Muslim99Muslim99
← Tafsir library

12. Yusuf

Joseph · Meccan · 111 ayahs

سُورَةُ يُوسُفَ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 81–90 of 111

81

ٱرْجِعُوٓا۟ إِلَىٰٓ أَبِيكُمْ فَقُولُوا۟ يَٰٓأَبَانَآ إِنَّ ٱبْنَكَ سَرَقَ وَمَا شَهِدْنَآ إِلَّا بِمَا عَلِمْنَا وَمَا كُنَّا لِلْغَيْبِ حَٰفِظِينَ

Return to your father and say, "O our father, indeed your son has stolen, and we did not testify except to what we knew. And we were not witnesses of the unseen,

Nagsabi ang kapatid na matanda: "Manumbalik kayo sa ama ninyo saka sabihin ninyo sa kanya: 'Tunay na ang anak mo ay nagnakaw, kaya inalipin siya ng makapangyarihan ng Ehipto bilang kaparusahan sa kanya sa pagnanakaw niya. Wala kaming ipinabatid kundi ayon sa nalaman namin mula sa pagkasaksi namin sa salop na inilabas mula sa sisidlan niya. Hindi kami nagkaroon ng kaalaman na siya ay nagnanakaw. Kung sakaling nalaman namin iyon ay hindi sana kami nakipagkasunduan sa iyo ng pagsasauli sa kanya.

82

وَسْـَٔلِ ٱلْقَرْيَةَ ٱلَّتِى كُنَّا فِيهَا وَٱلْعِيرَ ٱلَّتِىٓ أَقْبَلْنَا فِيهَا ۖ وَإِنَّا لَصَٰدِقُونَ

And ask the city in which we were and the caravan in which we came - and indeed, we are truthful,"

Upang makapagpatunay ka sa katapatan namin, magtanong ka po, O ama namin, sa mga mamamayan ng Ehipto na kami dati ay naroon at magtanong ka po sa mga kasamahan sa karaban na pumunta kami kasama ng mga iyon, magpapabatid sila sa iyo ng ipinabatid namin sa iyo. Tunay na kami ay totohanang talagang mga tapat sa ipinabatid namin sa iyo hinggil sa kanya na pagnanakaw niya.'"

83

قَالَ بَلْ سَوَّلَتْ لَكُمْ أَنفُسُكُمْ أَمْرًۭا ۖ فَصَبْرٌۭ جَمِيلٌ ۖ عَسَى ٱللَّهُ أَن يَأْتِيَنِى بِهِمْ جَمِيعًا ۚ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلْعَلِيمُ ٱلْحَكِيمُ

[Jacob] said, "Rather, your souls have enticed you to something, so patience is most fitting. Perhaps Allah will bring them to me all together. Indeed it is He who is the Knowing, the Wise."

Nagsabi sa kanila ang ama nila: "Ang usapin ay hindi gaya ng binanggit ninyo na pangyayaring siya ay nagnakaw, bagkus humalina sa inyo ang mga sarili ninyo na manlansi kayo sa kanya kung paanong nanlansi kayo sa kapatid niyang si Jose bago pa niyan. Kaya ang pagtitiis ko ay isang pagtitiis na marilag: walang hinaing dito kundi kay Allāh. Sana si Allāh ay magsauli sa kanila sa akin sa kalahatan: si Jose at ang kapatid niyang buo, at ang matandang kapatid nilang dalawa. Tunay na Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang Maalam sa kalagayan ko, ang Marunong sa pangangasiwa Niya sa nauukol sa akin."

84

وَتَوَلَّىٰ عَنْهُمْ وَقَالَ يَٰٓأَسَفَىٰ عَلَىٰ يُوسُفَ وَٱبْيَضَّتْ عَيْنَاهُ مِنَ ٱلْحُزْنِ فَهُوَ كَظِيمٌۭ

And he turned away from them and said, "Oh, my sorrow over Joseph," and his eyes became white from grief, for he was [of that] a suppressor.

Lumayo siya na umaayaw sa kanila at nagsabi: "Ah, ang tindi ng lungkot ko dahil kay Jose!" Ang kaitiman ng mga mata niya ay naging kaputian dahil sa dalas ng pag-iyak niya dahil kay Jose sapagkat siya ay puno ng kalungkutan at pag-aalala. Nagkukubli siya ng lungkot niya sa mga tao.

85

قَالُوا۟ تَٱللَّهِ تَفْتَؤُا۟ تَذْكُرُ يُوسُفَ حَتَّىٰ تَكُونَ حَرَضًا أَوْ تَكُونَ مِنَ ٱلْهَٰلِكِينَ

They said, "By Allah, you will not cease remembering Joseph until you become fatally ill or become of those who perish."

Nagsabi ang mga kapatid ni Jose sa ama nila: "Sumpa man kay Allāh, hindi ka tumitigil, O ama namin, na umaalaala kay Jose at nagdurusa dahil sa kanya hanggang sa tumindi sa iyo ang karamdaman o mapahamak ka talaga."

86

قَالَ إِنَّمَآ أَشْكُوا۟ بَثِّى وَحُزْنِىٓ إِلَى ٱللَّهِ وَأَعْلَمُ مِنَ ٱللَّهِ مَا لَا تَعْلَمُونَ

He said, "I only complain of my suffering and my grief to Allah, and I know from Allah that which you do not know.

