Muslim99Muslim99
← Tafsir library

2. Al-Baqara

The Cow · Medinan · 286 ayahs

سُورَةُ البَقَرَةِ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 101–110 of 286

101

وَلَمَّا جَآءَهُمْ رَسُولٌۭ مِّنْ عِندِ ٱللَّهِ مُصَدِّقٌۭ لِّمَا مَعَهُمْ نَبَذَ فَرِيقٌۭ مِّنَ ٱلَّذِينَ أُوتُوا۟ ٱلْكِتَٰبَ كِتَٰبَ ٱللَّهِ وَرَآءَ ظُهُورِهِمْ كَأَنَّهُمْ لَا يَعْلَمُونَ

And when a messenger from Allah came to them confirming that which was with them, a party of those who had been given the Scripture threw the Scripture of Allah behind their backs as if they did not know [what it contained].

Noong dumating sa kanila si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – bilang Sugo mula sa ganang kay Allāh – at siya ay sumasang-ayon sa nasa Torah na paglalarawan sa kanya – ay may umayaw na isang pangkat kabilang sa kanila sa ipinahiwatig nito hinggil sa kanya at itinapon nila ito sa likuran ng mga likod nila habang hindi mga pumapansin dito, na mga nakawawangis ng kalagayan ng mga mangmang na hindi nakikinabang sa nasa nasaad dito na katotohanan at patnubay kaya naman hindi siya pumapansin dito.

Al-Baqara 2:101Listen in Qur'an →
102

وَٱتَّبَعُوا۟ مَا تَتْلُوا۟ ٱلشَّيَٰطِينُ عَلَىٰ مُلْكِ سُلَيْمَٰنَ ۖ وَمَا كَفَرَ سُلَيْمَٰنُ وَلَٰكِنَّ ٱلشَّيَٰطِينَ كَفَرُوا۟ يُعَلِّمُونَ ٱلنَّاسَ ٱلسِّحْرَ وَمَآ أُنزِلَ عَلَى ٱلْمَلَكَيْنِ بِبَابِلَ هَٰرُوتَ وَمَٰرُوتَ ۚ وَمَا يُعَلِّمَانِ مِنْ أَحَدٍ حَتَّىٰ يَقُولَآ إِنَّمَا نَحْنُ فِتْنَةٌۭ فَلَا تَكْفُرْ ۖ فَيَتَعَلَّمُونَ مِنْهُمَا مَا يُفَرِّقُونَ بِهِۦ بَيْنَ ٱلْمَرْءِ وَزَوْجِهِۦ ۚ وَمَا هُم بِضَآرِّينَ بِهِۦ مِنْ أَحَدٍ إِلَّا بِإِذْنِ ٱللَّهِ ۚ وَيَتَعَلَّمُونَ مَا يَضُرُّهُمْ وَلَا يَنفَعُهُمْ ۚ وَلَقَدْ عَلِمُوا۟ لَمَنِ ٱشْتَرَىٰهُ مَا لَهُۥ فِى ٱلْءَاخِرَةِ مِنْ خَلَٰقٍۢ ۚ وَلَبِئْسَ مَا شَرَوْا۟ بِهِۦٓ أَنفُسَهُمْ ۚ لَوْ كَانُوا۟ يَعْلَمُونَ

And they followed [instead] what the devils had recited during the reign of Solomon. It was not Solomon who disbelieved, but the devils disbelieved, teaching people magic and that which was revealed to the two angels at Babylon, Harut and Marut. But the two angels do not teach anyone unless they say, "We are a trial, so do not disbelieve [by practicing magic]." And [yet] they learn from them that by which they cause separation between a man and his wife. But they do not harm anyone through it except by permission of Allah. And the people learn what harms them and does not benefit them. But the Children of Israel certainly knew that whoever purchased the magic would not have in the Hereafter any share. And wretched is that for which they sold themselves, if they only knew.

