Muslim99Muslim99
← Tafsir library

2. Al-Baqara

The Cow · Medinan · 286 ayahs

سُورَةُ البَقَرَةِ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 121–130 of 286

121

ٱلَّذِينَ ءَاتَيْنَٰهُمُ ٱلْكِتَٰبَ يَتْلُونَهُۥ حَقَّ تِلَاوَتِهِۦٓ أُو۟لَٰٓئِكَ يُؤْمِنُونَ بِهِۦ ۗ وَمَن يَكْفُرْ بِهِۦ فَأُو۟لَٰٓئِكَ هُمُ ٱلْخَٰسِرُونَ

Those to whom We have given the Book recite it with its true recital. They [are the ones who] believe in it. And whoever disbelieves in it - it is they who are the losers.

Nagsasalita ang Marangal na Qur'ān tungkol sa isang pangkat kabilang sa mga May Kasulatan, na gumagawa ayon sa nasa mga kamay nila na mga kasulatang ibinaba at sumusunod sa mga ito nang totoong pagsunod sa mga ito. Ang mga taong ito ay nakatatagpo sa mga kasulatang ito ng mga palatandaang nagpapatunay sa katapatan ni Propeta Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Dahil dito, nagmadali sila sa pagsampalataya sa kanya. May iba pang pangkat na nagpumilit naman sa kawalang-pananampalataya nito kaya ukol dito ang pagkalugi.

Al-Baqara 2:121Listen in Qur'an →
122

يَٰبَنِىٓ إِسْرَٰٓءِيلَ ٱذْكُرُوا۟ نِعْمَتِىَ ٱلَّتِىٓ أَنْعَمْتُ عَلَيْكُمْ وَأَنِّى فَضَّلْتُكُمْ عَلَى ٱلْعَٰلَمِينَ

O Children of Israel, remember My favor which I have bestowed upon you and that I preferred you over the worlds.

O mga anak ni Israel, alalahanin ninyo ang biyaya Kong panrelihiyon at pangmundo na ibiniyaya Ko sa inyo at alalahanin ninyo na Ako ay nagtangi sa inyo higit sa mga tao ng panahon ninyo sa pagkapropeta at paghahari.

Al-Baqara 2:122Listen in Qur'an →
123

وَٱتَّقُوا۟ يَوْمًۭا لَّا تَجْزِى نَفْسٌ عَن نَّفْسٍۢ شَيْـًۭٔا وَلَا يُقْبَلُ مِنْهَا عَدْلٌۭ وَلَا تَنفَعُهَا شَفَٰعَةٌۭ وَلَا هُمْ يُنصَرُونَ

And fear a Day when no soul will suffice for another soul at all, and no compensation will be accepted from it, nor will any intercession benefit it, nor will they be aided.

Maglagay kayo sa pagitan ninyo at ng pagdurusa sa Araw ng Pagkabuhay ng isang pananggalang sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos ni Allāh at pag-iwas sa mga sinasaway Niya sapagkat tunay na sa araw na iyon ay hindi makapagdudulot – sa araw na iyon – ang isang kaluluwa para sa isang kaluluwa ng anuman, ni tatanggap mula rito sa araw na iyon ng alinmang pagtutubos maging gaano man kabigat ito, ni magpapakinabang dito sa araw na iyon ang isang pamamagitan mula sa isa pa maging gaano man kataas ang kalagayan niyon. Wala itong isang mapag-adyang mag-aadya rito, bukod pa kay Allāh.

Al-Baqara 2:123Listen in Qur'an →
124

۞ وَإِذِ ٱبْتَلَىٰٓ إِبْرَٰهِۦمَ رَبُّهُۥ بِكَلِمَٰتٍۢ فَأَتَمَّهُنَّ ۖ قَالَ إِنِّى جَاعِلُكَ لِلنَّاسِ إِمَامًۭا ۖ قَالَ وَمِن ذُرِّيَّتِى ۖ قَالَ لَا يَنَالُ عَهْدِى ٱلظَّٰلِمِينَ

And [mention, O Muhammad], when Abraham was tried by his Lord with commands and he fulfilled them. [Allah] said, "Indeed, I will make you a leader for the people." [Abraham] said, "And of my descendants?" [Allah] said, "My covenant does not include the wrongdoers."

