sila: "Naniwala kami sa sinasampalatayanan ninyo." Nagsasabi sila niyon dala ng pangamba sa mga mananampalataya. Kapag nakalisan sila sa mga mananampalataya tungo sa mga pinuno nila habang mga nakikipagsarilinan sa mga ito ay nagsasabi sila habang nagbibigay-diin sa katatagan nila sa pagsunod nila sa mga ito: "Tunay na kami ay kasama sa inyo sa pamamaraan ninyo, subalit kami ay umaayon sa mga mananampalataya sa panlabas bilang panunuya sa kanila at pangungutya."

Al-Baqara 2:14Listen in Qur'an →
15

ٱللَّهُ يَسْتَهْزِئُ بِهِمْ وَيَمُدُّهُمْ فِى طُغْيَٰنِهِمْ يَعْمَهُونَ

[But] Allah mocks them and prolongs them in their transgression [while] they wander blindly.

Si Allāh ay nangungutya sa kanila bilang pantapat sa pangungutya nila sa mga mananampalataya, bilang ganti sa kanila na kauri ng gawain nila. Dahil dito, nagpatupad Siya para sa kanila ng mga patakaran sa mga Muslim sa Mundo. Hinggil sa Kabilang-buhay naman, gaganti Siya sa kanila sa kawalang-pananampalataya nila at pagpapaimbabaw nila. Gayon nagpapalugit Siya sa kanila upang magpatuloy sila sa pagkaligaw nila at pagmamalabis nila para manatili sila na mga nalilitong nag-aatubili.

Al-Baqara 2:15Listen in Qur'an →
16

أُو۟لَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ ٱشْتَرَوُا۟ ٱلضَّلَٰلَةَ بِٱلْهُدَىٰ فَمَا رَبِحَت تِّجَٰرَتُهُمْ وَمَا كَانُوا۟ مُهْتَدِينَ

Those are the ones who have purchased error [in exchange] for guidance, so their transaction has brought no profit, nor were they guided.

Ang mga mapagpaimbabaw na iyon na mga nailalarawan sa mga katangiang iyon ay ang mga nagpalit ng kawalang-pananampalataya sa pananampalataya kaya hindi tumubo ang kalakalan nila dahil sa pagkalugi nila sa pananampalataya kay Allāh. Hindi sila noon mga napatnubayan tungo sa katotohanan.

Al-Baqara 2:16Listen in Qur'an →
17

مَثَلُهُمْ كَمَثَلِ ٱلَّذِى ٱسْتَوْقَدَ نَارًۭا فَلَمَّآ أَضَآءَتْ مَا حَوْلَهُۥ ذَهَبَ ٱللَّهُ بِنُورِهِمْ وَتَرَكَهُمْ فِى ظُلُمَٰتٍۢ لَّا يُبْصِرُونَ

Their example is that of one who kindled a fire, but when it illuminated what was around him, Allah took away their light and left them in darkness [so] they could not see.

Gumawa si Allāh para sa mga mapagpaimbabaw na ito ng dalawang paghahalintulad: isang paghahalintulad na pang-apoy at isang paghahalintulad na pantubig. Tungkol sa pang-apoy na paghahalintulad sa kanila, sila ay katulad ng nagpaningas ng apoy upang ipantanglaw ito ngunit noong nagningning ang liwanag nito at nagpalagay siya na siya ay makikinabang sa tanglaw nito ay naapula naman ito. Kaya naglaho ang taglay nitong pagsinag at natira ang taglay nitong pagsunog. Nananatili sila sa mga kadiliman na hindi nakakikita ng anuman at hindi napapatnubayan sa landas.

Al-Baqara 2:17Listen in Qur'an →
18

صُمٌّۢ بُكْمٌ عُمْىٌۭ فَهُمْ لَا يَرْجِعُونَ

Deaf, dumb and blind - so they will not return [to the right path].

Sila ay mga bingi na hindi nakaririnig ng katotohanan ayon sa pagkarinig ng pagtanggap, mga pipi na hindi nakabibigkas nito, mga bulag sa pagkakita nito, kaya hindi sila bumabalik mula sa pagkaligaw nila.

