ٱلَّذِينَ ءَاتَيْنَٰهُمُ ٱلْكِتَٰبَ يَتْلُونَهُۥ حَقَّ تِلَاوَتِهِۦٓ أُو۟لَٰٓئِكَ يُؤْمِنُونَ بِهِۦ ۗ وَمَن يَكْفُرْ بِهِۦ فَأُو۟لَٰٓئِكَ هُمُ ٱلْخَٰسِرُونَ
Those to whom We have given the Book recite it with its true recital. They [are the ones who] believe in it. And whoever disbelieves in it - it is they who are the losers.
Nagsasalita ang Marangal na Qur'ān tungkol sa isang pangkat kabilang sa mga May Kasulatan, na gumagawa ayon sa nasa mga kamay nila na mga kasulatang ibinaba at sumusunod sa mga ito nang totoong pagsunod sa mga ito. Ang mga taong ito ay nakatatagpo sa mga kasulatang ito ng mga palatandaang nagpapatunay sa katapatan ni Propeta Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Dahil dito, nagmadali sila sa pagsampalataya sa kanya. May iba pang pangkat na nagpumilit naman sa kawalang-pananampalataya nito kaya ukol dito ang pagkalugi.