Banggitin mo nang sinubok ni Allāh si Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa pamamagitan ng ipinag-utos Niya rito na mga patakaran at mga tungkulin, at nagsagawa naman ito sa mga iyon at lumubos sa [pagsasagawa sa] mga iyon ayon sa pinakaganap na paraan. Nagsabi si Allāh sa propeta Niyang si Abraham: "Tunay na Ako ay gagawa sa iyo para sa mga tao bilang tinutularang tutularan ka sa mga gawa mo at mga kaasalan mo." Nagsabi sa Abraham: "Gumawa Ka, O Panginoon, mula sa mga supling ko ng gayon din bilang mga pinunong tutularan sila ng mga tao." Nagsabi si Allāh, na sumasagot dito: "Hindi sumasakop ang kasunduan sa Akin para sa iyo sa pamumuno sa relihiyon sa mga tagalabag sa katarungan kabilang sa mga supling mo."

Al-Baqara 2:124Listen in Qur'an →
125

وَإِذْ جَعَلْنَا ٱلْبَيْتَ مَثَابَةًۭ لِّلنَّاسِ وَأَمْنًۭا وَٱتَّخِذُوا۟ مِن مَّقَامِ إِبْرَٰهِۦمَ مُصَلًّۭى ۖ وَعَهِدْنَآ إِلَىٰٓ إِبْرَٰهِۦمَ وَإِسْمَٰعِيلَ أَن طَهِّرَا بَيْتِىَ لِلطَّآئِفِينَ وَٱلْعَٰكِفِينَ وَٱلرُّكَّعِ ٱلسُّجُودِ

And [mention] when We made the House a place of return for the people and [a place of] security. And take, [O believers], from the standing place of Abraham a place of prayer. And We charged Abraham and Ishmael, [saying], "Purify My House for those who perform Tawaf and those who are staying [there] for worship and those who bow and prostrate [in prayer]."

Banggitin mo noong ginawa ni Allāh ang Bahay na Binanal bilang isang pagbabalikan para sa mga tao, na kinahuhumalingan ng mga puso nila: sa tuwing lumilisan sila mula roon ay bumabalik sila roon; at ginawa Niya iyon bilang isang katiwasayan para sa kanila, na hindi sila inaaway roon. Nagsabi Siya sa mga tao: "Gumawa kayo mula sa bato – na tinatayuan noon ni Abraham habang siya nagtatayo ng Ka`bah – ng isang lugar para sa pagdarasal." Nagtagubilin Kami kay Abraham at sa anak niyang si Ismael ng pagdalisay ng Bahay na Binanal mula sa mga karumihan at mga anito, at ng paghahanda niyon para sa sinumang nagnais ng pagsamba roon sa pamamagitan ng pagsasagawa ng ṭawāf, i`tikāf, ṣalāh, at iba pa.

Al-Baqara 2:125Listen in Qur'an →
126

وَإِذْ قَالَ إِبْرَٰهِۦمُ رَبِّ ٱجْعَلْ هَٰذَا بَلَدًا ءَامِنًۭا وَٱرْزُقْ أَهْلَهُۥ مِنَ ٱلثَّمَرَٰتِ مَنْ ءَامَنَ مِنْهُم بِٱللَّهِ وَٱلْيَوْمِ ٱلْءَاخِرِ ۖ قَالَ وَمَن كَفَرَ فَأُمَتِّعُهُۥ قَلِيلًۭا ثُمَّ أَضْطَرُّهُۥٓ إِلَىٰ عَذَابِ ٱلنَّارِ ۖ وَبِئْسَ ٱلْمَصِيرُ

And [mention] when Abraham said, "My Lord, make this a secure city and provide its people with fruits - whoever of them believes in Allah and the Last Day." [Allah] said. "And whoever disbelieves - I will grant him enjoyment for a little; then I will force him to the punishment of the Fire, and wretched is the destination."

Banggitin mo, O Propeta, nang nagsabi si Abraham habang siya ay dumadalangin sa Panginoon niya: "Panginoon ko, gawin Mo ang Makkah na isang bayang matiwasay na hindi sumasailalim dito ang isa man sa kasamaan, tustusan Mo ang mga naninirahan dito mula sa mga uri ng mga bunga, at lagyan Mo ito ng panustos na natatangi sa mga mananampalataya sa Iyo at sa Huling Araw." Nagsabi si Allāh: "Ang sinumang tumangging sumampalataya kabilang sa inyo, tunay na Ako ay magpapatamasa sa kanya ng itinutustos Ko sa kanya sa Mundo ng isang tinatamasang kaunti. Pagkatapos sa Kabilang-buhay ay ipaaampon Ko siya nang sapilitan sa pagdurusa sa Impiyerno. Kay saklap ang hantungang kasasadlakan niya sa Araw ng Pagbangon!

Al-Baqara 2:126Listen in Qur'an →
127

وَإِذْ يَرْفَعُ إِبْرَٰهِۦمُ ٱلْقَوَاعِدَ مِنَ ٱلْبَيْتِ وَإِسْمَٰعِيلُ رَبَّنَا تَقَبَّلْ مِنَّآ ۖ إِنَّكَ أَنتَ ٱلسَّمِيعُ ٱلْعَلِيمُ

And [mention] when Abraham was raising the foundations of the House and [with him] Ishmael, [saying], "Our Lord, accept [this] from us. Indeed You are the Hearing, the Knowing.