Noong iniwan nila ang relihiyon ni Allāh ay sinunod nila bilang kapalit doon ang sinasabi-sabi ng mga demonyo na isang kasinungalingan sa paghahari ng Propeta ni Allāh na si Solomon – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – yayamang naghaka-haka ang mga ito na tumatag daw ang paghahari niya dahil sa panggagaway. Hindi tumangging sumampalataya si Solomon sa pamamagitan ng pagsasagawa ng panggagaway – gaya ng hinaka-haka ng mga Hudyo – bagkus ang mga demonyo ay tumangging sumampalataya yayamang sila noon ay nagtuturo sa mga tao ng panggagaway at nagtuturo sa kanila ng panggagaway na ibinaba sa dalawang anghel na sina Hārūt at Mārūt sa lungsod ng Babilonia sa `Irāq bilang panunukso at pagsubok sa mga tao. Ang dalawang anghel na ito noon ay hindi nagtuturo sa isa man ng panggagaway hanggang sa makapagbigay-babala silang dalawa rito at makapagpaliwanag dito sa pamamagitan ng pagsasabi nilang dalawa: "Kami ay pagsubok at panunukso lamang para sa mga tao kaya huwag kang tumangging sumampalataya sa pamamagitan ng pagkatuto mo ng panggagaway." Ang sinumang hindi tumanggap ng payo nilang dalawa ay natututo mula sa kanilang dalawa ng panggagaway. Kabilang dito ay isang uri na nagpapahiwalay sa lalaki at maybahay nito sa pamamagitan ng pagtatanim ng pagkamuhi sa pagitan ng dalawang ito. Hindi nakapipinsala ang mga manggagaway na iyon sa isa man malibang dahil sa pahintulot ni Allāh at kalooban Niya. Natututo sila ng nakapipinsala sa kanila at hindi nagpapakinabang sa kanila. Talaga ngang nalaman ng mga Hudyong iyon na ang sinumang ipinagpalit ang kasulatan ni Allāh sa panggagaway ay walang ukol sa kanya sa Kabilang-buhay na bahagi ni parte. Talagang kay saklap ang pinagbilhan nila ng mga sarili nila yayamang ipinagpalit nila sa panggagaway ang kasi ni Allāh at batas Niya. Kung sakaling sila noon ay nakaaalam sa magpapakinabang sa kanila, hindi sana sila naglakas-loob sa kakutya-kutyang gawain at malinaw na pagkaligaw na ito.

Al-Baqara 2:102Listen in Qur'an →
103

وَلَوْ أَنَّهُمْ ءَامَنُوا۟ وَٱتَّقَوْا۟ لَمَثُوبَةٌۭ مِّنْ عِندِ ٱللَّهِ خَيْرٌۭ ۖ لَّوْ كَانُوا۟ يَعْلَمُونَ

And if they had believed and feared Allah, then the reward from Allah would have been [far] better, if they only knew.

Kung sakaling ang mga Hudyo ay sumampalataya kay Allāh nang totoo at nangilag magkasala sa Kanya sa pamamagitan ng paggawa ng pagtalima sa Kanya at pag-iwan sa pagsuway sa Kanya, talaga sanang ang gantimpala ni Allāh ay higit na mabuti para sa kanila kaysa sa anumang sila ay nakabatay roon, kung sakaling sila noon ay nakaaalam sa magpapakinabang sa kanila.

Al-Baqara 2:103Listen in Qur'an →
104

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ لَا تَقُولُوا۟ رَٰعِنَا وَقُولُوا۟ ٱنظُرْنَا وَٱسْمَعُوا۟ ۗ وَلِلْكَٰفِرِينَ عَذَابٌ أَلِيمٌۭ

O you who have believed, say not [to Allah 's Messenger], "Ra'ina" but say, "Unthurna" and listen. And for the disbelievers is a painful punishment.

Nagtutuon si Allāh – pagkataas-taas Siya – sa mga mananampalataya tungo sa kagandahan ng pagpili ng mga pananalita, na nagsasabi sa kanila: "O mga sumampalataya, huwag kayong magsasabi ng pangungusap na: Magsaalang-alang ka sa amin," na nangangahulugang: "Magsaalang-alang ka sa mga kalagayan namin," dahil ang mga Hudyo ay pumipilipit [sa pagbigkas] nito at kumakausap gamit nito sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – habang naglalayon sila gamit nito ng isang sirang kahulugan: ang katunggakan. Kaya sumaway si Allāh sa [paggamit ng] pangungusap na ito bilang pagtatakip sa usaping ito. Nag-utos Siya sa mga lingkod Niya na magsabi sila bilang kapalit rito ng: "Maghintay ka sa amin," na nangangahulugang: "Maghintay ka sa amin, makauunawa kami tungkol sa iyo ng sinasabi mo." Ito ay isang pangungusap na gumaganap sa [tamang] kahulugan nang walang pangingilagan. Ukol sa mga tagatangging sumampalataya kay Allāh ay isang pagdurusang nakasasakit at nagpapahapdi.