Al-Baqara 2:18Listen in Qur'an →
19

أَوْ كَصَيِّبٍۢ مِّنَ ٱلسَّمَآءِ فِيهِ ظُلُمَٰتٌۭ وَرَعْدٌۭ وَبَرْقٌۭ يَجْعَلُونَ أَصَٰبِعَهُمْ فِىٓ ءَاذَانِهِم مِّنَ ٱلصَّوَٰعِقِ حَذَرَ ٱلْمَوْتِ ۚ وَٱللَّهُ مُحِيطٌۢ بِٱلْكَٰفِرِينَ

Or [it is] like a rainstorm from the sky within which is darkness, thunder and lightning. They put their fingers in their ears against the thunderclaps in dread of death. But Allah is encompassing of the disbelievers.

Tungkol naman sa pantubig na paghahalintulad sa kanila, sila ay katulad ng masaganang ulan mula sa mga ulap na sa loob nito ay may mga kadilimang nagkakapatung-patong, kulog, at kidlat. Bumaba ito sa mga tao at tinatamaan sila ng isang matinding pangingilabot kaya nagsimula silang magpasak sa mga tainga nila ng mga dulo ng mga daliri nila dahil sa tindi ng tunog ng mga lintik dala ng pangamba sa kamatayan. Si Allāh ay Tagasaklaw sa mga tagatangging sumampalataya; hindi sila nagpapawalang-kakayahan sa Kanya.

Al-Baqara 2:19Listen in Qur'an →
20

يَكَادُ ٱلْبَرْقُ يَخْطَفُ أَبْصَٰرَهُمْ ۖ كُلَّمَآ أَضَآءَ لَهُم مَّشَوْا۟ فِيهِ وَإِذَآ أَظْلَمَ عَلَيْهِمْ قَامُوا۟ ۚ وَلَوْ شَآءَ ٱللَّهُ لَذَهَبَ بِسَمْعِهِمْ وَأَبْصَٰرِهِمْ ۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَىْءٍۢ قَدِيرٌۭ

The lightning almost snatches away their sight. Every time it lights [the way] for them, they walk therein; but when darkness comes over them, they stand [still]. And if Allah had willed, He could have taken away their hearing and their sight. Indeed, Allah is over all things competent.

Halos ang kidlat, dahil sa tindi ng ningning at kinang nito, ay kumuha sa mga paningin nila. Sa tuwing kumikislap ang kidlat sa kanila at tumanglaw ito ay sumusulong sila. Kapag hindi tumanglaw ito ay nananatili sila sa kadiliman sapagkat hindi nila nakayang gumalaw. Kung sakaling niloob ni Allāh ay talaga sanang nag-alis Siya ng pandinig nila at mga paningin nila sa pamamagitan ng kakayahan Niyang sumasaklaw sa bawat bagay at hindi nanunumbalik ang mga ito sa kanila dahil sa pag-ayaw nila sa katotohanan. Ang ulan ay isang paghahalintulad para sa Qur'ān. Ang tunog ng mga lintik ay isang paghahalintulad sa taglay ng Qur'ān na mga pagsaway. Ang tanglaw ng kidlat ay isang paghahalintulad para sa paglitaw ng katotohanan sa kanila paminsan-minsan. Ang paglalagay ng pasak sa mga tainga dahil sa tindi ng mga lintik ay isang paghahalintulad sa pag-ayaw nila sa katotohanan at hindi pagtugon dito. Ang anyo ng pagkakawangis sa pagitan ng mga mapagpaimbabaw at ng mga pinatutungkulan ng dalawang paghahalintulad ay ang kawalan ng napala. Sa pang-apoy na paghahalintulad, walang napala ang nagpaningas ng apoy kundi kadiliman at pagsunog. Sa pantubig na paghahalintulad, walang napala ang mga nagnanais ng ulan kundi ang naninindak sa kanila at bumabagabag sa kanila na kidlat at kulog. Ganito ang mga mapagpaimbabaw; wala silang nakikita sa Islām kundi ang kahigpitan at ang kabagsikan.

Al-Baqara 2:20Listen in Qur'an →

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.