Banggitin mo, O Propeta, nang nag-aangat noon sina Abraham at Ismael ng mga pundasyon ng Ka`bah habang silang dalawa ay nagsasabi nang may pagpapakumbaba at pagpapakaaba: "Panginoon namin, tanggapin Mo mula sa amin ang mga gawa namin, at kabilang sa mga ito ang pagpapatayo ng bahay na ito. Tunay na Ikaw ay ang Madinigin sa panalangin namin, ang Maalam sa mga layunin namin at mga gawain namin."

Al-Baqara 2:127Listen in Qur'an →
128

رَبَّنَا وَٱجْعَلْنَا مُسْلِمَيْنِ لَكَ وَمِن ذُرِّيَّتِنَآ أُمَّةًۭ مُّسْلِمَةًۭ لَّكَ وَأَرِنَا مَنَاسِكَنَا وَتُبْ عَلَيْنَآ ۖ إِنَّكَ أَنتَ ٱلتَّوَّابُ ٱلرَّحِيمُ

Our Lord, and make us Muslims [in submission] to You and from our descendants a Muslim nation [in submission] to You. And show us our rites and accept our repentance. Indeed, You are the Accepting of repentance, the Merciful.

O Panginoon namin, at gawin Mo kami bilang mga sumusuko sa utos Mo, na mga nagpapasailalim sa Iyo, na hindi kami nagtatambal sa Iyo ng isa man. Gumawa Ka mula sa mga supling namin ng isang kalipunang sumusuko sa Iyo. Ipakilala Mo sa amin ang pagsamba sa Iyo kung papaano ito. Magpalampas Ka sa mga masagwang gawa namin at pagkukulang namin sa pagtalima sa Iyo. Tunay na Ikaw ay ang Palatanggap ng pagbabalik-loob ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Mo, ang Maawain sa kanila.

Al-Baqara 2:128Listen in Qur'an →
129

رَبَّنَا وَٱبْعَثْ فِيهِمْ رَسُولًۭا مِّنْهُمْ يَتْلُوا۟ عَلَيْهِمْ ءَايَٰتِكَ وَيُعَلِّمُهُمُ ٱلْكِتَٰبَ وَٱلْحِكْمَةَ وَيُزَكِّيهِمْ ۚ إِنَّكَ أَنتَ ٱلْعَزِيزُ ٱلْحَكِيمُ

Our Lord, and send among them a messenger from themselves who will recite to them Your verses and teach them the Book and wisdom and purify them. Indeed, You are the Exalted in Might, the Wise."

Panginoon namin, at magpadala Ka sa kanila ng isang sugong kabilang sa kanila mula sa mga supling ni Ismael, na bibigkas sa kanila ng mga talata Mong pinababa, magtuturo sa kanila ng Qur'ān at Sunnah, at magdadalisay sa kanila sa Shirk at mga bisyo. Tunay na Ikaw ay ang Malakas na Tagadaig, ang Marunong sa mga gawain Mo at mga kahatulan Mo.

Al-Baqara 2:129Listen in Qur'an →
130

وَمَن يَرْغَبُ عَن مِّلَّةِ إِبْرَٰهِۦمَ إِلَّا مَن سَفِهَ نَفْسَهُۥ ۚ وَلَقَدِ ٱصْطَفَيْنَٰهُ فِى ٱلدُّنْيَا ۖ وَإِنَّهُۥ فِى ٱلْءَاخِرَةِ لَمِنَ ٱلصَّٰلِحِينَ

And who would be averse to the religion of Abraham except one who makes a fool of himself. And We had chosen him in this world, and indeed he, in the Hereafter, will be among the righteous.

Walang isang bumabaling palayo sa relihiyon ni Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – patungo sa iba pa roon na mga relihiyon kundi ang sinumang lumabag sa katarungan sa sarili niya dahil sa pagpapakahangal niya at kasagwaan ng pagbalangkas niya dahil sa pag-iwan niya sa katotohanan patungo sa pagkaligaw at nalugod siya para sa sarili ng pagkahamak. Talaga ngang pumili Kami kay Abraham sa Mundo bilang sugo at matalik na kaibigan. Tunay na siya sa Kabilang-buhay ay talagang kabilang sa mga maayos na gumanap sa isinatungkulin ni Allāh sa kanila kaya nagkamit sila ng pinakamataas sa mga antas.

Al-Baqara 2:130Listen in Qur'an →

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.