Al-Baqara 2:104Listen in Qur'an →
105

مَّا يَوَدُّ ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ مِنْ أَهْلِ ٱلْكِتَٰبِ وَلَا ٱلْمُشْرِكِينَ أَن يُنَزَّلَ عَلَيْكُم مِّنْ خَيْرٍۢ مِّن رَّبِّكُمْ ۗ وَٱللَّهُ يَخْتَصُّ بِرَحْمَتِهِۦ مَن يَشَآءُ ۚ وَٱللَّهُ ذُو ٱلْفَضْلِ ٱلْعَظِيمِ

Neither those who disbelieve from the People of the Scripture nor the polytheists wish that any good should be sent down to you from your Lord. But Allah selects for His mercy whom He wills, and Allah is the possessor of great bounty.

Hindi iniibig ng mga tagatangging sumampalataya – maging alin man sila: mga May Kasulatan o mga tagapagtambal – na may ibaba sa inyo na alinmang mabuti mula sa Panginoon ninyo, marami man o kaunti, samantalang si Allāh ay nagtatangi ng awa Niya na pagkapropeta, pagkakasi, at pananampalataya, sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Si Allāh ay may-ari ng kabutihang-loob na sukdulan, kaya walang kabutihang nakakamit ng isa sa mga nilikha malibang mula sa Kanya. Bahagi ng kabutihang-loob Niya ang pagpapadala sa Sugo at ang pagpapababa ng kasulatan.

Al-Baqara 2:105Listen in Qur'an →
106

۞ مَا نَنسَخْ مِنْ ءَايَةٍ أَوْ نُنسِهَا نَأْتِ بِخَيْرٍۢ مِّنْهَآ أَوْ مِثْلِهَآ ۗ أَلَمْ تَعْلَمْ أَنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَىْءٍۢ قَدِيرٌ

We do not abrogate a verse or cause it to be forgotten except that We bring forth [one] better than it or similar to it. Do you not know that Allah is over all things competent?

Naglilinaw si Allāh – pagkataas-taas Siya – na kapag nag-aalis Siya ng kahatulan ng isang talata mula sa Qur'ān o nag-aalis Siya ng isang pananalita nito at nalilimutan ito ng mga tao, tunay na Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay nagdudulot ng higit na kapaki-pakinabang kaysa rito nang maaga o huli, o ng nakatutulad dito. Iyon ay ayon sa kaalaman ni Allāh at karunungan Niya. Ikaw ay nakaaalam, O Propeta, na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan, kaya gumagawa Siya ng niloob Niya at humahatol Siya ng ninanais Niya.

Al-Baqara 2:106Listen in Qur'an →
107

أَلَمْ تَعْلَمْ أَنَّ ٱللَّهَ لَهُۥ مُلْكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ ۗ وَمَا لَكُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ مِن وَلِىٍّۢ وَلَا نَصِيرٍ

Do you not know that to Allah belongs the dominion of the heavens and the earth and [that] you have not besides Allah any protector or any helper?

Nalaman mo nga – o Propeta – na si Allāh ay ang naghahari sa mga langit at lupa. Humahatol Siya ng anumang ninanais Niya kaya nag-uutos Siya sa mga lingkod Niya ng anumang niloob Niya, sumasaway Siya sa kanila sa anumang niloob Niya, nagpapasya Siya ng batas na niloob Niya, at nagpapawalang-bisa Siya ng anumang niloob Niya. Walang ukol sa inyo matapos kay Allāh na anumang katangkilik na tatangkilik sa mga nauukol sa inyo, ni mapag-adya na magtataboy palayo sa inyo ng kapinsalaan, bagkus si Allāh ay ang katangkilik ng lahat ng iyon at ang nakakakaya niyon.