Nagsabi sa kanila ang ama nila: "Hindi ako naghihinaing ng dumapo sa akin na pagkahapis at lungkot kundi kay Allāh lamang at nakaaalam ako mula sa kabaitan ni Allāh, paggawa Niya ng maganda, pagtugon Niya sa nagigipit, at ganti Niya sa nagdurusa ng hindi ninyo nalalaman mismo."

87

يَٰبَنِىَّ ٱذْهَبُوا۟ فَتَحَسَّسُوا۟ مِن يُوسُفَ وَأَخِيهِ وَلَا تَا۟يْـَٔسُوا۟ مِن رَّوْحِ ٱللَّهِ ۖ إِنَّهُۥ لَا يَا۟يْـَٔسُ مِن رَّوْحِ ٱللَّهِ إِلَّا ٱلْقَوْمُ ٱلْكَٰفِرُونَ

O my sons, go and find out about Joseph and his brother and despair not of relief from Allah. Indeed, no one despairs of relief from Allah except the disbelieving people."

Nagsabi sa kanila ang ama nila: "O mga anak ko, umalis kayo saka umalam kayo ng mga ulat hinggil kay Jose at sa kapatid niya. Huwag kayong mawalan ng pag-asa sa pagpapaginhawa ni Allāh at pag-aaliw Niya sa mga lingkod Niya; tunay na walang nawawalan ng pag-asa sa pagpapaginhawa Niya at pag-aaliw Niya kundi ang mga taong tagatangging sumampalataya dahil sila ay hindi nakababatid sa pagkadakila ng kakayahan Niya at pagkakubli ng pagmamabuting-loob Niya sa mga lingkod Niya."

88

فَلَمَّا دَخَلُوا۟ عَلَيْهِ قَالُوا۟ يَٰٓأَيُّهَا ٱلْعَزِيزُ مَسَّنَا وَأَهْلَنَا ٱلضُّرُّ وَجِئْنَا بِبِضَٰعَةٍۢ مُّزْجَىٰةٍۢ فَأَوْفِ لَنَا ٱلْكَيْلَ وَتَصَدَّقْ عَلَيْنَآ ۖ إِنَّ ٱللَّهَ يَجْزِى ٱلْمُتَصَدِّقِينَ

So when they entered upon Joseph, they said, "O 'Azeez, adversity has touched us and our family, and we have come with goods poor in quality, but give us full measure and be charitable to us. Indeed, Allah rewards the charitable."

Kaya sumunod sila sa utos ng ama nila at umalis sila para maghanap kay Jose at sa kapatid niya. Kaya noong nakapasok sila kay Jose ay nagsabi sila: "Dumapo sa amin ang kagipitan at ang karalitaan. Nagdala kami ng panindang hamak na kakarampot, ngunit magtakal ka po para sa amin ng pagtatakal na lubus-lubos gaya ng pagtatakal mo noon para sa amin bago pa nito. Magkawanggawa ka po sa amin sa pamamagitan ng pagdaragdag doon o pagpipikit-mata sa [kalidad ng] paninda naming hamak; tunay na si Allāh ay gumaganti sa mga tagapagkawanggawa ayon sa pinakamagandang ganti."

89

قَالَ هَلْ عَلِمْتُم مَّا فَعَلْتُم بِيُوسُفَ وَأَخِيهِ إِذْ أَنتُمْ جَٰهِلُونَ

He said, "Do you know what you did with Joseph and his brother when you were ignorant?"

Kaya noong nakarinig siya sa pananalita nila ay nagsampatiya siya sa kanila dala ng awa sa kanila. Nagpakilala siya sa kanila ng sarili niya. Nagsabi siya: "Nakaalam nga kayo sa ginawa ninyo kay Jose at sa kapatid niya nang kayo ay mga mangmang sa kahihinatnan ng ginawa ninyo sa kanilang dalawa?"

90

قَالُوٓا۟ أَءِنَّكَ لَأَنتَ يُوسُفُ ۖ قَالَ أَنَا۠ يُوسُفُ وَهَٰذَآ أَخِى ۖ قَدْ مَنَّ ٱللَّهُ عَلَيْنَآ ۖ إِنَّهُۥ مَن يَتَّقِ وَيَصْبِرْ فَإِنَّ ٱللَّهَ لَا يُضِيعُ أَجْرَ ٱلْمُحْسِنِينَ

They said, "Are you indeed Joseph?" He said "I am Joseph, and this is my brother. Allah has certainly favored us. Indeed, he who fears Allah and is patient, then indeed, Allah does not allow to be lost the reward of those who do good."

Nagulat sila at nagsabi sila: "Tunay na ikaw ba ay ikaw si Jose?" Nagsabi sa kanila si Jose: "Oo; ako si Jose at itong nakikita ninyo kasama ko ay ang kapatid kong buo. Nagmagandang-loob nga si Allāh sa amin sa pamamagitan ng pagpapalaya mula sa dating lagay namin at sa pamamagitan ng pag-aangat ng katayuan. Tunay na ang sinumang mangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, at magtitiis sa pagsubok, tunay na ang gawa niya ay bahagi ng paggawa ng maganda at si Allāh ay hindi magwawala sa pabuya sa mga tagagawa ng maganda, bagkus nangangalaga Siya nito para sa kanila."

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.