Al-Baqara 2:107Listen in Qur'an →
108

أَمْ تُرِيدُونَ أَن تَسْـَٔلُوا۟ رَسُولَكُمْ كَمَا سُئِلَ مُوسَىٰ مِن قَبْلُ ۗ وَمَن يَتَبَدَّلِ ٱلْكُفْرَ بِٱلْإِيمَٰنِ فَقَدْ ضَلَّ سَوَآءَ ٱلسَّبِيلِ

Or do you intend to ask your Messenger as Moses was asked before? And whoever exchanges faith for disbelief has certainly strayed from the soundness of the way.

Hindi bahagi ng nauukol sa inyo, O mga mananampalataya, na humiling kayo sa Sugo ninyo ng hiling ng pagtutol at pang-iinis gaya ng pagkahiling ng mga kalipi ni Moises sa propeta nila bago pa niyan, gaya ng sabi nila (Qur'ān 4:153): "Ipakita mo sa amin si Allāh nang hayagan." Ang sinumang magpapalit ng kawalang-pananampalataya sa pananampalataya ay naligaw nga siya palayo sa gitnang daan, na siyang tuwid na landasin.

Al-Baqara 2:108Listen in Qur'an →
109

وَدَّ كَثِيرٌۭ مِّنْ أَهْلِ ٱلْكِتَٰبِ لَوْ يَرُدُّونَكُم مِّنۢ بَعْدِ إِيمَٰنِكُمْ كُفَّارًا حَسَدًۭا مِّنْ عِندِ أَنفُسِهِم مِّنۢ بَعْدِ مَا تَبَيَّنَ لَهُمُ ٱلْحَقُّ ۖ فَٱعْفُوا۟ وَٱصْفَحُوا۟ حَتَّىٰ يَأْتِىَ ٱللَّهُ بِأَمْرِهِۦٓ ۗ إِنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَىْءٍۢ قَدِيرٌۭ

Many of the People of the Scripture wish they could turn you back to disbelief after you have believed, out of envy from themselves [even] after the truth has become clear to them. So pardon and overlook until Allah delivers His command. Indeed, Allah is over all things competent.

Minithi ng marami sa mga Hudyo at mga Kristiyano na magpanauli sila sa inyo, nang matapos ng pagsampalataya ninyo, bilang mga tagatangging sumampalataya gaya noong kayo ay sumasamba pa sa mga diyus-diyusan, dahilan sa inggit na nasa mga sarili nila. Nagmimithi sila niyon matapos na luminaw sa kanila na ang inihatid ng Propeta ay katotohanan mula kay Allāh. Kaya magpaumanhin kayo, O mga mananampalataya, sa mga gawa nila at magpalampas kayo sa kamangmangan nila at kasagwaan ng anumang nasa mga sarili nila hanggang sa dumating ang kahatulan ni Allāh sa kanila. Dumating na ang utos ni Allāh na ito at ang kahatulan Niya sapagkat ang tagatangging sumampalataya ay pinapipili sa pagitan ng pagyakap sa Islām o pagbabayad ng jizyah o pakikipaglaban. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan kaya hindi sila makapagpapawalang-kakayahan sa Kanya.

Al-Baqara 2:109Listen in Qur'an →
110

وَأَقِيمُوا۟ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتُوا۟ ٱلزَّكَوٰةَ ۚ وَمَا تُقَدِّمُوا۟ لِأَنفُسِكُم مِّنْ خَيْرٍۢ تَجِدُوهُ عِندَ ٱللَّهِ ۗ إِنَّ ٱللَّهَ بِمَا تَعْمَلُونَ بَصِيرٌۭ

And establish prayer and give zakah, and whatever good you put forward for yourselves - you will find it with Allah. Indeed, Allah of what you do, is Seeing.

Isagawa ninyo ang pagdarasal nang lubos ayon sa mga saligan nito, mga isinasatungkulin dito, at mga sunnah dito. Ibigay ninyo ang zakāh ng mga yaman ninyo sa mga karapat-dapat dito. Ang anumang ginagawa ninyo na gawaing maayos sa buhay ninyo kaya nag-uuna kayo nito bago ng pagkamatay ninyo bilang impok para sa mga sarili ninyo ay makatatagpo kayo ng gantimpala nito sa piling ng Panginoon ninyo sa Araw ng Pagbangon sapagkat gaganti Siya sa inyo dahil dito. Tunay na si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita kaya gaganti Siya sa bawat isa dahil sa gawa nito.

Al-Baqara 2:110Listen in Qur'an →

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.